
Napilitang maging substitute bride si Kierra on behalf of her stepsister Celine, kapalit ng pera na kailangan sa pagpapagamot ng kanyang kapatid. She married Damien Harrison sa kabila ng hindi magandang mga bagay na naririnig nito sa pagkatao ng lalaki. Wala rin naman siyang pagpipilian, dahil kailangan niyang unahin ang buhay ng kanyang Kapatid. Kaya pikit mata na lamang niyang isinubo, ang sarili sa pag aasawa! Sa kabila ng pagiging walang experience niya sa pakikipagrelasyon. Sa edad na bente ay hindi pa niya nararanasan ang magkanobyo o makaramdam ng pag ibig sa lalaki, ngunit ngayon ay bigla siyang haharap sa buhay may asawa! Anong buhay kaya ang kahaharapin ni Kierra sa lalaking nagtatago sa isang maskara at nakatali sa wheelchair? Paano niya ito pakikisamahan kung ito mismo ang lumalayo at naglalagay ng pader sa pagitan nila. Na dahilan para mapalapit siya sa kapatid nitong si Damon. Paano tatakasan ni Kierra ang dalawang lalaki na parehong nagpapabaliw sa kanyang sistema? Paano niya sasayawan ang apoy ng pagnanasa na unti unting tumutupok sa kanyang inosenting isipan?Ano nga ba ang sikretong itinatago ng lalaking pinakasalan niya? Paano niya maiiwasan ang kapatid nitong nagmistulang knight in shining armor niya na parang kabuteng sumusulpot sa tuwing nalalagay siya sa kapahamakan?Samahan po natin si kierra Monreal sa nakakabaliw niyang kwento ng pag ibig!
