Chapter 59 Kabog nang kabog ang dibdib ko nang maalala ko ang una sa lahat na hindi ko pwedeng kalimutan. “Hey?” tanong sa akin ni Duke nang makapasok siya sa aking kwarto. “Ayos ka lang? Ano ang masakit sa ‘yo?” sunod niya pang tanong sa akin, “M-may?” nahihiya akong sabihin sa kaniya ang hinihingi ko, ngunit nang maalala ko na kung aalis siya ay pwede siyang mapahamak. “Wala.” pagpapatuloy ko. Hindi ko na hahayaang madamay pa siya, kung sakaling may mabuo man ay bahala na. “Sabihin mo, ano ‘yon?” “Wala, nagugutom lang ako.” balak ko rin sanang bumaba, ngunit ang paa ko ang may ayaw. “Hayaan mo na akong magdala ng pagkain mo dito.” ngumiti ako at tila natuwa sa kaniyang inasal. Mabait talaga si Duke at mali ang ga pinaratang nila sa kaniya. “Thank you, Duke. Tatan

