CHAPTER 00 JADD ANDERSON SENIOR HIGH DAYS SEPTEMBER “Crush mo ba si Primo? Kanina ka pa nakatuwad d’yan kakasulyap,” dinig kong wika ni Friam na kararating lang. Sinimaan ko lang siya ng tingin pati na rin si Iñigo na nakangisi at sumama lang para mamburaot. “Gago ka ba? Tingnan mo kasi iyong babaeng kasama. Iyon ang crush ng kaibigan natin,” dinig ko pang turan ni Iñigo. Dahil nab’wisit na ako sa dalawa kong kaibigan ay umayos na ako ng pwesto at hinarap sila. Inabot sa akin ni Friam iyong Milkshake na pinabili ko sakaniya at agad sumipsip upang lumamig ang ulo ko. Lagi kasi akong pinagt-trip-han nitong dalawa pagdating kay Damiana. “Pre, umamin ka na kasi. Ilang buwan nang lumuluwa ang mata mo sa babaeng iyan. Mukha namang hindi ka kakagatin, e.” Siniko siya ni I

