CHAPTER 24 MY RED FLAG MAN Mabigat ang mga paa ni Jaguar na nilisan ang bangkay ng Ama sa morgue ng hospital. Masama man ang loob sa ama ay alam niyang mahal niya eto. Hindi niya gusto ang nangyaring iyon. "I Hate you Dad!" Sabi nga nila tulak ng bibig kabig ng dibdib. Bumalik si Jaguar kay Kimy sa hospital. Hindi pa din nagmumulat ng mga mata ang dalaga. "Kumusta na siya Gigi nagising na ba siya?" "Hindi pa po Sir, Kong paano po ninyo s'ya iniwan kanina ganyan din po siya ngayon. Himbing na Himbing." "Baka dahil sa gamot kaya hindi pa siya nagkakamalay." " Seguro nga po.. Sir! Kumain na po ba kayo? Pasado alas kuwatro na ng madaling araw kong hindi pa Ikukuha ko po kayo ng pagkain sa bahay." Tanong ni Gigi na napaisip pa si Jaguar. Mula sa pagpunta niya sa party ni Farah ay h

