Chapter 13
“Kung magkaka-anak tayo? Ano ang gusto mong ipangalan?” tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Hinawakan niya ang kaniyang baba at nag-isip, “Uhm.. paglalaki, gusto ko ‘Lucas.”
“Paano pagbabae?”
“Loreen.” mukhang napag-isipan niya na talaga ang lahat, kahit ang mga pangalan ng anak namin ay alam niya na rin ang ipapangalan. “Ikaw may naiisip ka?” umiling lang ako, wala akong naiisip. “Ano ang gusto mong ipangalan sa mga babies natin?”
“Siguro.. uhm, gusto ko pangalan niya ay Galvin, isusunod ko sa pangalan mo.” tumungo-tungo naman siya, “Galvin Lucas?” pinagsama niya ang gusto naming pangalan sa baby namin na lalaki, kung sakali. “Paano pagbabae?”
“Uhm, Weiley.. isusunod ko naman sa akin.”
“Weiley Loreen..” hinawakan niya ang tyan at mabilis ko naman iyong hinampas, kinabahan ako sa ginawa niya. “Bakit mo hinihimas ‘yan? Wala namang baby d’yan!” humalakhak siya at hinalikan ang pisngi ko.
“Soon, magkaka-baby na tayo.”
“Sa akin mo ba talaga gusto magka-baby?” kumunot ang kaniyang noo, “Sa ‘yo lang talaga, ikaw lang ang papakasalan ko. Sa ‘yo lang ako..” sunod niyang sabi.
Imunulat ko ang aking mga mata at mariin siyang tinignan. Ang mga ala-ala na iyon ang nagpapasakit pa lalo sa akin.
Everybody’s laughing in my mind.
Rumors spreading ‘bout this other guy..
Do you do what you did when you did with me
Does she love you the way I can
Kita ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin, walang emosyon ngunit kita naman ang pagkagulat.
Did you forget all the plans that you made with me?
‘Cause baby I didn’t..
Hinding-hindi ko makakalimutanang lahat ng mga iyon, Gav. Lahat ng mga plano natin, lahat ng mga gusto nating mangyari.
Kita ko kung paano hinawakan ni Danica ang kamay ni Gav, saka ko ipinikit ang aking mga mata.
That should be me, holding your hands
That should be me, making you laugh
That should be me, this is so sad
That should be me
That should be me.
Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon ay tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na kaya pa ang sakit, parang pinipiraso ang puso ko.
That should be me, feeling your kiss
That should be me, buying you gifts
This is so wrong
I can’t go on
Till you believe that
That should be me
That should be me..
Matapos kong sabihin ang huling linya ay minulat ko muli ang aking mga mata. Gano’n na lamang muli ang gulat ko nang magsihiyawan ang mga nanonood sa amin at ang iba ay may hawak pa na cell phone, tila kinukuhaan ako ng video.
“Nice one, buttercup!” isang hawak ni Boj sa braso ko ay agad akong nagulat. “Naiyak ka ba?” tumingin siya sa akin, “Boj.” tawag sa kaniya sa gilid ko, “Ang sabi mo ay last na iyon, kaya aalis na ako.”
Hindi na ako nag-antay pa nang sasabihin niya, bumaba na lamang ako.
Kumaway sa akin si Danica at tila lalapit na sa akin nang may humarang sa aking harapan. Sa tangkad nito ay kailangan ko pang tumungo, bakit naman siya nasa harap ko? Ang bilis n’ya, ah! Kanina lang ay nasa stage pa siya.
“We need to talk-”
“Hindi ako interested.” itinaas ko ang aking kamay para pahintuin siya sa pagsasalita. “Tsk, ano ba akala mo? Liligawan kita?” lumayo ang mukha niya ng kaunti, parang nainis siya sa sinabi ko. Hindi naman iyon ang meant kong sabihin! “Wala naman akong sinab-”
“Ms. Wensy!” nagulat ako nang lumapit si Danica, saka niya ako niyakap. Tinignan ko lamang si Duke na umiwas ng tingin. “Hindi ko alam na magaling ka pa lang kumanta!” pagpuri niya pa sa akin nang umalis siya sa yakap nito sa akin.
“A-actually..”
“Babe! Nandito si Ms. Wensy!” drop the Miss, please. “Uhm?” tipid na sambit ni Gav, saka niya ako tignan. Kita ko ang pagtingin niya sa lalaking nasa gilid nito. “Sir. Gav!” bumida ang isang boses mula sa likod namin.
Si Jaylo, bakit Sir. Gav?
“Ito po pala ‘yung bagong banda natin. Ang daming nag-video, panigurado akong sisikat ang bandang ito.” tinampal ni Jaylo ang braso ni Duke. Ngunit hindi na iyon pinalagan ni Duke, “Buttercup, we need to talk.”
Bakit buttercup ang tawag niya sa akin!? nakigaya na rin siya sa tawag sa akin ni Boj!
“Oh! Boy friend mo?” hinawakan ni Danica ang aking braso, “Ang gwapo, akala ko naman ang boy friend mo ay iyong nakita natin sa resto.”
“H-hindi, kaibigan ko lang ‘yon.” sumilip ako kay Gav, hindi siya nakatingin sa akin, kung hindi kay Duke na nakatingin lang din sa kaniya ng walang emosyon.
“Babe?” tanong ni Danica, “A-alis na kami, ah.” inalis ko ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso, nagulat naman siya nang gawin ko iyon. “Huh? Saan? Dito muna kayo!”
“We have another gig, male-late na tayo, buttercup.” napalunok ako, baka naman mamaya ay gawin na nila akong vocalist nito. Ayoko nga! Dagdag sa trabaho, hindi ko gusto.
“A-ah! Oo nga pala!” mapait akong ngumiti, nagkunyaring oo nga na may susunod pa kaming gig. “Ouch, next time, ah! Magchikahan tayo, saka gusto kong sabihin sa ‘yo ‘yung mga demands ko about sa gown.” yumuko na lamang ako, siguro nga ay hanggang doon na lang talaga.
Gown niya, gown ng fiance ng ex ko..
“C’mon.” nagkatinginan kami ni Gav at nang mapansin niyang nakatingin rin ako sa kaniya ay umiwas na ito ng tingin. “Bye, Ms. Wensy!” paalam sa akin ni Danica, bago ako tumalikod.
Hinanap ko kaagad si Trix, nagtaka ako nang hindi ko na siya makita. Asan nagpunta ang babaeng iyon?
“Kuya, excuse me? Pwede magtanong? Asan na ‘yung babae-”
“Umalis, pinasasabi niya na ibigay na lang sa ‘yo. Tumawag daw ang Mommy niya.” napalingon ako sa gilid ko, naroon ang cell phone ko na kaniyang hawak at wallet. Bakit ibinigay ni Trix ang wallet at cell phone ko sa lalaking ito?
“Salamat.” tinarayan ko pa siya nang kunin ko iyon. “Kuya, isa ngang hard drinks.” utos ko sa kaniya, tumungo naman ito at agad na naglagay ng kung ano sa basong hawak. “Pwede kang uminom sa ibang bar, kakasabi mo lang kanina na kailangan na nating umalis.” hindi ko siya kinibo.
Siya ang may kasalanan no’n,
“Kayo lang naman ang aalis, hindi naman ako parte ng grupo niyo para kumanta sa ibang resto bar.” ngumiti siya nang sabihin ko iyon na aking ikinagulat. Bakit siya nakangiti? Wala naman akong sinabi na nakakatawa o nakakangiti.
Umupo siya sa tabi ko.
“Broken?”
“Ano ba ang pakialam mo?”
“So, wala kang gusto sa ‘kin?” napalayo ako kaunti sa kaniya, tila nagulat sa tanong nito. “Siraulo ka ba?” lumawak ang kaniyang ngiti at tumungo, “Nice meeting you, buttercup.” ginulo niya ang buhok ko.
“Ano ba? Close tayo?”
Naiinis kong tanong sa kaniya, ginugulo niya buhok ko at akala mo ay close kaming dalawa.
“So, you’re broken?”
“And broke..” mamumulubi na talaga ako, broken and broke! “Ex mo?” tumingin siya sa likod ko, kaya naman nang sundan ko iyon ng tingin ay nakita ko si Gav na nakatingin rin sa amin, habang kausap siya ni Danica na nakatalikod naman sa amin ni Duke.
“Pakialam mo.”
“Nakita ko sa cell phone mo, lock screen?” kumunot agad ang aking noo. “Pinakialaman mo ang gamit ko?” nagagalit na ako ng sobra, sino siya para pakialam ang gamit ko!? “Sure ka ba na hindi mo ako gusto?”
“Bakit ba ipinipilit mo na gusto kita? Hindi kita gusto, ulol!” mas lalo siyang ngumiti, “I like that.” tila naguluhan ako nang sabihin niya iyon sa akin, ano ang nagustuhan niya doon.
“I don’t like you too, but I like your personality. Gusto ko ang mga babaeng hindi ako gusto.”
“Ang laki ng ulo mo.”
“Which head?” umawang ang labi ko, aba’t bastos ang hayop na ‘to! “Bastos!” saktong inilapag ng bartender ang order ko sa kaniya. “Thank you.” kahit galit ko pang pasasalamat.
“You’re accusing me. Ofcourse, I need to know which one.” mabilis kong nilagok ang isang bote ng alak. Hinaluan niya na ito ng kung ano, nagustuhan ko naman iyon. Tuloy-tuloy ang inom ko na para ‘bang tubig, “Hey! Hey!” ngunit hindi ko siya pinansin.
Nilagok ko na lamang ito at nang maubos ko iyon ay tumingin sa kaniya.
Dumighay ako nang nakatingin sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo.
“Ew.” kunot noo niya pang tingin sa akin, “Alam ko kung bakit mo ako gustong kausapin, pero ito na ang sagot ko. Hindi..” hindi siya nagsalita, “Ayokong maging vocalist niyo, hindi ako mahilig kumanta.”
“I see.” tumungo-tungo siya muli, kaya naman nang tumayo ako ay agad kong naramdaman ang hilo. Nahawakan ko ang aking ulo at tila babagsak nang hawakan niya ang braso ko, “Iinom-inom, hindi naman pala kaya.” rinig ko.
“Stay away, I can handle myself!” tulak ko sa kaniya, kaya naman nang makakuha ako ng balanse ay agad akong lumabas ng resto bar.
Alam kong nakasunod pa rin siya sa akin, itinuro ko ang aking kotse sa gilid. Ngunit ang paglakad ko ay patagilid, ano ba ang nangyayari sa akin? Ganito na ba agad ang tama ng hard drinks sa akin?
Habang naglalakad ako ay agad akong napangiti, wow! May gummy bears sa daan at magandang ulap. Sunod no’n ay nagdilim agad ang aking paningin.