Chapter 11
“Ouch!” mabilis akong nagising nang may maramdaman akong kurot sa aking tagiliran, “Aray!” sino naman ang kukurot sa akin? Ang alam ko ay ako lamang ang nakakaalam kung saan ako nakatira.
Minulat ko ang aking mga mata, gulat na lamang ako nang makita ko si Vessai.
“Ano ‘yan? Bakit ganiyan ang itsura mo?” kinusot ko ang aking mga mata. Gayo’n na lamang ang gulat ko. Bakit narito siya? “S-sai?” tanong ko, umupo ako sa aking kama. Ramdam ko ang sakit ng aking ulo. “Bakit ka narito? Saka paano ka nakapasok?” iyon agad ang aking tanong. Alam kong mahigpit sila dito.
“Girl, kinabahan ako sa ‘yo! Akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo! Mabuti na lang at tumawag sa akin Ga-” nahinto niya ang kaniyang sasabihin, saka niya tinakpan ang bunganga ng palad. “Nino?” masakit talaga ang ulo ko.
“G-guard! Sabi ng Guard sa baba!” kumurap-kurap ako, saka ko naisip na ‘oo nga pala!’ nakita niya ako kagabi. Kinamot ko ang aking batok, “Ano naman ngayon kung nakita niya ako?”
“Marami kang sleeping pills na binili, Wensy! Nababaliw ka na ba? Aanhin mo ang gano’n karaming box ng sleeping pills! Natakot ako!” kinagat niya ang kaniyang labi at mabilis na yumakap sa akin. “Nakakainis ka! Kanina ay iiyak na sana ako! Ayaw mo gumising!”
Kahit antok pa ako ay matipid akong ngumiti, minsan pala talaga ay kailangan natin ng kaibigan sa buhay. Kaibigan na pwede mong pagsabihan ng problema, hindi ko alam kung bakit ganito ako ngayon.
Pero nahihirapan na ako magsabi ng problema ko sa iba, feeling ko kasi ay laban ko lang ito at hindi na nila dapat pang malaman kung ano ang nanyayari sa akin ngayon.
“O-okay lang ako, ano ka ba!” niyakap ko na rin siya, “I miss you, Sai..” na-miss ko ang bruhang ito. Taon na kasi ang lumipas, nagbago na rin ako at ang ugali ko. “Nakakainis ka talaga!”
“Ma’am ayos na po ba?” dumating ang isang guard at isang lalaki na naka-tuxedo. “Ms. Cervantes, are you alright?” tanong sa akin ni Delion Villion. Ang may-ari ng Villion Tower na ito.
Bakit ba sila narito?
“A-ayos lang naman po.. t-teka? Bakit sila narito? Ano meron?” tinapik ni Dell ang guard at may sinabi, saka naman ito umalis at tumungo. Nasa pintuan lamang si Dell sa nakatingin sa akin.
“May nag-report sa amin, Ms. Cervantes. Bunch of boxes of sleeping pills.” kumunot ang noo ko, “Excuse me? Bawal ba iyon dito? Banned ba ang sleeping pills sa tower na ito?” bakit pati ang sleeping pills ay papakialaman nila?
“No, may nag-report lang. We need to check you, if everything is fine. Ayaw namin may magpakamatay sa Tower na ito,” tumirik ang mata ko sa inis, “Hindi ako magpapakamatay, sino ba ang nagsabi sa inyo na magpapakamatay ako? ‘Yung guard?” siya lang naman ang nakakita rin ng mga dala ko!
“Pasensiya ka na sa kaibigan ko, ganiyan talaga ka-kupal ang ugali niya. Brat kasi ‘yan at spoiled, nu’ng kabataan niya.” pagpapasensiya ni Vessai ay Dell, iyong kapatid ng asawa ni Tine na aking pinaggawan ng wedding gown at evening gown.
“Sanay na ako sa ganiyan. May kilala rin akong spoiled at brat, sobrang tigas ng ulo at masarap iumpog sa pader.” nagkatinginan kaming dalawa ni Vessai, kinabahan tuloy ako at baka iumpog niya ang ulo ko sa pader. “H-hindi naman siya ang tinutukoy mo, ‘di ba?” nahihiyang turo sa akin ni Vessai.
“No, don’t worry. Since everything is alright, excuse me ladies.” pagpapaalam niya sa amin, saka niya nawala sa aking paningin.
“Hindi mo naman sinabi na gwapo ang may ari ng Villion Tower!” hinila pa ni Vessai ang braso ko, “Hindi naman ako naga-gwapuhan sa kaniya.” ngisi ko, “Anong hindi! Sabagay, panay Gav pa rin naman ang nakikita mo-” nahinto siya muli. Parang may nasabi siyang mali at tumingin sa akin.
“Magkwento ka nga, para saan ang mga sleeping pills?” mabilis akong umiga. Ayoko na sana ang magkwento pa muli, paulit-ulit na lang kasi. “Para makatulog ako.”
“Bakit? Hindi ka ba makatulog?”
“Satingin mo? Bibili pa ba ako ng sleeping pills, kung mabilis akong makatulog?” pilosopo kong sagot, “Alam mo, taon na ang nakalipas, ganiyan ka pa rin.” tinarayan niya ako at tumayo.
“Hindi maganda sa kalusugan ang pag-inom ng sleeping pills, D’zai!” hinampas niya pa ako sa aking hita, rinig ko ang tunog n’yon sa bigat ng kamay niya. “Kinakabahan ako sa ‘yo, baka mamaya at mamatay ka nang hindi ko man lang nalalaman kung napano ka years ago.”
“Ayos lang naman talaga ako, ‘wag ka nang mag-alala.” umurong ako para makatayo. Nasa gitna kasi ako ng aking kama, “Ayos? Tignan mo nga? Sa tabi ng kama mo panay alak! Tapos marami ka pang sleeping pills!”
“Sabi ko naman sa ‘yo, hindi nga ako makatulog. Inaatake ako ng insomnia!”
“Pag-ready ka na magkwento, tawagan mo ako. Iniwan ko lang si Rise kay Manang, hindi ako pwedeng magtagal.” tumango na lamang ako.
Iniwan niya pa ang kaniyang anak, mapuntahan lamang ako dito at I-check kung ayos lang.
“Paki-halik na lang kay kanin.”
“Kanin?” kumunot ang kaniyang noo, matapos kaming magbeso dalawa, “Sa anak mo.” mas lalong kumunot ang kaniyang noo, “Kay Rise?”
“Bakit kanin?” sunod niya pang tanong, ngunit natawa na lamang ako. Hindi niya na-gets ang sinabi ko. “Ay putek! Hoy, ‘wag mong inaasar ang anak ko! Rise ‘yon! Es!” tumungo-tungo lang ako, “Oo naman, Rise..” para matigil na siya.
Tumunog ang kaniyang telepono at kita ko ang kaniyang gulat ko nang tignan niya ang screen nito.
“Sino ang tumatawag?” tanong ko sa kaniya, ngumiti lamang siya sa akin ng tila takot. “W-wait!” weird, sino naman kaya ang katawagan niya? “Oo buhay pa siya,” sagot niya sa telepono nito.
Tumingin siya sa akin at nang tignan ko siya ay agad siyang ngumiti.
“Sino ba ‘yan?” umawang ang kaniyang labi, “Si Jacob!” mabilis niyang sagot, bakit nakapunta pa kay Jacob ang nangyari? “Chismosa ka talaga, pinakalat mo pa sa kung kani-kanino ang nangyari, fake news ka.” kumuha ako ng basong tubig.
“Pakausap nga! May sasabihin lang ako.”
“H-ha! W-wait-” hindi ko na siya pinatapos nang kunin ko sa kaniyang kamay ang cell phone nito. “Cob!” tawag ko sa kabilang linya, ngunit wala akong narinig na sumagot. “Cob, mamaya free ako. Pumunta ka na lang ulit sa Shore Corp, kung tuloy ba ‘yung labas natin mamaya.” ngunit wala pa rin talagang nasagot.
May kausap pa ba ako? Titignan ko na sana kung tuloy pa rin ang tawag nang hilain ni Vessai ang cell phone, hindi ko na nakita ang pangalan.
“B-baka tumatawag na ang anak ko!” pinatay ni Vessai ang tawag at inilagay sa kaniyang bag ang cell phone, “Really? Baka tumatawag ang anak mo? Baby? Nagse-cell phone?”
“Alam mo, ‘wag kang epal. Sige na, aalis na ako!” hinalikan niya ako muli sa pisngi saka lumabas ng unit ko. Ngayon ay ako na lamang muli mag-isa.
Tinignan ko ang orasan, ngayon ko napagtanto na late na pala ako para sa pasok ko ngayon sa Shore Corp.
Anyways, ako naman ang boss kaya ayos lang.
Nagsimula akong kumilos, hindi na rin ako nag-almusal. Wala rin naman laman ang ref ko, hindi na ako nakapag-grocery sa kakaisip.
“Good morning, Ma’am.” bati sa akin ni Romi, iyong secretary ko. “Morning,” bati ko rin sa kaniya. Inilapag ko ang aking dalang bag sa mesa at sumanda sa swivel chair, tulad nang aking ginagawa.
“Ma’am may bad news ako.” hindi pa man rin nagsisimula ang magandang araw ko ay bad news na agad ang masasagap ko. “Sige, ano ‘yon?” kahit masakit sa ulo ko.
“Gusto na raw po kunin ng Ferrer ang kanilang in-invest sa company.” napahilamos ako sa aking mukha. Ano nanamanang problemang ito?
“Five million pesos,” mas lalong sumakit ang ulo ko, saan ako kukuha ng gano’n kalaki na pera! “Maghanda ka ng meeting, kakausapin ko ang mga Ferrer. Tanungin mo kung kailan sila free,” tumungo naman siya sa utos ko.
“Yes, Ma’am.” sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng gano’nn kalaki na pera! Saan? Gusto kong maiyak, kung alam ko lang ay dapat nilaklak ko na ang sleeping pills kagabi, ngunit nakakaawa naman si mommy.
Siya naman ang mamomoblema ng problema ko ngayon.
Kaya mo ‘to, Wensy!
“Kuhaan mo nga rin ako ng kahit kape lang, pasensiya ka na. Talagang sumasakit na ang ulo ko.” mukhang naintindihan naman niya ang nangyayari, kaya sinunod niya na lamang ako.
Lumabas na si Romi nang mapa-iyak ako sa sakit. T-ngina na talagang buhay ito! Hinilamos ko muli ang aking palad sa aking mukha.
“Kalma lang, Wensy. Gagawa tayo paraan.”