Paglabas ni Rayleen sa Ninoy Aquino International Airport agad itong sumakay ng taxi. Dumiritso siya sa bahay, kung saan naghihintay si Manang Lusing sa kanya. Ang sabi pa naman ng matanda tawagan siya kapag nakalapag na sa airport ang dalaga. Ngunit hindi na inabala ni Rayleen ang matanda, isa pa gabi na rin kaya ayaw na niya magpasundo. Habang lulan siya ng taxi tahimik lang itong nakamasid sa labas. Mapait na ngumiti si Rayleen, ilang taon na ang lumipas ngunit ramdam parin niya ang pamilyar na sakit. Parang kahapon lang, naging sariwa sa isip niya ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Kendrick noon. Mabilis pinahid ng dalaga ang luhang lumandas sa kanyang pisngi. Ngumiti siya ulit, ngayon ibang ngiti na ang sumilay sa kanyang labi, ngiting masaya, walang inaalalang problema. Tinatak

