Chapter 60 Nalagyan ng supporter ang paa ko. Nasimentuhan pa nga ang paa ko. Hinawakan ni Gav ang kamay ko at ngumiti ng tipid. “Sorry.” paulit-ulit niya itong sinabi sa akin. “Please, ‘wag kang humingi ng sorry. Wala kang kasalanan, ako dapat ang humihinghi ng sorry sa ‘yo. Nadamay ka pa.” nilalaro niya ang kamay ko, gamit ang kaniyang daliri. “Nakikinig ba kayo?” napatingin kaming dalawa ni Gav sa harapan. “Ito ang mga kailangan mong inumin, pero mas maganda na doon ka muna kayla Tim. Para mapuntahan kita.” tinignan ko muli si Gav, baka hindi siya ayos sa gusto ni Sam. “Well, sasabihin ko ang totoo na nahirapan akong hanapin ang lungga mo.” turo ni Yi kay Duke. “Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin namin, pero dahil nasundan ‘tong si Doctor mo ay nalaman namin.” “

