CHAPTER 17

1873 Words
CHAPTER 17 MY RED FLAG MAN Napagpasyahan ni Jaguar na huwag umalis Hihintayin niyang muling umuwi si Kimy sa kaniyang bahay. Bumili din siya ng anim na beercan sa isang tindahan duon malapit sa bahay ni Kimy. Habang naghahantay sa babae ay iniinom niya eto subalit naubos na ang anim na beer ay hindi pa bumabalik si Kimy. Hindi na talaga eto nakapag pigil sa kaniyang sarili kaya naman muli niya etong sinubukan na tawagan. Una at pangatlong tawag niya dito ay hindi eto sumagot pero sa pangapat na tawag niya ay sa wakas sumagot na eto. "Hello! " Asan ka? " " Nasa work bakit nga pala ang dami dami mong misscall? May kailangan ka ba? " " Sa work? Hmm! Sa work ba talaga? Sinungaling! " " Huh! Galit ka niyan?.. Ako sinungaling?.. Aba! Teka lang ha Mr. DILLIGEN unang una magka ano-ano ba tayo ha? Ano kailangan ba e report ko pa sayo kong nasaan ako, at ano kailangan din bang ipaalam ko sa'yo Kong saan ako nag pupunta at sino sino mga kasama ko ganun ba? " Ang naiinis na wika ni Kimy. Sino ba kasi ang maiinis halos pasigaw na nagsasalita ang taong kausap mo sa kabilang linya at pagbintangan ka pang sinungaling sa hindi niya malamang dahilan. " Akala ko pa naman matino kang babae pero kong Kani kaninong lalaki ka rin pala sumasama." "Ano? Hoy Jaguar kong wala kang magawa sa buhay mo huwag ako ang pagtripan mo. Eh Gago ka palang talaga! Ako?.. Kong Kani kaninong lalaki sumasama? Huh!.. Siraulo ka!..huwag na huwag kang magpapakita sa akin bweset na 'to!" Pinatayan na ni Kimy ng cellphone si Jaguar. Kanina ay malungkot siya dahil umalis na naman ang Kuya tomy niya. Sumama siyang ihatid eto sa airport at Pagkagaling duon ay tumuloy naman siya sa kaniyang trabaho. Malungkot at pagod na nga siya dinagdagan pa ni Jaguar. "Gagong 'yon! Anong nakain nun? Anong palagay niya sa akin babaeng pakawala? Kong Kani kaninong lalaki sumasama siraulo! Gago! Bweset!" Sa kabilang linya naman ay halos mapatiran na ng ugat sa leeg si Jaguar sa kakasigaw sa pangalan ni Kimy Lalo kasi siyang nainis nang pagsarhan siya ni Kimy ng cellphone. " KIMMMY!...hindi pa tayo tapos magusap!.. Humanda ka sa akin ganun ha okay?. " Ate Daisy, mauna na ako sa'yo ha. "Ang paalam ni Kimy sa kaniyang karelyebo. " Oy Kimy siya nga pala nakalimutan kong sabihin sa'yo makikiusap sana ako kong pwedeng bukas mag straight ka. Kasi hindi ako makakapasok sa shift ko dahil may importante akong lakad bukas maari ba? " " Okay sige Ate Daisy walang problema. Sige bye na uwi na ako. " " Okay bye, salamat Kimy! Ingat at may dala ka bang payong mukhang uulan kong wala gamitin mo na lang payong ko. " "Meron naman ate Daisy salamat.!" Tuluyan nang lumabas sa kaniyang work place si Kimy at inilabas ang kaniyang bluetooth earbuds upang makinig ng kaniyang paboritong musika sa kaniyang cellphone. Nang kinuha niya eto mula sa loob ng kaniyang bag na dala ay nakita niya ang sangkaterbang miss call ni Jaguar. Hindi naman niya eto na sasagot dahil sa oras ng trabaho bawal sa kanila ang humawak ng cellphone. Dahil sa patakaran na eto kaya naman nasa kaniyang locker ang cellphone ni Kimy. "B'weset na lalaking 'to, ano ba kasi ang kailangan nito, bakit ba ako ang naisipang buwesetin. Ano hihingi ba siya ng sorry dahil sa mga sinabi niya sa akin? Hmm! No way,. hindi ko siya basta basta mapapatawad, b'weset siya!.. Mapapatawad ko sana siya kong ang pinagduduhan niya sa akin ay kong tunay ngang maganda ako, pero pagdudahan niya ang puri ng pagkakababae ko lintek siya demonyo siya grrr!.. Habang patuloy na tinatahak ang daan papuntang sakayan ay panay ang sambit niya ng mga katagang hindi mo sukat akalain na masasabi niya talagang nangigil siya sa inis kay Jaguar. "Huwag ka lang talaga susulpot sa harapan ko at talaga nga namang sasampalin kita bweset ka! Medyo madilim ang paligid ngayon dahil nagbabadya ang tila malakas na ulan. Madilim ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Kimy. Kailangan na niyang mag madali dahil kong hindi baka maabutan pa siya ng malakas na pag bagsak ng ulan. "Naku! May mga sinampay pa pala ako sa likod bahay namin, nakalimutan kong isilong. Yong uniform ko isusuot ko pa naman iyon mamaya hay naku! Ulan please lang huwag ka monang uulan hintayin mo naman akong makauwi mona makisama ka ha?" Tumingala pa si Kimy sa ulap upang pakiusapan ang ulan. Subalit bigla na lamang sumulpot sa kaniyang harapan si Jaguar na naka inom. " Huh! t**i ng kabayo!.. Jaguar? " Ang biglang sulpot ng lalaki na mukhang lasing na at ikinagulat naman ni Kimy ang biglaang pagharang sa daraanan niya. " Bakit mo ako pinagsarhan ng cellphone ha? at bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko sa'yo ha Kimy?" Ang lasing at inis na tanong nito sa kan'ya. Halatang galit at masama ang tingin kay Kimy. "Aba'y okay ka lang Mr. DILLIGEN? Bakit ano ba kita ha? May responsibinildad ba ako na sagutin ang tawag mo?" at bakit ganyan ka makatingin? Lalapain mo ba ako? " " Sinong lalaki ang kasama mo kanina ha? " " Lalaki? Ah! 'yon ba...Wala kang paki.. Teka teka lang mona ano ba kita? At kong makapag tanong ka akala mo naman boyfriend kita ano boyfr...." Hindi na naipagpatuloy pa ni Kimy ang sasabihin dahil bigla siyang kinabig ni Jaguar sa leeg at madiing hinalikan sa labi. " Hmmpph! " Napatda si Kimy sa ginawa ng lalaki saglit siyang na blanko at hindi nakakilos. Unang beses niyang nahalikan ng isang lalaki at si Jaguar pa eto. "Ganito ba ang pakiramdam ng first kiss, B-bakit ang tamis? B-bakit nakakahilo? B-bakit nakaapak ako sa ulap? B-bakit m__masarap? B-bakit kahit amoy at lasang beer ay nakaka addict?" Nang biglang huminto ang mapusok na halik at humiwalay sa kaniyang mga labi. Tila nainis pa siya kong bakit tumigil. " Duon natin sa kotse ipagpatuloy eto Kimy. " Ang biglang wika ni Jaguar. Subalit mukhang natauhan ang babae sa winika ng lalaki kaya naman nakatanggap siya ng malakas na sampal at tadyak sa binti. "Gago! Anong akala mo sa akin katulad ng mga babae mong kong sansan mo tinitira, sira ulong 'to." Pagkasabi nun ni Kimy kay Jaguar ay mabilis na tumakbo na eto papalayo sa lalaki. "Naku naman Kimy nahalikan ka ng demonyong lalaking iyon ano ka ba naman?" Ang wika niya sa kaniyang sarili habang tumatakbo. "Ganun ba ayaw mo sa kong saan saan. Well next time paghahandaan kita. Lalo't natikman ko na ang matamis at malambot mong mga labi. Next time hindi lamang ang labi mo ang titikman ko, buong katawan mo Kimy ang Lalapain ko so be ready Ha! Ha! Ha!" Ang parang baliw na sabi ni Jaguar habang tinatanaw ang papalayo na si Kimy.. "Tingnan mo si Kimy Janice kanina pa iyan ganyan tulala at palaging hinahawakan ang labi o di kaya naman ay tinitikom at kinakagat ang bibig niya." Ang puna ni Farah kay Kimy na talagang siya ang unang makakapansin dahil sila ang magkasama. Subalit ang Janice na kinakausap din niya ay tila din nagbabakasyon sa ibang planeta. Nakatingin eto sa malayo at matamis ang pagkakangiti. " Ano bang mga nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit nagkakaganito ang mga kaibigan ko?" Ang naitanong na lamang ni farah sa kaniyang sarili na nahihiwagaan sa dalawa. "Kimy, Janice si Jaguar oh papunta yata dito." Ang biglang wika ni farah at biglang bumalik sa kaniyang sarili naman si Kimy nang marinig ang pangalan ng lalaking hindi nagpatulog sa kan'ya at hanggang ngayon ay laman ng kaniyang isipan. Hindi maalis alis ang nangyari kagabi ang paglapastangan nito sa kaniyang birhen na labi. Ngunit si Janice naman ay wa epek ang pangalang Jaguar nanatiling nasa ibang planeta parin ang kaniyang isipan. "A-anong kailangan niyan b-bakit papalapit 'yan dito?" Ang tanong ni Kimy na biglang nabahala. Napapaurong pa siya na tila ano mang oras ay kakaripas ng takbo. Ngunit nang tuluyang makalapit ang lalaki sa kan'ya at nasa harapan na niya eto. Natulala na naman siya at hindi makapagsalita nakita pa niya ang unti unting paglapit ng mukha ng lalaki sa kanya kaya naman napapikit siya bigla. "Let me taste your sweet juice later my dear!" Ang usal ni Jaguar sa kaniyang tenga na nagpatayo ng mga balahibo niya sa katawan dala ng mainit init na hininga nito at sa tila malaswang sabi nito. Pagkatapos sabihin eto sa kan'ya ay parang walang ano mang Iniwanan sila. "Kimy, Anong binulong non sa'yo?" Ang tanong na naman ni Farah. Oy Kimy? " " Huh! Anong sabi mo? " " Ano bang nangyayari sa'yo bakit ba absent minded ka ngayon kayo ni Janice tingnan mo kanina pa siyang ganyan at ikaw din. " " Ah! g-ganun ba sory may iniisip lang ako. Huwag mo na lamang akong pansinin. " " Okay! Pero ano nga ang Ibinulong sa'yo ni Jaguar? Spill the tea na? " " Wala naman, pinagtripan lang ako oo tama nang trip lang.. Hinipan lang ang tenga ko sabog yata ang lalaking iyon eh, hehehhe! " " Ha? Ganun ba? katakot naman 'yon kaya nga nagtaka ako bakit papalapit sa' tin. Gago talaga iyon ginagawa kong ano ang matipuhan gawin. " " Anong gago sino? "Ang biglang sabat naman ni Janice. "Ay sa wakas nakauwi ka na pala, akala ko duon ka na lang sa mundo mo. Nasa ibang planeta yata ang isipan mo kaya kahit na dumating dito si Jaguar ay hindi mo napansin. Umamin ka nga Janice may boyfriend ka na naman ba ha? O ang ex boyfriend mong gago ang iniisip mo ginugulo ka parin ba niya? Grabe ka parang hindi mo kami bestie ni Kimy. Kong hindi ka lang napagusapan dito sa buong Campus yong nangyari sa inyo ng ex mo sa labas ay hindi pa namin malalaman na may boyfriend ka na pala. Ikaw ha pinaglilihiman mo kami ni Kimy kakatampo ka. " " Hindi ah! May iniisip lang ako about sa family ko ganun. " Ang pagtatago ni Janice. " Ah ganun ba, dito lang kami ni Kimy if need mo ng help. " "Thank you! Mga bestie ko. Pasensya na hindi ko nasabi ang tungkol kay Greg kasi binilinan niya ako na secret lang daw dapat ang aming relasyon." "Ganun ba? Okay huwag mo nang alalahanin iyon. Basta mag move on ka na marami pang mga lalaki diyan sa tabi tabi na mas higit pa sa kan'ya. Hindi siya deserving sa love mo tandaan mo your precious ayan English pa yan. Isa pa hindi ka naman mabubuntis kong sakaling nagchukchakan kayo ng gago mong ex kaya wala kang dapat ikabahala hindi ka magiging dalagang Ina." " Sira ulo ka din no ha Kimy, Sa halip na pasayahin mo ako eh parang ipinamumukha mo pa sa akin na hindi ako mabubuntis. Kalorka ka! " " Hahaha!! Oh siya may importante pala akong saasabihin sa inyo next week na ang 18th birthday ko eto nga pala ang invatation cards ninyo. Kaya ihanda na ninyo ang bonggang gift nyo for me at aasahan ko kayo sa birthday ko hindi pwedeng may alibi na hindi kayo pupunta magtatampo talaga ako. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD