Chapter 91 “Wensy!” sigaw ni Nathan na agad humawak sa aking braso. “S-shore?” halu-halo na akong aking naririnig, pero ang gusto ko lang malaman ngayon ay kung ayos lang ba ang anak ko. “B-baby…” hindi ko na napigilang umiyak at hawakan ang tyan ko. “Please! Dalhin mo ako sa ospital! My baby!” hindi ko kayang tignan si Gav sa oras na ito. Mas pinili niya ang babaeng iyon kaysa sa akin. Lagi na lang niyang pinagtatangol, pero ako? Ano ako sa kaniya? Minsan ay naiisip ko nang totoo ang sinabi ni Danica. “Shore!” tawag niyang muli sa akin at mabilis na hinawakan ang braso ko. Hindi ko siya pinansin, dahil sa pag-iyak ko. “Rejanjo, pwede bang umalis ka muna? Hayaan mo na akong maghatid sa kaniya sa ospital,” kalmadong sabi ni Nathan kay Gav. “She’s my f-cking wife, Shi

