Nasa sariling opisina si Kendrick katatapos lang nito permahan ang mga nakatambak na papel. Napahilot sa sarili sentido ang binata, one week na nagtatrabaho si Ken sa kanilang kompanya. At wala itong pahinga, dito ibinuhos ng binata ang lahat nang oras niya. Para na kasi siyang mababaliw sa kakahanap kay Rayleen, pero hanggang ngayon hindi parin malaman kung nasaan na ang dalaga. Tatlong linggo na si Kendrick dito sa Pilipinas, wala itong ginawa kundi ipahanap ang nobya. “Huwag kayong tumigil hangganga’t hindi siya mahanap, at huwag kayong magpapakita sa akin kung hindi n’yo siya kasama. Mga inutil, wala kayong silbi, binabayaran ko kayo ng tama, tapos ganito ang sasabihin ninyo sa akin? Na wala siya sa dating mansion nila? Anong gusto ninyo ako ang maghalughog sa buong bahay ng mga Lop

