Chapter 21

1968 Words
Tahimik na umiiyak si Nicka sa kanyang higaan, iniisip pa rin niya ang banta sa kanya ng tiyahin. Nangangamba siyang baka totoohanin nga iyon ng T'yang Tinay niya. Tanghali na ng puntahan siya ni Jane upang tawagin para kumain na ng tanghalian. "Nicka, tara ng kumain sa kusina. Ipinapatawag ka na ng tiyahin mo." turan ni Jane na kinatok ang pintuan ng dalaga. "Ipagdrive mo raw ako mamaya pagkatapos nating mananghalian sabi ni Manang, inutusan akong mag grocery at masakit raw ang ulo niya ngayon, kaya ako na lamang ang mamimili muna. Tumawag si sir Arnel kanina at nagpapaluto ng kalderetang baka para sa hapunan mamaya." sambit pa ni Jane ng papasukin na siya ni Nicka sa loob ng quarters. Tumango si Nicka kay Jane at hindi nagsalita. "Umiyak ka ba? may problema ka?" tanong ni Jane sa dalaga ng mapansin ang namumugtong mata at pananamlay nito. "Okay lang ako Jane, na miss ko lang ang mga kapatid at itay ko." pagdadahilan ni Nicka. "Akala ko naman kung ano na, namimiss mo lang pala ang pamilya mo. Naiintindihan kita, kase kahit ako minsan ganyan rin noon eh! mabuti na lang at napapayag ko na rin na dito na lang manirahan sa maynila sila inay, kasama ang anak ko. Kahit na medyo mabigat nga lang sa bulsa kase nagbabayad pa ko ng upa ng bahay na tinitirahan nilang mag lola. Mas madali naman na sa akin na puntahan sila sa tuwing day off ko. Nakakapagpahinga ako ng ayos na kasama sila." mahabng litanya ni Jane kay Nicka. "Minsan talaga, bigla na lang tayo makakaramdam ng pagkahome sick lalo na kapag matagal na nating hindi nakikita ang pamilya natin. Ilang buwan ka na rin dito sa manila at wala ka pang nagiging bakasyon." ani pa nito kay Nicka na wala namang imik. "Pero kanina sa kusina ang sabi ni Manang pagkatapos ng graduation mo ay uuwi ka na sa inyo at hindi ka na babalik pa dito. Sabagay pwede ka naman ng tumigil sa pagsisilbi rito dahil may diploma ka na nga naman. Pagnakapasa ka sa board exam ay magkakalisensya ka na at pwede ka ng mangibang bansa. Matutupad mo na ang pangarap mo, Nicka." saad pa ni Jane na ikinangiti ni Nicka ng peke sa kaibigan. Sa isipan ni Nicka ay inuunahan na siyang magdesisyon ng tiya Tinay niya para sa kanya. "Ano ba namang klaseng ngiti yan, halatang pilit na pilit. Tara na nga sa kusina, baka gutom lang yang pagiging emotera mo ngayon." aning turan pa rin ni Jane na nauna ng lumabas ng quarters ni Nicka. Inayos lang ni Nicka ang sarili at sumunod na rin kay Jane sa kusina para kumain. Hindi niya nakita roon ang tiya niya, kaya naisip niyang baka iniiwasan din siya nito. Pagkatapos nilang mananghalian ay tumulong na muna siya kina Jane at Lenny sa paglilinis sa kusina. Alas dos ng hapon ng umalis sila ni Jane sa mansyon. Ipinark ni Nicka sa parking area ang sasakyan at sinamahan niyang mamili si Jane sa loob ng malaking supermarket. Namataan ni Nicka na may drugstore sa gilid ng loob ng supermarket at agad siyang nagpaalam kay Jane na kunware ay magpupunta siya ng banyo para umihi. "Miss, may pregnacy test kit ba kayo?" tanong ni Nicka sa babaeng bantay sa drugstore ng makalapit siya. "Yes ma'am, ano po bang brand ang hanap ninyo?" tanong ng tindera sa kanya. "Kahit ano miss, kailangan ko ng tatlo." sagot ni Nicka. "Ito na lang ma'am, marami ang bumibili nito kase mas mura." suhestiyon ng babae sa kanya. "Sige yan na lang miss. Thank you!" aniya sa saleslady at binayaran ang pregnancy test kit. Nang mabayaran niya ang binili ay agad niya iyong ipinasok sa loob ng kanyang sling bag na dala upang hindi makita ni Jane. Binalikan ni Nicka si Jane na nasa meat section na ng supermarket. "Ang bilis mo naman!" gulat na saad ni Jane ng makita siya nitong papalapit. "Mahaba ang pila kaya hindi na ko tumuloy sa bahay na lang pag uwi natin. Bilisan mo na lang sa pamimili." pagsisinungaling ni Nicka sa kasama. "Wala ka bang bibilhin na para sayo?" tanong ni Jane sa kanya habang namimili ng parte ng karneng baka. "Nakapamili na ko nung nakaraang mga araw, kaya wala akong maisip na bibilhin pa, Kumpleto pa naman ang mga gamit ko na pang hygene. Ikaw, baka may bibilhin ka?" "Wala naman, daan na lang tayo sa snacks section bili tayo ng potato snacks, para akong naglilihi gusto ko rin ng chiz curls." aning sagot ni Jane sa tanong ng dalaga. Napaisip bigla si Nicka, inaalala niya kung nakaramdam ba siya ng paglilihi nung nagdaang araw. Nagkibit balikat siya ng wala naman siyang maalala na nagkaganun siya. "Yan na ba lahat ng pinabibili sayo ni T'yang?" tanong ni Nicka sa kaibigan ng maglakad na ito hawak ang push cart palayo sa pamilihan ng karne. "Oo, ito lang naman ang nasa listahan na inabot sa akin ni Manang Tinay eh!" sagot ni Jane na dumiretso ng lakad sa pwesto ng mga pagkaing gusto nitong kainin mamaya. "Bilisan natin, inaantok ako. Gusto kong matulog pag uwi, may pasok pa ako mamaya sa university, Malapit na ang graduation namin kaya hindi na dapat kami lumiban sa klase." wika niya kay Jane na nagmadali naman na dahil sa kanyang sinabi. Pagbalik nila sa mansyon ay nasa kusina na ang tiya Tinay niya. Hindi siya iniimik nito at si Jane lang ang kinakausap. Pakiramdam niya talaga ay galit at masama ang loob sa kanya ng tiyahin kaya nagpaalam na lang siya na pupunta na muna ng quarters niya para makaiwas. Wala naman siyang gagawin dahil malinis na ang buong bahay, kaya hinayaan siya ng mga kasama na manatili na lang siya sa quarters niya. Pagpasok niya sa sariling silid ay saglit siyang namahinga at kinalma ang sarili, dahil sa nakakaramdam talaga siya ng stress. Nang sa tingin niya ay maayus-ayos na ang pakiramdam niya ay pumasok siya ng banyo at ginamit na ang binili niyang pregnancy test kit. Kinakabahan si Nicka habang hinihintay ang magiging resulta ng test. Kahit pa sigurado siya na hindi siya pababayaan ni Arnel kung sakaling buntis nga siya ay piping hiling pa rin niya na sana ay hindi siya buntis. Ilang minuto lang naman ang hihintayin niya upang makita kung negative ba o positive ang resulta, pero umabot na ng sobrang limang minuto ay hindi pa niya magawang balikan sa lababo ng banyo ang tatlong pregnancy test kit na magkakasabay niyang ginamit para siguradong sigurado siya sa magiging resulta, na kung sakali na may isang maiba ay sa doctor na siya magpapakonsulta. Nang magkalakas na ng loob si Nicka na sipatin na ang ginamit niyang test kit ay napahawak ang isa niyang kamay sa kanyang bibig. Natameme siyang napasandal sa pader ng banyo, dahil sa nakita niyang iisa lamang ang lumabas na resulta sa tatlong pregnancy test na tig-dadalawang red line ang bawat isang kit. Ibig lang sabihin non ay positive na buntis nga ang dalaga. Na dinadala na nga niya sa sinapupunan niya ang magiging anak nilang dalawa ni Arnel dela Cerna. Abala si Arnel sa loob ng kanyang opisina, pagkarating pa lang niya sa kumpanya ay inasikaso na niya agad ang mga dadalhin niya sa sites. na, tutok na tutok sa screen ng kanyang laptop. Kakabalik lang din kase niya galing sa site sa bandang pasig, upang pagtuunan ng pansin ang bago nilang project na ngayong araw nila inumpisahan ng mga tauhan nila sa construction. Naiwan roon si Marvin sa site kasama ang architect na si Mr. Ocampo at sila ni Rodjun ang magkasabay na bumalik sa kumpanya. May kailangan pa kase silang gawin sa opisina ni Rodjun Buenaflor, bago sila umalis muli at pumunta naman sa isa pang site nila. Na project naman nila iyon sa Guadalupe na patapos na at sila naman ni Rodjun ang magsusupervise roon hanggang sa mafully finished, bago nila i-turn over sa owner ng building. Kailangan nilang tutukan ngayon ang building construction dahil nalalapit na rin ang duedate na ibinigay sa kanila ng owner ng building na tinatrabaho ng kumpanya ng mga Dela Cerna. At dahil sa nagagahol na sila sa oras ay kailangan nilang magdouble time sa construction, Ayaw rin kase ni Arnel na masira sila sa mga taong nagtiwala sa kanilang kompanya. Tumunog ang intercom na nasa tabi lang ni Arnel na nakapatong sa ibaba ng kanyang working table na agad din naman niyang sinagot. "Ano yun Jenny?" tanong niya sa secretary niya. "Boss, tumawag po si Millet, ang isa sa mga receptionist sa lobby. May naghahanap raw po sa inyong nangangalang Mr. Diaz sa ibaba. Mr. Gabriel Joaquin Diaz daw po, Wala po siyang appointment sa inyo ngayon boss, papaakyatin ko po ba?" aning saad ng sekretarya ni Arnel. "Diaz!?, i don't know him. I'm so busy at hectic ang schedule ko ngayong araw. I don't have time, para sa iba. Marami akong gagawin ngayon at paalis na rin ako para magtungo sa site sa Guadalupe." sagot ng boss ni Jenny na lumalabas ang pagiging arogante kapag abala sa trabaho at ayaw maistorbo. "Ah o-okay po sir!" tanging nasabi na lang ng secretary ni Arnel. "Wait, Jenny! kapag may naghanap uli sa akin, lalo na at wala namang appointment ay sabihin n'yo na wala ako rito sa opisina. Gumawa ka ng mga excuses na kahit na ano, ikaw na ang ang bahala. I don't care, kung anong ibigay mong rason. I just don't want to be disturb." pahabol pang turan ng CEO ng kumpanya. "Okay boss! yes boss, noted po!" natataranta ng sagot ni Jenny sa kanyang boss, dahil pakiramdam niya ay nag- init bigla ang ulo ng boss niya. Ilang minuto pa ang iginugol ni Arnel sa loob ng opisina niya ng tawagan siya ni Rodjun. "Natapos mo na ang ginagawa mo?" pagsagot na turan ni Arnel sa kaibigan. ( Katatapos ko lang. Anong oras tayo aalis para tumungo sa site sa Guadalupe?) seryosong tanong ni Rodjun. "Ngayon na, baba na ako sa lobby. Magkita na lamang tayo sa parking lot." saad ni Arnel na ikinasagot ng okay ni Rodjun sa kanya at ini- end call na ang tawag sa kanya. Pagkalabas ni Arnel sa elevator ng kompanya ay dire-diretso lang siyang naglakad palabas na hindi pinapansin ang mga tao sa paligid niya. Nakalapit na si Arnel sa sasakyan niya ng tawagin ni Rodjun ng malakas ang pangalan niya. Kaya napabaling siya ng tingin sa kaibigan na nagmamadaling lapitan siya. "Makasigaw ka naman Buenaflor, sa pangalan ko, bakit ba?" paangil na wika ni Arnel sa kaibigan. "Wala naman, akala ko ay plano mo nang iwan ako eh! hindi ko na dadalhin ang sasakyan ko, sa kotse mo na lang din ako sasakay ng makatipid naman sa gasolina. Ang mahal na ng Unleaded gas ngayon." "Tsk, ang sabihin mo ay umiral na naman yang pagiging kuripot mo." komentong saad ni Arnel sa sinabi nito sa kanya. "Ikaw ang mag drive ng kotse. Libreng rides ka naman eh!" at mabilis itong pumasok sa shotgun seat, ang upuan sa harapan na nasa tabi ng driver seat. Napailing na lang si Rodjun sa pagiging mautak rin ng CEO nilang kaibigan na si Arnel dela Cerna. Habang on the way sila patungong site ay biglang naalala ni Arnel ang pangalan ng lalaking gusto kumausap sa kanya kanina sa opisina, dahil parang pamilyar sa kanya at narinig na niya ang pangalan ng lalaki. "Pare, may kilala ka bang Diaz? Gabriel Joaquin Diaz?" tanong niya kay Rodjun. "Diaz? Teka lang pare ha! isipin ko lang parang narinig ko na rin kase ang name na yan eh!" wika ni Rodjun na seryosong pilit inalala ang pangalan na ibinigay ni Arnel. "Natatandaan ko na pare! siya yung modelo na nalilink kay Romary pare." bulalas na saad ni Rodjun ng maalala ang sinabi sa kanila ni Marvin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD