"What? okay lang sweetheart, na malaman nila na girlfriend kita. Believe me, hindi sila mga judgmental na tulad ng iba." paliwanag ni Arnel sa dalaga ng mabasa ang nasa isipan nito.
Itinungo ni Nicka ang ulo dahil hindi makatingin sa mga asawa ng kaibigan ni Arnel. Hiyang- hiya na talaga siya, gusto na niyang bumuka ang kinatatayuan niya at lamunin na lamang siya bigla ng lupa dahil sa sobrang pagkapahiya.
Ang mabatid niyang nasabi na ni Arnel sa mga kaibigan nito ang tungkol sa kanila ay ayos lang naman sa kanya, dahil kilala na niya ang mga iyon na maasahan ng lalaking minamahal niya.
Pero yung ipaalam din ni Arnel sa mga asawa ng mga kaibigan nito ang tungkol sa kanila ay naging big deal talaga kay Nicka, dahil hindi pa nga niya kilala ang dalawang babae at higit sa lahat nahihiya siya dahil nalaman na ng mga ito na kabet siya ni Arnel. Natatakot siyang pag isipan ng hindi maganda ng mga asawa nila Jasper at Marvin at hindi siya o sila maunawaan ng mga ito.
Nais na rin niyang umalis sana sa lugar pero nakahawak sa kanya ang lalaki ng mahigpit na para bang alam nito na gusto na niyang umalis roon.
"Mauunawaan nila Sandra at Candice ang relasyon nating dalawa. Alam kong nahihiya ka Nicka, pero ayokong itago ka ng matagal. Kahit sa mga kaibigan ko at sa asawa lang muna nila ay hayaan mong ipahayag kong mahal kita, na nagmamahalan tayong dalawa." pagsusumamong pagpapaintindi pang wika ni Arnel sa dalaga na ibinaling na muli ang tingin kay Arnel.
"Gusto kong magpakatotoo tayo, kahit sa harapan lang nila, Nicka. I know, na katulad ko ay nahihirapan ka rin naman sa sitwasyon natin na ganito. Para tayong mga kriminal na nagtatago sa mga pulis na kinakabahan palagi at natatakot na baka may makakita sa atin o makahuli." dagdag pang wika ni Arnel na ikinahugot ng malalim na paghinga ni Nicka.
"Pero ayoko kaseng masira ang respeto sa akin ng mga kapatid ko at baka itakwil din ako ni itay dahil sa pakikipagrelasyon ko sayo, kilala ka ng ama ko at ganun din ang asawa mo. Sapalagay mo anong mararamdaman ng itay ko kapag nakarating sa kanya ang pinaggagawa ko? kaya nga ingat na ingat akong hindi malaman nila Tiyang Tinay at ng mga kasama ko. Sa tingin mo, kapag nalaman nila ang lihim nating relasyon ay hindi sila masasaktan sa desisyong pinili ko?" mahabang turan ni Nicka na pilit din ipinapaintindi kay Arnel kung bakit ayaw niyang may makaalam pang iba.
"Napag-usapan na natin ito Arnel, tanggap ko namang other woman mo lang ako o kabet o mistress, choice ko rin yon eh! ang makipagrelasyon sa may asawa na, kahit alam kong mali at hindi basta pagkakamali ko lang!" dagdag pang turan ng dalaga.
"Alam ko ang consequences sa nagawa kong desisyon, at tinatanggap ko yun, kaya nga di ba hindi naman ako umaangal, kase alam ko kung saan ako lulugar. Ako pa nga ang may gustong itago ang relasyon natin di ba! Dahil ayokong makadamay ng ibang taong malapit sa puso ko." muling saad ni Nicka kay Arnel na napapabuntong hininga na lang at hindi pa rin binibitiwan ang kamay ng dalaga kahit na inaalis nito ang pagkakahawak niya.
"Sa sasabihin ng ibang tao sa akin ay wala naman na akong pakialam. Ang pinaka-inaalala ko ay ang pamilya ko at ikaw." pahayag pa ni Nicka na ikinalamlam ng mata ni Arnel.
"May tiwala ako sa kanilang lahat Nicka, kaya nga malakas ang loob kong ipahayag din sa kanila ang relasyon natin dahil alam kong mauunawaan nila ako at sa atin sila papanig. Alam ko naman na nangangamba ka at naiintindihan ko yon. Sorry.. kung pinangunahan kita at hindi muna kita tinanong kung okay lang ba sayo na malaman rin nila? sana magtiwala ka rin sa kanila. Ang nais ko lang naman ay maging komportable ka, tayo sa kanila. Nahihirapan akong itago ang nararamdaman ko, gusto kong ipagsigawang mahal kita, ipagyabang ka sa kanila pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil hindi pwede. Please Nicka, kahit sa kanila lang." pagpapaunawa pa ni Arnel kay Nicka.
Nagkatinginan sina Sandra at Candice at napatingin din sa mga asawa nila na tumango sa kanila at sabay ding tumingin kay Arnel at kay Nicka. Babae din sila kaya naiintindihan nila ang dalaga, sa mga narinig nila kay Nicka ay mas naunawaan nila ito at higit sa lahat ramdam nila na tunay na mahal ng dalaga si Arnel.
Naramdaman din ng mga kaibigan at asawa ni Arnel ang bigat na dinadala sa puso ng dalawa ng dahil sa maling sitwasyon na alam naman nilang maaari ding magawan ng paraan. Kailangan lang nilang maghintay na muna.
"Tama si Arnel, Nicka! nagulat lang kami nitong si Candice. Hindi lang namin inaasahan, pero sabi nga niya hindi kami judgmental at nauunawaan namin kayo, di ba Candice?" nakangiting wika ni Sandra, na nilapitan si Nicka at hinawakan ang isang kamay ng dalaga na ikinasilay ng ngiti ni Nicka sa asawa ni Jasper na ramdam niyang sincere ito sa sinabi.
"Tama, buhay ninyo yan eh! Malawak ang mga pang- unawa namin sa ganyan Nicka. Matagal na rin naman naming kilala yang si Arnel kaya makakaasa kang hindi ka namin huhusgahan, dahil sa totoo lang hindi mahirap mahalin ang isang Arnel dela Cerna, kaya hindi ka namin masisisi kung nahulog man ang loob mo sa kanya at napamahal talaga siya sayo." mahabang litanya ni Candice kay Nicka na ikinatuwa ng dalaga dahil naiintindihan siya ng dalawang babae.
"Napakaswerte mo dahil kilala namin si Arnel na one woman man. Hindi yan basta- basta nai-in love at nagkakagusto sa babae at grabe yan kung magmahal. Kaya kanina hindi lang talaga ako makapaniwala na nakapagmove on na pala ang lalaking yan kay Romary, sa tagal na rin kase nilang magkahiwalay kung ibang lalaki yan baka marami ng babae yan si Arnel. Ikaw lang ang nakabale ng paniniwala ka na one woman man nga siya." natatawang sabi pa ni Candice.
"See, ano pa kaya kung si Aileen ang makasalamuha mo, Nicka? sa amin kase siya ang pinakaopen minded nahawa na lang kami sa babaeng yon! bukas, ipapakilala ka namin sa kanya pagkarating nila ni Rodjun. Huwag mo ng gawing big deal ang pagpapabatid sa amin ni Arnel ng tungkol sa inyo kase mas maganda ng sinabi niya kaysa malaman pa namin sa mga asawa namin di ba." seryosong turan naman na ni Sandra sa dalaga.
"Kung ang pinangangambahan mo ay makarating din sa iba ang sinabi sa amin ni Arnel, ay wag mo ng paka-isipin pa. Nangangako kami na wala kaming pagsasabihang iba, sa atin- atin lang! Para kay Arnel ay isi-zipper namin ang bibig namin ni Sandra at Aileen, syempre kahit wala pa siya rito ay hindi pwedeng hindi niya malaman ang tungkol sa inyo, ganyan namin kamahal ang friendship ng apat na magbabarkada." dugtong pang wika ni Candice.
Tumingin si Nicka sa dalawang babae at nagpasalamat sa pag- intindi sa kanila ni Arnel.
"Thank you ladies.. Hindi ako nagkamali ng sapantaha, alam kong mauunawaan ninyo ako. Naging kaibigan n'yo rin naman si Romary at naging close siya sa inyo, alam ninyo ang naging buhay naming mag-asawa kaya sigurado akong bukod kina Jasper at Marvin ay kayo rin ay makakaunawa sa desisyon ko." Hawak pa rin ang kamay ni Nicka na yinukuan ni Arnel ang mga asawa ng kaibigan niya.
Napangiti sina Candice at Sandra kay Arnel ganun na rin kay Nicka na bahagya ring iniyukod ang ulo sa dalawa ng magtama ang mga mata nila.
"Nakapagdinner na ba kayo?" muling tanong ni Sandra kay Arnel upang ilihis na ang usapan.
"Yes, kumain na kami sa nadaanan naming restaurant kanina." sagot ni Arnel na pinaupo na si Nicka sa tabi ni Candice at tumabi rin naman ng upo kay Nicka.
"Gusto ninyong magkape o mag tea?" alok ni Sandra.
Tumingin si Arnel kay Nicka. "Kape na lang, salamat!"
"Arnel, ikaw anong gusto mo?" tanong naman ni Jasper sa kaibigan matapos sumagot ni Nicka.
"Wala bang rhum o whisky?" sagot ni Arnel na ikinabaling ng tingin ni Nicka sa kanya.
"Konti lang! Promise, hindi ako magpapakalasing." aning sabing may paglalambing ni Arnel sa dalaga na ikinangisi nila Marvin at Jasper.
"Alam na natin Sandra 'to! mukhang may magiging laban din tayo mamaya." pilyang komento ni Candice na ikinatawa nila Jasper at Marvin.
Kinabukasan maagang bumangon si Nicka para tumulong kina Sandra at Candice sa preparasyon ng party mamaya ng kambal nila Sandra at Jasper.
Madaling araw na natapos sa inuman ang tatlong lalaki, kaya siguradong patanghali na magigising si Arnel.
Hindi na pinagkaabalahan pa ng dalaga na gisingin si Arnel dahil baka hindi pa siya palabasin nito at maghapon na naman silang magkulong sa kwarto.
Pagkatapos maligo at magmorning routine ng dalaga ay dahan-dahan si Nickang lumabas ng silid at marahang isinara ang pintuan ng kwartong ipinagamit sa kanila ni Jasper.
"Good morning!" bati ni Candice na nasa likuran ni Nicka, na kakalabas lang din ata sa kwarto ng mga ito.
"Hi, good morning din!" balik bati niyang nakangiti.
"Tulog pa rin ba si Arnel?" aning tanong ni Candice.
"Oo, tulog pa! hindi ko na muna ginising, masarap ang tulog eh!" sagot ni Nicka.
"Magkaibigan nga sila ni Marvin, ayun nakahiga pa rin at humihilik. Nag inom na nga kagabi, nagpagod pa. For sure tanghali na ang bangon ng mga yan." saad ni Candice.
Natawa naman si Nicka sa sinabi ni Candice. "Bakit natawa ka? Hindi ka ba kinulit ni Arnel kagabi?" curious na tanong ni Candice.
"Kagabi bago siya matulog hindi, pagod din siguro sa byahe at nakainom pa, kaya bumagsak agad. Pero kaninang madaling araw ng maalimpungatan siya, oo ." nakangiting sagot ni Nicka.
Nagkatawanan silang dalawa habang pababa sa hagdanan ng malaking rest house nila Jasper.
Gising na si Sandra at rinig nilang maayos na nagmamando sa mga kasambahay.
"Relax, Sandra! kami pa lang ang bisita mo. Gandang umaga sayo, mare" wika ni Candice.
"Gising na pala kayo, good morning! gutom na ba kayo? gusto n'yo ng mag breakfast?" bati ni Sandra sa kanilang dalawa at naupo sa mahabang couch na nasa living room.
"Good morning, Sandra." bati ni Nicka ng makalapit na sila sa asawa ni Jasper na matamis siyang nginitian.
"Kape na lang muna siguro kami ni Nicka, sabay sabay na tayong mag almusal." sagot ni Candice na tinanguan ni Nicka.
"Aling Lita, pagawa naman kape ng kape. 3 in 1 ang akin, kay Candice kaunti lang ang asukal at mas marami ang gatas ng kanya, sayo Nicka 3 in 1 ka rin ba?" aning saad ni Sandra at tanong kay Nicka.
"3 in 1 na rin ang sa akin Sandra, salamat." sagot ni Nicka.
"Aling Lita, tatlong 3 in 1 coffee please.. less sugar lang ang kay Candice, please.." utos ni Sandra sa katulong na agad namang tumalima.
"Si Jasper, tulog pa rin ba? yung kambal, at si Jayda?" tanong ni Candice kay Sandra ng matapos na makapag-utos ang kaibigan.
"Tulog pa yung tatay ang kulit kagabi eh! Buti na lang at masarap ang tulog ni Jayda at hindi nagising sa ingay ng Daddy niya. Yung kambal naman nasa garden na at nakikipaglaro kay Julius mo at si Jayda hawak na ng yaya niya." iiling- iling ang ulong wika ni Sandra.
"Hindi ba darating ang mga biyenan mo at mga kaibigan mo mamaya? kami lang ba ang mga bisita nyo?" muling tanong ni Candice.
"Ah! tayo- tayo lang talaga ngayon ang magcecelebrate dito. Sa martes pa naman talaga ang birthday ng kambal di ba. Request lang ni Jade at Jayden na makapag-Baguio kami, then naisip ni Jasper na iinvite na rin kayo ngayon at mag advance birthday party nga dito ang kambal para makapagbonding na rin tayo. Ang sabi kase ni Jasper may malaking project ang kumpanya ng DCEC kaya ang tatlo ay magiging busy." aning sagot ni Sandra habang inaayos ang kalat ng anak sa center table ng sala.
"Nasabi nga sa akin ni Marvin na magiging busy sila sa kumpanya dahil dalawang project daw ang sabay nilang sisimulang gagawin bukas at may isang patapos pa lang na kailangang isupervise pa munang lahat at tutukan." segundang wika ni Candice.
"Ang galing ng naisip ni Jasper, nakahanap ng oras para makapagbonding uli sila at tayo na rin. Siya ba, hindi ba busy sa kumpanya n'yo?" dugtong na tanong pa ni Candice.
"Hindi naman gaano, may mga mapagkakatiwalaan naman siya sa kumpanya. Kilala mo naman ugali ng asawa ko ayaw ng nagpapakastress sa trabaho n'on." sagot ni Sandra.
"Natahimik ka na Nicka, hindi ba nagkukwento sa iyo si Arnel ng mga ginagawa niyang trabaho sa kumpanya nila." pagpuna ni Sandra sa dalaga.
"Minsan may nasasabi siya, lalo na kapag maganda ang mood n'ya. Yung gusto niyang magdaldal ng magdaldal at magkwento tungkol sa work niya kaso wala naman akong alam sa trabaho niya, dahil malayo ang kurso ko sa business niya, kaya pinakikinggan ko lang siya." sagot ni Nicka.
Napangiti ang dalawa sa dalaga dahil ang kilala nilang Arnel dela Cerna ay hindi naman talaga palasalita o madaldal. Baka nga kapag si Nicka ang kasama ng kaibigan ng mga sawa nila ay nag iiba ang ugali ng lalaki. Nakikipag-usap naman ito sa kanila pero matipid magsalita.
Kagabi ay nawala na ang hiya ng dalaga kina Candice at Sandra dahil madali naman niyang nakapalagayang loob ang dalawang babae.
Habang nag- iinuman kase ang mga partner nila, sila naman ay mga nagkwentuhan. Marami silang napag-usapan at marami din siyang nalaman sa love story ng mga kaibigan ni Arnel.
Naikwento rin ng dalawa ang story nila Rodjun at Aileen, nang masabi niya sa dalawa na ilang araw na lang ay ga-graduate na siya ng nursing kaya nasabi rin ng mga ito na isang ENT specialist doctor ang asawa ni Rodjun.
Naputol ang pag uusap nila ng lapitan si Sandra ng isa sa mga katulong nila.
"Ma'am Sandra, dumating na po sina sir Rodjun nasa labas na po sila." pahayag ng kasambahay nila Sandra.
"Sige Joan, lalabas na kami, salamat. pakiayos na lang ang almusal sa lamesa para makakain na rin ang mga bata at ang mga bisita." utos pa muna ni Sandra bago tumayo sa pagkakaupo nito sa sofa.
"Tara na Sandra, salubungin natin si Aileen at ang dalawang makulit na bata." Excited na wika ni Candice na hila ang isang kamay ni Nicka.
Pagkalabas nilang tatlo sa entrance door ay kakababa lang nila Aileen at ng mga anak nito sa sasakyang minamaneho ni Rodjun. Hindi pa muna bumaba ang lalaki dahil ipinarada pa nito ang sasakyan sa tabi ng sasakyan nila Marvin.
Napakagwapo at napakagandang bata ang nakita ni Nicka na kumakaway pang papalapit sa kanila.
"Hello! hello! hello! good morning mga mare!" maingay na bati ni Aileen sa kanila. Napatitig si Nicka sa asawa ni Rodjun dahil sa pagiging jolly ng babae. Hindi na siya magtataka na maganda rin si Aileen dahil sure naman siyang hindi magpapahuli si Rodjun kina Marvin at Jasper na magaganda rin ang asawa.