Chapter 90 Kumunot agad ang aking noo nang dumating siya. Tila parang sasabog ang lamang loob kong tignan ang babaeng ito na nakangiti pa. Hindi ko alam, pero sa tuwing nakikita ko siya ay parang siya ang sisira sa lahat. “Pasensiya na, late ako…” hawak niya pa sa kaniyang dibdib at tila ngumiti sa aming lahat. “Walang may pake,” mahina kong bulong. Iyong hindi naman niya narinig, pero isang bungis-ngis lamang ni Nathan ay nainis na ako. “Bakit hindi mo sinundan ang soon to be Rejanjo?” tanong ng lalaking ito sa mismong harapan ko. “Bakit ko susunduin, kung kasama ko naman siya matulog? Right?” saka lumingin sa akin si Gav. Tila nanlaki ang mata ng lalaki at agad na tumingin sa akin. “A-are you?” turo niya sa akin at turo niya rin kay Gav. “Yes,” parang kidlat kung isagot

