Chapter 41 “Saan ka pupunta?” natakot ako nang makita siyang nakaayos, matapos naming kumain ng umagahan. “Work,” “Tapos ako? Dito lang?” “Absolutely..” nasapo ko ang aking noo, hindi naman pepwede iyon! “No, hindi pwede! Kung magtatrabaho ka ay magtatrabaho rin ako, hindi ako pwedeng.. alam mo naman na kailangan ako sa Shore Cor-” “Inihahanda ko na ang plano para d’yan. I’ll invest for your projects, ako na ang bahala-” “Hindi ‘yon! Ako ang president! Ako ang chairman, hindi pwedeng papetiks-petiks lang ako dito!” pumikit siya, tila alam niyang hindi ako papatalo sa gusto ko. “Look, Shore. May mga taong gustong pumatay sa akin at ayokong madamay nga, lalo na ngayon na natunugan ka na nila.” “Gav, dito ka na lang rin. ‘Wag mo nang.. ‘wag ka nang umalis.” nanging

