Chapter 23

1188 Words
"Sira ulo ka!" galit na saad ni Emman, na agad nakaganti ng sapak sa mukha kay Arnel na hindi napansin ang sinabi ni Nicka ng harapin nito ang lalaki dahil sa nais niyang makaganti sa pananakit nito sa kanya. Napasinghap at napatakip sa bibig niya si Nicka ng bigla napatumba sa semento si Arnel ng sunod na naundayan ng suntok ni Emman si Arnel sa parteng tiyan nito. "Emman, tama na please.., tama na!." pang-aawat ni Nicka sa kaibigan at mabilis na dinaluhan si Arnel. "Arnel, okay ka lang!?" tanong niya sa nobyo at inalalayan na makatayo. "A-Arnel, ibig mong sabihin siya!?" napatda ang lalaki ng marinig ang sinabi ni Nicka. "Oo, Emman siya nga." aning sagot ni Nicka na tinitigan pa sa mata si Emman. Na muling akmang susugod ng suntok kay Arnel ngunit nakailag ito at lumaban na rin ng pakikipagsuntukan kay Emman. Nagpalitan ng suntukan at tadyak ang dalawa na nakalikha na ng komusyon sa paligid dahil na rin sa pagsigaw ng pag-awat ni Nicka sa dalawa na wala namang gustong makinig sa kanya. "Emman.., Arnel.., ano ba?! sabi ng itigil n'yo na yan..!" sigaw na awat ni Nicka sa dalawa, pero hindi siya pinakinggan at tuloy pa rin sa palitan ng suntok sa isa't-isa. "Tumigil na kayo..! Arnel.., Emman.., tama na yan, itigil n'yo na yan. Ano ba? tumigil na kayo.. Itigil nyo na sabi yan.." pagmamakaawa ng sigaw ni Nicka ngunit patuloy pa rin na nagpapalitan ng suntok at sipa sina Emman at Arnel. "Awatin n'yo na sila please.." aning pakiusap na niya sa mga lalaking nakiusyoso na sa kaguluhan. "Pakiusap, awatin n'yo sila. Awatin nyo na sila.. parang awa nyo na tulungan nyo kong awatin sila.." muling sambit na pakiusap ni Nicka sa mga nakapaligid sa kanila. May dalawang lalaking lumapit kay Arnel at umawat dito ganun rin ang isang lalaki kay Emman na pinaglayong pilit ang dalawa na parehong hinihingal at duguan ang mga gilid ng labi. Lumapit si Nicka kay Arnel at hinawakan ang isang kamay nito at tinignan sa mata ang lalaki. "Tumigil ka na.. Tama na..!" galit na turan ni Nicka kay Arnel at bumaling ng tingin sa kaibigan na makikita rin sa mukha ng dalaga ang pagkadismaya. "Mag- uusap tayo Emman mamaya, pagkatapos kong kausapin si Arnel." seryosong wika ni Nicka sa matalik na kaibigan bago hinila palayo si Arnel sa lugar na masama ang tinging ipinupukol ng lalaki kay Emman habang hila hila ito ni Nicka papalayo ng walang tutol. "Asan ang kotse mo?!" tanong ni Nicka sa lalaki. Ibinitiw ni Arnel ang nakahawak na kamay ni Nicka sa kanyang palapulsuhan at nagpatiunang naglakad sa nakahintong sasakyan. Sumunod naman si Nicka sa kanya na malakas na napabuga ng hangin at di naiwasang maiiling ang kanyang ulo sa iniaasta ni Arnel. Ibinukas ni Arnel ang pintuan ng shotgun seat at hinintay na makapasok roon ang dalaga na seryoso lang na nakatingin sa kanya. Pagpasok ni Nicka ay si Arnel naman ang sasakay sa drivers seat ngunit bago ito pumasok sa loob ng kotse ay muling sinulyapan ang pwesto ng lalaking nakasakitan niya, na masama rin ang tinging ibinabato sa kanya. Nakita ni Arnel na parang naghahamon pa talaga si Emman nang away ng dumura ito habang nakatitig sa kanya at pinakitaan pa sya ng gitnang daliri nito. Hindi naman na niya pinatulan pa ang paghahamon ng kaibigan ni Nicka dahil nasa loob naman na ng kotse niya ang dalaga. Tahimik lang sa loob ng sasakyan ang dalawa ngunit panay naman ang pagbuntong hininga nila hanggang sa makarating na sila sa loob ng subdivision. Malapit lang sa labas ng gate ng mansyon ng inihinto ni Arnel ang kotse niya dahil gusto niyang makausap ang dalaga ng sila lang dalawa. "Ayoko na uling makikitang lumalapit sa'yo ang Emman na 'yon." aning turan na utos ni Arnel kay Nicka. Bumaling ng tingin si Nicka kay Arnel at seryosong pinakatitigan ang lalaki sa mata. "Napag-usapan na natin 'to sa Baguio, di ba Arnel! bestfriend ko si Emman kaya hindi ganun kadali para sa akin na gawin ang gusto mo, na iwasan ko siya, wala namang ginagawang masama sa yo yung tao, ikaw lang itong napaparanoid." saad ni Nicka na pinaalala pa kay Arnel ang pinag-usapan nila nung nakaraan lang. "Wala, anong wala?! ano yung nakita ko kanina na hinagkan niya ang noo mo at niyakap ka niya? yun ba ang wala, Nicka?!" pagsagot ni Arnel sa sinabi ni Nicka na lalo lang ikinabugso ng galit na nararamdaman ni Arnel. Natigilan si Nicka dahil sinisigawan na siya ni Arnel. "Wala naman kase sa lugar ang pagseselos mo. Kinocomfort lang ako ni Emman, dahil sa sinabi ko sa kanya ang mga problema ko." napipikong paliwanag ni Nicka sa lalaki na kinakain na ng selos ang utak. "Comfort?!, hindi ka niya kinocomfort Nicka. Sinasamantala niya ang sitwasyon para makatsansing sya sa'yo, na para bang gustong-gusto mo rin naman na ginagawa n'ya yun sayo, ang hinahagkan at niyayakap ka ng lalaking yon. Alam mong may boyfriend ka pero sa iba ka pa nagpapacomfort at sa lalaki pa talaga na alam mong hindi lang kaibigan ang pagtingin sa iyo." Nanggagalaiting saad ni Arnel na ikinagulat ni Nicka sa narinig niyang lumabas sa bibig ng nobyo. Pakiramdam ng dalaga ay ang baba ng tingin sa kanya ni Arnel, hindi niya akalain na mapagsasalitaan siya ng ganun ng lalaking mahal niya. Sumikip ang dibdib ng dalaga na para bang gustong maiyak, dahil sa nasaktan siya ng sobra sa sinabi sa kanya ni Arnel. Bigla ring natahimik si Arnel ng marealize ang kanyang nasabi. "I-im sorry..! hindi ko maiwasan ang magselos sa nakita ko sa inyo kanina." mahinahong bigkas ni Arnel, na ng sa pagharap niya kay Nicka ay naglalandasan na pala ang mga luha nito sa magkabilaang pisngi. "N-Nicka!" nag-aalalang sambit ni Arnel sa pangalan ng dalaga. Hahawakan pa sana niya ang kamay ni Nicka ngunit mabilis na nailayo ng dalaga ang kamay nito na hahawakan sana niya. "Ayoko na munang kausapin ka ngayon, kapag nawala na ang agiw sa utak mo at saka mo ako kausapin." Seryosong wika ni Nicka na pinunasan ng kamay ang luha sa mata at pisngi, sabay ang pagbukas ng pinto ng kotseng malapit lang sa tabi ng dalaga at padabog na lumabas sa sasakyan. Napahugot ng malalim na paghinga si Arnel ng makita niyang naglakad na si Nicka papalayo sa kanya, na papasok na sa malaking gate ng mansyon niya ng hindi man lang siya nilingon o tinapunan ng sulyap kahit sandali, kaya mas lalo niyang naramdaman ang sama ng loob ni Nicka sa kanya. Hindi na muna niya sinundan si Nicka dahil alam niyang galit ang dalaga sa kanya at hindi rin niya alam kung paano susuyuin o aalisin ang galit nito sa kanya sa mga oras na yon. Sa inis sa sarili ay naihampas niya ang kamay niya sa manibela ng kotse ng magkakasunod at iniyuko rin ang ulo roon sa manibela upang ikalma ang kanyang sarili. Ilang minuto pa siya roon sa pinaghintuan niya at malalim na nag-isip. Aminado siyang nagpadalus- dalos siya sa kanyang nagawa, pakiramdam niya kase kanina ay inaagaw talaga ni Emman si Nicka sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD