Hindi napigilan ni Kendrick ang kanyang emosyon napagulgul ito ng husto nang makita niya ang dalawang kambal. Lahat ng mga kasambahay nakatayo, pinagmamasdan nila si Kendrick na nakaluhod sa harapan ni Rayleen. Si Vivian at Manang Lusing napapasinghot na rin, ramdam ng lahat ang madamdaming tagpo ng mag- ina. “Ilang araw, buwan, at taon akong nagtiis, hindi ko kayo nakita, patawarin ninyo si Daddy. Ang daming panahon ang nasayang hindi ko alam kong saan ako magsisimula. Isa lang ang maipapangako ko sa inyo, walang puwiding maghihiwalay sa atin, hindi ako papayag na mahiwalay ulit sa inyo. Pangako mga anak aayusin ko ang lahat para magiging masaya na tayo. “Patawarin ninyo si Daddy, hindi ko alam na ganito na pala kayo ka laki. I’m sorry!” Hikbi pa ni Kendrick na ngayon hinahalikan ang

