Chapter 18

2323 Words
"Ang ingay mo Aileen, wag ka muna maingay may natutulog pa." pananaway ni Candice sa babae. "Hi Kiel, Hi Kayla, Hello Aileen!." bati ni Sandra sa mga anak ni Aileen at sa babae. "Hi Tita Candice, Tita Sandra, Hello po!" bating sabay ng mga anak nila Aileen at Rodjun. "Tita Sandra, sina Jayden at Jade po? si Julius din po Tita Candice, nasaan?" tanong ni Kiel. "Nasa likod sila sa may garden, puntahan n'yo na muna roon." sagot ni Candice kay Kiel na mahinang pinisil ang ilog ng batang lalaki at pinisil ang isang pisngi ng batang babae. "Sige po, Mom, sa garden lang kami ni Kayla." paalam ni Kiel sa magulang. "Huwag malikot Kiel ha! Kayla bantayan mo yang kuya mo, isumbong mo sa akin kapag gumawa ng kalokohan." Bilin ni Aileen sa mga anak. "Yes mom." sagot ni Kayla sa ina at iniwan na sila ng mga bata sa labas. "Hon, matagal ka pa ba diyan? halika na rito!" pasigaw na tawag ni Aileen sa asawa. "Huwag kang maingay sabi eh!" muling saway ni Candice kay Aileen. "Bakit?, siguro mga naghoneymoon kayo rito kagabi noh!? at sigurado ako ang mga asawa ninyo ay tulog pa rin hanggang ngayon kaya pinatatahimik mo ko? ang lalandi ng mga tinggil n'yo ha!" birong turan ni Aileen. "Minsan lang makapag out of town, lubus-lubusin na gaga!. Parang di mo gawain ah! baka mamaya lang magkulong na kayo ni Rodjun sa silid ninyo sa itaas, habang busy mga anak ninyo rito sa baba." paangil na sagot ni Candice kay Aileen na ikinatawa nung tatlo. Biglang na out of place naman si Nicka sa tatlong babae na pinakikinggan lang ang tatlong babae kung paano mag usap-usap. "Ay may bago! kaninong partner 'to? Hi, im Aileen, Rodjun's wife." tanong at pakilala ng asawa ni Rodjun sa dalaga ng mapansin na siya ni Aileen. "Siya si Nicka, girlfriend ni Arnel." pakilala ni Candice kay Aileen. "Oh really, hindi nga!?" reaksyong saad ng asawa ni Rodjun na halata sa mukha nitong hindi naniniwala kay Candice. "Tignan mo 'to, nagpapasaway na naman. Umayos ka Aileen, baka mahiya sa iyo yang si Nicka. Hindi yan sanay sa ugali mo." pagpapaalala ni Sandra sa kaibigan. "Ay oo nga naman pala! sorry bhe.." hinging pasensya ng babae na ikinangiti ni Nicka. "Hello po ma'am Aileen, Hello po sir Rodjun!" bati ni Nicka kay Aileen at nang mapansing papalapit na rin si Rodjun sa kanila ay binati na rin ang lalaki. Umakbay muna ito kay Aileen, bago nagsalita. "Hi Nicka! bakit naman may sir at ma'am pa? si Arnel nasaan?" "Nasa silid pa namin, tulog pa." nahihiyang sagot ni Nicka. "Naipakilala ka na pala ni Arnel sa kanila. Nicka, meet my wife Aileen. Hon, si Nicka girlfriend ni Arnel." aning pagpapakilala ng pormal ni Rodjun sa dalawang babae. Nginitian ni Aileen si Nicka at nakipagkamay na tinanggap naman ng dalaga. Bumaling ng tingin si Aileen kay Rodjun at malakas na hinampas ng kamay ni Aileen ang tiyan ni Rodjun. "Ouch! bakit mo pinalo ang abs ko hon!?" angal ng lalaki. "May alam ka pala, hindi mo sinasabi sa akin! nagmukha tuloy akong eng eng sa harapan ni Nicka." ekseheradang saad ni Aileen na pinagtatawanan lang nila Sandra at Candice, habang si Nicka ay natatameme sa nakikita at naririnig sa mag asawa. "Hon, kagabi lang ichinat sa akin ni Jasper na ipinakilala na ni Arnel na girlfriend niya na si Nicka." paliwanag ni Rodjun sa asawa. "Ba't di mo sinabi sa akin kanina nang nasa byahe tayo?" pagalit kunwareng tanong ni Aileen sa asawa. "Nagmamadali tayo hon, nawala na sa isipan ko!" sagot ni Rodjun. Natatawa na lang sina Sandra at Candice sa mag asawa kaya inaya na ni Candice si Nicka na pumasok na sila ng bahay at iwan ang dalawa na ikinasunod ni Sandra sa kanila. Alas diyes na ng umaga ng magising si Arnel. Napabalikwas siya ng bangon ng hindi niya na makapa si Nicka sa tabi niya, agad siyang tumayo at hinanap ang dalaga sa kabuuan ng silid. Wala sa banyo si Nicka kaya mabilis na inayos ang sarili at nagbihis. Bumaba agad siya upang hanapin si Nicka at nawala lang ang kaba niya ng makita niya ito sa may garden na nakikipagtawanan sa mga asawa ng kaibigan niya. "Akala mo iniwan ka na?" aning turan ni Marvin ng malapitan siya nitong may bitbit na dalawang tasa ng kape at iniaabot sa kanya ang isa. Hindi sumagot si Arnel pero kinuha ang tasa ng kape na ibinibigay sa kanya ng kaibigan. "Malawak naman ang pang unawa ni Nicka kaya nga naging kayo dahil handa siyang unawain at intindihin ka sa kabila ng alam niyang mali ang sitwasyon ninyo." litanya ni Marvin. "Seryoso ka na ba talaga sa kanya? kailangan mo ba ng tulong? gagawa kami ng paraan para makapag-usap na kayo ni Romary Gail, tungkol sa legal separtion ninyo." saad naman ni Rodjun na nasa likuran na pala niya. "Pare, kanina pa kayo!?" bating tanong niya kay Rodjun. "May dalawang oras na rin mula ng makarating kami." aning sagot nito sa kanya. "Balita ko grabe ang dramahan ninyo ni Nicka kagabi ah! mabuti na lang mababait at maunawain rin ang mga asawa namin." turan pa ni Rodjun sa kanya na inakbayan pa ang balikat niya. "Wala ang asawa mo rito kagabi, Buenaflor." singit na paninita ni Jasper sa usapan ng dalawa, na kakalapit lang din sa pwesto nila. "Curtis, tignan mo ang asawa ko at si Nicka. Look at them, close na close na agad di ba!" pang- aasar ding saad ni Rodjun kay Jasper. "May balita ba kayo kay Romary?" tanong bigla ni Arnel sa tatlong lalaki. "Huling balita ko narito siya sa pinas, dahil na spot-an siya ng isang reporter sa isang event na dinaluhan niya sa may pasay. Nabasa ko lang sa isang magazine." sagot ni Rodjun sa kanya. "Bakit mo naitanong? handa ka na bang makipagkomprontahan sa asawa mo?" seryosong tanong naman ni Marvin kay Arnel. "Busy ako this coming week, maraming trabaho sa kumpanya na kailangan tutukan. Siguro pagkatapos na lang din ng graduation ni Nicka. Sa biyernes na yon, gusto ko siyang i-surprise." saad ni Arnel. "Aalamin ko na lang para sayo kung saan mo makikita si Romary, pare!" aning turan ni Marvin kay Arnel na tinapik pa nito ang balikat ng kaibigan. "Thank you, pare! malaking bagay yan para sa amin ni Nicka." aning wika ni Arnel. Napansin ni Arnel na napasulyap si Nicka sa kanya kaya kinawayan niya ang dalaga na matamis siyang nginitian. Tumayo si Nicka at nagpaalam sa tatlong babae na lalapitan si Arnel na ikinatukso pa ni Aileen at Candice sa dalaga. Naglakad palapit sa kinaroroonan ni Arnel si Nicka at ang mga kaibigan ng lalaki ay isa isang nag alisan sa tabi ni Arnel para mabigyan muna sila ng privacy. "Good morning!" malawak ang ngiting bati ni Nicka kay Arnel na papalapit sa lalaki. Ibinaba ni Arnel ang hawak na tasa sa pwedeng pagpatungan na malapit sa kanyang kinatatayuan at sinalubong ng yakap si Nicka. Mahigpit na yumakap rin sa katawan ni Arnel si Nicka at pinupog naman din ng halik ng lalaki ang mukha ng dalaga. Mahinang hinampas ni Nicka sa dibdib si Arnel na ngiting ngiti. "Nakakahiya, baka nakatingin sila sa atin, may mga bata rin na nakakakita sa ginagawa mo." masayang turan ng dalaga habang sinasaway si Arnel. "Hayaan mo sila, hindi maiinggit ang mga yan dahil ginagawa rin nilang mag PDA (public display of affection.) sa harapan namin. Ang mga bata naman ay sanay na sa lambingan ng mga magulang nila." wika ni Arnel. "Kanina ka pa ba rito sa ibaba? Bakit di mo ko ginising?" tanong ni Arnel na inalis na ang pagkakayakap kay Nicka pero hawak naman ang kamay ng dalaga. "Oo, alas siyete pa lang ng bumangon ako. Ang sarap ng tulog mo kaya hinayaan na muna kitang matulog. Isa pa alam kong nakainom ka at pagod ka rin kagabi. Nagugutom ka na ba? gusto mong ikuha kita ng makakain?" nakangiti pa ring sagot na turan ni Nicka. "Thank you sweetheart, Medyo nagugutom na rin, nakakain ka na ba kanina? sumabay ka kina Candice, mag almusal?" "Oo, pinilit ako nila Candice at Sandra, pati na rin ni Aileen, na sabayan na silang magbreakfast." "Tabihan mo na lang ako sa lamesa habang kumakain ako. Pwede ba?" paglalambing ni Arnel. "Sus, gusto mo lang pagsilbihan kita habang kumakain ka ng almusal eh, tara na nga sa dining!" at hila ang kamay ni Arnel ay nagtungo sila sa hapagkainan na may mga nakahandang pagkain na natatakpan lang ng food tray. Mayroon na roon sa mahabang lamesa na blueberry at strawberry jam, slice bread at iba't ibang prutas. Sinangag na kanin, pritong hotdog at itlog. "Gusto mo pa ba ng kape? ako na ang magtitimpla para sa'yo." tanong ni Nicka kay Arnel pagkatapos niyang iayos ang plato at kubyertos sa harapan ng lalaki. "Kakainom ko pa lang ng kape na binigay ni Marvin. Orange juice na lang, sweetheart." malamyos na wika ni Arnel sa kanya. Pagkatapos na pagsilbihan ni Nicka si Arnel ay naupo siya sa tabi nito at iniinom ng paunti-unti ang tinimpla niyang orange juice din para sa kanya. "Gusto mong mamasyal tayo mamaya sa Burnham park at magpunta sa strawberry farm?" tanong ni Arnel sa dalaga na nagningning ang mga mata ng marinig ang itinanong ng lalaki sa kanya. "Ipapasyal mo ko rito sa Baguio!?" halatang naiexcite na balik tanong ni Nicka kay Arnel. "Kung gusto mo, pero pwede ring magkulong na lang tayo sa kwarto." sagot na may halong biro ni Arnel. Napasimangot si Nicka sa sagot ng lalaki. "Ngayon lang kase ako nakarating ng Baguio, baka naman pwedeng pasyal na lang muna tayo, tapos bawi na lang ako sayo mamayang gabi, kahit walang tulugan. Kaso hindi pala pwede kase babyahe na tayo pabalik ng manila bukas ng madaling araw." aning turan ni Nicka. "Mag ready ka, mamasyal tayong dalawa. Dapat makaalis agad tayo habang maaga pa para makabalik tayo rito bago mag alas tres para sa party ng kambal." saad ni Arnel na ikinatango ng ulo ng dalaga na nakangiti pa. "Pwede akong bumili ng pampasalubong kay tiyang Tinay at kina Jane? Nga pala after ng graduation pwede ba kong umuwi na muna sa amin? magaling naman na si itay ang sabi sa akin ni Ate at ni Andrea." pagpapaalam ni Nicka sa lalaki. "Oo naman yun lang pala eh! sasamahan kitang umuwi sa inyo." "Huh! wag na alam kong busy ka sa trabaho at sa kumpanya mo. Okay lang na hindi mo na ko samahan, gusto ko rin kaseng mag stay na muna ng ilang araw sa probinsiya para makasama ng matagal tagal ang mga kapatid ko at si itay, kahit mga isang linggo lang sana." "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang plano mong pagbabakasyon?" seryisong tanong ni Arnel sa dalaga. "May plano naman talaga akong magpaalam sa iyo na uuwi na muna ako sa amin kahit na ilang araw lang, pagkatapos ng graduation ko. Okay lang naman di ba!?" saad ni Nicka na tinitigan sa mata si Arnel. "Kung plano mo talagang umuwi sa inyo ni Nicka, sasama ako. Ihahatid kita at mananatili ako sa probinsiya ninyo at sabay tayong babalik ng maynila. I insist Nicka." pagpipilit pa ni Arnel sa dalaga. Napabuntong hininga na lamang si Nicka at hindi na nagsalita pa, dahil ang nasa isip niya ay ang usapan nila ng bestfriend niyang si Emman na sabay silang magbabalik sa Naga. Hindi niya naman masabi kay Arnel dahil baka magselos na naman ang lalaki sa bestfriend niya at maging dahilan pa ng pagtatampo ng lalaki at magbago ang magandang mood nito. Pareho na silang natahimik at wala ng nagtangka pang magsalita. Kumakain pa rin si Arnel ng lapitan naman siya ng mga anak nila Marvin, Rodjun at Jasper, upang batiin siya ng good morning. Tuwang-tuwa ang mga bata ng kanina ay sabihin sa kanila ni Jasper na gising na ang ninong Arnel nila at nasa dining room ang lalaki. Kaya naman sabay- sabay nagsitakbuhan at nagpaunahan papunta sa ninong Arnel nila ang mga bata. Nakita ni Nicka kung gaano kahilig sa bata ang lalaking minamahal. Masaya itong dinumog ng mga inaanak. Natuwa pa siya ng hingian ng kambal ng regalo ang lalaki. At dahil wala naman silang bitbit na gift para sa kambal ay inilabas ni Arnel ang phone at nagpunta sa shopping online apps kung saan pwedeng mamili ng items at mag order ang mga bata. Hindi lang ang kambal ang pinaorder ni Arnel, lahat ng mga anak ng kaibigan niya ay pinapili niya ng items na gusto ng mga ito. Nang matapos ang mga batang makapamili ng mga items na gusto nilang ipaorder sa ninong Arnel nila ay mga naglayasan na at iniwan na sila. Nagkatawanan pa sila ng mapansin na sila na lamang uli ang nasa hapagkainan dahil pati pala ang mga magulang ng mga bata ay bigla ring naglaho sa dining area na kanina ay mga nakigulo rin sa pagpili sa online shop sa cellphone ni Arnel. Naalala ni Nicka, ang pagkadelay ng mothly period niya. Naisip niyang sabihin na lang kay Arnel, kapag sure na siyang positive ang resulta ng hinala niya. Kung nakabuo man sila ni Arnel ay sa tingin naman niya ay matutuwa ang lalaki at hindi siya nito pababayaan, kahit alam niya sa sarili niyang hindi pa siya handang magkaanak. Malakas din kase ang hinala niya na sinasadya rin ng lalaki na mabuntis siya nito, dahil hindi lang isang beses niyang napansin na hindi na binubunot ni Arnel ang alaga nito sa loob ng pagkabab*e niya kapag malapit na itong labasan at makaraos. Na minsan pa ay mararamdaman na lang niya ang biglang kusang paglabas ng kalmado ng alaga ni Arnel na hindi na galit at umurong na, kahit pa nga napag-usapan na nila ang bagay na iyon noon. Saka na lamang din niya iisipin ang mga gagawin niya kung sakali mang nabuntis na nga siya ni Arnel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD