◆KIERRA BRIELLE POV◆ ISANG LINGGO kong pinag-isipan ang suggestion ni sir Gavin….I mean ni Marcus ang suggestion niya. At ito nga ako ngayon pagkatapos ng isang linggo ay nakapag enroll na ako. Pumayag na rin ako, naisip ko kasi na para rin sa ikabubuti ko ang lahat ng ito. And about my relationship with Marcus, humingi ako ng pabor sa kanya not to tell everyone especially to his parents na boyfriend ko na siya. Hindi pa kasi ako handa na malaman ng magulang ni Marcus ang tungkol sa aming dalawa. Ayaw niyang pumayag nung una ngunit wala rin naman siyang magawa ng paulit-ulit ko siyang kulitin. Even his friends ay hindi alam na kami na ni Marcus. Basta ang nakakaalam lang ay ang mga taong naka witness nung birthday ko. “Mis, Montréal?” Tawag sa akin adviser ko. “Y-yes po ma'am

