CHAPTER 21 MY RED FLAG MAN
"Sige dito lang ako. Alam mo bang tenetext kita at tinatawagan." Ang sabi ni Kimy habang yakap yakap niya si Jaguar habang nakasubsob ang ulo nito sa kaniyang balikat.
"Sorry! Hindi pa ako nakakabili ng bagong phone nabasag kasi kaninang umaga ang phone ko." Ang tugon naman nito na sa malungkot na tinig. Batid ni Kimy na may mabigat na dinadala si Jaguar sa puso niya.
"Please let's go to my room. Gusto kong mag pahinga. Don't worry wala akong gagawin na ayaw mo." Ang pakiusap nito sa kan'ya na tila nagsusumamo ang mga mata na samahan siya. At ano pa ba ang aasahan sa taong nag mamahal din kong hindi ang sumunod.
Umakyat silang dalawa sa silid ni Jaguar at naupo sa gilid ng kama. Tahimik lamang ang lalaki at malungkot ang mga mata.
"Jaguar pwede bang malaman anong nangyari kaninang Umaga at bakit ka na naman sinaktan ng Dad mo?"
"It's okay Kimy wala 'to sanay na ako."
"Ano mo ba ako hindi ba girlfriend mo ako?" Ang tanong ni Kimy sa mahinahon na pananalita.
"Kimy, ayaw lamang kitang idamay sa problema ko kaya ko' to huwag kang masyadong mag-alala sa akin okay! " Hawak hawak ni Jaguar ang dalawang kamay ni Kimy habang sinasabi ang mga katagang eto.
"Jaguar, huwag mong alisin sa akin ang hindi mag-alala sa'yo, dahil your my boyfriend __at mahal kita! . Kong malungkot ka malungkot din ako naiintindihan mo ba? Ano man ang nararamdaman mo ay apektado ako at ano mang problema ang kinakaharap mo ay damay ako. Kong talagang mahal mo ako haharapin natin dalawa na magkasama ang anumang magiging problema nang bawat Isa hindi ba? Pagtutulungan natin basta magkasama tayo at walang bibitaw 'di ba Jaguar? At mahal mo ako hindi ba? "
" Kimy! Ikaw lang ang babaeng minahal ko, sayo ko lang binuksan ang puso ko at mahal na mahal kita! " Ang naluluhang wika ni Jaguar na hindi na niya mapigilan ang mapaluha sa harapan ng kasintahan. Niyakap naman siya nito at hinimas himas ang likod ng ulo niya.
" Alam ko naman iyon, Mahal natin ang isa't Isa kaya pagtulungan natin ang anumang problema okay?"
"Kimy, May babaeng nakatakdang ipakasal sa akin ng mga magulang ko. Sa kaibigan ng aming pamilya ang kasunduan ay ginawa nila nong ako ay nasa sinapupunan pa lamang ng Mother ko. Nuon okay lang sa akin ang bagay na 'to, pero ngayon na nakilala kita hindi na eto okay Para sa akin. Dahil ikaw ang gusto kong makasama sa aking buhay at hindi ang babaeng iyon. " Nabigla si Kimy sa narinig hindi niya inaasahan iyon na eto pala ang problema.
" Pagkahatid ko sa'yo kaninang Umaga sa inyo naratnan ko dito si Dad. Inereremind niya sa akin na kailangan kong pumunta sa party ng aking fiancee dahil ipapakilala na daw kami sa aming mga kamaganak at kaibigan. Mahigpit akong tumutol dahil para sa kanya ay isa etong kautusan na hindi ako pwedeng umurong. Wala talaga siyang pakialam kahit kelan sa damdamin ko bato ba siya ha Kimy? Anak niya ako pero kahit kelan never ko siyang naging kakampi never kong naramdaman na Ama ko siya na importante ako sa kan'ya. Bakit ba palagi niya akong sinasaktan bakit hindi niya ako tanungin kong okay ba sa akin. Kong masaya ba ako, sabagay kahit nga kumustahin ako ay hindi niya magawa kaya bakit pa nga ako aasa sa kanya. "
" A__anong gagawin mo ngayon? "Ang malungkot at nababahalang tanong ni Kimy. Kanina malakas ang loob niya pero ngayon parang naglaho ang tapang niya na harapin ang problema.
" Kimy, listen Ikaw ang mahal ko at kahit ang Dad ko pa ang tumutol at
Kong sino mang demonyo ang humarang ay wala akong pakialam. Ipaglalaban kita tandaan mo 'yan at maniwala ka sa akin okay?" Tumango lamang si Kimy batid naman ni Jaguar na maluluha si Kimy kaya muli na naman niya etong niyakap.
" Naniniwala ako sa'yo Jaguar."
" Nagugutom ka na ba? Magpapaluto ako kay Ate Gigi ng dinner. "
" Hindi ako nagugutom. " Ang matamlay na sagot ni Kimy talagang malaki ang epekto sa kanya ang malaman na may Fiancee na eto at Magulang pa nito ang makakalaban niya. Eto na nga ba ang sinasabi ng kuya Tomy niya ngayon naguumpisa na.
" Ako nagugutom na dahil kaninang tanghali pa ako walang kain. Kaya kailangan samahan mo akong kumain o kong gusto mo sa labas na lang tayo kumain at para sabay na din na maihatid kita sa inyo."
"Sige ikaw ang bahala. Gutom na gutom ka na seguro kanina ka pa pala hindi kumakain quarter to nine na." Ang nagaalalang wika ni Kimy naging matamlay man siya sa problemang narinig pero mas pumapaibabaw parin sa kanya ang pagaalala sa minamahal. Nang mag ring ang cellphone niya ang Kuya Tomy niya ang tumatawag iniinvite siya nitong makipag videocall.
" Jaguar si Kuya Tomy paano ba 'to?" Ang natatarantang tanong ni Kimy dahil videocall iyon malalaman na wala siya sa bahay nila sa oras na iyon.
"Huwag mo na lang sagutin paguwi mo sa bahay nyo saka mo na lang siya tawagan sabihin mo tulog ka na at naka silent ang phone mo." Ang magaling na turo ni Jaguar kay Kimy at narealize din naman niyang iyon nga seguro ang makakabuti sa ngayon. Kaya hindi na niya eto sinagot at hinayaang kusang magsawa ang kaniyang kuya Tomy sa Kakatawag sa kan'ya.
" May pasok din ako ngayon sa work at kanina pa ako late. Hindi din ako nakapagpaalam kaya panegurado malalagot ako nito bukas."
"Hayaan mo na lang kong tanggalin ka nila sa trabaho tutulungan kitang makahanap ng bagong work. At Kong gusto mo ako na magpapasuweldo sayo hindi mo na kelangan mag trabaho."
"Ha? Seryoso ka ba? At bakit? magasawa na ba tayo para bigyan mo ako ng Pera?"
"OO naman seryosong seryoso hindi ba't nauna na ang Honeymoon natin Kay bilis mo naman Maka limot mahal ko!. Mabuti pa ulitin natin muli para maalala mo." Ang mapangakit nitong wika kay Kimy na hinapit ang kaniyang balakang at binulungan. Nagsipagtayuan na naman ang balahibo niya sa katawan sa ginawing eto ng lalaki.
"Siraulo, lumayo ka nga loko ka talaga kahit kelan. Seryoso ang usapan naguumpisa ka na naman ng kalokohan."
"Ha! Ha! Ha!"
" Halika na nga kumain na tayo sa labas baka kapag nagtagal ka pa dito sa silid ko ay baka ikaw pa ang una kong makain."
"Ay Ewan ko sa'yo Jaguar napakalibog mong talaga. " Ang naiinis ngunit pinamulahan ng mukha si Kimy mabilis etong lumabas ng kwarto ni Jaguar at bumaba..
Pagkatapos nilang kumain na dalawa sa isang 24hours na paresan ay inihatid na siya ni Jaguar sa kaniyang bahay. Mag aalas dose trenta na lagpas na ng hating gabi, kaya naman hindi mapakali si Kimy baka ang mga marites nilang kapitbahay ay nakasilip.
"Pesteng mga aso naman eto ang iingay sa halip na tulog na ang mga marites magigising pa ng dahil sa inyo." Ang naiinis na wika sa sarili ni Kimy.
"Sige na bumalik ka na, papasok na ako."
"Wala bang goodbye kiss man lang d'yan."
"Wala! sige na alis na umuwi ka na."
"Kong ganun pala eh hindi ako aalis dito bahala ka." Ang matigas na wika ni Jaguar na s mga mata nito ay talagang gagawin ang sinabi. Kaya naman walang nagawa si Kimy Kong hindi ang pagbigyan ang huling nang lalaking minamahal.
"Tsuupph!."
"Oh, Ayan umuwi ka na, bye na sa bahay ang tuloy ha baka naman Kong saan ka na naman pumunta madaling araw na matulog ka na ingat."
"Opo mahal! Uuwi na po.. Bye!" Matamis ang pagkakangiti ni Jaguar bago eto tuluyang Sumakay ng kaniyang sasakyan na black Toyota fortuner. Hinintay mona niyang makapasok sa loob ng bahay si Kimy bago minaneho ang sasakyan paalis.
Pagdating naman sa loob ng bahay ni Kimy ay agad siyang tumungo ng kaniyang silid at nagbihis ng pajama. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang Kuya Tomy na tiyak ay nagaalala sa hindi niya pagsagot sa mga tawag nito kanina.
"Hello Kuya."
"Hello Kimy, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko ha? Alam mo bang subra akong nagaalala sa'yo."
"Kuya kasi nakatulog ako at hindi ko alam naka silent mode pala ang cellphone ko. Pasensya na kuya! Ang nakokonsensiyang pagsisinungaling ni Kimy.
" Ganun ba? okay sige naiintindihan ko. Kukumustahin lamang kita at Sasabihing bukas na nang gabi ang laban ko manuod ka ha.."
"Ay! syempre naman kuya Tomy, naka mark na ang laban mo sa calendar ko. Hindi ko yata papalagpasin 'yan. Tatawagan nga sana kita ang kaso na unahan mo lang ako. Basta focus lang Kuya ha at magiingat ka. Pero naniniwala ako hindi tatagal sa fith round yang kalaban mo segurado knock out na."
"Sana nga Kimy, hala sige matulog ka ka I love you sis! ingat ka palagi diyan ha?"
"OO naman Kuya, I love you too din! Ingat ka Kuya Goodluck bukas."..
Mabilis na dumaan ang mga araw bumababa sa isang mamahaling kotse si Kimy na pag-aari ni Janice. Nasa bungad sila ng malaking bahay ni Farah. Wala siyang naging problema sa susuutin para sa eleganteng birthday party ng kaibigan dahil si Janice mismo ang nag offer sa kanya na siya na ang bahala sa lahat ng susuutin niya. Etong mga nagdaang araw ay naging mas lalo silang nag Kalapit ni Janice dahil madalas etong dumikit sa kan'ya.
"Naku Janice kong alam ko lang na ganitong klaseng damit ang ipapasuot mo sa akin e di sana ako na lang ang naghanap ng maisusuot ko. Ano ba eto? para naman akong walang suot na tela nito. Ang sabi ko simple lang hindi ganito. Tingnan mo luwang luwa naman ang dibdib ko. " Ang naiilang na reklamo ni Kimy sa ipinasuot sa kaniya ni Janice. Hindi na din kasi siya naka angal pa kanina dahil nagmamadali na silang dalawa. Heto nga at late na late na sila ni Farah bukod kasi sa na traffic pa sa Daan ay Galing pa siya sa trabaho. At siya lang ang hinihintay ng kaibigan upang tumungo na sa birthday party ni Farah dahil nga eto ang nakatoka sa isusuot niya at nag presenta na magsabay na sila pumunta sa party.
"Naku sis bagay na bagay nga sa'yo baka matalbugan mo pa ang mga bisita ni Farah na mga sosyalite. At huwag mong enerereklamo iyang dibdib mo dapat nga ipagmalaki mo iyan sinasabi ko saiyo maraming maiingit diyan."
"Janice naman alam mo naman na ayaw ko na pinagtitinginan ako kakainis ka ha!"
"Hay naku! Bilib me Sis there's nothing wrong about it, Ang Ganda Ganda mo kaya. Be Confident malay mo makabingwit ka ngayong gabi ng boyfriend."
"Wala akong balak bumingwit ng boyfriend 'no."
"At bakit naman? Natural lang sa atin ang magka boyfriend ang maranasan ang ma in love at mahalin. Parte' yan ng life sis. Sayang ang mga beauty natin kong ikakahon lang."
" Naku! Janice kong alam mo lang 'yang ginagawa mo baka ipahamak mo pa?"
"Ha? At bakit naman ako mapapahamak wala naman mali sa sinabi ko ah?" Ang nagtatakang tanong ni Janice kay Kimy habang naglalakad sila papunta sa loob ng bahay.
"Ay naku Janice kong alam mo lang." Ang bulong ni Kimy sa kaniyang sarili.
Maraming mga tao sa labas at loob ng mansion nila Farah at may tila sinasabi ang isang may edad na lalaki na katabi ni Farah. Halos lahat ng mga bisita ay nakatingin sa kanila. Napahinto si Janice at Kimy nang marinig ang sinabi ng lalaki.
" MY PRECIOUS DAUGHTER FARAH SANCHES IS ENGAGED TO MR. JAGUAR DILLIGEN..."