Chapter 17
“A-ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya nang makalapit ako. “Bawal na ba ako pumunta dito?” tumaas ang kaniyang kilay. Habang ang kaniyang kamay ay nasa loob ng pants nito, naningkit ang mga mata ko.
“Ikaw ata nag-text sa akin!” turo ko sa kaniya muli na ikinakunot ng kaniyang noo. “Buttercup!” napalingon ako sa gilid nang makita ko si Duke at ang kaniyang banda. “Hey! BC!” lumapit sa akin si Boj at agad na nakipag-appear.
“Tss..” alam kong si Gav iyon, kahit hindi ko man nakita ay alam kong siya iyon. “Iinom ka nanaman ba? Tapos hindi mo naman kaya?” sarcastic akong tinanong ni Duke.
Bumaba ang kaniyang tingin sa daliri ko, kita ko ang isang silip na ngiti.
Ngayon ako napaisip, bakit siya ganiyan magsalita. Siya ba ang nag-text sa akin? “Ano number mo?” agad kong tanong sa kaniya, “Woah! Smooth!” nakipag-apiran pa si Boj at William sa likod. “Alam mo na ang number ko.”
Doon ko nakumpirma kung sino ang tinawagan ko.
“Ibig sabihin, ikaw ang tinawagan ko?”
“Woah! Duke? First move? Damn!” nagtawanan nanaman ang kaibigan niya sa likod. “Nag-text lang ako sa ‘yo kung nasaan ka, hindi ka naman tuma-”
“Tinawagan kita! Siraulo! Stalker!” mabilis akong naglakad papunta sa loob, hindi ko na gusto na makipag-usap pa sa kaniya. Ayoko nga, baka mamaya ay siya pala talaga ang may ari ng D Alfe, mapapahiya talaga ako.
Kaso sa tuwing iniisip ko na, kung totoong siya ang may ari no’n ay dapat hindi na siya nagpapakahirap para sa banda niya.
Nakita ko si Gav na nakatingin sa akin, habang iniinom niya ang kaniyang isang baso ng alak. Gusto ko siya puntahan, gusto ko siya lapitan at kausapin. Ngunit natatakot ako, kinakabahan at higit sa lahat ay nasasaktan.
“Pag-ex, ex na. ‘Wag nang titigan.” dinilaan ko ang aking labi saka ako humarap sa gilid ko. “Ano nanaman ba ang kailangan mo, Duke?”
“Nag-sign ka ng contract, hindi ba?” para akong nanlamig, paano niya nalaman? “H-hindi! Saan ‘yan?” nanginginig kong hawakan ang aking baso, hindi naman iyon hard drinks. Wine lang, pangpatulog lang rin para mamaya, hindi na ako magpapakalasing.
“Ambassador and vocalist of our band.”
“Yes,” mabilis kong sagot, ngunit nang mapagtanto ko ang kaniyang sinabi ay nagulat ako agad, “What? Vocalist of your what?”
“No! No! Wala ‘yon sa contract-” hindi ko pa man din naiituloy ang aking sasabihin nang itaas niya ang isang papel. “Na-ah.” umiling pa ito, saka niya ibinigay sa akin ang isang papel.
“What the hell?” kinuha ko iyon at agad tinignan, “Wala ito sa contract! Fake ‘to!”
“I don’t think so,” nasapo ko ang ulo ko, bakit ba kasi ay hindi ko iyon binasa agad? Ayan tuloy! “Wala ito talaga sa contract na pinirmahan ko, saka excuse me! Gawa-gawa ka, hindi ikaw ang may ari ng D Alfe!”
Kita ko ang isang ngiti nanaman niya, “Pre, hindi pala ikaw may ari no’n, e!”
“Here, Buttercup.” inilapag niya ang kaniyang matabang wallet. “Bakit mo naman sa akin ‘to ibinibigay?”
“Is everything fine here? Shore?” napabalikwas ako nang marinig ko ang tinig ni Gav sa gilid ko. “The Ex, Y and Z..” kahit bulong lamang iyon ni Boj ay narinig ko pa rin. “Shore?” kinausap niya ako! Totoo ba ito?
“Nakapirma ka na, Buttercup. Wala nang bawian.”
“Go, take this!” agad kong hinubad ang kaniyang singsing at agad na ibinigay sa kaniya. “Ayan, kung totoo man na ikaw nga ang may ari ng D Alfe ay sa ‘yo na ‘yan.”
“That’s not how it goes, Buttercup.”
“Can you just.. stop calling me ‘Buttercup? I’d hava a name and it’s Wensy Shore..”
“Should I call you Shore, then?”
“What do you want?” kinabahan ako sa boses ni Gav, hindi ko kaagad siya muli napansin, dahil nakatuon lamang ang atensyon ko kay Duke. “It’s none of your business.”
“Duke.” pigil ko sa kaniya, “Magkano ba ang napirmahan niyang kontrata? Dodoblehin ko.” amoy na amoy ko ang kaniyang pabango, ngunit kumirot ang dibdib ko nang maisip ko kung para saan ba ito? “Gav.” tawag ko sa kaniya, hindi niya ako pinansin.
“Name your price-”
“I want her, not your money.”
“She’s not your.”
“She will be.”
“P-pwede ba? Duke, ito na ang singsing, kunin mo na ‘yan. Marami akong inaasikaso at hindi ko maisisingit ‘yan.” tinignan niya lamang ang singsing na iniaabot ko sa kaniya, hindi naman niya kinuha nu’ng binibigay ko. Ang akala kong kukunin niya ang singsing ay nagulat na lamang ako nang pati kamay ko ay kunin niya.
Ngunit nagulat na lamang ako nang may humawak sa balikat ko at agad akong hinila.
“Sabihin mo kung magkano, babayaran ko ngayon mismo.”
“Ex, Y and Z.” bulong nanaman ni Boj, “Duke, magsisimula na tayo, ilang minuto na lang.” hinawakan siya sa balikat ni William, “Tatlong buwan lang ang kontrata mo, Buttercup. Hindi ko kailangan ng pera mo, Rejanjo.” saka sila umalis at pumunta sa gilid ng stage sa gitna.
Nakatingin lamang ako sa kaniya, ngunit nang mapansin kong tinititigan ako ni Gav ay agad nanaman bumalik ang kaba sa aking dibdib.
“T-thank you-”
“Ano ba kasi ang pinagpipirmahan mo?” galit niyang tanong sa akin, ano naman ba ang pakialam nito? “Bakit ba? Ako na ang bahala-”
“Paano kung ang napirmahan mo pala ay kukunin ‘yang katawan mo?”
“Edi kunin nila!” kakadating ko lang pero, parang gusto ko nang umuwi sa sobrang inis ko sa kaniya. Hindi na lang siya manahimik at ‘wag na lang kausapin. “Ano ba ang problema mo, Wensy?”
“Bakit mo ba ako kinakausap?” kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata, “Kaibigan kita,” natahimik ako, naalala ko pa noon na naging ganito siya sa akin, dahil may minahal siyang ibang babae.
Naging mabait siya sa akin.
“P-pwede ba, ‘wag mo na lang akong kausapin? Alam mo? Sa ginagawa mo ay pwedeng malaman ng girl friend mo- fiance mo na kung naging mag-ano ba tayo noon!” hindi siya nagsalita, tinignan niya lamang ako. “Bakit? Bawal na ba maging kaibigan kita?”
Tinarayan ko siya at lumabas ng resto bar, hindi ko kaya na makita siya at malaman na hanggang kaibigan na lang talaga kaming dalawa.
“Shor-”
“’Wag mo nga akong tawagin ‘Shore!”
“Ano ba talaga ang problema mo? Ako ‘tong lumapit sa ‘yo para magkaroon tayo ng closure! Kaibigan kita, Wensy!” gigil na gigil akong humarap sa kaniya, “Hindi closure ang kailangan ko, Gav!”
“Acceptance!” dagdag ko, “Hindi ko kailangan ng closure na ‘yan! Ang kailangan ko ay tanggapin ang lahat!”
“Ikaw ang nang-iwan sa akin! Ikaw ang unang umalis! Ngayon ako itong lumalapit sa ‘yo para magkaroon tayo ng closure ay ikaw pa ang may ganang maging ganiyan? Bakit mahal mo pa ako?” natikom ko ang aking bibig, “Sagot, Shore! Mahal mo pa ako?”
Iniwas ko ang aking paningin, ayokong makita niyang naluluha ako sa tanong niya.
“H-hindi.” nahihirapan kong sagot. Wala na rin namang magagawa kung sabihin ko sa kaniya na mahal ko pa rin siya. Alam ko naman na mas mahal niya na ang babaeng iyon, kaysa sa akin. “Hindi, Gav.” mas idiniin ko ang salitang iyon sa kaniya, “Matagal na kitang hindi mahal,” sorry, Gav. Kahit mahal na mahal kita, ipapahiya ko lamang ang sarili ko kung sasabihin kong ikaw pa rin.
“At hindi ko gusto na maging kaibigan ka.” naging poker face ang kaniyang itsura, “Okay, ano ang gusto mong maging ako pagdating sa ‘yo? Wala?”
“Yes,”
“Then, fine.” isinuksok niya muli ang kaniyang kamay sa bulsa nito. “Maawa na sana ako sa ‘yo, Shore. Tutulungan na sana kita..”
“Hindi ko kailangan ng tulong.” dinilaan niya ang kaniyang labi, tinignan niya ako nang may nanliliit na mata. “Since, ayaw mong maging kaibigan kita. Ayaw mong kakilala kita o ano. Ipapakilala ko na lang sa ‘yo ang sarili ko, bilang business partner mo.” doon ko naalala ang sinabi ni Mrs. Ferrer, kukunin niya ang ininvest niya sa Shore corp?
“Ms. Cervantes? I want my fifty percent shares on your company.”