Chapter 14 MY RED FLAG MAN
" JAGUAR, Boss Jaguar! Nagsipagdatingan ang mga ka tropa ni Jaguar nasa benteng kalalakihan ang nagsipagsuguran upang tulungan siya. May mga dala dalang baseball bat, makapal na kadena, at dospordos ka-agad na inupakan nila ang grupo ni Roldan nagka rambulan ngunit sa huli ay sumuko din sila na taas ang mga kamay at lumuhod sa grupo ni Jaguar.
" Jaguar suko na kami sorry! Nagkamali ako hindi na mauulit!"
"Roldan, Marami ka nang utbag sa akin muntik nyo nang mapatay ang isa kong kapatid na si Binay at ngayon ang girlfriend ko naman sa palagay mo ba mapapatawad kita huh?" Ang galit na galit na sabi ni Jaguar at kinuha pa nito ang baseball bat na hawak hawak ng kaniyang ka tropa at malakas na hinampas eto sa katawan ni Roldan nangangalit ang mga mata nito na animo'y makakapatay ng tao kapag hindi napigilan.
" Agh! Ahh! Roldan maawa ka hindi na ako uulit mula ngayon pangako hindi na kita kakalabanin maniwala ka please Jaguar, lalaki ka din nag selos lang ako dala ng subrang selos at pag tratraydor ng babaeng iyon kaya nagawa ko eto pangako Jaguar patawarin mo lang kami ngayon hindi na namin kayo kakalabanin please Jaguar! " Hahambalusin na naman sana ni Jaguar si Roldan ng humarang si Kimy.
" JAGUAR, Please! tama na ligtas na tayo okay? " Niyakap ni Kimy si Jaguar at kinuha mula sa kamay ni Jaguar ang baseball bat at inihagis eto. Inalo niya ang lalaki para kumalma siya hinawakan niya nang kanyang dalawang kamay ang mukha ni Jaguar at tinitigan sa Mata. Waring inihahatid niya ang salitang tama na kumalma ka na ligtas na ako tayo. Napahigpit naman ang yakap ni Jaguar kay Kimy nang kumalma na eto.
"Kimy, talaga bang okay ka na ha? May masakit ba sa'yo? May ginawa ba sila sa'yo? Sinaktan ka ba nila?.. Bakit may sugat ka sa labi?... ROLDAAAN?" Ang sunod sunod na tanong at pag-aalala ni Jaguar ngunit nang mapansin niya ang sugat sa labi ni Kimy ay muling naginit ang dugo nito muling nagbaga ang mga mata niya. Kaya malakas ang sigaw ni Jaguar sa pangalan ni Roldan at handa na naman niya etong saktan. Mabilis naman na pinigilan siya ni Kimy niyakap niya eto ng mahigpit ngunit Kumawala lamang eto sa katawan niya. Muli na namang dinampot ni Jaguar ang baseball bat at matalim ang tingin kay Roldan habang papalapit eto sa kan'ya. Nang biglang hatakin siya ni Kimy at biglang hinalikan sa labi ng madiin.
"Hindi kita hahayaang makapatay Jaguar hindi!... Bahala na.. " Eto ang nasa isipan ni Kimy sa mga sandaling iyon bagama't hindi siya marunong humalik at hindi din niya alam bakit iyon ang kaniyang naisip ay nagawa parin niya para kay Jaguar, Para kumalma eto at naging epektibo naman ang ginawang iyon ni Kimy dahil napahinto niya ang lalaki. Subalit ang halik na dapat ay sandali lamang para mapigilan lamang ang nagaapoy na galit ni Jaguar ay napalitan eto nang mainit na halik. Mahigpit na kinabig ni Jaguar ang balakang ni Kimy papalapit sa kaniyang katawan at sinibasib ng halik nito ang labi ni Kimy. Halos maghabol ng kaniyang hininga si Kimy nang pakawalan ni Jaguar ang labi niya. At bigla din siyang natauhan at na mula nang makita niyang ang mga tao sa paligid niya ay sa kanilang dalawa nakatingin at nasaksihan ang tagpong iyon na hindi niya sukat akalain na nangyari.
"Roldan pasalamat ka sa girlfriend ko kong hindi, baka napatay kitang tarantando ka. Umulit ka pang muli at nang makita mona ang impyerno got it! Roldan?"
"Oo, Jaguar pangako!.. hindi na kita babanggain." Sa pagkakataon na iyon alam na ni Roldan na hindi niya kaya si Jaguar. Kinuha ni Jaguar ang kamay ni Kimy at na unang naglakad papalabas sa gusaling iyon kasunod ang kaniyang mga tropa.
Habang sakay ng Van si Kimy ay tahimik siya ngayon siya dinapuan ng subrang takot pakiramdam niya ay hindi na yata siya makakatulog ng mahimbing nito. Ikaw ba naman ang muntikan ng ma gangrape, sampalin at sabunutan ng lalaki, ang isiping sumabog ang buong katawan mo sa lugar na iyon, ang mamatay ka nang wala sa oras at ang mas lalong hindi matanggap ng isipan at puso niya ay ang halik na namagitan sa kanila ni Jaguar.
"Kimy naman ano etong ginawa mo? Gaga ka ba ha? First kiss mo 'yon, para lang dapat iyon sa magiging boyfriend mo bakit ganun ganun mo lang ibinigay kay Jaguar? Ang tanga tanga mo?... S__sandali tama ba ang narinig ko nabanggit niya na MAHAL NIYA AKO?.. At ano girlfriend? Tama nga ba ang pagkakarinig ko na binanggit niya kanina? "Ang naguguluhang tanong ni Kimy sa kaniyang sarili dahil kanina ay shock na shock pa siya sa samo't saring emosyon na naramdaman niya. Wala siya sa tamang katinuan para magisip ng tama o mali sa mga naging aks'yon niya kanina. Wala sa sariling napatingin siya kay Jaguar ngunit tila naman napaso siya kaya ka-agad din niya etong binawi. Nakatitig din kasi ang lalaki sa kan'ya ng hindi niya napapansin. Tahimik din eto na nakatingin sa kan'ya kaya naman ibinaling niya ang kaniyang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. Pakiramdam niya nag-init ang mukha niya at hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng lalaki. Madaling araw na ngunit napakadilim parin ng daan na tinatahak nila ang daan na iyon ay pauwi sa kaniyang bahay kaya segurado siyang ihahatid siya ni Jaguar sa bahay nila ng kaniyang Kuya Tomy.
Pagkaparada ng sasakyan sa tapat ng bahay ni Kimy ay tahimik na bumaba siya. Ipinagbukas pa siya ng pintuan ni Jaguar ngunit na nanatiling walang imik eto. Hinintay lamang na tuluyan siyang makapasok sa bahay niya at umalis na ang sasakyan.
Samantala nang makauwi din si Jaguar sa kaniyang bahay ay agad etong nag shower sa pag-aakalang maiibsan ang bigat nang kaniyang saloobin balisa eto sa malalim na iniisip. Hanggang sa nakahiga na siya sa kaniyang kama ay iniisip parin niya ang mga nangyari kanina. Nakataas ang mga kamay at nakaunan sa kaniyang ulo ang kanyang dalawang palad habang nakatingin sa kawalan. Nang matanggap niya kasi ang picture ni Kimy na pinadala sa kan'ya ni Roldan ay bigla siyang nakaramdam ng labis natakot. Hindi siya natatakot kaninoman at sa Kong ano pa man, Ngunit ang makita niyang nasa kamay ng gagong si Roldan si Kimy nakahiga eto sa sahig at nakatali ang mga kamay sa likuran ay natakot talaga siya ayaw niyang may mangyaring masama sa dalaga. Kaya kahit pinapapunta siya ni Roldan ng magisa lang ay ginawa niya. Batid din naman niya ang gusto ni Roldan sa kan'ya kaya kahit alam naman niyang delekado ay pumunta parin siya na magisa. Ngunit sadyang matalino si Jaguar kinuha niya ang isang nakatagong hand grenade sa kaniyang silid hindi lamang granada ang nakatago sa kaniyang secret compartment may dalawang klaseng baril din ang nanduon at tatlong granada at pagkatapos ay tinawagan niya si Benjo sinabi ang sitwasyon at humingi ng backup.
"Kimy, Mahal na kita! Anong gagawin ko? Mapapahamak ka lang kagaya nito kong lalapit ka sa akin. Isa kang mabuting babae Kimy hindi ka nababagay sa isang katulad ko. Pero hindi ko rin kayang mawala ka sa buhay ko Kimy naiintindihan mo ba gusto ko akin ka lang! Akin. Oh damn it! Jaguar, hindi mo kayang magmahal dahil hindi mo naman alam iyon hindi ba? At may mas higit pang karapat dapat kay Kimy, lalaking sing buti niya matinong lalaki at hindi kagaya mo na isang gago. Mapapahamak lamang siya at madadamay sa magulo mong buhay Jaguar kaya ngayon palang layuan mo na si Kimy? "
Nong umagang iyon sa Baldwin University papunta nang CR si Kimy kasama si Farah nang makasalubong nila sa daan si Jaguar ngunit hindi man lamang siya nito pinansin deretso lamang etong dumaan sa harapan niya. Ngunit lumipas ang mga araw sa tuwing magkakasalubungan silang dalawa sa loob ng Campus ay talagang umiiwas eto sa kan'ya at hindi rin siya nito tinatawagan at hindi rin sinasagot ang kaniyang mga tawag at text messages sa cellphone. Nagpasalamat siya sa pagligtas sa kanya at tinanong din niya eto kong kumusta s'ya at kong galit ba eto sa kan'ya. Subalit bigo siya hindi na siya pinapansin ng lalaki sa hindi niya malamang dahilan.
"Eh kong ayaw mo akong pansinin eh 'di huwag! Mabuti nga tatahimik na ang buhay ko ngayon, kong ayaw na niya akong maging kaibigan pwes ayaw ko na din sa kanya. " Ang wika ni Kimy sa kaniyang sarili ngunit deep inside may something na malalim na kalungkutan siyang nadarama at hindi pa malinaw kong ano eto para kay Kimy. Nang mga sumunod na mga araw ay nagulat na lamang si Kimy nang sa paguwi niya galing sa trabaho ay nadatnan niya ang kaniyang Kuya Tomy sa bahay nila masaya at mabilis naman niya etong niyakap at mahigpit din naman siyang niyakap ng kapatid.
"Kuya Tomy! Miss na miss na kita alam mo ba 'yon."
"Oo alam ko, Oh ano kumusta ka naman dito wala bang naging problema?" Kinabahan si Kimy sa tanong na iyon ng kapatid mgunit hindi niya ipapaalam dito na kamuntikan na siyang mapahamak dahil ayaw niyang mag-alala ang Kuya niya sa kan'ya lalo na at lilipad eto sa Japan para sa nalalapit na laban. Hindi niya hahayaang masayang ang pinaghirapan ng kuya Tomy niya.
"Naku naman Kuya syempre naman okay na okay ako dito, at maganda parin naman hindi mo ba nakikita? Malas lang nila oras na may lumapit sa akin na masamang nilalang." Ang pabirong wika ni Kimy na pilit pinagmumukhang masaya ang mukha.
"Mabuti naman kong ganuon. Kumain ka na ba? Halika samahan mo akong kumain may binili akong lechon paksiw na paborito mo at Leche flan."
"Wow! talaga Kuya? Dabest ka talagang kapatid ang sarap niyan, thank you Kuya! I love you! Mwuah!" Ang masayang sabi ni Kimy na parang bata niyakap niyang muli ang kaniyang kuya Tomy at hinalikan eto sa pisngi. Nawala saglit ang kalungkutan na nadarama niya para kay Jaguar sa pagdating ng kaniyang kapatid.
" Kimy, dalawang araw lamang tayo magkakasama dahil lilipad na kami papuntang Japan nila coach. Duon ko daw ipagpatuloy ang ilang araw ko pang training. Para daw masanay ang katawan ko sa klima duon. Kaya sorry Kim aalis ulit si Kuya alam mo naman Kong bakit ko eto ginagawa hindi ba? "
" Oo Kuya alam ko para sa future natin. Huwag kang mag-alala Kuya okay lang ako dito magfokus ka lang sa training mo at sa laban mo. Iuwi mo ang champion belt Kuya ah? para kapag nanalo ka sa susunod mong laban maisasama mo na ako dahil may pangalan ka na sa boxing at may pera na tayo para sa plane ticket ko hehehe! "
" Huwag kang mag-alala dahil ibibigay ko ang one hundred percent Kong lakas para dito. Pangako next time kasama na kita sa laban ko sa ibang bansa at mamasyal tayo duon. " Ang buong kompyansya naman na wika ng Kuya Tomy ni Kimy bakas sa mukha nito ang kasayahan at pagasa.
" Syempre naman Kuya ikaw pa ba? Alam kong napakagaling mo segurado hindi na aabutin ng third round ang kalaban mo Knock Out agad iyon. "
" Ha! Ha! Ha! Okay tama na 'yang daldal mo kumain na tayo kanina pa ako gutom hinahantay lamang kita." At nag umpisa na silang kumain ngunit habang ngumunguya siya ay bigla siyang nabilaukan ng hindi niya sukat akalain ang sumunod na lumabas sa bibig ng Kuya Tomy niya.
" Sya nga pala Kimy May boyfriend ka na ba? At sino ang lalaking ilang beses na naghatid sa'yo dito sa bahay?"