CHAPTER 22 MY RED FLAG MAN
"WHAT? Si Farah at si Jaguar?" Ang malakas na wika ni Janice sa narinig na announcement ng Ama ni Farah. Pagkatapos ng anuns'yo ng Ama ni Farah ay lumapit ang isang may edad din na lalaki at kinuha ang mikropono.
" Hello and Good evening everyone I'm Henry Dilligen, Humihingi ako ng paumanhin dahil hindi makakapunta ang aking anak na si Jaguar sa napaka importanteng gabing eto sa dahilang tumawag siya sa akin upang ipaalam na hindi siya makakapunta. May nakain daw yata siyang masama kaya masakit ang tiyan niya ngayon at masama ang kaniyang pakiramdam. Kumpadre pasensya na!." Ang hinging despensa ni Mr. Henry Dilligen sa mga bisita at pati na din sa pamilyang Sanchez.
" Let's enjoy the birthday celebration of my future daught.... " Hindi na naituloy pa ang gustong sabihin ni Mr. Dilligen ng makita niya ang anak na papalapit sa kanila. Naka suot lamang eto ng black jeans, t-shirt na white na panloob at leather jacket. Huminto si Jaguar sa harapan ng Ama at kinuha ang microphone dito na nabigla sa pagsulpot niya.
" Mr. Sanches naparito lamang ako upang linawin sa inyo na wala akong balak na magpakasal sa anak ninyo. Ang kasunduan ninyo kay Mr. Henry Dilligen sa magaling kong ama ay hindi ko alam. Hindi ako ang nakipagkasundo sa inyo nuon so bakit ako ang idadamay ninyo. May minamahal akong babae at siya lamang ang pakakasalan ko wala ng iba. Dad inuulit ko hindi ko kinikilala ang engagement na sinasabi ninyo ." Nagulantang ang lahat ng mga bisitang naruruon lalo na ang pamilya ni Farah at ang Ama ni Jaguar. Nagkatitigan ang mag-ama bago lumayo si Jaguar sa kanila. Ni hindi rin man lamang niya tinapunan ng pansin si Farah na nakatayo sa tabi ng Ama at Ina nito.
Kitang kita naman at dining na dinig nina Janice at Kimy ang sinabi ni Jaguar at tila papalapit sa kinaruruonan nilang dalawa ang lalaki. Pagkalapit nito sa kanilang dalawa ni Janice ay huminto eto sa tapat ni Kimy. Hinubad ang suot na leather jacket at isinuot eto kay Kimya. Pagkatapos ay kinuha ang kaniyang kamay at isinama sa pagalis sa lugar na iyon.
"Let's go?" Ang utos ni Jaguar kay Kimy. Hindi makapagsalita si Kimy dahil nasupresa siya sa pangyayari. Hindi niya alam na ang boyfriend niyang si Jaguar ay ang fiancee ng kaibigan na si Farah. Nakalabas na sila sa Mansion ng mga Sanchez at isinakay na siya ni Jaguar sa sasakyan nito eto pa ang nagsuot ng seat belt niya at napadako sa dibdib niya.
"Do you asking for punishment? If that's what you want I will grant it." Ang wika ni Jaguar na hindi naman naintindihan ni Kimy dahil nasa malalim siyang pagiisip nanatili siyang walang kibo. Hanggang sa nakasakay na din si Jaguar sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan ay wala parin siyang kaimik imik.
" A_ano ba etong pinasok ko. Magagalit ba sa akin si Farah? Ang Dady ni Jaguar nakakatakot siya. Hindi niya ako matatanggap para kay Jaguar malabong mangyari. Tama nga si Kuya Tomy dapat akong umiwas sa mayayaman. Ang mayaman ay para lamang sa mayaman din. " Ang nasa isipan ni Kimy sa mga oras na iyon. Hindi rin nakalagpas sa kan'ya ang mga narinig niya ng nilapitan siya kanina ni Jaguar at kinuha siya. Ang ibang mga bisita kasi duon ay taga Baldwin University at mga kaklase nila ni Farah. Pati sila ay nagulat at nang lingunin niya ang mga eto ay para siyang babatuhin ng bato. Masasama ang mga tingin na ipinukol sa kan'ya habang hawak hawak siya sa kamay ni Jaguar papalayo sa party.
Samantala sa party ni Farah, sumikip ang dibdib ng Ama ni Jaguar at tuluyan etong nawalan ng malay. Nagpatawag agad ng ambulance ang pamilya ni Farah Para maisugod eto sa Hospital. Tinawagan din ng Ama ni Farah ang pamilya Dilligen bukod kay Jaguar. Sino ba naman ang hindi aatakihin sa pagkapahiya nito sa harap ng maraming tao. At ang dapat na masayang 18th birthday ni Farah ay naging disaster, maraming naganap at rebelasyon. Nagulat din si Farah ng malaman niyang ang kaniyang fiancee pala ay si Jaguar, At nagulat din siya ng makitang nilapitan ni Jaguar si Kimy sinuutan ng suot nitong jacket at isinamang paalis. Akala pa naman din niya ay hindi makakarating ang dalawa niyang kaibigan dahil hindi niya sila nakita kanina.
Para kay Farah ay naging masaya ang kaniyang ika 18th birthday dahil nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib. Na halos hindi siya makahinga ng maayos at makatulog sa kakaisip nitong mga nagdaang mga araw. Kong sa ibang babae ay excited sila sa 18th birthday nila siya naman ay hindi. Pakiramdam niya sa bawat araw na lumalapit ay pahigpit ng pahigpit ang tila lubid na nakatali sa kaniyang leeg. Hindi niya alam kong sinong lalaki ba ang sinasabing fiancee niya. Sa isipin na magaasawa siya sa hindi niya kilalang lalaki ay ikinatatakot niyang talaga. Paano niya pakikisamahan ang lalaking hindi niya mahal. Lalo pa nang malaman niyang si Jaguar Dilligen pala ang sinasabing Fiancee niya. Nang marinig ang anuns'yo ng Ama ay pinanglambutan siya ng tuhod. Nasambit pa nga niya sa kaniyang sariling maglalayas siya huwag lamang matuloy ang kasunduang iyon. Sa lalaking kinakatakutan niya, pangalan pa lamang nito ay natatakot na siya e paano pa kaya kong eto na ang mapangasawa niya. Baka maaga siyang mamatay kong magkataon.
"Bakit gan'yan ang suot mo?" Ang tanong ni Jaguar matapos hithitin ang isang stick ng sigarilyo. Nakaparada ang sasakyan ni Jaguar sa parking lot ng isang Bar. La
"Eto kasi ang nakuhang damit ni Janice para sa akin. Hindi nga sana ako pupunta kasi wala naman akong maisusuot para sa okasyon na iyon alam ko naman kasi mga high class ang mga bisita 'dun. Pero ayaw ko naman na magtampo sa akin si Farah at nag presenta naman si Janice na siya na ang bahala sa akin so eto na nga."
" Next time huwag na huwag kang magsusuot ng ganito naiintindihan mo ba Kimy?"
"Bakit hindi ba bagay sa akin?" Ang nagtatakang tanong ni Kimy kay Jaguar.
" Yun nga ang problema bagay na bagay sa'yo at hindi mo ba napansin ang mga mata ng mga lalaking naruruon na halos lumuwa na." Ang naiinis na wika ni Jaguar na ikinagulat naman ni Kimy.
" H- hindi ko naman napansin dahil kararating lang namin ni Janice at pagkapasok namin narinig na namin ang sinabi ng father ni Farah. Wala akong panahon para tingnan ang mga tao sa paligid ko. Ang nasa isip ko ay ikaw."
" Na ano ang tungkol sa akin?"
"Na ikaw pala ang fiancee ng kaibigan ko. Nong oras na iyon bigla kong naisip na mawawala ka na sa akin dahil pag-aari ka na pala ng iba." Ang malungkot na wika ni Kimy na tila babagsak ang kaniyang mga luha. Sinalo naman ng palad ni Jaguar ang mukha ni Kimy at iginiya na tumingin sa kanya.
" Kimy, listen okay! No matter what happen we will still belong to each other. You have to promise me that you will never leave me no matter what."
"I promise!" Ang tugon ng dalaga habang nakatitig sa mga mata ni Jaguar.
"Walang sinoman ang papayagan kong paghiwalayin tayo Just trust me." Tumango lamang ang dalaga tanda ng pagsang ayon sa sinabi nito.
Unti unting lumapit ang mukha ni Jaguar sa labi ni Kimy na sinalubong naman ng pagbuka ng labi ng dalaga. Masuyo siyang hinahalikan ni Jaguar damang dama niya ang buong pagmamahal sa kan'ya nito. Pinulupot naman ni Kimy ang mga kamay sa leeg ng minamahal at masuyong hinahaplos haplos ang ulo at ang likod ng batok nito.
"Mahal na kita Jaguar, Ayaw kong mawala ka sa akin, handa kitang ipaglaban kaninoman kahit sa Dady mo at sa Kuya ko." Lumuluha na si Kimy habang sinasambit ang mga katagang eto.
Sa narinig na sinabi ni Kimy ay kinabig niya ang mukha ng dalaga patungo sa kaniyang dibdib. Buong pagmamahal na niyakap eto ganun din naman si Kimy sa kan'ya.
Nag ring ang cellphone ni Jaguar Kaya naman kumalas siya sa pagkakayakap kay Kimy. Nang tingnan niya eto ay si Jay ang tumatawag kaya naman sinagot niya eto.
"Hello Jay bakit?"
"Bro. Ang Dad mo nasa Hospital nang umalis ka dito inatake ang Dady mo. Tumawag lamang ako para ipaalam sa'yo eto. Kinontact ka na ba ng kapatid mo?" Hindi ka-agad nakasagot si Jaguar sa nalaman.
"Bro, sige na bye na. Tandaan mo dito lang kami ng tropa okay!"
"Sige Jay salamat!"
"Sino yon? At bakit?"
"Si Jay, Ka tropa ko kasama ko siya ng pumunta sa mansion ng mga Sanchez . Ipilnaalam lang niya sa akin na isinugod sa hospital si Dad inatake na naman siya ng makaalis tayo." Bakas sa mukha ni Jaguar na naapektuhan siya sa kaalamang nasa Hospital na naman ang kaniyang ama ng dahil sa kanya. Niyakap naman siya ni Kimy at pilit na pinapakalma ang pakiramdam ng kasintahan. Hinihimas himas ang likuran ni Jaguar at ang ulo nito.
Napayuko na lamang si Jaguar at sumandig sa balikat ni Kimy. Habang yakap yakap din niya eto. Tila kumukuha siya ng lakas at sa piling ni Kimy napapanatag at gumagaan ang kaniyang pakiramdam. Alam niya kasing ang babaeng minamahal lamang ang kakampi at higit na nakakaunawa sa kan'ya. Alam din niyang mahal din siya ni Kimy katulad ng iniuukol niya ritong pagmamahal.
"Kimy gusto kong uminom tara pumasok tayo sa loob ng Bar na 'yan."
" Kong gusto mong uminom papayag ako at sasamahan pa kita. Pero hindi diyan sa Bar na iyan baka makahanap lamang tayo diyan ng gulo. Sa bahay mo na lang tayo uminom okay?"
"Sige mas mabuti nga kong ganun. Sorry! Nakalimutan ko, may maganda at super Hot na girlfriend pala akong kasama." Ang natatawa pang sabi ni Jaguar habang dumako ang mga mata nito sa mayamang dibdib ng kasintahan.
"Baka pagdudukutin ko lamang ang mga mata nila kapag nahuli ko silang nakatingin sa'yo."
"Ay naku! Nasa isip mo na naman ang pakikipag basagan ng mukha. Akala ko ba gusto mong uminom para makalimot sa gulong pinasok mo kanina. Tapos ngayon gusto mo na naman yata ng bagong gulo. Halika na nga umuwi na tayo. Kong ayaw mo nang uminom ihatid mo na lang ako sa bahay ko mas mabuti pa. At mas mabuti pang huwag ka na lang uminom. "
" Kapag hindi ako iinom sasamahan mo ba ako ngayong gabi? Mukhang hindi ako makakatulog Kimy kahit galit ako sa Dad ko alam mo naman na hindi ko rin naman gusto na ganun ang mangyari sa kan'ya kahit masamang damo 'yon Ama ko pa rin siya. " Halatang nagaalala si Jaguar habang sinasabi eto kay Kimy.
" Kapag pumayag ako hindi ako nakakasegurado sa mangyayari na naman kong sasamahan ko siya ngayong gabi. Pero makakaya ko bang balewalain si Jaguar sa ganitong sitwasyon? Kailangan niya ako ngayon hindi ko siya matitiis bahala na nga " Nagtatalo ang isip ni Kimy sa anong ipapasya subalit mas nanaig ang pagmamahal niya sa binata.