Chapter 14

2152 Words
Sa loob ng sasakyan habang hawak ni Arnel ang manibela at nagmamaneho ay pinapakiramdaman niya ang babaeng katabi lamang niya sa upuan. Kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan nito ang dalaga dahil panay ang galaw nito at maya-maya pa sinisilip ang laman ng bitbit nitong bag. Nais na niyang kausapin sana ang dalaga pero sa nakikita niya ay wala pa ito sa mood na makipag-usap sa kanya. Tahimik lang si Nicka sa kanyang kinauupuan ngunit hindi siya mapakali dahil sa katabi lang niya si Arnel sa loob ng sasakyan. Iniisip niya rin kase ang hinala niya na buntis siya, na magkakababy na silang dalawa ni Arnel. Hindi pa siya makapagdesisyon kung ipapaalam na ba niya sa lalaki o ililihim na muna niya, lalo na at hindi pa naman siya sigurado kung talagang buntis nga siya. Isang buwan pa lang naman siyang delay at baka mamaya ay negative naman pala ay malulungkot lang sigurado ang lalaking kanyang minamahal. Nakatanaw sa kanilang dinaraanan si Nicka habang nag iisip pa rin at hindi binibigyang pansin ang lalaking ramdam niyang kanina pa panay ang sulyap sa kanya. Nakalabas na sila ng maynila at tinatahak na nila ang daan pa NLEX ng mag ring ang cellphone ni Arnel. Sinulyapan na muna ni Arnel sI Nicka bago inaccept ang tawag. "What?" pagsagot ni Arnel sa tawag ng kaibigan niyang si Jasper. ( Anong what pare!? nasaan ka na?) paangil na wikang tanong ni Jasper. "On the way na kami pa Baguio." aniyang seryoso ang tinig sa kaibigan. ( What!? magkasama kayong pupunta rito? Bakit, okay na ba kayo?) bulalas na tanong pa rin ni Jasper na naririnig ni Nicka dahil nakaloud speaker ang cellphone ni Arnel. Sapalagay rin ni Nicka ay may alam na ang mga kaibigan ng lalaki sa kanilang relasyon ni Arnel. "Oo magkasama kaming aattend ng party ng kambal mo. May problema ba?" paasik na tanong ni Arnel sa kaibigan na ikinabaling naman ng tingin ni Nicka sa kanya. ( Wala naman! mag ingat kayo sa byahe, narito na kami nila Sandra sa Baguio at kararating lang din naming mag anak dito. Sina Rodjun at Aileen, bukas pa raw sila ng umaga makakabyahe dahil may duty pa mamayang gabi si Aileen sa hospital, hahabol na lang daw sila sa party bukas. Sina Marvin at Candice on the way na rin pala, nag chat si Candice kay Sandra kanina. Kita na lang tayo later, tawagan mo nga pala ako kapag malapit na kayo, bye!.) "Okay, thank you pare." at ini end call na ni Jasper ang tawag kay Arnel. Malakas na napabuntong hininga si Arnel at itinabi na muna ang sasakyan nila sa tabing kalsada. Hinarap ni Arnel si Nicka at sinulyapan ang dalaga. "Bakit ka huminto? may gusto ka bang sabihin?" tanong ni Nicka kay Arnel ngunit sa labas ng sasakyan naman nakatingin. "Nicka, please.. ayoko na ng ganito tayo, nahihirapan ako. Hindi ko na kaya ang pagtratong ginagawa mo sa akin." malungkot na wika ni Arnel sa dalaga na sinubukan pang hawakan ang isang kamay ni Nicka na hinayaan lang ng dalaga na mahawakan ng lalaki. "What do you mean!? anong ayaw mo na?" napasulyap at biglang kinakabahang tanong ni Nicka kay Arnel. "Alam kong kasalanan ko kung bakit ka nagkakaganyan. Im sorry! im really.. really sorry, please forgive me, Nicka. Hindi ko talaga mapigilan ang hindi mag selos kay Emman eh!. Kase alam kong gusto ka ng kaibigan mo at alam kong alam mo na hindi lang kaibigan ang pagtingin niya sa iyo. Mahal ka ni Emman, Nicka. Alam ko yon, noon pa." sinserong sambit pa ni Arnel sa dalaga na hindi agad nakahuma sa narinig mula sa kanyang bibig. "Matagal ko nang alam Nicka, na more than friends ang nararamdaman niya para sa'yo. Kaya naman ganoon na lang ang manibugho ang damdamin ko kapag kasama mo siya." paghingi ng pang unawa ni Arnel sa dalaga na nakikinig lang sa sinasabi ng lalaki sa kanya at walang maapuhap na maisagot sa lalaki. "Nang araw na humingi ka ng payo kay Jane tungkol sa nabasa mong sulat na ibinigay sa iyo ni Emman, narinig ko 'yon. Naiintindihan ko naman kung gaano kahalaga sa iyo ang samahan ninyo ni Emman, dahil mula pagkabata ay magkasama na kayong dalawa." bakas pa ang lungkot sa boses ni Arnel ng muli itong magsalita. "May tiwala ako sayo Nicka, ngunit sa kaibigan mo ay wala. Pero kung ang dahilan ng paglayo ng loob mo sa akin ay ang pagiging seloso ko, pangako sisikapin kong hindi na makaramdam pa ng selos sa kaibigan mong si Emman." aning turan pa ni Arnel kay Nicka. "Kung ano ang iyong nais ay sabihin mo lang at kung ano rin ang ayaw mo Nicka ay huwag mong isaisip lang, sabihin mo sa akin para magawan ko ng solusyon o paraan. I know na mahihirapan akong gawin iyon ngunit para sayo ay sisikapin kong magawa. Huwag mo lang iparamdam sa akin na hindi mo na ako mahal, pakiusap Nicka." pagsusumamo pa ni Arnel. Nakaramdam naman ng habag ang dalaga kay Arnel, hindi niya akalain na nahihirapan din pala ang kalooban nito dahil sa kanyang pag iwas rito. Tutok ang mga matang nakatitig sa mukha ng lalaki si Nicka. Nag- uulap na ang mga mata ni Arnel, senyales na may papatak na luha sa magkabilaang pisngi nito. Tumingala ang lalaki at pinipilit na wag ipakita kay Nicka ang kanyang pagluha. Pinisil ni Nicka ang kamay ni Arnel na nakahawak sa isa niyang kamay. Itinaas niya iyon ng bahagya at kinuha niya ang isa pang kamay ng lalaki at pinagsalikop niya iyon at tinapik-tapik sabay ngiti sa lalaki ng ibaba nito ang ulo at magtama ang kanilang mga mata. "Ikaw, naman ang mahal ko, ang nasa puso ko." malamyos na wika ni Nicka at hinagkan ang likod ng palad ni Arnel ng nakangiti. Bumagsak ng tuluyan ang luha sa pisngi ni Arnel, ngunit sa pagkakataon naman na iyon ay luha ng kagalakan. Sa sinabi ng dalaga sa kanya ay napawi ang takot na kanyang nadarama ng ilang araw dahil sa cold treatment ni Nicka sa kanya. Inalis ni Arnel ang seatbelt sa kanyang katawan at malaya ng nailapit ang katawan kay Nicka at mahigpit na niyakap ang dalaga na yumakap rin naman sa kanya. Dinampian pa ng halik ni Arnel ang tuktok ng ulo ni Nicka na matamis pa ring nakangiti kay Arnel. Pinahid ni Nicka ang luha sa pisngi ni Arnel gamit ang kanyang mga daliri na mahinang ikinatawa ni Arnel na ikinatawa na rin ni Nicka. "Okay ka na?" tanong ng dalaga kay Arnel na tumango naman. "I love you.." malambing na wika ni Nicka na dinampian pa ng halik sa labi si Arnel. "Mahal kita Nicka, mahal na mahal na kita at hindi ko na makakayanang mawala ka sa buhay ko." seryosong bigkas ni Arnel sa dalaga na mas ikinalapad ng ngiti ni Nicka sa kanya. "Paano ang asawa mo? makikipaghiwalay ka na ba sa kanya ng tuluyan?" seryoso na ring tanong ni Nicka kay Arnel na bumitiw na muna sa lalaki upang tanggalin na rin ang seatbelt niya. Humalik na muna sa labi ni Nicka si Arnel bago sinagot ang tanong ng dalaga. "Buo na ang loob kong ipa-annulled ang kasal namin ni Romary. Actually hinihintay ko na lang talaga na magpakita siya sa akin para maipawalang bisa na ang kasal naming dalawa." pagpapabatid muli ni Arnel sa babaeng alam niyang lagi siyang inuunawa. "Mahihintay mo naman ang paglaya ko sa kasal namin ni Romary di ba!?" saad na tanong pa ni Arnel sa dalaga na hinawakan muli ang isang kamay ni Nicka at inilapit sa kanyang labi upang hagkan. Ngumiti si Nicka sa iginawad na halik ni Arnel sa likod ng kanyang palad. "Mahal kita, kaya para sayo ay maghihintay ako." aning sagot ni Nicka sa tanong ni Arnel sa kanya. "Thank you, Nicka. Honestly, matagal ko ng ramdam na wala na akong halaga sa kanya at alam kong may iba na siya, bago pa man naging tayo." pahayag pa ni Arnel kay Nicka na ikinaawang ng labi ng dalaga pero hindi niya naman ipinahalata ng matagal "Hindi ko lang matanggap noon na nasira kami at nawala na lang ang mahabang panahon na pag iibigan namin ng dahil lang sa maling nagawa kong desisyon." aning wika pa ni Arnel na umayos ng upo dahil sa bigla na lang isinandig ni Nicka ang ulo nito sa kanyang balikat. "Siguro pareho rin kaming naging mahina sa ibinigay na pagsubok sa amin bilang mag asawa. Nakakapanghinayang lang na sa ganito humantong ang naging pagmamahalan namin noon ni Romary." malungkot na turan pa rin ni Arnel, kahit na alam ni Nicka na hindi na tulad ng dati ang sakit na nararamdaman nito nang una niyang mabatid ang problema ng lalaki. "Sinubukan ko namang isalba ang relasyon namin bilang mag asawa, pero iniwan pa rin niya kong mag isa, na may galit sa kanyang puso. Sana dumating ang araw na mapatawad niya ko." Malungkot na saad pa ni Arnel na naiintindihan naman ni Nicka. "Sobra kong minahal si Romary Gail, na halos ibuhos ko ang buong oras ko sa kanya noon, lalo na ng dumating sa buhay namin ang anak naming si Kyline. Pero sinubok kami ng maykapal at ganito ang naging resulta, nawalan na ko ng anak, nawala rin ang pagmamahal sa akin ng babaeng una kong minahal. Sadya sigurong walang forever sa aming dalawa ni Romary Gail, dahil ikaw ang babaeng nakatakdang maging ka forever ko." mahabang litanya pa ni Arnel na hindi naman malaman ni Nicka kung ano ba dapat ang tama niyang ire-react. "Nicka, sana hindi ka magsawang mahalin at unawain ako. I know, im not a perfect person for you, pero hinahangad ko pa rin na ikaw na sana ang maging ka forever ko. Ang babaeng makakasama ko ng panghabambuhay. Kapag naayos na ang legal separation namin ni Romary Gail, pangako ko sa iyo na pakakasalan kita agad, kahit saang simbahan mo pa gusto." pagbitaw ng salitang pangako pa ni Arnel kay Nicka na ikinangiti ng dalaga sa kanya. "Kung may nais man akong taong makakasama sa buhay ko, ikaw lang yun Arnel. Ayusin mo ang dapat mong ayusin, magtitiwala ako sayo at aasahan ko ang pangako mo na yan sa akin." malamyos na wika ni Nicka na mabilis na sinelyuhan ang labi ni Arnel dahil alam niyang magpapasalamat na naman sa kanya ang lalaki. "Huwag ka ng magpasalamat, mahal ko. Gawin mo na lang ang mga dapat mong gawin, para matupad mo ang pinangako mo sa akin." nakangiting turan ng dalaga na pinisil pa ang matangos na ilong ni Arnel. Hinagkan ni Arnel ang labi ni Nicka at napapikit ng mata ang dalaga. Tinugon ni Nicka ang malalim na halik ni Arnel sa kanya. Naghalik*n sila ng marubdob na tila ba uhaw na uhaw sila sa isa't-isa. Gumalaw si Nicka at pumatong ng upo sa ibabaw ni Arnel na patuloy pa rin sa pakikipaghalik*n sa kanya. Kumilos ang mga kamay ni Arnel na para bang may sariling isip na humaplos sa balat ng dalaga. Hindi namalayan ni Nicka na nahubad na pala ni Arnel ang pang itaas niyang saplot. Naging mapaghanap na rin ang labi ni Arnel na habang si Nicka ay darang na darang na sa sensasyon na kanyang nadarama. Mula sa leeg ay dumausdos na ang labi ni Arnel sa dalawang bundok ni Nicka na kanina ay hinahaplos lang ng palad niya at ngayon ay pinaglalaruan na ng kanyang dila at bibig. "Gustong gusto ni Arnel na sinusupsop ang dalawang pinkish na ut*ng ni Nicka, dahil iba ang nagiging reaksyon ng katawan ng dalaga kapag ginagawa niya ang bagay na iyon sa dalaga. Malakas kaseng napapaigtad ang katawan nito at napapadiin nito ang ulo niya sa malusog na dibdib ng dalaga gamit ang isang kamay nito na nakamasahe palagi sa kanyang ulo sa tuwing pinapaligaya niya si Nicka gamit ang kanyang bibig. Impit na napaungol si Nicka sa ginagawang paglalaro ni Arnel sa kanyang malusog na dibdib. Ramdam na rin ni Nicka ang alaga ni Arnel na gusto ng kumawala sa suot na pantalon ng lalaki. Sobrang init na ng katawan nilang dalawa. Lalo na si Nicka na handa na namang ipalasap muli kay Arnel ang kanyang tahong at perlas. Abala naman si Arnel sa paghalik sa dalawang bundok ni Nicka na minsan ay babalik sa labi ng dalaga at babalik sa mga pinkish na pasas nito, na pinahihintulutan ng babae dahil gusto naman niya ang init na dulot ng labi at bibig ni Arnel. Iginalaw ni Nicka ang kanyang balangkang at ikiniskis niya sa kanyang kinauupuan ang kanyang pagk*babae na ikinagalit ng alaga ng lalaki dahil lalo iyong nanigas at ramdam na ramdam iyon ni Nicka sa kanyang pang upo. Napaungol si Arnel sa paggalaw ni Nicka sa ibabaw ng kanyang harapan, sa pagitan ng kanyang mga hita. Napatingin siya sa mukha ni Nicka, na malawak ang pilyang pagkakangiti sa kanya at nagawa pa siyang kindatan ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD