Chapter 13

1881 Words
Alas otso ng gabi nasa loob pa ng university si Nicka at tutok sa pakikinig sa inilelecture ng kanilang professor sa kanilang mga estudyante. Malapit na kase matapos ang last semester nila Nicka at malapit na rin ang kanilang graduation na matagal ng minimithi ng dalaga na mangyari. Kaya naman sineseryoso na talaga ng dalaga ang pag aaral niya. At mas lalo pa niyang pinagbubuti ang pag aaral ng sinabi sa kanya ng professor niya na may chance na maging c*m laude rin siya dahil sa matataas ang kanyang mga naging grades mula ng unang taon niya sa kursong nursing hanggang sa ngayon na patapos na siya sa college. Nung mga nagdaang araw ay hindi na gaanong nagkakausap sina Arnel at Nicka dahil iniiwasan ng dalaga ang among lalaki. Madalas na kase silang hindi nagkakasundo dahil sa tuwing mag uusap sila ay humahantong lang sa selosan. Ilang buwan na ang nakakalipas magmula ng unang magkaroon ng tampuhan sina Nicka at Arnel. Naayos naman nila ang bagay na iyon noon, pero nasundan din iyon ng hindi nila pagkakaunawaan ng dahil kay Emman at nadaragdagan pa iyon ng init ng ulo ni Arnel dahil sa ginagawang pag iwas sa kanya ng dalaga. Kailan lang kase ay humingi ng space si Nicka kay Arnel dahil feeling daw ng dalaga ay nasusuffocate ito sa pagseselos ni Arnel. "Mahal kita, pero kung hindi mo kayang pagkatiwalaan ako at palagi mo na lang akong pag iisipan ng hindi maganda at hindi mo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko. Siguro makakabuting bigyan muna natin ng space ang bawat isa. Pag isipan mo kung gusto mo pa ba akong mahalin o nais mo ng tapusin ang kung anong relasyon mayroon tayo!" Mga katagang binitiwan ni Nicka kay Arnel ng huling beses silang nakapag usap. Nagsimula ang malalim na tampuhan ng dalawa ng madalas ng puntahan ni Emman sa school si Nicka para sunduin at ihatid ang dalaga sa labas ng mansyon gamit ang motor nito at nakikita iyon ni Arnel gabi gabi na nakaangkas si Nicka sa motor ni Emman, na hindi nagugustuhan ni Arnel. Wala naman din kaseng magawa si Arnel nung hilingin sa kanya ni Nicka na huwag na niya itong sunduin sa school para makaiwas sa panunukso at tsismis na rin. Lumala pa ang gulo sa relasyon nila ng minsan kaseng nakipagkita si Nicka kay Emman ng araw ng linggo sa simbahan. May lakad na pinlano si Arnel nun para sa kanilang dalawa, pero ikinansela iyon ng dalaga ng dahil sa best friend nito na alam niyang may gusto kay Nicka. Ayaw niyang payagan si Nicka na makipagkita kay Emman ng araw na yun ngunit hindi siya sinunod ng dalaga at umalis ng hindi sa kanya nagpaalam kundi sa tiya nitong si Manang Tinay. Sinubukan niyang sundan ang dalaga sa simbahan ngunit hindi niya nakita doon si Nicka. Tinawagan at nag chat din siya sa dalaga ng mga oras na hinahanap niya sa simbahan at plaza pero naka-off ang cellphone ni Nicka kaya cannot be reach ang dalaga. Galit na galit si Arnel sa inakto ni Nicka dahil parang sinadya ng dalaga na galitin siya ng araw na iyon. Ang hindi niya alam ay nasa ospital na sina Nicka at Emman ng makarating s'ya sa simbahan dahil nabunggo ng motorsiklo si Emman ng habulin nito ang nang snatch ng cellphone ni Nicka. Hindi naman na nabawi sa snatcher ang phone ng dalaga dahil mabilis iyon na nakatakas ng maaksidente si Emman. Dahil sa tumalsik ang binata noon sa bilis ng pagpapatakbo ng rider ng motor ay malakas ang naging impact ng pagkakabunggo ni Emman sa pader. Kaya naman nataranta na si Nicka at hindi na inintindi pa ang pagkakasnatch ng cellphone niya at ang nasa isip na lamang niya ay ang kalagayan ng best friend niya. Iniexplain at ikinuwento iyon ni Nicka kay Arnel ng makabalik ang dalaga sa mansyon ng mga Dela Cerna. Na kaya hindi siya nakontak ng amo at hindi siya nakita sa lugar kung saan alam ni Arnel na doon ang punta niya. Pero hindi agad naniwala ang lalaki sa sinabi niya at iniwanan na lang siya ni Arnel ng hindi na ito umimik pa. Nasaktan ang kalooban ni Nicka sa naging reaction nito hindi nakita ni Arnel ang pagbagsak ng luha noon ni Nicka. Araw ng sabado hindi na makayanan pa ni Arnel ang pagiging cold sa kanya ni Nicka. Hindi na niya talaga nagugustuhan ang pagtrato sa kanya ng dalaga. Nung mga nagdaang araw pa siya hindi pinapansin ni Nicka, lalo na kapag silang dalawa lamang. "Manang, pakisabi kay Nicka na ipagdrive niya ko ngayon. Pupunta ako ng Baguio at hanggang bukas kami roon. Napuyat ako kagabi kaya kailangan ko ng kapalitan sa pagmamaneho." aning utos ni Arnel kay Manang Tinay ng umagang bumaba si Arnel mula sa kanyang silid sa itaas at tinungo ang kusina. Wala roon si Nicka, nasa garahe at nililinis ang mga sasakyan. "Sige sir Arnel, sasabihin ko kay Nicka. Nasa garahe lang siya ngayon at nagkacarwash pa ata, mamaya maya lang ay narito na uli yon sa kusina." saad ng ginang kay Arnel na tumango lang sa mayordoma niya. "Anong oras nga pala ang alis ninyo, sir Arnel?" aning tanong ni Manang Tinay ng palabas na ng kusina ang amo. "After 2 hours Manang." mabilis na sagot ni Arnel. "Papagdalhin mo nga pala siya ng makapal na jacket dahil overnight kami roon. Kasama namin sina Marvin at Rodjun pati si Jasper. Birthday ng kambal niya bukas at doon sa Baguio gaganapin ang party." pahayag at bilin ni Arnel sa mayordoma niya upang hindi ito maghinala although na may katotohanan ang sinabi niya pero may binabalak siyang iba upang masolo niya si Nicka. "Ganun po ba sir, sige po!? ipapaalala ko po sa kanya na magdala ng panangga sa lamig. Mag breakfast na po ba kayo sir Arnel?" aning wika pa ng ginang sa amo. "Yes Manang, pakidala na lang sa library dahil may kailangan pa kong gawin roon." "Sige sir Arnel ipapadala ko na lang kina Jane ang almusal mo." "Thank you, Manang!" at naglakad na patungong library si Arnel. Dahil sa naisip ni Manang Tinay na baka magtagal pa ang pamangkin niya sa paglilinis ng mga kotse ay pinuntahan niya na lang ito roon pagkatapos mautusan si Jane na ihatid ang almusal ng amo nila at sinabi ang pinasasabi ni Arnel sa dalaga. "Matagal ka pa riyan Nicka?" bungad na tanong ng tiyahin sa dalaga. "Malapit na po tiyang, bakit po!?" balik tanong ni Nicka na pinupunasan na ang kotse upang matuyo. "Dalian mo riyan at mag ayos ka ng mga gamit mo. Samahan mo raw si sir Arnel na pumunta ng Baguio. Kailangan kanya para may kapalitan siya sa pagdadrive. Napuyat raw siya kagabi kaya siguro inaantok pa." Saglit na natigilan si Nicka dahil sa pumasok sa isip niyang malabo na maiwasan pa niya si Arnel ngayong araw. Hindi naman siya pwedeng humindi dahil trabaho niya iyon. Tumango na lang siya sa tiyahin at sinabing susunod na lang. "O sige basta tapusin mo agad yan ha! may mga jacket ako diyan na panlamig sa cabinet ko, kakailanganin mo yun kaya mamili ka na lang ng magustuhan mo, kasya naman yun sayo. Malamig doon lalo na sa gabi at madaling araw. Nga pala ang sabi ni sir Arnel hanggang bukas kayo roon at kasama ninyo ang pamilya ng mga barkada niya. Mag iingat ka roon Nicka at wag kang magpapasaway!." paalalang habilin pa ni Manang Tinay sa pamangkin. "Opo tiyang, ako na po ang bahala roon!" aning turan ni Nicka at nang maiwan siya sa garahe ay hindi niya maiwasan na hindi kabahan sa binabalak ng amo niya. Natatakot siya sa kahahantungan ng pagsasama nila sa byahe ng lalaking ilang araw na rin niyang namimiss ngunit ayaw naman niyang makausap. Ilang linggo na rin ng iwasan niya ang lalaki kahit pa nga sobrang miss na miss na niya ito ay tinitikis niyang wag kausapin si Arnel, dahil baka sa hindi magandang usapan na naman sila mapunta at baka sa pagkapikon niya ay makapagbitaw siya ng salita na pagsisisihan na naman niya sa huli at ayaw niya iyong mangyari muli dahil kahit naman naiinis siya kay Arnel ay mahal na mahal niya ang lalaki. Ayaw lang talaga niya ang kinokontrol ang buhay niya at yung pakiramdam na walang tiwala sa iyo ang taong minamahal mo kaya humingi siya ng space upang iparealize iyon kay Arnel. Pero naisip rin niyang paano pala kung iba ang marealize ng lalaki at kapag kinausap na siya ay ipahayag lang sa kanyang hindi na siya gusto nito. Gusto niyang bawiin sana ang sinabi niya pero nahihiya naman siya, kaya pinanindigan na lamang niya ang kung anong sinabi niya. Tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa ng suot niyang jogger pants. Sinagot ni Nicka ang call na si Emman ang caller. "Problema mo!? aga mong makipagkulitan ngayon? napatawag ka!?" mga banat na tanong ni Nicka sa kaibigan. "Wala lang na miss lang kita!" natatawang sagot ni Emman. "Wala kang ginagawa!? Lakas ng trip mo ha! busy ako may tinatrabaho pa 'ko." aniya kay Emman. "Tumawag ako para itanong lang po sa iyo kung makakapunta ka dito bukas?" seryoso ng wika ng kaibigan sa kanya. Nang maaksidente kase si Emman sa paghabol sa snatcher ay napilayan ito sa binti kaya hindi pa makalakad ng maayos ang lalaki. Napalitan naman agad ang cellphone niya na snatch ng magnanakaw nang ibenta ng mura ni Jane ang isang cellphone nito sa kanya para daw may magamit siya agad. May natatabi naman siyang ipon kaya binili na niya ang extrang phone ni Jane. "Hindi ako makakadalaw bukas, may trabaho ako. Pupunta ng Baguio ang sir ko at kasama niya ako, bukas pa ng gabi ang balik namin for sure. Sa ibang araw na lang ako bibisita diyan. Ipa- massage therapy mo na muna sa iba yang binti mo ha! marunong naman na ang asawa ng pinsan mo, naituro ko na sa kanya ang tamang pagmasahe sa binti mo, alam na niya ang dapat niyang gawin. Wag matigas ang ulo Emman ng mabilis na gumaling ang pilay mo sa binti ha!" "Binisita ka na naman ba ni bloodymary? init ata ng ulo mo ngayon, may dalaw ka ba?" pang aasar na sambit ni Emman. "Gagi, wala pa nga eh.." singhal ni Nicka na biglang naalala na ilang araw na pala siyang delay. "Emman, mamaya na tayo mag usap may gagawin lang ako!" saad ni Nicka na ini end call na ang tawag ng kaibigan at mabilis na kumilos. Inayos na muna niya ang garahe at naglakad padiretso sa kanyang quarters room. Binuksan niya ang kanyang drawer kung saan nasa loob noon ang sanitary napkin na ginagamit niyang panapal sa kanyang kasarinlan kapag dinudugo iyon buwan buwan. Wala pang bawas ang dalawang pack ng napkin na binili niya nung nakaraan at panty liner lang ang nababawasan sa mga napkin niya. Hawak niya ang dalawang pack ng sanitary napkin at tinititigan iyon. Saglit na napatulala si Nicka at maya maya ay sinuri ang sarili. Pinulsuhan ni Nicka ang kanyang palapulsuhan at ang kanyang pintig sa leeg. Masyadong mabilis ang pintig nun at hindi iyon normal at dahil nursing student siya ay hindi na niya kailangan magpatingin pa sa OB GYNE para lang malaman kung buntis nga ba siya o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD