CHAPTER 20 Nakaawang ang labi ko sakaniya ng ilang Segundo at nang makabawi ay pinaulit ko sakaniya ang narinig ko. “You’re gonna introduce me to your parents?” Hindi pa rin makapaniwalang saad ko. He smiled and nodded at me. “Yes. Nagpunta si Veron dito kasi may dinaanan sila tapos naisipan na rin daw niyang pumunta rito. My Papa’s birthday will be this weekend. Pwede ka ba?” Napaisip ako bigla sa sinabi niya kasi hindi pa ako ready sa mga ganito! Tatlong buwan palang naman kaming nag-d-date… mabilis ba ‘yung ganito o sakto lang? Hindi pa ako ready kasi noong una palang ay nasagi na ito sa isip ko. Based sa mga kwento niya, mukhang nakakatakot humarap sa pamilya niya… “That’s the day before the midterm exams… pwede naman akong sumama. Pero sigurado ka ba? Ipapakila

