CHAPTER 18

1901 Words
CHAPTER 18 MY RED FLAG MAN KASALUKUYAN.. "Kimy, bakit ka ganyan? Bakit mabilis kang napasunod ng siraulong lalaki na 'yon ha? At bakit parang tila nanghihinyang ka pa at hindi natuloy nasisiraan ka na ba Kimy ha?" Mga tanong sa sarili ni Kimy na kahit naguguluhan sa kaniyang damdamin ay isa lamang ang segurado siya. Hindi niya pinandidirihan o ikinagagalit ang ginawang iyon sa kan'ya ng lalaki, may bahagi sa kaniyang pagkatao ang naghahangad din kay Jaguar. Aminin man niya sa kaniyang sarili o hindi mula nang mangyari ang first kiss nila ni Jaguar nuon ay palagi niya etong naaalala at kinasasabikan na muli niyang maranasan ang halik na iyon. Pero hindi pwedeng maging boyfriend niya si Jaguar dahil batid naman niya ang problema na ihahatid nito sa buhay niya. At segurado din siyang hindi eto tatanggapin ng Kuya Tomy niya dahil salungat eto sa mga gusto ng Kuya niya para sa kan'ya. Mayaman at basagulero. Nagising siya sa malalim na pagiisip ng lumabas nang muli si Jaguar mula sa bathroom. Nakahubad parin eto at nakabalot lamang ng maliit na puting tuwalya ang pangibabang bahagi ng kaniyang katawan. Na kanina lamang ay naramdaman niya ang matigas at malaki na bagay na iyon. Sa isiping iyon ay biglang nakaramdam si Kimy ng kakaibang pakiramdam na hindi niya tunay na batid kong ano iyon. Lumapit eto sa kan'ya at umupo sa kaniyang tabi. Kinuha ang kaniyang mga kamay kaya naman napilitang humarap si Kimy kay Jaguar. "Kimy," Ang tawag ni Jaguar na ikinagulat pa niya. "Huh! Bakit?" "Girlfriend na kita, naiintindihan mo ba?" Tumango si Kimy bilang pagsang ayon pero iba ang nasa isip. "Sasakyan ko lang ang trip mo pero oras na makalabas na ako sa kwartong eto ligtas na ako sa'yo." Ang sabi ng other side niya. " Gusto ko maging Honest ka sa akin. Gusto kong malaman ang totoo." "Anong totoong pinagsasabi mo d'yan" "Kimy.. Sino ang lalaking kasama mo at dinala mo pa sa bahay mo?" Saglit na nagiisip si Kimy inalala kong sinong lalaki ba ang tinutukoy nito na dinala niya sa kanilang bahay. Tanging ang Kuya Tomy lamang niya ang na kasama niyang lalaki. "Wala akong ibang lalaki na dinadala sa bahay baka ang Kuya Tomy ko ang sinasabi mo." "Kuya Tomy? Iyong kapatid mo?" Ang paninigurado naman ni Jaguar. "OO siya nga, at bakit mo naman naisip na magdadala ako ng lalaki sa bahay namin sira ulo ka talaga kahit kelan. Baka akala mo pinapatawad na kita sa sinabi mo sa akin nong isang araw." "Huh? Ang alin?" "Iyong sinabi mong kong kani kaninong lalaki ako sumasama." "Sinabi ko ba iyon?" "OO sinabi mo." "Hindi ko matandaan eh." "Gago ka talaga kahit kelan." Bumitaw mula sa pagkakahawak ni Jaguar si Kimy at malakas na hinampas eto sa kaniyang dibdib. " "Agh!.. Ha! Ha! Ha! Totoo nga hindi ko matandaan na sinabi ko sa'yo iyon." "Ewan ko sa'yo.. At bakit mo nga pala ako kinidnap ha?" "Para pikutin ka." Ang deretsong wika ni Jaguar na nakatingin sa kaniyang mga mata. Hindi naman niya kayang makipagtitigan kaya naman tumingin na lamang siya sa ibang direksiyon. " Alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan dahil Isa akong tarantadong lalaki. Dalawa lamang ang hinangad ko sa mundong eto. Ang mahalin ako ng aking ama at mahalin mo Kimy." Natigalgal si Kimy sa sinabing iyon ni Jaguar dahil alam niya ang relasyon nito sa kaniyang Ama kaya batid na batid niyang seryoso talaga ang lalaki sa sinabi nito. " At hindi ako makakapayag na Pati ikaw ay hindi mapa sa akin. Ikaw lamang ang Tanging babae na nagpahalaga at Naniniwala sa kakayahan ko. Nandyan ka palagi sa oras na kailangan ko ng karamay. Kahit kong ano - ano ang mga naririnig mo tungkol sa akin ay hindi ka natatakot sa akin at Kong ano ka iyon ang ipinakikita mo sa harapan ko. Your not a pretender Kimy, sa piling mo I can express my feelings na walang pagaalinlangan. Pakiramdam ko nawawala ang bigat ng dibdib ko kapag nasa tabi kita. Isa lang ang Alam ko Kimy Lalo nang nakita ko na may kasama kang ibang lalaki. Iyon ay ayaw kitang mapunta sa iba akin ka lang. For God sake Kimy I'm in love with you!..kaya mapalad ka dahil ang isang kagaya ko ay nagtatapat ng pagibig sa'yo sa dami ba namang mga babae diyan na nagkakandarapa sa akin at napakahaba ng pila. Samantalang ikaw deretso na. " " Ay! Gago ka talaga! Okay na sana sa umpisa nagiba lang sa bandang huli. Isa ka talagang Gago ay ewan ko sa'yo. Ihatid mo na ko pwede ba.? " Sinabi ko ngang hindi kita gagalawin pero hindi ko sinabing iuuwi kita ngayon." "Huh! Anong ibig mong sabihin?" "Simple lang, Ang mahal ng bayad ko sa room na 'to tapos Iiwanan lang natin. Mahirap ang buhay ngayon kaya dapat bawat piso na pinapakawalan ay dapat sinusulit at pinapakinabangan." " Ha!.. Ibang klase ka talaga Jaguar, bakit sinabi ko bang dalhin mo ako dito. May bahay ka naman kong nagtitipid ka bakit dito mo ako dinala bweset na 'to kahit kelan talaga nakakapanindig ka ng laman nakakagigil ka grrr! " " Gusto ko lang naman na maging special ang araw ng ating pagiging officialy on, NATING dalawa. Kahit iubos ko pa ang lahat ng pera ko sa' yo ay okay lang. Basta para sa'yo Kimy at lahat gagawin ko mahalin mo lang ako. " Hindi sukat akalain ni Kimy na masasabi eto ng isang lalaking katulad ni Jaguar sa kan'ya. Naantig ang kaniyang puso medyo kinilig siya at medyo naawa kay Jaguar. Na patingin na lamang muli siya sa mga mata ni Jaguar at wala sa sariling hinawakan ang magkabila nitong mukha at Marahang hinaplos haplos ng hinlalaking daliri niya ang pisngi ni Jaguar. "JAGUAR makinig ka sa akin. Naniniwala akong mahal ka din ng father mo at Kong hindi man balang araw mamahalin ka din niya dahil anak ka niya dugo't laman ka niya naiintindihan mo ba iyon. At karapat dapat ka namang mahalin dahil alam kong isa kang mabuting tao. Sa sinabing iyon ni Kimy ay hindi niya batid kong gaano kahalaga eto para kay Jaguar. Eto na yata ang pinakamasarap na salita na narinig niya sa buong buhay niya Lalo na at galing pa eto kay Kimy. Paanong hindi siya mahuhulog sa babaeng eto. Kinabig niya si Kimy at mahigpit na niyakap at pagkatapos ay nagtitigan sila dahan dahang naglalapit ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga labi. Muli nilang nilasap ang matamis na halik at labi ng bawat isa. Muli na namang natikman ni Kimy ang dila ni Jaguar sa loob ng kaniyang bibig na tila may sinisipsip at nilalaro duon. Ang pakiramdam na iyon ay nagpapadala ng kaniyang katinuan gusto niyang namnamin ang pakiramdam na parang ke sarap sarap. Hawak hawak ni Jaguar ang kaniyang leeg habang buong pagmamahal siyang sinisiil ng halik nito. Nang tumigil eto sa ginagawang paghalik sa kan'ya ay muli siyang tinitigan at niyakap muli. "Kimy, I love you!" Ang bulong ni Jaguar sa tenga ni Kimy. Ngunit ang babae naman ay naguguluhan sa kong ano ang isasagot niya. Kimy anong gusto mong kainin? oorder ako. " " Ha? Ah eh kahit ano. " Ang nalilitong tugon parin niya. Sa sitwasyon na napasukan niya ay tila nabobobo siya. Naglalaban ang kalooban at isip niya sa mga bagay bagay. Bakit hindi niya magawang tanggihan ang lalaki? Bakit pumayag siyang angkinin nito ang kaniyang mga labi? Bakit pumapayag siyang magdikit ang kanilang mga katawan?. Mahal ba niya si Jaguar o naaawa lamang siya? "Okay, oorder na lang ako ng kanin, ulam at slice ng chocolate cake." Tinawagan ni Jaguar ang hotel service para sa pagkain nila ni Kimy at pagkatapos ay muling hinarap ang dalaga na tahimik lamang na nakaupo sa kama. " Natatakot ka ba? Pangako wala akong gagawin sa'yo. Kakain lang tayo dito at pagkatapos ay matutulog. Ikaw sa kama at ako naman ay sa sofa." "Totoo?" Ang nagdududang tanong ni Kimy. Dahil alam na alam naman niyang si Jaguar ay tipo ng lalaking mahilig sa s*x. Kaya nga hindi siya mapa lagay kanina pa nang malamang hindi pa sila aalis sa Hotel na iyon. Sa kabilang banda naman ay malalabanan naman niya ang lalaki kong ipipilit na gawin ang bagay na iyon sa kan'ya. Ngunit ang talagang ikinatatakot niya ay ang ipagkanulo siya ng kaniyang nararamdaman. Dahil nagugustuhan niya ang sensasyon na Nararamdaman niya habang hinahalikan at hinahawakan siya ni Jaguar. Ang masayang pakiramdam sa puso niya na hindi niya maintindihan. "I promise Kimy! Mahal kita kaya iginagalang kita." "Okay, sige naniniwala na ako." Nakakapanibago naman etong lalaking eto parang mabait ah. " Ang wika ni Kimy sa kaniyang sarili. Nakakapanibago naman talaga na ang isang katulad ni Jaguar ay kayang pigilan ang sarili sa larangan ng s*x. Eh sa Campus nga lang balitang balita na walang pinapalagpas na babae si Jaguar kahit saan at kahit kelan pag gustong tumira ay titira talaga. "Hindi kaya dahil mahina ang s*x appeal ko? Kaya hindi ganun kalakas ang hatak ko sa kanya?" Wala sa sariling naitanong ni Kimy sa kaniyang sarili. May nag doorbell sa labas ng pintuan dumating na ang inorder ni Jaguar na pagkain. Pinagsaluhan nila ng tahimik ang panghapunan na pagkain. Nagpapakiramdaman kong sino ang unang babasag ng katahimikan. Hanggang sa matapos silang kumain at kinuha na ng hotel crew ang pinagkainan nila ay wala pa rin may gustong magsalita sa kanilang dalawa. Nagsusulyapan lamang sila sa isat isa at kapag nahuhuling tumitingin sa bawat isa ay biglang babawiin at ibabaling sa ibang direksiyon ang kanilang tingin. "Goodnight!" Ang pagbasag ng katahimikan ni Kimy na hindi nakatiis. "Goodnight!" Ang tugon naman ni Jaguar. "Ahm! Eto ang unan kunin mo Para may unan ka sa pagtulog." Ang sabi uli ni Kimy. "Salamat!" Ang muling tugon din ni Jaguar na tila maamong tupa sa kabaitan ngayon. Habang nakahiga si Kimy ay sinulyuapan niya ang lalaking nakahiga sa sofa. Maliit ang sofa na naruruon para sa size ng katawan ni Jaguar. Matangkad kasi etong lalaki at ang upuan ay pangtatluhan lamang. Idagdag pa ang wala etong kumot kaya namamaluktot etong nakahigang patalikod sa sofa. May kong anong bagay ang nagtulak kay Kimy na lapitan eto at kinalabit. "JAGUAR duon ka na sa kama matulog malaki naman iyon. Huwag ka na diyan hindi ka kasya." Ang wika ni Kimy na ikinagulat naman ng lalaki. "Segurado ka?" "OO, pero huwag kang maglilikot pinapayagan lamang kitang duon mahiga hanggang dun lang. Oras na maglikot ka seseguraduhin ko sa'yong hindi ka na magkakaanak pa." Ang nakakatakot na pagbabanta ni Kimy na dumako pa ang paningin sa kaniyang junior. Alam naman niyang Marunong sa martial arts si Kimy baka nga totohanin nito ang sinabi Kaya dapat talaga mag behave siya. Napailing iling na lamang si Jaguar at nangingiti ngiti habang lumalapit sa kama upang mahiga. " Kimy." "Ano?" " Virgin ka pa ba?" "Sira ulo kang talaga kahit kelan! Anong klaseng tanong 'yan? Gago ka talaga! , ayaw ko na uuwi na ako bweset ka talaga." Babangon na sana si Kimy buhat sa pagkakahiga upang umalis ng hatakin siya ni Jaguar at daganan. Hawak hawak ang dalawa niyang palapulsuhan sa itaas ng kaniyang ulunan. Sa bigat ni Jaguar ay halos hindi siya makahinga pero hindi siya segurado kong iyon nga ang dahilan ng pagkawala ng hangin sa kaniyang baga. Bumilis ang t***k ng puso ni Kimy at kinakapos sa paghinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD