CHAPTER 23 MY RED FLAG MAN
Ganito talaga kapag nagmamahal ang isang tao walang mali at tama. Nasa bahay nanaman siya ng lalaki. Noong nakaraang araw lamang ay nandirito siya hindi man lamang umabot ng isang linggo at ngayon ay muli siyang naririto. Kapapasok pa lamang ng sasakyan nila sa loob ng bakuran ni Jaguar ng may bumisinang kotse sa labas ng gate.
Pinuntahan eto ni Jaguar upang alamin kong sino ang laman ng sasakyan na iyon. Naiwan naman si Kimy na nakatayo sa tapat ng pinto ng bahay ni Jaguar tinatanaw ang kasintahan na naghihintay na makapasok ang kotse sa loob. Dahan dahang naghihiwalay ang de remote control na magarang gate at unti unting minamaneobra ng panauhin papasok ang sasakyan nito. Tila kilala naman ni Jaguar ang taong laman ng kotse dahil pinapasok niya eto. Subalit ang tagpong hindi inaasahan ni Kimy na makita at masaksihan ay ang biglang pagbigwas ng suntok sa mukha ni Jaguar ng lalaking kababa lamang sa kotse. Tumabingi naman ang mukha ng binata at nang makabawi sa pagkabigla ay gumanti din eto ng suntok. Ang lalaking panauhin ay ang kapatid ni Jaguar na si Ferrari. Na ngayon ay parehas nang nagtatagisan ng lakas suntok at sipa ang pinakakawalan ng bawat Isa walang ayaw magpatalo. Ngunit mas lamang parin si Jaguar dahil palagi etong nakakasapol sa katawan ni Ferrari at halatang bawat suntok at sipa nito ay malakas ang epekto dahil para nang lantang gulay ang kapatid na halos hindi na kayang ibangon pa ang katawan.
" BANGON?.... DAMN IT!.. BUMANGON KA SABI EH?.." Ang galit na galit na utos ni Jaguar sumisigaw siya at halos mapatid na ang ugat nito sa leeg sa subrang gigil nito. Muli na naman sanang uundayan ng suntok sa mukha ni Jaguar si Ferrari ng biglang humarang si Kimy. Nakaluhod na eto sa Bermuda grass na sahig Kong saan naruruon ang katawan ni Ferrari na duguan na ang mukha. Parehas naman silang magkapatid na duguan na ang mga pagmumukha pero iba ang tama ni Ferrari.
Si Jaguar naman ay parang wala lang sa kanya ang mga natamong suntok at tadyak ng kapatid. Iba talaga ang sanay sa makipagumbagan matibay.
Tumayo si Kimy mula sa pagkakaluhod kanina. Iniharang kasi nito ang kaniyang katawan sa katawan ni Ferrari upang hindi na eto tuluyan masaktan muli ni Jaguar.
"Tama na pwede ba? Huminahon ka na Jaguar please!" Nagsusumamo ang mga mata ni Kimy na huwag nang ituloy pa ang kamaong nasa ere. Kinuha eto ni dalaga at ibinaba sabay yakap sa lalaki at hinaplos haplos ang ulo at batok nito.
"Tama na mahal! Tama na! Okay?" Mahina at kalmanteng bulong ni Kimy sa ibabang tenga ng binata. Ang mabilis at malalim na paghinga ni Jaguar ay unti unting huminahon.
"Nasa ICU si Dad at critical, oras na may mangyaring masama sa kan'ya tandaan mo Jaguar hinding hindi kita mapapatawad." Ang wika ni Ferrari na ngayon ay nakatayo na at pinapahid ng hinlalaking daliri nito ang dugong dumadaloy sa labi. Samantalang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa bandang sikmura nito. At nahihirapan magsalita.
" Ulol! Huwag kang umastang parang ikaw lang ang anak ni Dad dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo anak din niya ako dugo't laman. Kaya huwag kang umasta na kong sino sa pamilya dahil sampid lang kayo at dahil sa inyo ng magaling mong Ina kaya nagkaletse letse ang buhay namin ng Momy ko. "
" Huh!.. Ang pagkakaalam ko hindi ka nga pinapansin ni Dad, mean to say your not important to him. At sa pagkakaalam ko din, kayo ng Ina mo ang naging sanhi ng pagkakahiwalay ng mga magulang ko sa mahabang panahon. Dahil ang ina mo ay isang mang-aagaw do you get it? "
Ang palitan ng masasakit na salita nang magkapatid dahil sa labis na galit ni Jaguar kay Ferrari ay nagawa niyang itulak si Kimy papalayo sa kan'yang katawan. Mabilis niyang sinapok sa mukha ang kapatid na mabagal na nakaiwas sapol na sapol eto sa sintido kaya natumba eto. Bibigwasan sanang muli ni Jaguar ang kapatid ng may sumigaw sa likuran niya.
"Ma'am Kimy!"
"S_sir si Ma'am Kimy!" Ang sumisigaw na iyon sa likuran ni Jaguar ay ang mga katulong nito na sina Mang Fonso na Hardenero niya at si GIGI na katiwala niya sa bahay. Tinutulungan nilang ibangon si Kimy na nuon ay walang malay dahil sa lakas na pagtulak ni Jaguar dito kanina ay natumba siya at nauntog sa malaking paso.
Nagimbal si Jaguar ng makitang may dugo ang mga kamay ni Gigi at takot na takot etong nakatingin sa kanya at walang malay ang kasintahan.
Patakbong nilapitan ni Jaguar si Kimy at kinapa ang likod ng ulo ng dalaga. Naramdaman niya ang mamasa masa at medyo malapot na likido sa likod ng ulo nito.
"NO! KIMY... NO!" Ang natatakot at naiiyak nitong sambit sa pangalan ng kasintahan. Natatarantang kinarga niya eto at patakbong isinakay sa kaniyang sasakyan. Naiwan naman si Ferrari na sinusundan lamang ng tingin ang kapatid na umalis. Nakahiga parin siya sa sahig tila nanghina siya sa tinamong suntok ni Jaguar. Hindi pa niya kayang tumayo kaya wala siyang nagawa kong hindi ang tumingala sa madilim na langit at ikalma ang sarili. Dinaluhan naman siya ni Mang Fonso para alalayang makabangon..
Sa emergency room ng isang malapit na hospital sa bahay ni Jaguar pa lakad lakad eto sa hallway at napapasabunot sa kaniyang buhok. Sinisisi ang sarili sa nagawa sa kasintahan.
"Hindi dapat ako nagpadala sa galit, hindi dapat. Kimy please be okay!.. Gago ka talaga Jaguar gago!" Minumura na niya ang kaniyang sarili habang nakatingin sa operating room. Hinihintay ang doktor na umasikaso kay Kimy. Makalipas ang isang oras lumabas na ang doktor na inaabangan.
" Dok kumusta na po ang girlfriend ko okay ba siya? " Tanong ni Jaguar sa tonong subrang nagaalala at natatakot.
" Okay na siya, nagkaruon lamang siya ng six stitch sa ulo dahil sa natamong sugat. Aside from that wala naman siyang iba pang karamdaman. Pero mas mabuting ma confine mona siya dito atleast isang araw para maobserbahan namin siya. Mukha kasing malakas ang pagkakauntog niya yata sa bagay na sanhi ng kanyang malaking sugat sa ulo. Namamaga ang parte nito at maraming dugo ang nawala sa kan'ya. At Kong hindi siya ka-agad nadala dito sa pagamutan baka kong anong malala ang nangyari. " Hindi na makapagsalita si Jaguar sinisisi ang sarili. Kasalanan niya ang lahat inilagay niya sa pelegro ang buhay ni Kimy. Hindi nga namalayan ni Jaguar na umalis na ang doktor nanatili siyang nakatingin sa sahig ng hospital na malalim ang iniisip.
" Niyakap ka na niya Jaguar hindi ba? sinikap niyang pakalmahin ka, pero ano etong ginawa mo masyado ka kasing magaling, matapang, mapapatay mo pa ang babaeng nagmahal sa'yo. Bakit mo siya nagawang itulak ng Ganon ha? na alam mong Isa siyang mahinang babae. Ikompara mo naman ang katawan at lakas mo sa kanya siraulo ka talaga. " Ang sabi ng kaniyang konsensya na hindi niya magawang tutulan dahil totoo naman. Para siyang kandilang unti unting natutunaw sa mga sandaling iyon. Nanghina ang kaniyang mga tuhod dahilan kaya naman napasalampak siya sa sahig.
" Dad, Kimy, hindi ko sinasadya sorry!"
"Mr. Jaguar Dilligen pwede nyo na pong puntahan sa recovery room ang inyong pasyente. Nasa room 309 po third floor bandang kanan." Ang sabi ng nurse na nag assist sa kanya kanina.
"Thank you!" Tumayo siya at pinuntahan ang sinabing room ng nurse. Pagdating duon ay nakita niyang wala paring malay ang dalaga at may tapal na bandage ang likuran ng ulo nito. Sa tingin niya ay kinalbo ang buhok ni Kimy palibot sa naging sugat nito. Natural lamang na maaahit ang buhok nito kong saan kinakailangan talaga para maayos na makita at matahi ang hiwa sa ulo ni Kimy.
Urong sulong ang mga kamay ni Jaguar Kong hahaplusin ba ang ulo ng dalaga o hindi. Titig na titig siya sa walang malay na kasintahan.
"Sory Kimy! Sorry!"
Ang mga luhang kanina pang pinipigilan ni Jaguar ay kusang pumatak. Nagulat pa siya nang biglang magring ang kaniyang cellphone. Dali Dali naman niyang pinahid ng kamay ang luhang tumulo sa kaniyang mga pisngi at sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kong sino ang tumatawag.
"Hello!"
"Magsaya ka na patay na si Dad." Boses ni Ferrari iyon. Pagkasabi nito ay pinatayan na si Jaguar ng tawag. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na magsalita pa. Nanginig ang buong katawan ni Jaguar patay na ang kaniyang Ama. At katulad ng sinabi ng kapatid pwede na siyang magsaya dahil wala na ang amang mortal niyang kaaway. Pero bakit ganun parang pinopokpok ng martilyo ang kaniyang puso parang hindi na siya makahinga sa subrang sakit. Masakit na masakit ramdam niya ang hapdi Kaya hindi niya mapigilan ang umiyak.
"Hu! Hu! Hu Dad!... Dad!. I'm sorry!.. I'm Sory Dad.... Noooo!. Hu! Hu! Hu!"
Naka subsob ang mukha ni Jaguar sa kama na hinihigaan ni Kimy habang umiiyak. Hawak hawak ng isang kamay niya ang isang kamay ng kasintahan.
"Kimy patay na si Dad anong gagawin ko? Please answer me! Wake up Kimy I need you now?... I need to go there I need to see Him. Wait me here Kimy I will call Gigi to come here." Bago umalis sa silid ni Kimy si Jaguar ay tinawagan mona nito ang kaniyang katiwalang katulong na si Gigi upang bantayan eto. Mabilis naman etong makakarating dahil malapit lang naman sa bahay nila ang hospital na iyon kong saan niya dinala si Kimy..
Pagkarating ni Jaguar sa hospital ng Ama ay hindi na niya eto naabutan nasa morgue na eto. Kaya naman patakbo niyang pinuntahan ang morgue ng hospital upang makita ang Ama. Lakad takbo ang ginawa niya at nagtatanong siya sa sinomang makasalubong na nurse o doktor upang tanungin kong saan ba ang morgue ng hospital. Hindi naman siya nabigo dahil sinabi naman sa kaniya ang daan papunta duon.
Pagkarating duon ay agad niyang hinanap ang katawan ng Ama. Ipinagtanong niya eto sa lalaking nakadestino duon. Ipinakita din niya ang kaniyang I'd na katunayan na anak siya ng kamamatay lamang na si Henry Dilligen.
"Plese! gusto ko lang makita ang Dad ko Sir. Please!. Eto po 1k sa inyo na pagbigyan nyo lang po ako kahit saglit lang."
"Sige, pero huwag kang magtatagal dahil bawal ka dito." Kinuha ng bantay ng morgue ang 1k na iniaabot ni Jaguar at iniwan na siya.
Nangangatog ang mga kamay na hinihila pababa ang puting telang tumatakip sa buong katawan ng Ama. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib at nang tuluyang matanggal ang takip sa mukha ng Ama at nasilayan ang wala nang buhay nitong mukha ay wala sa sariling niyakap niya eto.
"Dad! Hu! Hu! Hu!.. No! ___NO! __Dad hindi sa ganitong paraan tayo magtatapos hindi Hu! Hu!! Hu!. Bumangon ka diyan Dad!.." Umiiyak na wika ni Jaguar habang mahigpit ang pagkakayakap nito sa amang wala ng buhay. Napahinto siya sa pag iyak at nanahimik.
" Ang Sama sama mo talaga sa'kin Dad, matagal kong inaasam na sana ay yakapin mo man lamang ako. Maramdaman ang init ng mga yakap mo katulad sa mga nakikita kong ginagawa mo sa mga kapatid ko. Bakit iba ka sa akin? Bakit ang damot damot mo? Bakit galit na galit ka sa akin? Bakit simpleng yakap lang ay hindi mo magawa sa akin? Wala akong naalalang kinarga mo ako nong ako ay Bata pa. Alam mo bang ang lahat ng alaala ko saiyo ay pawang hindi magaganda. Eh ano kong patay ka na malaya na ako, wala nang mananakit pa sa akin. Hindi mo ako minahal kaya bakit kita mamahalin. "