Chapter 24

2298 Words
Lumipas ang mga araw na hindi pinapansin ni Nicka si Arnel, kahit na sinusubukan ng lalaking kausapin siya ay nagmamatigas siyang balewalain ang presensya nito na madalas ikabagsak ng balikat ng lalaki sa tuwing lalagpasan niya ito na napansin din ng tiya Tinay niya. "Nakipaghiwalay ka na ba sa kanya? Napapansin ko ang ginagawa mong pag iwas. Tama yang ginawa mong desisyon Nicka, iwasan mo na muna si sir Arnel hanggat naririto ka pa sa mansion." saad na pagkausap sa kanya ni Manang Tinay ng maiwan silang dalawang magtiyahin sa kusina. Napabaling ng tingin si Nicka sa tiyahin ng kausapin siya nito, dahil ilang araw na rin ng huli silang mag- usap at yun ang araw na napaamin siya ng tiya Tinay niya sa relasyon nila ni Arnel. Magmula kase ng araw na yun ay hindi siya iniimik nito. Palagi lang pinadadaan kay Lenny o Jane ang gusto nitong iutos o ipagawa sa kanya. Hindi sumagot o nagsalita si Nicka. Tumingin lang s'ya sa tiyahin at pinagpatuloy ang ginagawang pagpupunas ng mga katatapos lang niyang hinugasan na mga boteng lagayan ng mga condiments tulad ng asin, asukal at harina. Sa isip ni Nicka ay inoobserbahan pala talaga siya ng tiya n'ya. Ang ilang araw na pagtatampo niya kay Arnel kaya siya umiiwas rito ay dahil gusto niyang magpalipas lamang ng sama ng loob. Oo at nasaktan siya sa nasabi ni Arnel sa kanya, pero kahit papaano ay nauunawaan naman din niya ang lalaki. Napag- isip isip niya pa nga na sa nakita ni Arnel ng gabing inundayan nito ng suntok si Emman ay dala lang talaga ng selos, na kung sakali man na siya ang nasa sitwasyon ni Arnel ay siguradong magseselos rin naman siya. Patunay lang na natatakot si Arnel na mawala siya sa piling nito. Wala siyang balak o plano na makipaghiwalay kay Arnel, Ngayon pa bang nasa sinapupunan na niya ang magiging anak nilang dalawa. Ang nasa isip pa nga niya ay kung paano niya masasabi kay Arnel na buntis na siya na masu-suprise ang lalaki. Ang pag iwas n'ya nung isang araw, kahapon at ngayon ay pag iinarte na lamang dahil balak niya na rin sabihin talaga kay Arnel ang kalagayan niya after ng graduation niya. "Bukas na ang graduation mo, darating ang iyong itay at ang mga kapatid mo. Ililihim ko sana ito sa'yo dahil gusto ka nilang isurprise, pero palagay ko ay dapat mong malaman na darating sila para makapaghanda ka na rin." pagpapabatid sa kanya ni Manang Tinay. "Huwag ka ng magpaalam pa kay sir Arnel, ako na lamang ang kakausap sa kanya kapag nakaalis ka na rito sa mansion. Ihanda mo na rin ang lahat ng mga gamit mo, dahil sasabay ka ng bumalik sa itay at mga kapatid mo sa Naga." dugtong pang ani ng tiya niya. Natigilan si Nicka sa ginagawa at napapikit pa ang mga mata dahil hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi sa kanya ng tiyahin. "Tahimik ka, Nicka?! Huwag mong sabihin na wala kang balak na sumama pa sa pamilya mo pabalik sa probinsiya ninyo." muling saad ni Manang Tinay sa pamangkin na hindi siya iniimik. "Tiyang, alam ko pong galit kayo sa akin sa nagawa ko. Pero tiyang, sana maintindihan ninyo na nagmahal lang po ako." aniya sa tiyahin ng hindi na niya makontrol ang inis na nararamdaman. "Huwag n'yo naman po akong pangunahan sa mga desisyon ko sa buhay ko. May mga nais pa po akong gawin pa rito sa maynila. Alam ko naman ang dahilan mo tiyang, kung bakit gusto mo akong mawala rito sa mansyon at nauunawaan naman kita. Patawarin mo ako tiya Tinay, pero hindi lahat ng iuutos mo ay susundin ko." aniya pa na ipinapaunawa sa kapatid ng kanyang inay ang nasa sa loob niya. "Aalis ako dito sa mansion, kung yan talaga ang gusto mo, pero hindi pa ako babalik sa probinsiya namin. Tiyang, kailangan ko pang magreview para sa board exam ko. Kaunting hakbang na lang abot kamay ko na ang pangarap ko, wag mo namang ipagkait sa akin 'yon, dahil lang sa alam mong nagkasala ako." dagdag pa niyang pagpapaintidi sa tiyahin. Seryosong tingin ang nakikita ni Nicka sa mga mata ng tiya niya na bumagsak din ang balikat tanda ng pagsuko nito sa pakikipagmatigasan sa kanya. "Malaki ka na Nicka, alam mo na ang tama at mali. Hindi ako galit sayo, kung yan ang iniisip mo. Pamangkin kita, kaya ayoko ng naaagrabyado ka. Gusto ko lang na itama ang pagkakamali mo. Alam kong hindi madali ang pinagdaraanan mo ngayon, pero pasasaan ba at malulusutan mo rin ang pagsubok mo sa buhay." saad ni Manang Tinay sa kanya na matipid niyang ikinangiti. "Kung talagang mahal mo siya at mahal ka niya, maghihintay muna kayong maging tama ang lahat para sa inyong dalawa, nang walang manghusga sa inyong pagmamahalan." wika pa rin ni Tinay sa pamangkin. "Hayaan mo na munang maging legal ang separation nila ng asawa niya at kapag nangyari na 'yon at saka ninyo ituloy ang pag- iibigan ninyo. Hindi ako tututol na mahalin mo siya dahil deserve niyang mahalin ng tunay at tapat." payo pa ng tiyahin sa kanya. Naging emosyonal si Nicka ng maglandasan ang luha sa kanyang mga pisngi. Hindi niya inaasahan na masasabi iyon sa kanya ng kanyang tiyahin. Ang buong akala niya ay talagang galit sa kanya ang tiya Tinay niya. Dahil sa mga sinabi nito sa kanya ay naramdaman niya ang totoong concern nito para sa kanya. Napayakap si Nicka sa tiyahin na hinagod naman ng palad nito ang kanyang likuran, pakiramdam niya ay ang namayapa niyang ina ang nag- aalo sa kanya upang patahanin. "Tiyang, salamat po!" tanging bigkas ng dalaga ng humiwalay na siya sa pagkakayakap. "Huwag ka ng umiyak, baka mamaya abutan pa tayo nung dalawa at isipin nila na kinagagalitan na naman kita." Pinahid ni Nicka ang kanyang luha at tinanguan ang tiyahin na may tipid na ngiti sa labi. Nagkaayos man sila ng tiyahin niya ngayon ay hindi pa rin naman niya masasabi rito na hindi na niya maiiwan pa si Arnel dahil sa kanyang kalagayan. Pero nakaisip na siya ng panandaliang solusyon para maitago pa rin sa pamilya ang kanyang relasyon kay Arnel pati na rin ang kanyang pagbubuntis. Patawad tiyang Tinay, kung magsisinungaling ako sa inyo nila itay, alam kong ikagagalit kase ninyo kapag nalaman n'yo na may nangyare na sa amin at ngayon ay nagdadalang tao ako at si Arnel ang ama. Piping wika ni Nicka sa kapatid ng kanyang ina. Kailangan niya munang itago sa pamilya niya ang kanyang pagbubuntis hanggang sa dumating ang araw na tuluyan ng maging malaya si Arnel sa kasal nila Romary. Samantalang sa kumpanya ay kakatapos lang na masinghalan ni Arnel ang secretary niya dahil sa may ipinapahanap s'ya ritong dokumento kanina na hindi kaagad naibigay nito sa kanya. Pinipilit kase ni Arnel na magpakabusy sa trabaho sa kumpanya para hindi niya maisip ang problema niya kay Nicka. Pero kahit anong gawin niya ay talagang naapektuhan siya sa tuwing nagkakaroon sila ng lovers quarrel kaya naman hindi niya maiwasan na mag init ang ulo niya.. Nakailang minuto na ang lumipas ng utusan niya ang secretary niyang si Jenny ay hindi pa rin pumapasok sa loob ng opisina niya ang sekretarya, kaya ng mainip na siyang talaga sa kakahintay sa kailangan niyang dokumento, ay pinuntahan na niya ito sa labas ng opisina niya at narinig niyang may kausap itong kaibigan sa cellphone nito, habang may kinakalkal sa loob ng file cabinet na sa tingin niya ay ang ipinahahanap niya rito, na hindi pa rin pala nito nakikita, samantalang kanina pa niya iyon iniutos. Kaya nakita na naman ni Jenny ang pagkaarogante minsan ng kanilang CEO, na madalang lang na mangyari. "Sorry po sir, kung hindi ko po naibigay kaagad." hinging paumanhin ni Jenny sa CEO nila na halatang iritable pa rin. "Next time kapag may iniutos ako sayo, please be attentive. Wag mong gawing call center ang opisina ko, let me remind you Ms. Dimanlig, baka nakakalimutan mo na secretary ka rito at nasa oras ka pa ng trabaho, baka nakalimutan mo na nasa kumpanya ka at wala ka sa bahay n'yo." pagkaaroganteng turan ni Arnel kay Jenny na hindi makatingin sa kanya. "Sorry po talaga sir.., hindi na po mauulit." muling hinging pasensya ni Jenny sa boss niya. "I need the documents right away Ms.Dimanlig." aning saad pang muli ni Arnel. "Y-yes sir..." na natatarantang mabilis na hinanap sa cabinet files ang kailangan ng boss niya halata ang pagkairita sa mukha nito. Napailing at napabuntong hininga ng ilang beses si Arnel para pakalmahin ang sarili niya. At nang makita ni Jenny ang hinahanap ay agad na iniabot nito sa kanya. Narinig niya na muling humingi ito ng sorry na tinalikuran niya naman at pumasok na siya sa loob ng opisina niya. Pagkapasok niya ay siyang sunod na pasok din ni Marvin na ikinakunot ng noo niya. "Init ng ulo mo ha! may tampuhan na naman bang nangyare sa inyo ni Nicka? ang hirap bang magmahal ng mas bata sa'yo?" saad ni Marvin na naupo sa couch ng opisina niya, na hindi na niya ikinapagtaka kung bakit iyon ang tanong ng kaibigan. Tumingin lang si Arnel kay Marvin at hindi nagsalita. "Silent means yes. Kailan pa? selos na naman ba ang dahilan?" muling tanong ni Marvin sa kanya. "Masisisi mo ba ako na hindi magselos sa bestfriend niyang lalaki, gayung alam ko na malaki ang pagkagusto sa kanya ng Emman na yon!?" saad niyang tanong kay Marvin. "Nakipagsuntukan ka sa bestfriend ni Nicka,?! kaya naman pala may sugat ang gilid ng labi mo nung nakaraang araw?" natatawang hindi makapaniwalang saad ng kaibigan sa kanya. "Who told you?" agad niyang tanong. "Sino pa ba? si Rodjun lang naman ang nakakasama mo sa araw- araw sa site. Tinatanong ka raw niya, ayaw mo naman mag open ng problema mo kaya hinayaan ka na lang muna niya." aning sagot ni Marvin. "Kaya sinabi niya sayo? ang daldal talaga!" komento niya. "Concern lang sa'yo yung tao, kaya sinabi sa akin ang nakikita niya sa iyo. Parang hindi mo naman kilala ang bawat isa sa amin, Arnel. Isa pa, Pareng Arnel, ramdam namin kung may pinoproblema ka o wala at hindi mo iyon maipagkakaila sa amin." seryosong wika pa ni Marvin. "Magiging okay rin uli kami ni Nicka, pinahuhupa ko lang ang inis niya sa akin. Hindi naman ako papayag na masira kami ng dahil lang sa Emman na yon. Mahal ko siya at alam kong mahal niya ko kaya ipaglalaban ko 'yon pare." turan niya na ikinangiting tipid ni Marvin sa kanya. "Nasabi rin ba sayo ni Rodjun ang pagpunta rito ni Gabriel Joaquin Diaz?" aning tanong niya kay Marvin. Tumango naman si Marvin. "Bumalik ba siya rito?" seryosong balik tanong naman nito sa kanya. Lumapit si Arnel sa kinauupuan ni Marvin at naupo sa couch at isinandig ang kanyang likuran at ipinatong ang ulo sa headrest ng sofa na humugot pa ng malalim na paghinga na itinutok din ang paningin sa kisame. Nailing na lang si Marvin at ginaya ang ginawa ni Arnel. Pareho na silang nakatingin sa kisame. "Hindi pa, hinihintay ko nga ang pagbabalik niya dahil gusto ko ng malaman ang dahilan niya kung bakit may lakas siya ng loob na puntahan ako rito." aniya kay Marvin. "Paano kung bumalik si Romary sayo pare?" biglang tanong ni Marvin na ikinabaling ng tingin ni Arnel sa kaibigan na hindi naman nag abalang tingnan siya at nanatili lang na nakatingin sa kisame. "Hindi mangyayare yon pare! maayos na ko. Tinanggap ko na, na walang forever sa amin ni Romary Gail, kaya nga kahit alam kong hindi pa pwede ang nararamdaman ko para kay Nicka na nung una ay pinigilan ko ay pinalaya ko na dahil hindi na ko umaasa pang babalik si Romary Gail sa piling ko." aning sagot ni Arnel na ikinatango ni Marvin. "Ill understand you pare, Naitanong ko lang naman. May nalaman kase akong impormasyon tungkol sa asawa mo at kay Diaz." saad ni Marvin. Naging interesado naman si Arnel sa sasabihin pa ni Marvin na makikita sa mga mata nito. "Mahigit isang buwan na rin pala na pinaghahanap ni Diaz si Romary pare, kaya ang hinala ko, kaya ka pinuntahan ni Diaz ay para tanungin tungkol kay Romary Gail at hanggang ngayon raw ay hindi pa rin niya nakikita ang asawa mo." pagpapatuloy ni Marvin sa pagsabi ng kanyang nalaman. "Legit ba yan?" seryosong tanong ni Arnel na ikinasagot ng oo ni Marvin. "100 percent pare, di ba sinabi ko sayo na tutulungan kitang alamin kung nasaan si Romary para makapag-usap na rin kayong dalawa tungkol sa annulment ninyo. Kumuha ako ng mapagkakatiwalaang tao para hanapin si Romary at siya ang nagbigay sa akin ng impormasyon." pahayag ni Marvin na ikinatango ng ulo ni Arnel pero hindi na nakapagsalita pa dahil nakadama siya ng pag- aalala para sa asawa. "Hindi lang ang taong inutusan ko ang naghahanap ngayon kay Romary, pare. Ang mga tao rin ni Diaz at si Diaz rin mismo ay sumasama sa paghahanap kay Romary." ani pang pagbibigay impormasyon ni Marvin sa kanya. "Siguro ay napagtanto nila na wala kang alam sa kung nasaan ngayon si Romary Gail kaya hindi na uli tinangka pa ni Diaz na balikan ka pa." opinyong wika pa ni Marvin kay Arnel. "Natahimik ka? nag- aalala ka kay Romary?" tanong ni Marvin ng mapansin ang reaksyon ng kaibigan. "Asawa ko pa rin siya, Marvin. Hindi mo maiaalis sa akin na hindi mag- alala para sa kanya. Alam kong pananagutan ko pa rin siya kahit na magkahiwalay kami, dahil kasal pa rin naman kami. Marami kaming magagandang pinagsamahan noon, But it doesn't mean na babalik pa kami sa dati kung sakali man na makita ko siyang muli." nag- aalalang saad ni Arnel na ikinailing ng ulo ni Marvin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD