Simula nang dumating ang mag-ina dito sa bahay ni Kendrick malamig pa sa ice ang pakikitungo ng binata kay Rayleen. Napahinga siya ng malalim hindi niya alam kung anong dapat gawin para patawarin siya ni Kendrick. Hanggang ngayon galit pa rin ito sa kanya, walang lakas loob magsalita si Rayleen dahil kapag susubukan niya laging galit o busy ito sa mga bata. Alas syete na ng gabi, nakahanda na ang mesa si Rayleen ang nagluto ngayon, kagabi kasi nagreklamo ang binata na hindi raw masarap ang ulam, kaya ngayon pinagluto niya si Ken ng paborito nitong ulam. Bago umupo si Rayleen sa mesa pumasok muna ito banyo, humarap siya sa malapad na salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang sarili. Napangiti siya, crop top ang pinili niyang suotin, pinarisan niya ito ng short. Ngayon nakikita ang kanyang mal

