CHAPTER 15

1887 Words
Chapter 15 MY RED FLAG MAN "Kuya Tomy naman paano mo naman nalaman ang bagay na 'yan? Grabe ha kahit gabi na nga ako umuuwi at madaling araw pa may mga marites na sa ganuong oras? Grabe naman yarn!" "Bakit sa akala mo ba na nasa malayo ako wala akong mga mata dito para hindi malaman ang buhay mo dito? Alam mo naman na hindi kita pinaghihigpitan na makipag boyfriend Kimy, pero sinabi ko naman sayo na kailangan ipakilala mo mona sa akin para makilatis ko kong mapapabuti ka ba sa kanya o hindi. Kaisa isa kitang kapatid tayo na lamang dalawa ang natitira sa ating pamilya at ako pa ang Kuya mo, tungkulin ko na pangalagaan ka at protektahan. Sino mang lalaking magpapaluha sa'yo ay seseguruhin kong mababasag ang mukha o kong hindi naman ay gagawin ko siyang lantang halaman na kailan man ay hindi na makakatayo pa sa kaniyang higaan. " " Kuya Tomy naman! Huwag kang OA ha? Kaya ko ang sarili ko at wala akong boyfriend. Iyong nakita ng spy mo na naghahatid sa akin dito kaibigan ko lang 'yon okay Kuya? " " Hmm! Kaibigan?" " Oo nga Kuya kaibigan ko nga lang. Sasabihin ko naman sa' yo at ipapakilala kong talagang meron naman e sa hindi nga kami mag boyfriend friend. " "Kimy ang balita ko ay mukhang yayamanin ang nakikitang naghahatid sa'yo dito dahil ang sasakyan daw ng lalaking iyon ay mamahalin at alam kong ang paaralan mo ay paaralan ng mga mayayaman pinapaalalahanan lang kita na maraming mga manloloko, tarantando at matapobreng mayayaman. Kong maaari lang sana ay umiwas ka sa mga taong iyan hindi tayo nababagay sa mga taong katulad nila. Dahil ayaw kitang masaktan tahimik at maayos lamang ang buhay natin sapat na iyon hindi ba Kimy? " Ang nababahalang wika ng Kuya ni Kimy at tinugunan lamang niya eto ng pagtango. Sadyang napakabilis ng araw para sa mag kapatid naisipan ng Kuya Tomy ni Kimy na sunduin siya sa University nito at mag date muna silang mag kapatid bago siya lumipad ng Japan mamayang gabi. Hindi niya sinabi sa kapatid na susunduin niya eto kaya naman laking supresa para kay Kimy nang mag text sa kan'ya ang kapatid na nasa labas siya ng gate ng University nito at Kong wala na daw etong klase ay lumabas na dahil Magdadate silang dalawa. Habang nasa labas ng Campus ang Kuya Tomy ni Kimy ay may nasaksihan siyang hindi kaaya-aya sa kaniyang paningin at pandinig. Dinig na dinig kasi nito ang pagaaway ng dalawang lalaki sa bandang kaliwa niya. "ARAY! Greg naman nasasaktan ako! Wala na akong perang maibibigay sa'yo break na tayo nagising na ako sa kahibangan ko sa'yo kaya wala ka nang mapapala pa sa akin." "Putangina mo! 'wag ako Janice ang pag sinungalingan mo dahil alam na alam kong patay na patay ka sa akin. Dapat lamang na sustentuhan mo ako dahil pumatol ako sa isang kagaya mong bakla hindi ba' t pinapaligaya naman kita sa kama kahit nasusuka ako sa ginagawa ko ay tinitiis ko kaya dapat lamang na suklian mo ang pagpatol ko sa'yo at kong hindi tatamaan ka sa akin. " " Greg!.... G__gawin mo kong ano ang gusto mong gawin sa akin dahil hindi na talaga ako magbibigay pa sa kagaya mong demonyo huhuhu! " " Demonyo? Hoy Janice sino ang tinatawag mong demonyo huh? ako pa ba ang demonyong nagpapatirik ng mga mata mo sa kama? gusto mo bang ipagsigawan ko pa dito kong paano ka humalinghing huh?.. hahaha!!! " " Greg?.. H_hindi mo ba ako minahal kahit na konti? Lahat naman ginawa ko para sa'yo sabi mo mahal mo ako at minahal din kita alam kong bakla ako pero tao din ako at totoo akong tao na nagmahal sa'yo ibinigay ko ang sarili ko sa'yo dahil sa pagaakalang mahal mo ako. Kong hindi mo ako minahal sana naman respetuhin mo naman ang ako kahit na konti. " Ang umiiyak na sabi ni Janice. Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid. " Akin na nga 'yang bag mo ako na ang kukuha at huwag mo akong dramahan hindi iyan ang kailangan ko. Dapat tumanaw ka sa akin ng utang na loob dahil dahil sa mga katulad mong bakla na salot sa lipunan ay walang papatol naiintindihan mo ba ha Janice at iyan ang isaksak mo sa kokote mo. " Ang sabi ni Greg kay Janice at pilit na kinukuha ang bag nito, todo naman ang palag ni Janice na huwag makuha ng lalaki ang bag na nakasukbit sa kaniyang balikat durog na durog ang puso niya sa mga oras na iyon kaya mahigpit ang pagkakayakap niya sa kaniyang bag. Pakiramdam niya iyon na lamang ang natitira sa buhay niya at hindi niya hahayaang makuha pa eto ni Greg sa kan'ya. Nang dahil sa pagtutol ni Janice ay malakas na itinulak siya ni Greg at kamuntikan na sana siyang masubsob sa kalsada. Mabuti na lamang ay may malaki at matigas na mga bisig ang sumalo sa kan'ya, walang iba kong hindi si Tomy ang Kuya ni Kimy. Napakapit dito ng mahigpit si Janice upang hindi tuluyang masubsob at sa pagtaas ng kaniyang mga mata ay isang mala Adonis na ibinagsak ng langit sa lupa ang kaniyang nasilayan. May makapal na itim na itim na kilay malakas ang awra nito na animo'y isang Leader ng Mafia, matangkad eto at gwapo. Nakakahawig niya ang kaniyang idolo na thai actor na si Mile na gumanap ng Kinn sa Bl na Kinnporsche the series. Sa subrang pagkahanga sa lalaking sumalo at nasa harapan niya ngayon ay halos hindi niya namalayan ang kaniyang sarili na nakabuka ang kaniyang mga labi at nakalimutan at kasalukuyang eksena na kaniyang kinakaharap. Nakalimutan na niya ang kaniyang bag dahil titig na titig siya sa napaka Hot na lalaki na nakita niya. "Ayos ka lang ba? Dito ka lang mona ako na ang bahala." Ang sabi ni Tomy kay Janice pero para kay Janice hindi niya naintindihan ang sinabi nito o wala siyang narinig dahil talagang nabatubalani siya sa lalaki, nasa cloudnine yata siya sa mga sandaling iyon. Lumakad si Tomy papalapit kay Greg at hinablot ang braso nito at pinalipit, di hamak na mas matangkad at maskulado ang pangangatawan ni Tomy kesa kay Greg kaya parang isang papel lamang eto na madaling tupiin para kay Tomy. "Ahghh! Sino kang gago ka? Bitawan mo ako?" "Akin na etong bag ng boyfriend ko, huwag mong kunin ang hindi sa'yo." Ang wika ni Tomy kay Greg na matalim ang tingin at binitawan naman na nito ang bag ni Janice subalit tinangka niyang bigwasan ng suntok sa mukha si Tomy ngunit flawless etong nakailag. Umuurong paatras lang si Tomy habang sinusubukan siyang patamaan ng suntok ni Greg. Subalit ano pa ba ang aasahan hindi kasi batid ni Greg na ang sinusubukan niyang bigwasan ng kaniyang kamao ay isang experto sa larangan ng suntukan. Sa walo na suntok na pinakawalan niya ay ni isa ay walang tumama. Sa subrang pagkapahiya ni Greg ay nilapitan si Janice at eto sana ang kaniyang susuntukin ng mabilis naman siyang napigilan ni Tomy. Namalayan na lamang niyang tumabingi ang kaniyang mukha at nalagasan siya ng dalawang ngipin. Sa lakas ng impact ng suntok na pinakawalan sa mukha niya ni Tomy ay bumagsak siya sa lupa. Ang mga tao naman sa paligid ay parang nakapanuod ng live na palabas sa TV. " Lumapit ka pa sa boyfriend ko at gagawin kitang baldado naiintindihan mo ha?" Ang maawtorisadong Sabi ni Tomy kay Greg na ngayon ay hawak hawak ang kanyang kanang mukha at iniluluwa nito ang nalagas niyang mga ngipin. "Okay ka lang ba?" "H_ha? Oo salamat!" Ang sagot ni Janice kay Tomy at iniabot dito ang kaniyang bag. Nagulat pa si Janice ng akbayan siya ni Tomy at iginiyang papalayo kay Greg. "Nagaaral ka rin ba dito?.. Janice hindi ba?" "Yes I'm Janice my girl name pero Jano Caparal talaga ang totoo kong pangalan." Ang nahihiya pang sabi ni Janice kay Tomy pero ang mukha nito at tenga ay namumula. "Pasensya ka na sa pangingialam ko hindi ko lang kasi kaya na magbingibingihan at magbulagbulagan kapag alam kong may inaapi." " Okay nga iyon dumating ka at nasalo mo ako kong hindi nasubsob seguro ang mukha ko sa semento. Maraming salamat ha! A_anong pangalan mo? pwede bang malaman?... Ano kasi gusto ko lang malaman ang pangalan ng taong tumulong sa akin ganon lang 'yon." " Tomy Tamayo. "Ang deretsang sagot naman nito. " Tamayo?... Ka apelyedo ka pala ng isa kong kaibigan si Kimy Tamayo. "Kapatid ko siya, hindi ko alam na magkakilala pala kayo at magkaibigan pa. " " Huh! Talaga sister mo si Kimy? "Nanlalaki pa ang mga mata ni Janice sa hindi makapaniwala sa nalaman. Hindi kasi sila mag kamukha na magkapatid bagama't parehas naman silang gwapo at maganda. Ang mukha kasi ni Kimy ay maamo na parang Anghel maganda siya kahit sa unang tingin pa lamang ngunit lalo etong gumaganda kapag tinititigan mo ng matagal. Samantalang si Tomy naman ay mapapanganga ka talaga dahil sa unang tingin mo dito ay para ngang isang Gwapong leader ng Mafia. May awra kasi siyang mala badboy. Si Kimy ay maputi samantalang si Tomy naman ay may pagka Moreno. Lalaking lalaki eto at kitang kita din sa mga muscles nito na nakalabas at bumabakat sa suot nitong round neck t-shirt na black at fitted dark blue jeans. Naka tuck in pa eto at nakasinturon. Nakatali pa ang mahabang bangs nito sa likod naka apple cut hair style kasi eto na lalong nagpalakas ng taglay nitong appeal. "Siya nga pala huwag mong intindihin ang sinabi ng gago mong boyfriend. Hindi ka salot at hindi siya kawalan sa'yo, at alam kong mabait ka. Dahil hindi ka magiging kaibigan ng kapatid ko kong hindi ka isang mabait na tao." Sa sinabing iyon ni Tomy ay namula na naman ang mukha ni Janice. " T-talaga ba cute ako? " " OO nga cute ka, Kaya huwag mong edodown ang sarili mo kaninoman. Basta alam mong wala kang ginagawang masama be proud of your self and be your self. Hayaan mo na ang gagong lalaki na iyon dahil hindi siya mabuti para sa'yo. "Pero minahal ko siya b-bakit ganun siya sa akin? lahat naman ginagawa ko gusto ko lang naman ay magmahal at mahalin din ako, masama ba at mahirap bang mahalin ang isang kagaya ko? " Ang naiiyak na sabi ni Janice. "Hindi masama ang magmahal at mahalin ka. Napunta ka lang sa maling lalaki. Isipin mo na lang nagmahal ka ng isang alagang aso at namatay okay?" "Ohm!" Tumango si Janice bilang pagsang ayon sa sinabi ni Tomy. Nakatingin siya sa gwapong mukha ng lalaki. " Anong number mo akin na?" Ang utos ni Tomy Jay Janice na ikinagulat nito. "Huh! Hinihingi mo ang number ko?" "OO Para kapag ginulo ka ulit ng gagong iyon tawagan mo ako at ako ang bahala." ",Ayy! Winner! Bilis ghurl bigay mo na ang number mo baka biglang magbago ang isip niyan ikaw din." Ang sabi ng other person ni Janice. Nang biglang may nag flash back sa isipan niya ang sinabi kanina ni Tomy ang salitang AKIN NA ANG BAG NG BOYFRIEND KO? " "WHAT?... Wait tama ba ang narinig ko kanina ano daw BOYFRIEND?" Ang naguguluhan at kinikilig na wika ni Janice sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD