Parang hindi alam ni Rayleen ang gagawin ng maiwan siya mag-isa sa sala. Nakatayo lang ito, nilibot niya ang kanyang mga mata. Nang dumako ang tingin ni Rayleen sa mga paintings na nakakabit sa mataas na hagadan, namangha siya sa ganda. “Wow,ang ganda naman!” Mahinang sambit niya. Parang gusto niyang abutin at haplosin ang mga ‘yon, feeling niya na re-relax ang isip niya. Bahagyang nagulat pa si Rayleen ng lumapit si Miss Gina sa tabi niya. “Rayleen, darling, baka sasakit ang tuhod mo n’yan sa kakatayo? Come on darling, have a seat.” Inakay ni Gina si Rayleen sa sofa at pina-upo ito. “You look so beautiful darling. You’re perfect.” Ani pa ni Miss Gina. Nahihiyang napayuko naman si Rayleen sa klase ng titig ni Miss Gina. “Anong gusto mo black coffee, coffe with cream, o hot chocolate?” Ta

