CHAPTER 3

1845 Words
CHAPTER 3   Nauna na si Jadd na umalis at naiwan akong kasama nila Nathalie at Iñigo. Yes po, ginawa pa akong third wheel nitong si Nath! Hindi ko naman close itong crush niya kaya tameme talaga ako. Tahimik lang akong naglalakad habang silang dalawa ay nagtatawanan sa likuran ko. We are now heading sa isang spa dito sa mall. Well, they liked my idea of going there. Like me, stressed din sila and tired so they also want to undergo spa. I already said my defense kay Nathalie kanina over her issue of me and Jadd being seen together sa NBS kanina.   "Sure ka talagang walang something sainyo ha? Hindi ka pa talaga pinopormahan ni Jadd, ha," she said as the ladies started to massage our bodies. I mentally rolled my eyes at her. I thought she's already over with that issue but based on her tone she wasn't satisfied with my explanation. Ugh.   Ang hirap kapag critical thinker iyong kaibigan mo.   "I told you, wala 'di ba? And as if he's gonna like me. Stop making such issues, Nathalie."   "Weh? Sigurado ka?" She shotback, teasing me.   Kumunot ang noo ko. It made me think if is it really impossible for him to like me? Hmm, I guess it really is. Kasi noong buong buhay nga namin noong highschool kami hindi niya ako napansin! Isipin mo, anim na taon kaming nasa iisang iskwelahan pero never nag-cross iyong landas namin. Nagkataon lang siguro ngayon na nasa varsity team siya pati iyong crush ni Nat kaya nagko-cross na iyong landas namin pero kapag lumipas na siguro hindi na uli. Isa pa, matagal na akong naka-move on sa pagka-crush ko sakaniya kaya ayokong aasa pa ako. Mahirap na, baka bumalik uli iyong feelings ko tapos mapunta na naman sa wala.   "Siguradong sigurado kaya tumigil ka na sa kakapilit baka hindi kita matantya," I warned her. She made a face as if hindi siya nasisindak sa akin. Napailing nalang ako mentally. Kapag hindi pa talaga tumigil itong si Nath baka umaasa na talaga ko ha. Okay na ko e. Wala na talaga akong crush doon; nagawa ko ngang tarayan tapos gaganituhin ako ni Nat. Tsaka, kung magsalita kasi siya parang sigurado siyang magkakagusto sa akin iyong si Jadd.   ***   Tuesday. Currently nandito ako sa lib at nag-aaral dahil may quiz ako at nasa kalagitnaan na ako ng pagre-review nang biglang vibrate ang cellphone ko. Halos atakihin ako sa puso sa nakita kong notification ko.   Jadd Anderson Alarcon sent you a friend request.   Matagal napako sa screen ng cellphone ko ang aking mata dahil sa gulat. Seryoso ba itong nakikita ko? Iyong long time crush ko noong highschool nagsend sa akin ng friend request ngayon sa f*******:?!   Hindi ako masyadong nakapagfocus sa pagre-review after kong makita iyong notification pero mabuti nalang mukhang na-perfect ko pa rin naman iyong quiz namin.   Naglalabasan na iyong classmates ko nang lumapit sa akin si Nath.   "Okay ka lang?" Tanong niya sakin habang inaayos niya rin iyong gamit niya.   "Oo naman. Ba't mo naman natanong?" I said denying the fact that there is something bothering me. Kapag nalaman niyang apektado ako sa friend req. ni Jad sa'kin talagang ipu-push niya na iyong issue niya saming dalawa at ayokong mangyari iyon kaya it's better not to tell. Isa pa, natatakot din ako na baka matuklasan niyang nagka-crush ako kay Jad noong high school kami tapos hindi ko man lang nasabi sakaniya. Ayokong mamuroblema pa.   "Sure ka? You know you can always tell me your problems. Do not ever hesitate even a second, Damiana," she reminded. I just nodded at her. "You want?" She asked as she showed me her milktea na wala pang bawas. Kumunot ang noo ko sakaniya.   "Bakit hindi mo iniinom?"   She shrugged her shoulder. "Galing kasi sa isang boy from the other course and you know naman na loyal ako sa crush ko kaya I didn't even try to take a sip kahit masarap iyong flavor," she explained. That leave me my mouth slightly open. Unbelievable.   Dahil nanghihinayang ako at natatakam na rin doon sa milktea, kinuha ko na ito at ininom na tapos ay tumayo na kami at naglakad na palabas ng classroom.   "Iñigo!" Nath exclaimed as he saw the varsity team passing by. Agad tumigil ang mga ito sa paglalakad at napalingon sa direksiyon namin ni Nat. I coughed when Jad looked at me.   Shit happens talaga at the most unexpected situations... like this.   Napalingon sa akin si Nat dahil napansin niyang nasamid ako. "Okay ka lang? Sanay ka namang uminom ng milktea bakit nasamid ka?" May halong pang-aasar niyang saad sakin habang hinahagod ang likuran ko.   "I'm fine," I said when I am recovering.   She nodded tapos naglakad na siya papunta sa bebe niya. Bwisit itong babaeng ito handa akong iwan para lang sa crush niya.   Nagsimula na uli silang maglakad paalis at sumabay itong si Nath sakanila. Napailing nalang ako. Hala sige, magpakasaya ka Nathalie. Bwisit.   Naglakad na rin ako pero balak ko sana sa ibang gate ako dadaan dahil ayokong sumabay sakanila pero biglang may tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita kong tumatakbo si Jadd papunta sa direksiyon ko habang nakatigil at nakatingin sa gawi namin ang varsity team at si Nathalie.   Nakatulala lang ako kay Jadd habang papalapit siya sakin. Seryoso ano ba itong nangyayari?! Bakit niya nilalapitan ako ngayon gayong wala na akong feelings sakaniya?! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang?   "Bakit?" Agad kong bungad kay Jadd nang huminto siya sa harapan ko. Kumapit siya sa tuhod niya habang hinihingal pa.   "Sabay ka samin," he said while panting. My lips parted but I immediately closed it.   "Hindi na. May gagawin ako pag-uwi."   "I'll drive you home then?" He offered, still panting but he managed to stood up.   I felt like my heart skipped a bit. Why he's suddenly offering me a ride?!   "Hindi na. I have my car with me. Thanks for the offer anyway," I said flashing a smile, trying to be nice and hide my flattered heart.   When I finally made my exit and went inside my car. I fetched my phone na nakalagay pa sa bag ko and opened the LTE.   I opened my f*******: account, I stared at his friend request. Well... it is not bad to be friends with him on f*******: right? Sino ako para magpaka-bitter masyado diba? Hee might think I am being rude and maarte if I ignored his FR so after the long stare I finally clicked the accept button. After that, I breathed out and started driving off. The guilt of declining Jadd's offer earlier has been brushed off... well atleast a bit?   "Why did you declined his offer kanina? My gracious Damiana hindi ko talaga kinakaya iyang magiging pakipot mo. Kaya hindi ka nagkakalovelife, e! Sobrang lungkot ni Jad nung tinanggihan mo siya. He was just being thoughtful kasi naglalakad ka mag-isa palabas ng school. Hindi ka ba nagi-guilty?"   Wow. Dapat pala hindi nalang ako nag-decide na pumunta dito kina Nath dahil chichikahin niya lang ako dahil sa nangyari kanina. Bakit nga ba hindi ko man lang naisip iyon? Masyado yata akong napre-occupied ng kaisipan na gusto kong lumabas man lang sa lungga ko dahil sobrang boring at hindi ko man lang naisip na chismosa iyong pupuntahan ko?   "Grabe. Hindi naman kasi kami close kaya it will be really weird if I will accept his offer, hindi mo ba naisip iyon? Yes, we were schoolmates noong high school but we certainly don't even cross paths. His admirers will gonna bug me also if I will be seen getting inside his car. You know I hate issues. I hate people's attention. Specifically I hate people and their stupid minds."   She nodded her head, hinting that she understands me na at wala na siyang follow-up questions— no more curiousness— but later on she pouted and looked at me. "Well you're right. Pero naawa lang kami kay Jad."   Tumaas agad ang isang kilay ko kay Nat. "Ay grabe. Akala mo naman ni-busted ko iyong tao eh hindi naman. Hindi ko lang tinanggap iyong offer niya na sumabay sainyo maglakad palabas ng school at i-drive ako pauwi. Naliligaw ka ba?" I said in defense. Para kasing ang sama ko masyado! Bakit ba bini-big deal ng babaeng ito iyon?   She just shook her head at me. "Seriously why do I even have a friend like you? That's like being busted my dear."   My forehead creased even more. What? How was that considered as busted? "You're making my head hurt even more, Nath. I should have just stayed in my condo and just die boring instead of coming here and hear head-hurting things from you," I said in dismay but quietly being sarcastic. She rolled her eyes at me.   "That's because you don't know anything, yet, Miya. Just wait and see," then she flashed a suspicious smile.   "What do you mean? Meron ba akong dapat malaman?" Naguguluhan kong tanong. Mas pinapasakit niya talaga ang ulo ko. Hindi ko alam kung pinagti-trip-han lang ako ng babaeng ito o nagsasabi talaga siya ng totoo e. Masyado siyang pa-mysterious ngayon. Hindi naman siya ganito dati. Tingin niya ba ikina-cool niya na ang panggga-ganito sa akin? Kainis.   Natawa siya sakin tapos pinisil ang pisngi ko. "Basta!" She said giggling. I looked at her with my usual facial expression whenever she tease me and all I do is fake a smile on her. What is she really up to?   Inalis ko na ang kamay niya sa pisngi ko dahil masakit siya mangurot tapos ni-massage ko ang magkabilang pisngi ko.   "Anyway, ano iyong sasabihin mo sakin?" I asked her changing the topic nang maalala ko kung ano pa iyong isa sa dahilan ko kung bakit ako nagpunta sakanila. Sabi niya may mahalaga raw siyang sasabihin sakin, e.   Her lips parted. Na-realize niya siguro na may sasabihin nga pala siya sakin. I think she almost forgot dahil sa kaka-intriga niya sakin. She clapped her hands before she started. I arched my eyebrow at her gesture. She looks so excited to say what she was about to say huh.   "Jadd is inviting us on his birthday! He will be having a party as celebration for his day and it will be on a resort. He's expecting us to come."   Nakaramdam ako ng parang init sa buong sistema ko. Totoo ba iyong narinig ko? He's inviting us on his birthday party? As in?!   "Pero bakit pati ako?" Nagtataka kong tanong. Kasi hindi talaga kami close! Naiintindihan ko na kasama si Nath kasi madalas niyang kasama ang varsity team and might as well nagkakausap sila ni Jadd but me? Why I am included? Isang beses palang naman ako sumama sa varsity team... Why?   She hit me on my lap. "Ano ka ba! Basta ang mahalaga invited ka rin! He's just being nice and friendly, okay? Wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano! Let's just be thankful for his kindness."   But his kindness is giving me weird feelings and bunch of questions. It's driving me knots! How can I calm? Not to mention na crush ko siya noon! Goodness gracious. Baka ma-stress na ako nito. Sa tono ng pananalita ni Nath para siyang may nililihim saakin e. Ano naman kasi 'yon? Ano bang pinaparating ng babaeng ito? Alam na ba niyang nagkagusto kay Jad noong highschool kami?   Wag naman sana... Kasi ayokong may makabuking no’n!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD