Chapter 25

1203 Words
"Lolo.., Lolo Lando, gising na po yung magandang babae." sigaw ng batang babae sa matandang lalaki na papalapit sa isang kubo na mabagal ang paglalakad dahil sa mga bitbit nitong gulay at mga saging. "Wag kang tumakbo apo at baka madapa ka. Ang sabi mo ay gising na yung babae, alam na ba ng inay mo, nasabi mo na ba sa kanya.?" aning saad ng matanda sa batang babae na sumasalubong sa kanya pababa "Nasa kubo po si inay, Lolo Lando. Inaasaikaso nga po niya yung magandang babae." sagot ng bata. "Ganun ba, tulungan mo akong buhatin ang bigkis ng saging Nene, upang mapadali ang pag uwi natin, at nang matingnan ko ang kalagayan ng babae." ani pa ng matanda. "Sige po Lolo Lando, ako na po ang magbubuhat ng iba." at kinuha nga ang ilang dala ng kanyang lolo. "Yung kaya mo lang bitbitin apo ha wag mong pwersahin ang sarili mo kung mabibigatan ka." "Kaya ko naman po ito, Lo. Bilisan po natin Lo, kase si inay minsan hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babaeng maganda kapag nagsasalita, nahihirapan siyang kausapin." turan ng batang si Nene. "O siya sige, mukha rin naman banyaga ang babae kaya panigurado na iba rin ang pananalita niya." opinyon ng matanda. "Inay.. Inay.., nandito na po kami ni Lolo Lando." sigaw muli ng batang si Nene ng makapasok na silang mag lolo sa loob ng kanilang bakuran. Lumabas ang ina ng bata sa kubo at sinalubong ang matandang lalaki at nagmano. "Ang sabi sa akin ni Nene ay gising na raw ang babaeng nakita mo sa dalampasigan." agad na tanong ng matanda. "Opo itay, gusto na nga pong umalis pero ang sabi ko ay huwag na muna dahil hindi pa niya kaya." saad ng anak ng matanda. Naglakad sila papasok ng kubo pagkatapos maiayos ang mga nakuha nitong saging at kamoteng kahoy at ilang gulay sa kakahuyan ng matandang lalaki sa loob ng gubat. "Napakain mo na ba ang babae?" muling tanong ni Lolo Lando. "Opo itay, nakakausap ko naman po siya kaya lang may ilang salita siya na hindi ko maintindihan." napapakamot sa ulong saad ng babae. Pumasok si Nene sa isang silid sa loob ng kubo at tinignan ang babaeng nakaupo sa ibabaw ng papag. "Ate ganda, ano pong pangalan mo?" tanong ng bata. Matipid na ngumiti ang babae sa bata at kahit na nagtataka o naguguluhan ang babae ay sumagot din naman sa tanong. "Romary, Romary Gail Dela Cerna. ikaw bata, ano ang pangalan mo?" balik tanong ng babae. "Nenita po, pero ang tawag nila sa akin ay Nene." sagot ng bata. "Romary, narito na ang itay ko. Nais ka niyang makausap." aning pagsingit ng ina ng bata sa pag uusap ng dalawa. "Sure no problem, okay lang. Nais ko ring makausap ang itay mo, Hilda." mabilis na sagot ni Romary. Tumango ang babae at sinenyasan ang ama na maari ng pumasok sa loob ng maliit na silid. "Magandang tanghali sa iyo iha. Ako si Lolo Lando ang ama ni Hilda at lolo ni Nene." pagpapakilala ng matandang lalaki. "Magandang tanghali rin po, Lolo Lando." bati din ni Romary. Naupo ang matandang lalaki sa ibinigay na upuan ni Hilda at ang mag ina ay naupo naman sa dulo ng papag na kawayan na kinahihigaan ni Romary. "Papaano ka ba na punta sa dalampasigan, iha? nakita ka nitong anak kong si Hilda at apo kong si Nene nung nakaraang linggo pa na walang malay na may sugat sa ulo at may tama ng baril sa iyong binti. Alam mo bang mahigit dalawang linggo ka ng nakaratay diyan sa higaan." saad ng matanda na ikinapagtaka ni Romary dahil wala siyang matandaan sa nangyari. Naguguluhan siya dahil kanina pa niya iniisip kung paano nga ba siya napadpad sa lugar kung nasaan siya ngayon. "Lolo Lando, wala po akong matandaan. Hindi ko po alam kung anong nangyari sa akin. Pwede ko po bang malaman kung nasaang lugar tayo." sagot at wika ni Romary na iginala pa ang paningin sa loob ng silid. "Nasa isang isla tayo ng Pangasinan, iha. Isla Buenviaje, iilan lang kaming mga naninirahan dito. Dahil malayo ang islang ito sa kabihasnan. Palagay ko ay kung hindi ka nahulog sa panghipapawid na sasakyan ay nahulog ka naman sa barko." Hinala ng matanda sa nangyari kay Romary. "Lo, may paraan po ba para makauwi ako sa amin, sa asawa ko, kay Arnel. Sigurado po akong pinaghahanap na nila ako lalo na kung ang sabi ninyo ay matagal na akong naririto sa isla n'yo.?" halo halong emosyon ang nararamdaman ni Romary ng mga oras na yun. Iniisip niya ang asawa niya na baka kung ano na rin ang nangyari kay Arnel at kung hinahanap ba siya ng asawa. Ang huling natatatandaan niya ay ang araw ng libing ng anak nila. Galit siya kay Arnel kaya nilayasan niya ang asawa at hindi na niya matandaan ang mga sumunod na nangyari sa kanya. Tumulo ang luha ni Romary ng maalala ang pagkam*tay ng kanilang anak na si Kyline. "Okay ka lang ba iha? Bukas ng umaga ay darating ang bangka na transportasyon namin patungong kabayanan. Isang beses lang sa loob ng tatlong araw ang byahe at kung mahuhuli ka sa oras ay maghihintay ka pa uli ng tatlong araw bago ka makaalis sa islang ito. Iyon kase ang ibinigay na ordinansa ng munisipyong sumasakop sa aming mga taga isla." turan ng matandang lalaki at pagpapaliwanag sa kanya. "Lolo Lando, pwede pong magtanong?" wika ni Romary. "Ano 'yon?" tanong din nito sa kanya. "Wala po bang nakakaalam na narito ako sa kubo ninyo bukod sa inyo nila Hilda?" "Alam ng mga ka isla namin na narito ka iha. Maliit na isla lang ito at may lagpas sampung pamilya lang ata kaming naninirahan dito sa isla. Bakit mo naitanong?" "Wala po bang nakakilala sa akin rito?" muling tanong ni Romary. "Wala, iha." Napatango si Romary ng maisip niyang wala nga palang kuryente sa lugar kaya malabo na may makakilala nga sa kanya. Dating artista si Romary bago nagpakasal kay Arnel dela Cerna at nakagawa rin siya ng ilang commercial ads sa tv. Fashion model rin siya na nalalathala sa mga magazine. "Salamat po pala sa pag aalaga ninyo sa akin Lolo Lando, Hilda. Tatanawin ko pong utang na loob ang ginawa ninyo para sa akin." aniya sa mag ama na matipid siyang nginitian ng matandang lalaki at tinanguan. "Nangangailangan ka ng tulong iha, kaya ka namin tinulungan. Hindi kami humihingi ng kapalit mula sa'yo. Ang makita naming maayos ka na ay sapat na. Ang pagpapasalamat mo sa amin ay sapat na rin. Magpahinga ka at magpalakas para bukas pagbalik mo sa naiwan mong buhay sa maynila ay may paghuhugutan ka." saad ni Lolo Lando kay Romary na hindi na niya kinontra pa. "Lalabas na muna ako at ako ay may gagawin pa. Hilda, alalayan mo na muna si Romary." aning bilin pa ng matanda bago sila iniwanan sa silid. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong muli ni Hilda ng mapansin siya nitong nag iisip. "Nawala na ang pagkahilo ko, salamat. Pero bakit kaya wala akong matandaan kung paano ako napunta sa dalampasigan? ang huli kong natatandaan ay ang pag alis ko sa bahay namin ng asawa ko?" pagtatakang tanong ni Romary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD