CHAPTER 40 I still can't get over from the fact that I just talked to my parents and finally met them now that I am three months pregnant. Jadd had to consistently ask me to visit them before we do kasi pakiramdam niya hindi namin binibigyan ng respeto ang parents ko. I do have the same thought with him pero ang hassle kasing bumyahe pa-Cavite nitong mga huli, sobrang busy namin. Mukhang naiintindihan din naman siguro 'yon nila Mommy, pero hindi lang ako sigurado kung ganoon din si Daddy. Ang mahalaga naman ngayon ay nakausap na namin sila at katulad nga ng inaasahan ko, medyo naging mainit ang paghaharap namin lalo na si Dad. Well, hindi ko naman sila masisisi. Kaya lang, noong nagtanong na sila tungkol sa pagpapakasal naming dalawa, hindi kami nakasagot kaagad kaya lalong uminit ang

