Walang kurap na pinagmamasdan ni Rayleen ang kanyang dalawang angel na sina Iver at Ivan. Mahimbing na natutulog sa kani-kanilang kuna, na akala mo’y malalaki na, bahagya pang nakabukas ang bibig ni Iver. Samantalang si Ivan naman nakatagilid, nakapatong ang isang paa sa maliit nitong unan. Hindi pinalampas ni Rayleen ang pagkakataon, agad inabot ang kanyang cellphone at kinunan sila ng litrato. Isang buwan na ang mga kambal, araw-araw ibang saya at pagod ang nararanasan ni Rayleen sa kanyang mga kambal. Hindi maipaliwanag ni Rayleen ang saya, dahil first time mommy siya hindi naging madali sa kanya ang lahat. Mabuti na lang nariyan ang kanyang ina, na palaging naka-alalay sa kanya. “Ang bilis na panahon parang kailan lang nasa loob pa kayo ng t’yan ni mommy.” Ngiti nitong wika, habang ha

