Chapter 19

1296 Words
Mag aalas dose naman na ng tanghali ng makapagpaalam sina Arnel at Nicka na lalabas na muna at mamasyal sa mga kasama nila sa bahay. Yung dapat na sana ay sila lamang dalawa ang aalis ay nag samahan din ang mga kaibigan ni Arnel upang mamasyal na rin. Naiwan lang sina Jasper at Sandra sa rest house dahil abala ang mag asawa sa gaganaping party para mamaya. Nangako naman sila na babalik din pagpatak ng alas tres ng hapon. Naintindihan naman nila Sandra at Jasper ang nais na pamamasyal ng mga kaibigan nila, lalo na ng sabihin ni Arnel na unang beses pa lang na nakarating si Nicka sa lugar at gusto ng dalagang maexplore ang Baguio at mamili na rin ng mga souvenir items sa lugar. Unang naging destinasyon nila ay ang La Trinidad strawberry farm. Hindi naman sila nagtagal sa farm at konting pictorial lang ay umalis na sila dahil sa sikat na rin ng araw kahit na hindi naman ganoon kainit. Nakabili lang silang ng ilang basket ng strawberry na ang ilan ay sila pa mismo ang namitas at strawberry jam na rin na mayroon sa store. Pangalawa nilang naging destinasyon ay ang The Mansion na sikat na pasyalan sa lugar. Mabilisang pictorial lang din at hindi nila gaanong nilibot pa dahil ang sabi ni Candice ay may mas magandang lugar na paglilibutan sila na hindi pa raw nila napupuntahan.. Ikatlong destinasyon ay ang Igorot stone Kingdom Inc., dahil hindi pa nga napuntahan nila Candice at Aileen ang lugar na iyon ay inabot sila ng halos lagpas na isang oras sa pagpipictorial lang sa buong lugar, pero halatang nag enjoy talaga silang lahat doon dahil bago sa paningin nila ang lahat ng nakita nila sa pasyalan. Nang magsawa na ang mga babaeng sa kakakuha ng picture at video sa lugar ay nagtungo naman na sila Burnham park para magpahinga saglit roon dahil medyo malayo ang Igorot stone kingdom inc. dahil parteng Benguet na ang lugar. Inaya ni Arnel si Nicka na mag boating, na pinaunlakan naman ng dalaga. Habang nakasakay sila sa swan boat ay kinukuhanan naman sila ni Marvin ng video. After ng boating ay nag rent naman si Arnel ng dalawang single bike dahil sa marunong naman si Nicka. Magkahawak ang mga kamay na sabay na pinaaandar ang bicycle. At dahil kinikilig sina Candice at Aileen sa kanila ay kinuhanan sila ng mga pictute at video ng mga ito. Sobrang saya ng nadarama ng dalaga sa ibinibigay na atensyon sa kanya ni Arnel ng mga oras na yon. Sunod nilang pinuntahan ang Our Lady of Lourdes grotto. Hindi na umakyat pa ang mga kasama nila dahil nakapunta na raw naman ang mga ito dati roon at kahit naman si Arnel ay nakarating na sa grotto na kasama niya noon si Romary Gail. Dahil bago si Nicka sa lugar ay sinamahan na lamang din ni Arnel ang dalaga at narealize niyang tuluyan na ngang napapalitan ni Nicka ang mga ala-ala niya kay Romary Gail, na ikinatutuwa niya. Huling spot na tinungo nila ay ang Baguio City Market kung saan namili ng maraming souvenir items si Nicka at ganoon na rin sina Candice at Aileen na balak ipamahagi sa mga kaibigan at bagong kakilala nila. Saktong alas tres ng hapon ay nakabalik na sila sa rest house nila Jasper. Nakahanda na ang lahat at sila na lang ang hinhintay upang masimulan ang party ng kambal. Pagkatapos nilang kantahan ng birthday song ang kambal nila Jasper at Sandra ay nagkainan na sila dahil saktong oras na rin ng meryenda at mga gutom na rin silang lahat dahil hindi na sila nakapagpananghalian kanina. Masayang nakipagparticipate din sa mga parlor games ang mga ninong at ninang ng kambal, dahil bukod sa mga batang tagaroon sa village na kapit bahay nila Jasper na naroon sa party, na inimbitahan din ng mag asawang Curtis upang makisaya sa party ng kanilang kambal ay nakigulo rin sina Jasper, Rodjun, Marvin at Arnel. Na pati ang mga partners nila ay dinamay din sa palaro na kasali ang mga bata na tuwang-tuwa lalo na ang mga anak ng kaibigan ni Arnel. Na kahit na nung una ay ayaw pa ni Nicka, dahil sa nahihiya siya ay wala rin namang nagawa nang sina Sandra na ang nakiusap sa kanya. Natapos ang party na naging masaya silang lahat. Maagang nakatulog ang mga bata pagkatapos nilang maghapunan dahil sa napagod sa maghapong paglalaro. Naiwan silang mga adult sa may sala. Gising na gising pa rin at tahimik na pinagmamasdan ang apoy sa chimney o fireplace sa loob ng bahay. Sa tapat nun ay pumalibot silang lahat na magpapartner habang nagkukwentuhan ay umiinom.ng tsaa ang mga babae at nag iinuman namqn ng beer ang mga lalaki. Sanmig lights lang ang ininom ng mga kalalakihan dahil sa bukas ng madaling araw ay magkakasabay silang babyahe pabalik ng manila, na ipinaalala pa muna ni Candice sa kanilang lahat at bago pa sila nakapag-inom ay nangako pa sa mga babae na tigtatatlong bote lang ang bawat isa sa kanila na pinayagan naman. Mataman lang na nakikinig si Nicka sa pinag- uusapan ng mga lalaki tungkol sa mga trabaho ng mga ito sa kompanya. Marami siyang nadiskubre kina Arnel at sa mga kaibigan nito na tulad na lang na kahit may sariling kumpanya sina Jasper ay isa rin pala ang lalaki na member ng board ng kumpanya nila Arnel, ganun din sina Marvin at Rodjun na ang akala niya nung una ay mga normal na empleyado lang sa Dela Cerna Engineering Companies. Naging abala ang apat sa pinag-uusapan ng mga ito, na hindi na nga napansin na wala na ang mga asawa nito sa tabi nila. Napatingin si Nicka sa direksyon nila Aileen. Sinenyasan siya ni Candice na lumapit siya sa mga ito. Kaya bumitiw siya kay Arnel upang tumayo para lapitan ang tatlong babae. Napansin ni Arnel ang ginawa niya kaya tinanong siya nito kung bakit. "Doon na muna ako kina Candice." ang sabi niya. "Inaantok ka na ba? gusto mo na bang matulog o naiinip ka na?" mga tanong ni Arnel sa dalaga. "Hinde, hindi pa ko inaantok. Lalapitan ko lang sila." sagot ni Nicka na tinuro ang mga asawa ng kaibigan ni Arnel. "Hayaan mo na munang makipagbonding si Nicka sa mga asawa namin, pare." aning wika ni Marvin. "Oo nga naman! bukas maghihiwalay hiwalay na ang mga yan at matatagalan na namang magkakasama-sama silang muli, kaya hayaan mong ienjoy nila ang bonding nilang tatlo na kasama si Nicka mo pare!." segunda ni Jasper. "Lalo na ang misis ko na napakabusy sa clinic at ospital. Ako na nga gumagawa ng paraan para magkasama kami niyan. Kapag nasa clinic siya, madalas doon na kami tumatambay ng mga bata." wika ni Rodjun. "Naririnig kita, mister!" paangil na turan ni Aileen kay Rodjun na nakangiti naman sa asawa. "Alam ko at sinasadya kong marinig mo talaga. I love you, Hon!" saad naman ni Rodjun sa misis nito na ikinatawa nila. "Lagot ka sa akin mamaya, Mister. Sandra, pwede ba ilipat ng kwarto mga anak namin sa kwarto ng mga anak mo?" pabirong saad na tanong ni Aileen kay Sandra na sinakyan naman nito. "Oo naman, walang problema. Kailangan n'yo ba ng taga-score.?" natatawang sagot ni Sandra. "Hindi tayo pwedeng maging taga-score, Babe. Ako ba hindi malalagot sa'yo mamaya?" birong turan naman ni Jasper sa asawa. "Hindi, behave ka naman today kaya hindi ka malalagot. Pinuyat mo pati ako tapos masakit pa rin katawan ko sa ginawa mo sa akin kagabi, Babe. Kaya magtigil ka! pass tayo ngayong gabi." mahabang litanya ni Sandra sa asawa na ikinatawa nila ng malakas. "Kawawang Jasper, walang sexy time mamaya." pang iinis na saad ni Marvin sa kaibigan. Nagkatinginan sina Arnel at Nicka na makikita sa mga mata nila ang nais iparating sa bawat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD