CHAPTER 16

1850 Words
CHAPTER 16 MY RED FLAG MAN "Ahm! T-tomy eto na oh ang Phuso ko ay este ang cellphone ko." Ang medyo maarte at kinikilig na sabi ni Janice habang inaabot kay Tomy ang kaniyang cellphone. " Siya nga pala pasensya na kong sinabi ko na boyfriend kita gusto ko lang isaksak sa utak ng lalaking iyon na hindi lang siya ang pwede mong maging boyfriend. Sa susunod matuto kang lumaban suntukin mo gulpihin mo ang sinomang lalaking manloloko sa'yo naiintindihan mo? Huwag kang paapi. " "Huh? Ah eh Ghirlalu ako hindi ko Kaya makipagsuntukan sabunutan pwede pa." Natawa na lamang at napailing iling si Tomy sa sinabi ni Janice. "Oh siya kahit sabunutan mo o kaya pagsasampalin mo ayos 'yon basta ipaglaban mo ang sarili mo huwag iyong iiyak ka na lang d' yan. Paano kong wala ako dito baka nasaktan ka ng gagong lalaki na iyon. Oh kunin mo na etong cellphone mo. Anong oras ba ang labas ni Kimy alam mo ba? " " Palabas na 'yon baka may tinatapos lang. " " Seguro nga. " " Salamat nga pala ha!" " Okay lang huwag mong alalahanin' yon. " "S-sige mauna na ako may klase pa kasi ako ngayon bye Tomy!" "Okay bye!" Sa di kalayuan ay naruruon ang tropa ni Jaguar kumakain ng kwek kwek nasaksihan din nila ang tagpong iyon. Sa labas kasi ng Campus ay mga mga mangilan ngilan na nagtitinda ng Ibat Ibang klaseng Street foods. "Ibang klase din ang isang iyon ah pabida, sino kaya 'yan mukhang ngayon ko lang nakita ang pagmumukhang iyan dito." Ang wika ni Binok. "Baka boyfriend ng isang estudyante dito, aaminin ko lamang lamang siya ng isang paligo sa akin." "Hahaha! Ibang klase ka din Binay talaga lang ha? isang paligo lang ang lamang ninyo ng lalaking iyon?" Ang natatawang wika ni Benjo. "Pambihira naman Benjo parang hindi naman kita ka tropa pagbigyan mo na ako kahit sa ganitong bagay man lang. Bakit gwapo naman ako ah iyon nga lang mas gwapo siya sa akin ng isang paligo." "Hala sige na oo na, lamang lang siya ng isang paligo sayo... T-teka hindi ba't si Kimy iyon?" "Huh! Oo nga si Kimy iyon bakit inakbayan ng lalaking iyon si Kimy? At sabay pa silang sumakay ng Jeep saan sila pupunta? Ang nagtatakang tanong ni Binay. "Kailangan malaman eto ni Boss Jaguar." Ang naisip ni Benjo.. "Kuya Tomy Kumain mona tayo bago manuod ng sine okay?" Nasa isang kilalang shopping mall ang dalawang mag kapatid dito naisip ni Tomy na dalhin si Kimy. "OO gutom na din naman ako kakahintay sa'yo." "Pasen'sya na Kuya hindi ako kaagad nakalabas kasi may tinatapos pa kami ng mga kaklase ko esusubmit kasi iyon bukas ng maaga ng leader namin." "Okay lang, siya nga pala may na kilala akong kaibigan mo si Janice." "Huh! Si Janice nakausap mo Kuya?" Ang nagulat na tanong ni Kimy sa kapatid naisip kasi niya kagad na baka idinaldal ni Janice ang tungkol sa nangyayari sa kan'ya sa campus at kay Jaguar dahil oras na malaman ng Kuya niya ang mga bagay na eto ay malaking gulo. Kilala niya ang kuya niya at Lalo na kong ang paguusapan ay ang tungkol sa kan'ya hindi eto makakapayag na malapitan pa siyang muli ni Jaguar. "OO at bakit naman ganyan ka makapag tanong parang gulat na gulat ka? Masama bang makilala ang circle of friends mo?" "H-hindi naman sa ganun Kuya syempre naman masaya ako at may nakilala kang isa kong kaibigan.Nagulat lang ako sa dinami dami ng mga estudyante sa UNI. ko ay may nakausap ka na agad na kaibigan ko." Ang pagsisinungaling ni Kimy bagamat may halong katotohanan din naman ang sinabi niya. " Sabagay kahit ako nagulat. " " Huh! Ano Kuya nagulat ka? Saan? B-bakit may sinabi ba siya sayo? " Ang nagaalalang tanong ni Kimy. " Nagulat kasi kagaya ng sinabi mo maraming akong nakitang labas masok na mga estudyante duon sa labas ng Campus nyo ang kaso nasaksihan ko ang ginagawa ng boyfriend niya sa kan'ya Kaya ayon tinulungan ko. Baka kong wala ako duon nasubsob ang makinis at cute na mukha ng kaibigan mo sa semento. Gago yong boyfriend niya pinatulan lang daw niya si Janice para gatasan. Ang masakit pa kong ano anong masasakit na salita pa ang ibinigay ng gagong lalaking iyon sa kaibigan mo. Kaya ayon hindi ako nakapagpigil binigwasan ko, hindi ko na kasalanan kong natanggalan siya ng dalawang ipin." "Ha? May boyfriend si Janice? Hindi ko alam iyon ah? At ganun ba? Hindi namin alam na may nangyayaring ganun sa kan'ya kasi masayahin siyang tao. Buti na lang talaga nanduon ka Kuya." "Magtatanong nga sana ako sa kanya tungkol sa'yo kaso naisip ko kailangan niya nang makapagisa dahil alam ko subra siyang nasaktan at napahiya sa mga tao duon kanina. Pulang pula na ang mukha niya mukhang pinipigilan niyang umiyak. Tama ka nga masayahin siya tulad kanina nakangiti siya habang kausap ko siya pero deep inside alam kong nahihiya siya sa akin dahil nasaksihan ko ang nangyari sa kanila ng kaniyang boyfriend kong paano siya tratuhin. May mga tao talagang masaya at mukhang okay na okay sila kapag may ka harap na ibang tao pero kapag sila na lang magisa ay napakalungkot pala nila. " " Tama ka d'yan kuya Tomy dahil si Jaguar ay isa sa mga iyon. "Ang nasa isipan ni Kimy naalala niya ang lalaki at biglang na miss eto kaya naman bigla siyang nalungkot at hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng Kuya Tomy niya. "Malungkot ka ba dahil nagaalala ka sa kaibigan mo?" "Huh? Ah oo Kuya." Ang pagsisinungaling na naman ni Kimy. "Kaya ikaw Kimy piliin mong mabuti ang lalaking iibigin mo, Para hindi ka masaktan at magka problema." "OO naman Kuya anong palagay mo sa akin Bata na kailangan palaging paalalahanan pa. E ikaw kuya Tomy tumatanda ka na kailan ka magkakajowa? Huwag ako ng ako ang iniisip mo, isipin mo din ang para sa sarili mong kaligayahan. Aba! twenty seven ka na pero ni minsan wala ka pa din sa akin ipinakikilalang babae. " " Oh! bat naman sa akin napunta ang usapan? " " Eh bakit totoo naman ah! At huwag mong iibahin ang usapan dahil kailangan sagutin mo ang tanong ko sa'yo Kuya. " " Anong magagawa ko sa masyado akong bussy at sa wala pa akong babaeng matipuhan wala pang nagpapadagundong ng natutulog kong puso. Anong gusto mo kumuha na lamang ako ng kahit na sinong babae diyan at jowain para may maipakilala sa'yo na girlfriend ko ganuon ba Kimy? " " Syempre hindi, Hangad ko ang lumigaya ka at liligaya ka lang sa taong mahal mo. Seguro nga hindi pa siya dumadating. " " Pati nga ako naiinip na ang tagal niyang dumating. "Ang natatawa nang sabi niTomy. " Masyado ka yatang pihikan sa babae o napakataaas ng standard mo kaya naman nahihirapan ka Kuya. " ". Ako? mataas ang standard? hindi ah! Sa wala pa talaga nakakabihag ng natutulog kong puso, ewan ko ba baka natrafic sa ere ang para sa akin o hindi pa ipinanganganak He! He! He! " " Malamang Kuya, Halika na kumain na tayo at nang makapanuod na tayo ng sine. " " Eh kanina pa nga ako dito nagugutom ikaw diyan ang madaldal. Sige halika na saan ba tayo kakain? Ano bang gusto mong kainin? ".. Samantala sa kinaroroonan ni Jaguar nasa Lending Office niya eto at nagbibilyar nang dumating ang kaniyang mga tropa. " What? " " OO boss nakita namin si Kimy mo sumama sa ibang lalaki mukhang boyfriend niya yata iyon kasi inakbayan siya ng lalaki at masaya sila." Sa narinig ay napahigpit ang hawak niya sa billiard stick at pakiramdam niya ay biglang umakyat sa ulo niya ang kaniyang dugo. " Sino ang lalaking iyon? " " Hindi namin alam Boss ngayon lang din namin nakita ang pagmumukha ng lalaking iyon. "Ang sabi ni Binok. " Boss Jaguar gwapo siya magandang lalaki, at alam mo bang sa walong suntok na pinakawalan ni Greg sa lalaking iyon ay ni isa ay walang man lamang tumama. Pero isang suntok lang sa mukha ni Greg ayon tanggal ang dalawang ngipin ha! Ha! Ha! ". Sa mga narinig ay lalong nagsalubong ang mga kilay ni Jaguar at walang sabi sabing ibinalibag ang hawak hawak na billiard stick at umalis. " Boss saan ka pupunta? " Ang habol na tanong ni Binok. " Binok hayaan mona natin si Boss hindi mo ba nakikita? parang bulkan na nagbabadyang sumabog huwag kang lumapit baka ikaw ang maputukan." Ang wika naman ni Benjo Na higit na nakakakilala sa kaniyang Boss. "f**k! Who's that man?" Ang tanong sa isip ni Jaguar habang nagmamaneho. Hindi niya maintindihan ang sarili parang gusto niyang magwala sa nalaman. Inihinto niya ang kaniyang minamanehong sasakyan sa tabi at kinuha ang kaniyang cellphone sinubukang tawagan si Kimy na hindi niya talaga matiis na hindi eto makausap. Subalit nakailang calls eto pero hindi siya sinasagot ni Kimy. Na sa mga oras na iyon ay nasa loob ng sinehan kaya naman hindi nito namamalayan ang pag ring ng kaniyang cellphone. "f**k! Kimy sumagot ka?" Halos sumigaw na sa galit si Jaguar. "Kimy, alam kong hindi ka basta bastang babae huwag na huwag mo akong edodown.. s**t!..shiiit!. Damn it!" Sa tindi ng emosyon na nararamdaman niya ay tatlong beses niyang pinagsusuntok ang manibela. Sa kauna unahang pagkakataon ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong takot sa buong buhay niya, takot na mawala sa kanya si Kimy. Takot na baka ipinagpalit na siya ng babae. Pero ano nga ba sila? Anong karapatan niya? Mga bagay na naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Gulong gulo siya sa kaniyang sarili ngayon lang siya tila mababaliw sa kakaisip sa isang babae. Muli niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan at tinungo ang bahay ni Kimy ngunit naka padlock ang gate at mukhang hindi pa umuuwi si Kimy dito na lalong ikinagalit niya. "Putangina Kimy asan ka? Magkasama parin ba kayo ng lalaking iyon ha?" Damn it! " At muli niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan nagbabakasakaling makita niya sa daan si Kimy. Nagpagala gala ang kaniyang sasakyan sa pagaakalang makita ang hinahanap sa tabi tabi. Hanggang sa napagtanto niyang baka nakabalik na eto sa kaniyang bahay at muli niya etong binalikan. Pagkarating naman niya duon ay tyempong may kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila Kimy kaya naman ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa di kalayuan dito . Baba na sana siya sa kaniyang sasakyan upang puntahan si Kimy nang makita niyang lumabas si Kimy at may kasama etong isang gwapong lalaki at parehas na sumakay sa nakaparadang kotse sa harapan ng bahay ni Kimy. Natigalgal si Jaguar totoo ngang gwapo at magandang lalaki ang kasama ni Kimy at dinala pa niya eto sa bahay nito mismo. Ilang minuto na ang nakakalipas mula ng umalis ang kotseng sinakyan ni Kimy at ng lalaking iyon subalit si Jaguar ay nananatiling tulala sa nakita. At sa kauna unahang pagkakataon may tumulong patak ng luha sa kaniyang mga mata. "No! Kimy.. akin ka lang!.. Akin Lang!.. naiintindihan mo? " Ang nasasaktang sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD