Napatiim bagang si Arnel ng mag flashback sa alaala niya ang sinabi ni Marvin tungkol sa lalaking nagngangalang Gabriel Joaquin Diaz.
Napakuyom pa ang kanyang mga kamao dahil sa naramdamang pang- iinsulto sa kanya ng lalaki dahil sa may lakas ito ng loob na harapin siya.
"Bakit pare, may problema ba?" tanong ni Rodjun sa kanya ng mapansin ang pananahimik niya.
"Nasa lobby siya kanina, hinahanap ako at nais makipag-usap." pahayag niya sa kaibigan.
"Hindi mo hinarap? Lakas ng loob niya, parang nakakalalake talaga ah!." tanong agad at pagkomento ni Rodjun.
"Hindi, im busy at wala naman siyang appointment. Hindi ko rin binigyang pansin kung sino siya nung nasa opisina ako. Naalala ko lang ng may madaanan tayong talyer na nabasa kong Diaz vulcanizing shop ang pangalan mismo ng talyer. Kaya pumasok sa isip kong pamilyar talaga sa akin ang pangalan niya." pagsasabi niya ng totoo.
Napailing ng ulo si Rodjun. "Ang bitter mo pare!?" natatawang saad ng kaibigan kay Arnel.
"Ano sapalagay mo ang dahilan bakit siya nagpunta sa kumpanya?" dugtong pang tanong ni Rodjun sa kanya.
"Bitter ka diyan! Wala naman akong pakialam pa sa kung anong relasyon mayron talaga sa kanilang dalawa ni Romary Gail." paasik na wika ni Arnel.
"Wala rin akong ibang alam na rason pare, kung bakit gusto niya akong kausapin, si Romary lang naman ang maaring maging dahilan. Ang tama sigurong itanong ay kung bakit nais niya ako na makaharap?" angil pa niyang turan sa kaibigan.
"Anong plano mo sa lalaking yon? Hindi ba't kailangan mong makausap ang asawa mo, ayan na oh! lumalapit na sa'yo. Chance mo ng makipag- ayos kay Romary para mapadali ang pagpapawalang bisa ng kasal ninyong dalawa.' pagbibigay suhestiyon na ni Rodjun.
Napaisip si Arnel sa itinuran ng kaibigan. Naalala niya ang pangako niya kay Nicka kaya napabuntong hininga siya.
Hindi rin naman kase talaga madali para sa kanya na harapin ang lalaking alam niyang ipinalit sa kanya ng asawa.
"Pare, aaminin ko sa iyo na mahal ko na talaga si Nicka at nais ko ring ayusin na ang buhay ko na siya na ang kasama. Alam ko na nasa puso ko pa rin si Romary pare, hindi na nga lang katulad ng dati. Naging parte sya ng buhay ko ng matagal na panahon, hindi naman iyon lingid sa inyo. Kaya pinag isipan kong mabuti ang desisyon ko, na kung papipiliin ako ngayon, para sa ikabubuti naming lahat, pipiliin ko si Nicka." pagtatapat ni Arnel ng nasa sa loob niya.
"Naiintindihan kita Arnel, kaya nga payo ko sa'yo ay harapin mo na sila, lalo na ang asawa mo. Bakit mo pa papatagalin kung desidido ka rin naman ng palayain si Romary Gail at ang sarili mo sa kasal ninyo, para makapag move on ka na rin ng tuluyan pare." aning payo ni Rodjun na ikinatango ni Arnel.
"Thanks pare, salamat sa suporta kahit alam ninyo na hindi tama ang ginagawa ko, nandiyan pa rin kayo nila Marvin at Jasper sa tabi ko. Kinukunsinti pa rin ninyo ang pakikipagrelasyon ko kay Nicka, tapos naidamay ko rin ang mga asawa ninyo. Nakakatuwa pa rin ang samahan nating apat, salamat sa inyo." makapagdamdaming wikang pasasalamat ni Arnel sa kaibigan.
"Tsk, what are friends are for, kung hindi ka namin susuportahan! Alam at nakita namin ang pinagdaanan ninyo ni Romary Gail bago pa man naging kayo ni Nicka. Nauna naman si Romary bago ikaw di ba." saad pang wika ni Rodjun.
"Thanks pa rin, Minsan kong minahal ng tunay at tapat si Romary, naging mundo ko siya, alam n'yo naman yon. Pero marami na rin ang nangyare, ramdam kong wala na kong halaga sa kanya at hindi na 'ko umaasang magkakaayos pa kami bilang mag-asawa, lalo na ngayong may kanya-kanya na kaming mga bagong minamahal." ani pang saad ni Arnel na kinomentuhan din agad ni Rodjun.
"Para na rin kay Nicka, na handang maghintay sa'yo. Mahirap din ang posisyon ni Nicka sayo pareng Arnel, alam niyang mali pero dahil mahal ka niya tinatanggap niya ang pagiging other woman mo." sabay tapik ni Rodjun sa isang balikat niya.
"Hindi ko na ipipilit ang sarili ko kay Romary, gusto kong ituon na ang lahat kay Nicka. Kaya maluwag na rin sa loob ko na kung may iba na nga siya ay mas makakabuti na rin iyon para sa amin, magiging masaya ako para sa kanya, sa kanila ng Diaz na 'yon. Sana ay maging ganoon rin sa akin si Romary, sa aming dalawa ni Nicka." mahabang saad ni Arnel.
Tahimik lang si Rodjun, dahil naawa siya para sa kaibigang si Arnel, lalaki siya alam niya kung gaano kasakit ang malamang ipinagpalit sa iba ng asawa, kahit na sa totoo lang ay hindi pa naman niya naranasan talaga dahil noong binata pa siya ay siya ang nang iiwan at nangloloko ng babae hanggang sa makilala niya ang asawa niyang si Aileen.
Pasalamat na lang din silang magkakaibigan dahil bago pa nalaman ni Arnel na may kinahuhumalingan ng iba ang asawa nito ay nakilala na nito ang dalagang si Nicka na naging lakas ng matalik nilang kaibigan para ipagpatuloy pa ang buhay.
Piping hiling ni Rodjun para sa kaibigan ay malagpasan na nito ang problema sa babaeng unang minahal at pinakasalan ni Arnel.
Nang makarating ang magkaibigan sa site para icheck ang trabaho ng mga constructions worker nila ay agad nilang kinausap ang foreman na pinagkakatiwalaan nila sa site, upang hingian ng report at samahan silang libutin ang buong building construction.
Maayos naman ang lahat at sa tingin nila ay aabot naman sa duedate ang construction. Nang sa hindi inaasahan pagkakataon ay may naaksidenteng laborer sa site na nabagsakan ng mga semento at bakal na hindi nakaayos ang pagkakasalansan kaya bumagsak.
Mabilis naman kumilos ang mga kasamahan ng construction worker at natulungan ang lalaki na nabagsakan. Ngunit kailangan madala pa rin sa ospital dahil sa naipit ng mabigat na bagay ay nahirapan na makatayo.
Agad na ipinatawag nila Rodjun at Arnel ang medic nila sa loob ng site. Bawat construction project nila ay may itinatalaga silang medic nurse sa post ng construction site dahil sa may mga pagkakataon talaga na hindi naiiwasan ang pangyayaring may mga workers sa construction na nasasaktan ng mild o minsan pa nga ay critical.
"Nalapatan ko na boss ng first aid ang sugat na natamo niya pero kailangan siyang madala sa ospital. May parte ng katawan niya ang nabugbog ng husto, sigurado ako na maya-maya lang ay mamaga ang katawan niyang nalamog." aning turan ng Medic nurse nila sa site na si Robert.
Napatango- tango ng ulo nila sina Rodjun at Arnel sa sinabi ni Robert sa kanila. Yun din kase ang inaasahan ng magkaibigan dahil nakita naman nila na nahirapan alisin agad ng mga tauhan nila ang mga bakal na magkakabungkos at kaban ng semento sa ibabaw ng taong natabunan. Kundangan kase ay doon pa pumwesto ng upo sa paggawa ng bracing ng bakal.
"Sige, tumawag ka na ng ambulansya, Robert. And you Buenaflor, maiwan ka rito. Si foreman Bautista na lang ang sasama sa akin sa ospital. Ikaw na muna ang bahala rito. Tawagan mo ko kung may problema. Tawagan na rin ninyo ang asawa o pamilya niya para mainform sila at pasunurin na lang sa ospital" utos at bilin ni Arnel sa kaibigan.
"Okay, update mo rin ako time to time. Ingat ka pare." saad naman ni Rodjun sa kanya.
"Pasalamat tayo pare at hindi malala ang aksidente. Papag- ingatin ninyo ang mga tauhan natin. Wag na sanang maulit ito." Napahugot ng malalim na paghinga si Arnel dahil sa pangyayari. Syempre ang kumpanya nila ang sasagot sa gastos sa ospital kapag ganung may mga aksidenteng nangyayare sa mga workers nila.
Sumakit ang ulo ni Arnel dahil sa pagod at sa aksidenteng kinasangkutan ng tauhan nila sa site plus dagdag palaisipan pa sa kanya ang pagpunta ni Gabriel Joaquin Diaz sa kompanya niya.
Pagkatapos niya na maasikaso ang lahat sa ospital at makausap ang asawa ng trabahante nila ay inabutan niya muna ng panggastos ang babae atsaka tuluyang nagpaalam na aalis na.
Wala naman naging reklamo sa kompanya nila ang taong naaksidente, ganon din ang asawa nito. Nangako naman siya na magbibigay ng tulong at sasagutin ang gastos sa pagpapagamot.
Dahil inabot na siya ng gabi ay hindi na siya bumalik pa sa kompanya. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Kaya dumiretso na siya ng bahay.
"Sir, nagugutom na po ba kayo? ipaghahanda na po ba, namin kayo ng hapunan?" bungad na tanong ni Jane sa amo ng salubungin niya ito sa entrance door.
"Mamaya na, maliligo na muna ako at magpapahinga bago kumain." sagot ni Arnel sa kasambahay.
"Ah sige po sir." ani na lamang ng kasambahay at nakailang hakbang na paalis ang babae ng awatin ito ni Arnel.
"Jane wait, Pumasok ba si Nicka ngayon?" tanong niya sa katulong.
"Yes po, pumasok sir, maaga ngang umalis ng bahay at may gagawin pa daw sila sa school." aning sagot ni Jane na tinango- tanguan lang ni Arnel.
"May kailangan po ba kayo kay Nicka, sir Arnel? gusto n'yo pong i chat ko siya o kaya tawagan ko at sabihin na hinahanap mo s'ya?" wika pang suhestiyon ni Jane sa amo.
"No need Jane, thank you. Ako na lamang ang tatawag sa kanya mamaya, may gusto lang sana akong itanong sa kanya. Maaari ka ng bumalik sa kusina, salamat." aniya at nagtuluy-tuloy na sa pag-akyat sa itaas patungo sa kanyang silid.
Naisip ni Arnel na alas dìyes pa naman ng gabi ang labas ni Nicka sa college school kaya may oras pa siya bago sunduin ang dalaga. Hindi na rin siya nag abala pang tawagan si Nicka dahil may usapan naman na sila.
Nakaidlip si Arnel pagkatapos niyang kumain ng dinner dahil na rin siguro sa pagod sa maghapon. Naalimpungatan siya na lagpas alas diyes na ng gabi kaya madaling-madali siyang bumangon at kumilos upang puntahan na ang dalaga sa labas ng school nito.
Nabasa niya ang ilang message ni Nicka sa kanya na nagtatanong kung nasaan na siya at kung susunduin pa ba niya ang dalaga. Nag call siya sa nobya para ipabatid na on the way na siya sa school nito pero hindi nito nasasagot ang tawag niya hanggang sa maya- maya lang ay operator na ang sumagot sa tawag niya.
Cannot be reach na ang phone ni Nicka, ang pumasok agad sa isipan ni Arnel ay nawalan na ng battery ang cellphone nito. Panigurado na hinihintay pa rin siya ng nobya.
Pinaharurot ni Arnel ang takbo ng kanyang sasasakyan dahil baka naghihintay pa nga rin sa kanya ang dalaga.
Pagkarating niya sa labas ng campus nila Nicka ay binagalan na niya ang takbo ng kotse at sinisipat kung makikita pa niya si Nicka sa lugar na 'yon.
Bigla niyang naihinto ang sasakyan ng matanaw ng mga mata niya ang nobya niyang si Nicka na may kausap na isang lalaki. Hndi niya masilayan ang mukha ng kausap ng dalaga dahil nakatalikod ito sa kanya pero malakas ang hinala niya kung sino ang kausap ni Nicka.
Umiiyak si Nicka at nakikita iyon ni Arnel. Ang bawat pagpatak ng luha sa pisngi ng dalaga na pinapahid pa ng palad nito ay parang pagkurot naman sa kanyang puso.
Hindi naman kase kalayuan sa pwesto nila Nicka ang pinaghintuan niya ng sasakyan, nasa madilim na parte lang siya nakahinto kaya siguro hindi pa rin siya napapansin ng nobya.
Nagsalubong ang dalawang makapal na kilay ni Arnel ng akbayan ng lalaki si Nicka at hinagkan ang noo ng dalaga sabay yakap nito kay Nicka.
Mabilis na nakalabas ng kotse niya si Arnel at mahahaba ang mga hakbang na sinugod ang lalaking kasama ni Nicka na agad na inundayan ni Arnel ng suntok sa mukha.
"Oh sh*t! Arnel, bakit mo siya sinuntok?" paasik na wika ni Nicka sa kanya sa pagkagulat sa ginawa niya, na halata ang sobrang concern sa lalaking sinapak niya ang mukha.