Hawak ni Kendrick ang gatas na nasa plastic, tinitigan niya ito ng mabuti, hindi maitindihan ni Kendrick kung bakit naiiyak siya, habang nasa palad niya ang malamig na gatas. Parang kinurot ang kanyang puso, feeling niya tao ‘yon na kailangan niyang alagaan at ingatan. “Ibig sabihin may anak kami? Tama ang kutob ko, wala lang akong lakas loob mag tanong kay Rayleen dahil natatakot ako. Ayoko marinig mula sa kanya na anak nila ni Vincent ang iniluwal niya. “I’m sorry kung pinag isipan kita ng masama, bakit hindi mo sinasabi sa akin na may anak pala tayo? Bakit kailangan ilihim mo sa akin ito?” Ani Ken. Napahagugul nang malakas ang binata ng makita niya ang laman ng wallet ni Rayleen. Sa pagmamadaling umalis ni Rayleen naiwan niya ang kanyang wallet sa loob ng drawer. Hindi maalis a

