Chapter 12
“Ano ba kasi ang nangyari? Magsalita ka naman.” nilalaklak ko ang isang bote ng hard drinks. Kasama ko ngayon si Trix sa isang malapit na bar.
“Hayaan mo muna ako.” hindi ko pa kayang magsalita at magkernto, hindi ko naman gusto ang nangyayari at kapag naiisip ko ay naiinis lang ako. “Paano ka namin matutulungan?”
“Tric, wala nga akong problema.”
“Hindi iyan ‘yung nakikita ko, Wensy. Hindi maganda na sinasarili mo ‘yung problema.” inilapag ko ang aking dalang bote at tumingin sa kaniya. “Ano ang gusto mo? Sabihin ko sa ‘yo at sabay tayong mamoblema?” nahinto siya at tila napaisip.
“Hindi lahat ng tao ay kayang sabihin ang problema nila, Trix. Kahit gustong-gusto ko, hindi ko magawa. Kasi alam mo kung bakit? Dahil sa tuwing sasabihin, para akong nadudurog.”
“Sa tuwing naiisip ko, nasasaktan ako. Trix, walang paraan para sa problema ko kunghindi ang sumuko at mag-move on, pero ako na ‘yung may problema.” turo ko sa sarili ko. “Ako na ‘yung may ayaw mag-move on, kasi hindi ko kaya.”
“Hanggang ngayon, masakit.” turo ko sa aking dibdib, “Sorry..” wala siyang nagawa kung hindi ang hawakan na lamang ang braso ko. “Pasensiya ka na rin, hindi ko pa talaga kayang sabihin sa kahit kanino. Feeling ko kasi ay hindi ko pa talaga kaya.” tumungo-tungo siya at ngumiti ng kaunti. “Ayos lang, naiintindihan ko. Ang importante ay ma-feel mo na may kasama ka pa rin sa kahit anong problema.” mapait akong ngumiti at yumakap sa kaniya.
“Ang ganda ng resto bar na ‘to.” elegant pa rin ang datingin. “Kaya nga, e. hindi ko alam kung sino may ari nito, bago lang kasi ‘to.” napalingon kami sa gilid nang may nagsalita.
“Bakit wala siya? First gig natin ‘to!” nagkatinginan kaming dalawa ni Trix. Mukhang naiisip niya ang naiisip ko, dahil gwapo ang lalaking may hawak na gitara sa gilid namin na kakapasok pa lamang.
“Tawagan mo nga si Abigail!” sumunod naman ang isa niya pang kasama. “Ang gwapo.” bulong ni Trix sa akin, “Girl, loyal ka, ‘di ba?” tanong ko sa kaniya, ngumisi lamang siya sa akin. “Ikaw rin naman, ‘di ba?” dumiin ang kaniyang tanong na nakapagpatahimik sa akin.
“Hindi nasagot, Duke!” rinig pa namin, “Duke! Nand’yan lang pala kayo, ready na kayo? Oh! Asan ang vocalist niyo?” sa likod namin si nag-usap, nakikiramdam lang kaming dalawa ni Trix.
“Chismosa ka.” bulong ko sa kaniya, “Ay wow! Parang ikaw, hindi.” tinuro niya pa ang ako.
“Hindi nasagot, sh-t!” gumalaw ang panga nang nagngangalang Duke. Naabutan niya akong nakatingin sa kaniya at agad ako pinagtaasan ng kilay, “Ay ang sungit.” hinila ni Trix ang braso ko, “Feeling gwapo.” sunod kong bulong, “Girl, gwapo naman kasi talaga.”
“Tapos ‘yung ugali ang pangit.”
“Baka nakakalimutan mo, ‘yung ex mo ay gano’n rin ang ugali.” wala nanaman akong nasabi sa sagot niya sa akin. “Hindi siya nasagot.”
“Paano ‘yan? Pupunta pa naman dito mamaya ay may ari ng resto na ito, baka mamaya ay malagot ako.” habang nakatagilid ay sinubukan kong lumingon, para maki-chissmis. “Gagawan namin ng paraan, ‘wag kang mag-alala.”
“Ikaw na lang kumanta, Duke.”
“Kung ihampas ko sa ‘yo ‘tong gitara ko?” nagtawanan naman ang nasa likod. “Bakit kasi binusted mo si Abi, ayan tuloy hindi na nagpakita.” tumuloy sila sa paglalakad. “Busog ka sa chismis, ah!” tinuro niya ang hawak ko na alak.
“Tumigil ka na nga,” sinilip ko muli ang nasa gilid na banda at gano’n na lamang ang gulat ko nang makitang nakatingin sa akin ang lalaking nagngangalan na Duke. “Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?” lilingon na sana si Trix sa likod niya, ngunit agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
“Trix, I love you.” napaurong siya nang sabihin ko iyon, hindi ko na rin alam kung ano ang sinasabi ko. “Huh? Hindi tayo talo! Nahihibang ka na ba?” tumaas ang kaniyang dalawang kilay at inalis ang hawak ko sa kaniyang pisngi.
“H-hindi mo ako gusto? Busted na ako?” ininom ko ang aking alak. Baka kasi mamaya ay isipin ng lalaking iyon na may gusto ako sa kaniya. Nanigas ang katawan ko nang dumaan ang lalaking iyon sa gilid namin, ngayon ay nasa likod ko na siya, dahil nakaharap ako kay trix sa isang island bar.
“Beer, light.” sumilip si Trix sa likod ko, “Psst!” tawag ni Trix sa likod ko na aking kinagulat. “Hoy! ‘Wag ka ngang ganiyan!” binaba ko ang kaniyang daliri, dahil ituturo niya nasa ang nasa likod ko.
“Pasensiya na, lasing.” turo ko kay Trix, hindi naman siya ngumiti sa akin o nagsalita. Tanging nakatingin lang siya sa akin nang parang antok. “K.”
K?
“Naghahanap kayo vocalist? Ito, magaling ‘to kumanta.” binaba ko muli ang daliri ni Trix na nakaturo sa akin, “Sira ulo ka, nalalasing ka kaagad sa isang bote pa lang!” nakakahiya siya.
“Then?”
“Wala, hindi-” sasabihin ko nasa iyon nang dumating ang ilan niyang kaibigan. “Nakanta ka?” isang lalaki ang nasa harapan ko, “Boj,” tawag sa kaniya ni Duke.
“Pwede ka ba ngayong gabi lang? Hindi kasi dumating ang vocalist namin-”
“Boj.” tawag nanaman sa kaniya ni Duke sa pangalang beses, “Duke, gusto mo ‘bang mapahiya tayo? Mapapahiya rin si Jaylo.”
“Oo nga naman, pwede ka ba, Miss? Pwede ba kami makarinig ng sample mo?” agad akong umiling, “Sorry, hindi ako marunong kumant-”
“Ito, oh!” mabilis na ibinigay ni Trix ang kaniyang cell phone sa lalaking pangalan ay Boj.
“Say something that I’m giving on you..” agad nanlaki ang mga mata ko. Ayan ang kinanta ko nu’ng college ako! “Trix!” saway ko sa kaniya, “See? Magaling siyang kumanta, ‘di ba?”
“Duke.” tawag ni Boj sa lalaking nasa likod ko, “Hindi talaga ako nakanta-”
“Hindi niya gusto, ‘wag mong pilitin.” ibinaba ni Duke ang kaniyang bote ng beer. “Nariyan na ba ang vocalist niyo? Papunta na ang may ari, malalagot ako kung wala pa ring nakanta sa gitna!” nakita ko ang pangalan nito sa damit niya. Jaylo..
Mukhang siya ang sinasabi ni Boj na kawawa, kung hindi sila magpe-perform ngayon.
“Wala-”
“Ako.” agad kong tinaas ang kamay ko, “Narito ako, sorry.” tumingin sa akin ang pusong babae na si Jaylo. “Duke?” tanong nito sa likod ko. Agad naman akong tumayo, nakapang-office attire pa ako. “Ayan-ayan!” pumalakpak si Trix sa tabi ko.
“Y-yeah.” mahinang sagot ni Duke, “Yes! Yes! Thank you so much?” pumapalakpak pa si Boj at agad na inilahad ang kaniyang kamay sa akin, bilang pasasalamat. “W-wensy..” ngumiti ako ng tipid. “Thank you, Wensy!” tatlo lamang silang lalaki. Si Boj ay may hawak na drum stick at ang dalawa naman ay gitara.
“William.” pakilala ng isang may hawak na gitara. “Boj,” pakilala naman sa akin ng may hawak na drum stick, “Siya naman si Duke.” turo nito sa likod ko.
Wala akong narinig na kahit anong salita sa kaniya.
“Ganiyan talaga ‘yan, tahimik.” bulong ni Boj sa akin, “Boys, ready na kayo? Punta na kayo sa gitna.” agad kumilabot ang kaba sa aking dibdib, mukhang mali na pumayag pa ako sa desisyon na ito!
“Siguraduhin mo lang na marunong ka.” bulong sa akin nang kung sino at agad na dumaan si Duke sa gilid ko at nauna. Kumurap-kurap ako, hindi man lang marunong magpasalamat!
“Ano ang mga alam mong kanta?” kinabahan ako agad muli. “A-ano ba dapat ang kakantahin niyo?” napalunok pa ako, ang yabang ko naman. Baka mamaya ay hindi ko naman pala alam ang kanta na kakantahin nila.
“Alam mo ba ‘yung ‘Huwag na huwag mong sasabihin? Iyong kay Kitchie?” napatingin ako kay Duke, “Tsk, hindi niya alam. Mukhang mga ingles lamang ang alam mo.”
“Oh wooh.. ‘Wag na ‘wag mong sasabihin, na hindi ko nadama itong.. pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo..” kinanta ko iyon sa kanilang harapan, sino nagsabing hindi iyon alam?
Nakatingin lamang sa akin si Boj at William, habang si Duke naman ay kumurap-kurap.
“Boys, lets go! Parating na si Boss!” agad kaming umakyat sa stage, binalutan ako ng kaba nang makita ko ang mga taong nakatingin na sa amin. “Woh! Kaibigan ko ‘yan!” sigaw ni Trix sa likod.
“Ayusin mo, kung hindi patay ka sa ‘kin.” kumunot ang noo ko, nang bulungan ako ni Duke. Natatakot hawakan mic na nasa harap ko. Nanginginig pa ang kamay ko at nangangatog naman ang tuhod ko.
May ibinigay silang papel sa akin at iyon ay nasa unahan. Pwede kong mabasa ang lyrics.
“Ready? One, two, three-” agad sinimulan ni William ang intro gamit ang kaniyang gitara. At nang simulan na ni Boj ang paghampas sa drums ay parang naramdaman ko ang musika sa aking katawan.
Kita ko ang mga taong natungo mula sa ibinibigay naming musika.
May gusto ka bang sabihin. Pagsisimula ko mula sa kanta.
Ba’t ‘di mapakali
Ni hindi makatingin
Sana’y ‘wag mo na ‘tong palipasin
At subukang lutasin
Sa mga sinabi mo na
Damang-dama ko ang kanta, ngayon na lamang ako muli nakakanta.
Iba’ng nararapat sa akin
Na tunay kong mamahalin
Doon ko naalala ang mga sinabi ko kay Gav noon, “Hindi ikaw ang para sa akin, Gav. May iba pang babae na kaya kang ipaglaban at mamahalin ka ng buo.” ang sakit sa dibdib na sabihin ko sa kaniya iyon nu’ng araw na iyon. Dahil iyon ang araw na lilisanin ko na ang Pilipinas.
Oh wooh
‘Wag na ‘wag mong sasabihin
Na hindi ko nadama itong
Pag-ibig kong handang
Ibigay kahit pa kalayaan mo
Palagay ko ang kantang ito ay para sa akin. Feeling ko ay kinakanta ‘to para sa akin ni Gav.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang pumasok mula sa resto bar na ito. Kahit siya ay nanlaki rin ang mga mata, kasama niya ang babaeng..
At sa gabi sinong duduyan sa ‘yo
At sa umaga ang hangin na’ng hahaplos sa ‘yo, oh
Tumulo ang mga luha ko, hindi ko pa rin talaga kaya na makita silang dalawa.
Oh wooh
‘Wag na ‘wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong
Pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo, oh wooh
Pinikit ko ang aking mga mata. Sa pagtatapos ng kanta ay tinapos rin ni Boj mula sa pag-hampas mula sa cymbals.
Nang minulat ko ang aking mga mata ay marami ang nagsipagpalakpakan. Napatingin ako kay Duke na ngayon ay nakatingin sa akin, pinunsan ko ang aking mga luha.
“T-thank you.” huli sabi ko sa mic at tila bababa nang hawakan ni Duke ang braso ko. “May isa pang kanta.” napatingin ako sa kaniya. “Akala ko ba ay isa lang?”
“May isa pang kanta.” nagulat ako nang punasan niya ang luha ko, mabilis kong tinabig ang kaniyang kamay. Hindi ako sanay na hinahawakan ako nang kung sinong lalaki.
“Last na ‘to,” diin kong sabi at agad na pumwesto muli sa gitna, “Ano ang susunod na kanta?” tanong ko.
“Ano ang alam mo?”
“That should be me? Okay lang ba?” ako na ang nag-request, ngumiwi si Duke nang makita ko iyon. “Sige..” tumungo si Duke sa likod mula kay Boj at William.
Nakatingin ako kay Gav nang simulan ni Duke ang intro.
Para sa ‘yo, Gav.