bc

You're The Best Ghost I've Ever Met

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
dark
city
office/work place
others
spiritual
like
intro-logo
Blurb

One shot story about a girl who can see a ghost but one day she will met this ghost and tell him that You're The Best Ghost I've Ever Met

chap-preview
Free preview
You're The Best Ghost I've Ever Met
Bata pa lang ako nakakakita na ako ng mga di nakikita ng isang ordinaryong tao, sa maikling salita multo. Marami sa kanila ay pagala gala pa rin sa lansangan, ang iba sa kanila ay mga bata pa lamang, may iba sa kanila na biktima ng r**e na naghahanap ng hustisya. Sa loob ng mahabang taon nasanay nako sa presensya nila. Ang iba pa nga sa kanila ay nakakausap ko kagaya na lamang nung batang lalake na nanghihingi sa akin ng tulong upang makamit ang kanyang hustisya. Hindi lahat ng multo na nagkalat sa mundo ay masama, minsan andito pa sila para mag bayad sa kanilang kasalanan. "Hoy! Yannie tulaley ka nanaman diyan ano nanaman bang iniisip mo? May nakikita ka nanaman ba? Or naaalala mo nanaman yung lalaking multo na yun?!" Tiningnan ko naman ang kaibigan kong si fairy, alam niya na may third eye ako at nasanay na rin siyang pag may nakita ako nakatulala lang ako. "may iniisip lang fairy, bawal na ba yun?" "ano ba yan Yannie!! sabi ko wag na fairy fei na lang!!" Natawa nalang ako sa kanya, ayaw niya kasing tinatawag siyang fairy ang sagwa daw pakinggan. "ang cute kaya ng name mo fairy HAHAHA" "i hate you bahala ka diyan" Napangiti nakang ako at muling tumingin sa labas, kasalukuyan akong nasa convenience store dito kasi ako nag tratrabaho. Ang kaibigan kong si fairy ang may ari ng store na to. "joke lang naman eto naman di mabiro" "ano nga kasi yang iniisip mo?" Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. "yung guy na multo nanaman ba? Nako naman Yannie maiinlove ka nalang sa multo pa!!" Ano ba tong iniisip niya, anong inlove? May utak pa naman ako kahit papano diko naisip na ma inlove sa multo. "talaga lang fei? Inlove agad? Hindi ba pwedeng nag promise ako sa multong yun na hahanapin ko ang parents niya at ibibigay ang sulat niya!" "what?! Nakapag sulat ang multong yun?!" Hindi ko pa pala na kwento sa kanya ang tungkol sa sulat, he use my body just to make a goodbye letter i think. "pano nakakapag sulat ang multo? Diba hindi sila nakakahawak ng kahit ano?" "pag matagal ng naglalagi ang kaluluwa nag kakaroon na sila ng kakayahan humawak ng bagay o makasakit ng tao" "ang ibig mo bang sabihin kaya din nilang pumatay ng tao?" Tumango ako sa sinabi niya "ipasarado mo na kaya yang third eye mo! Dika ba natatakot na baka mapahamak ka dahil diyan?!" "sanay na ko fei, bata pa lang ako nakakakita na ako, atsaka gusto kong tulungan yung mga kaluluwang nabiktima ng r**e, yung mga kaluluwang nanghihingi ng hustisya" "Mygosh! Yannie nakakakilabot ka!!" "so pano mo mahahanap yung parents nung guy na yun, diba sabi mo sakin wala na yung kaluluwa niya dito" "sinabi niya sa akin kung saang lugar ang kanyang puntod" "kailan ka pupunta dun?" "Bukas" nilingon ko ito at gulat na gulat lang siya. "WHAT?!!" "nakapag paalam nako kay tita na mag daday off ako ng isang linggo" "WHAT?!!" "gulat na gulat fei?" "napakalayo ba niyan at isang linggo ka mag daday off?" "sa Manila lang naman, pero syempre gusto ko mag stay dun ng matagal" "samahan kita" "Hindi na fei, ako nalang" "sure ka?" "yeah" "ok sige mag iingat ka dun ah tumawag ka pag andun kana at kung kailan ka uuwi" "bukas pako aalis fei, pinapaalis mo na ba ko ngayon?" "ma mimiss kita, pag balik mo hahanap kita ng jowa" "Baliw!!" "sigurado ka bang di ka inlove sa multong yun?" Sinamaan ko naman siya ng tingin, ilang beses ko pa bang kailangan sabihin yun? "Lets just say na siya yung the best na kalukuwang nakita o nakausap ko, ok hanggang dun lang yun!!" "weh?" "oh c'mon Fairy gusto mo ba sagutin ko na sa harapan mo si kyle para maniwala ka?" "joke lang naman Yannie, binibiro ka lang eh pero kung talagang gusto niyo ang isat isa aba sagutin mo na ilang years nabang nanliligaw sayo yun" Nag kibit balikat nalang ako dito. " o siya balik muna ko sa loob may aasikasuhin lang ako saglet" tinanguan ko nalang siya. ...... Nasa biyahe nako ngayon papuntang Manila bitbit ang aking bag na naglalaman ng aking mga damit. Nasa labas lang ang tingin ko buong biyahe, iniisip kung paano ko makikita ang kanyang magulang kung hindi ko alam ang pangalan nito at ang itsura. Wala siyang nasabing pangalan ng kanyang magulang sa akin. Naalala ko nanaman tuloy yung una ko siyang makita. Flashback Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa store kung saan ako nag tratrabaho ng may makita akong kaluluwa na nasa tapat ng paaralan nakatitig lnag siya dito na may galit sa kanyang mga mata. Bigla kong huminto sa pag lalakad ko at tumingin lang sa kanya, ng mapansin niya ang presensya ko ay lumingon ito sa akin. Base sa itsura niya sa tingin ko ay teenager pa lamang siya, kumunot naman ang kanyang noo at lumapit sa akin. "nakikita mo ako?" tanong neto agad naman akong tumango dito. Huminga siya ng malalim at muling tumingin sa paaralan. Aalis na sana ko ng mag salita siyang muli. " hanggang ngayon kinasusuklaman ko parin ang paaralang ito" napahinto naman ako. "sinira ng paaralang ito ang kinabukasan ko, ang mga studyanteng walang ginawa kundi ang mam bully" Muli itong tumingin saken. " pipe kaba at hindi ka nakakapag salita?" napakurap kurap naman ako sa kanyang sinabi, pinasok ko ang aking earphone sa aking tenga at muling naglakad "hindi ako pipe" sabi ko naramdaman ko namang sumunod siya sa akin hanggang sa mag ka tapat na kami. "may third eye ka?" "Hindi pa ba halata?" "so lahat ng kaluluwa nakikita mo?" "Oo" sabi ko dito, hanggang sa makarating kami sa store ay nakasunod lang siya sa akin "ano ang ginagawa mo dito?" naiinis nako kasi andami niyang tanong "dito ko nag tratrabaho" "akala ko nag aaral ka pa lang hahaha" "mamaya kana makipag usap sakin at may kailangan pakong tapusin" sabi ko dito. "Yannie bakit late ka ng one minute!!" "may binili lang fei" "at sino nanaman yang kausap mo nako Yannie wag ka dito mag dala ng multo" "walang multo ok, tska hindi ako nag dadala dahil sila ang sumusunod sa akin!" sabi ko sabay lingon dun sa lalaki kanina. Nakaupo na siya ngayon dun sa may table "mygoshh!!! Yannie ayan ka nanaman eh nakakakilabot ahh, gabing gabi tapos ganyan ka!" "fei kung matatakot ka sa kanila mas lalo ka nilang lalapitan" "Sinong takot?! Di ako takot noh!" "talaga? Gusto mo palapitin ko siya sayo?" "bwiset ka talaga Yannie!!" "joke lang baka mamaya sisantihin moko eh, mawawalan ka ng magandang empleyado at kaibigan" "oo nalang" Lumipas ang ilang araw pero lagi pa ring naka sunod sakin etong lalaking to kahit nasa bahay ako sinusundan niya parin ako. Natatakot na rin ako pero diko lang pinapahalata. Kagaya ngayon nakasunod nanaman siya sa akin, huminto ako sa pag lalakad. "bakit mo ba ko sinusundan? Kailangan mo din ba ng hustisya?" "hinde HAHAHA" "So bakit moko sinusundan?" "ngayon lang kasi ako nakakita ng taong nakakakita ng kaluluwa" Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya, parang napaka imposible naman nun sa panahon ngayon madami ng nakakakita ng multo. "i mean ikaw lang ang nakapansin at kumausap saken" "so? Ano gusto mo iparating?" "Wala masama na ba sumunod sayo?, pinag titinginan ka na ng ibang tao, mag lakad kana ulet" Tumingin naman ako sa paligid at tama nga siya inayos ko nalang yung tayo ko at yung pagkakakabit ng earphone ko at muling nag lakad. "ano gusto mong mangyare?" "i already told you, wala" "so bakit naglalakbay parin ang kalukuwa mo dito?" "Hindi pa ko pwedeng pumasok sa kaharian niya, kailangan kong pagbayadan ang mga kasalanan ko" "ilang years ka na bang naglalakbay dito?" "8 years" muli akong napahinto sa pag lalakad "8 years?, i-ilan taon ka namatay?" "18 years old" "so 26 kana dapat ngayon?" "yupp!" "anong sanhi?" "ng pag kakamatay ko?" "oo" "suicide" natigilan ako sa sinabi niya may kinalaman kaya ang paaralang iyon sa pag susuicide niya. "depression, and victim of bullying" "nag babalak ka bang mag higanti sa kanila?" "hindi pumasok sa isip ko yan, kinasusuklaman ko sila oo galit ako oo pero hindi ko naisip na gantihan sila, andito nalang ako para pag bayaran ang nagawa kong mali" "ang pag susuicide mo?" "oo" "Yannie? Sino kausap mo? Sino nag suicide?" Diko namalayan na andito na pala ko sa store. "alam niya na nakakakita ka?" tumango nalang ako. "Yannie?!! Ayan ka nanaman eh!!" "sige balik nalang ako mamaya" "umalis na fei ok, wag ka matakot diba binigyan naman kita ng cross na pwede mong gamitin sa mga masasamang kaluluwa" "kahit na aba nakakatakot kaya, pwede sana kung nakikita ko din eh" "wag mo ng gustuhin fei!, dimo pa nga nakikita takot na takot kana" "tse! Basta Yannie mag iingat ka lagi ah" "oo na po" "ok good sige na at magpalit kana" "Yes Ma'am" ...... Mag kakalahating taon na rin pala since nakilala ko ang kaluluwang to na hindi ko man lang alam ang pangalan masasabi kong sanay nako sa presensya niya kaya hinahayaan ko nalang siya lagi na sumunod sa akin, pero napansin ko ding netong mga nakaraang araw hindi siya nag papakita sa akin. "Yannie? Kumain na muna kayo ni Fei sa loob ako na muna bahala dito" "sige po tita, thankyou po" Mommy siya ni fei minsan andito siya para sumilip sa lagay namin ni fei. "Yannie may kaluluwa ba dito at sobrang lamig?" "Fei! Ang lakas ng aircon mo dito babaan mo kaya nag hahallucinate ka nanaman diyan" "iba kasi pakiramdam ko kanina eh" "wala kong nakikita ok!" "baka andito nanaman yung guy na laging nakabuntot sayo?" "wala, ilang araw ng hindi nag papakita sakin yun" "ay talaga?" tumango naman ako dito. "bakit parang malungkot ka? Miss mo?" Ano bang nakain netong si fei at ganto ang sinasabi, muka bakong nag kakagusto sa isang kalukuwa?! Nasanay na kasi ako na pag gigising ako makikita ko siyang nakaupo sa haarap ng kama ko na pag matutulog ako andun din siya. "kumain ka nalang fei kung ayaw mong mag dala ko ng kaluluwang para sayo" "eto naman hindi mabiro, pero sa tingin mo nasan na yun ngayon?" "di ko alam, maybe nasa bahay nila at binabantayan ang Family niya" "diba sabi mo nag suicide siya?, bakit daw? Depress?" "Yap!" "ano ba itsura ng guy na yan may muka ba siya nung nakita mo?" "of course fei, iba siya sa lahat ng nakita kong kaluluwa" "sinasabi ko na nga ba at may feelings ka sa kaluluwang yan eh!" "Fei?! Gusto mo ba talagang bigyan kita ng kaluluwa na laging susunod sayo?" "ok sige continue!" inirapan ko nalang siya at tinuloy ang sinasabi ko. "iba siya sa mga kaluluwang nakita ko kasi, siya lang ang may maayos na itsura" "ay pogi??" konti nalang talaga babaltukan ko tong kaibigan ko eh "karaniwan sa mga kaluluwa na nakikita ko kung paano sila namatay ganun ko rin sila makikita" "so ano ba itsura niya nung makita mo siya?" "Nung una ko siyang makita galit ang nakikita ko sa kanya, pero unti unti itong nawala, hindi ko alam kung anong klaseng suicide ang ginawa niya" "ay diba marunong ka mag drawing? Drawing mo nga dali!!" "dika ba natatakot? Baka mamaya nasa kwarto mo na yun" "letse ka talaga!!" natawa nalang ako sa kanya. "na drawing ko na siya" nilabas ko ang phone ko at pinakita ko sa kanya ang picture ng drawing ko. "ganyan ang itsura niya ng huli ko siyang makita" "ang pogi naman Yannie!! May kaluluwa palang ganto ang itsura?!" "kaya nga sabi ko iba "Yannie? Sa tingin ko kaya ganto ang itsura niya dito kasi tanggap niya na napatawad niya na yung mga taong naging sanhi kung bakit siya nag suicide, look diba sabi mo galit ang nakita mo sa kanya nung una mo siyang nakita? Pero sa drawing mo na ito wala kong makitang galit" Tumingin naman ako sa kanya, sa wakas meron na siyang nasabing matino, "i know!, may idea na rin ako kung nasan na siya ngayon" nakangiting sabi ko dito. "saan?" "heaven" nakakalungkot lang at di niya nagawang mag pa alam sa akin, pero masaya ko para sa kanya kasi finally naka pasok na siya sa kaharian niya, alam kong yun lang naman ang hinihintay niya. "na mimiss mo noh?" "no actually im happy kasi andun na siya sa heaven, diba marami ang nag sasabi na pag nag suicide ka habang buhay lang mag lalakbay ang kaluluwa mo?" "Oo" "pero siya nagawa niya that's why im happy" "pero bat di man lang siya nag pakita sayo bago siya umalis?" "hindi ko alam, kumain nalang muna tayo, at nagugutom nako" ........ Pag ma uwi ko sa bahay sumalampak na agad ako sa sofa at pumikit, nakakapagod mag trabaho, pero kailangan ko gawin to para mabuhay ang sarili ko. Bata pa lang ako ng mamatay ang mga magulang ko sa car accident kasama ako dun pero ako lang ang nabuhay. Kaya din siguro nakuha ko itong third eye ko dahil sa aksidenteng yun. Ang Tita ko ang tumaguyod sa akin, pero katulad ng mga magulang ko pumanaw din siya. 17 yrs old lang ako ng mag trabaho ako at mag simulang itaguyod ang sarili ko. Dumating ako sa point na pinapagamit ko ang katawan ko sa mga kaluluwa upang makausap o masabi nila ang mga gusto nilang sabihin bago sila tuluyang mawala sa mundong ito. Pero ng dahil sa kaibigan kong si fei umayos ang buhay ko malaki ang utang na loob ko sa kanila ng pamilya niya. Sila ang tumulong sa akin para makapag aral muli, kapalit ng pag tratrabaho ko sa store nila. Muli kong dinilat ang aking mata at tumayo, bago ko umalis sa sala namin ay may nakita akong papel na nakapatong sa ilalim ng tv agad akong lumapit dito. "ano ito?" hindi ko matandaan na nagsulat ako at inilagay sa ilalim ng tv, binuksan ko ang sulat na may nakalagay na pangalan ko sa harap. Hi Yannie siguro wala na ko pag nabasa mo to, tinago ko talaga ito kung saan dimo makikita, pero alam kong makikita mo rin ito. Gusto ko lang sabihin na salamat sa pag tyatyaga mo sa akin salamat dahil hinahayaan mo lang akong sumunod sayo. Sorry din kung naaabala kita minsan alam kong naiinis ka pero di moko kayang saktan hahaha thank you dahil parang nag karoon ako ng isang ate kahit na ako ang mas matanda sayo, pero sa itsura ko ako talaga ang bata, ang pogi ko ba? Hahahaha Yannie thank you dahil bago ko umakyat sa taas ay nakilala muna kita, tinulungan mo kong tanggalin ang galit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag susungit mo saken nag weird ko ba? Hahaha pero Yannie salamat talaga siguro kung kilala na kita noon baka di nako nag suicide joke. Yannie sorry kung di nako nag paalam ng personal ah nahihiya na rin kasi ako kaya dito ko nalang sasabihin lahat. Siguro nag tataka kana kung pano ko nakapag sulat, Im sorry talaga Yannie pero promise wala kong hinawakan sa katawan mo. Sorry kung ginamit ko sandali ang katawan mo Sorry talaga. Yannie may favor lang sana ko eto na yung huli promise, yung isang letter, can you please give it to my family?, sa loob ng eight years diko nagawang pumunta sa kanila dahil ayokong makitang nalukungkot sila sa pag kawala ko. Yannie please give it to them i promise you na last na yan, pag hindi mo binigay yan isusumbong kita sa parents mo sasabihin ko na multuhin nila ang anak nilang masungit at mataray just kidding, sasabihin ko sa kanila kung gaano kabait at kasipag ang kanilang anak, lumaki kang may mabuting puso im sure proud sila sayo. Yannie promise me na ibibigay mo yan sa kanila natatandaan mo pa ba nung sinabi ko sayo kung saan ako nakalibing? They always go there Thank you so much Yannie i owe you a lot. Let's see each other again here hihintayin kita - Sean Pinunasan ko naman ang luha ko habang natatawa sa sulat niya, nakakatakot naman siya mam blockmail but don't worry Sean sa wakas ay alam ko na ang pangalan mo don't worry ibibigay ko ito sa kanila sabi ko sa sarili ko habang naka tingin sa isang letter. Pero sana wag moko madaliin dahil mahirap mag hanap ng taong diko alam ang itsura pero promise ko maibibigay ko to sa kanila. End of flashback Napangiti ako sa mga naalala ko, ang haba ng letter niya sa akin biruin mo yun sinaniban niya ako ng di ko alam kung hindi ko pa siguro nakita ang letter diko pa malalaman. Pag ka hinto ng sasakyan sa terminal nag sibaban na ang mga pasahero, nag pahuli na ako dahil ayokong makisingit sa pag baba nila. Nilibot ko ang paningin ko ngayon nakang ulit ako naka punta ng Manila. Andami ng nag bago pero kahit na maganda ang Maynila hinding hindi ko ipag papalit ang probinsya namin. "Ma'am san po kayo?" "ah sa Memorial Park po" Habang nasa biyahe ako nag text ako kay Fei na andito nako sa Manila at wag siyang mag alala sa akin. Hanggang ngayon nag tataka ako kung bakit sa Manila siya nakalibing kung sa bulacan ko siya nakita. Ang layo naman nun kung biniyahe pa ang katawan niya. Inayos ko na ang mga gamit ko ng sinabi ng taxi Park, pag ka pasok mo dun may makikita kana agad na malaking puno sa tapat nun andun ang lapida ko," Hinanap ko naman yung sinabi niynag malaking puno, di kalayuan ay nakita ko ito, isa lang ang punong ito at ito ang pinakamalaki sa lahat ng andito Habang nag lalakad ako nilibot ko ang paningin ko sa paligid, madami pa din palang nag pupunta dito kahit na March pa lang ngayon. Huminto ako sa tapat ng malaking puno at tiningnan ang lapida na nasa harap nito, "Sean Carlo De Jesus April 23. 1994 - december 27, 2012" Hindi mo man lang na isip na mag bagong taon muna kasama ang pamilya mo bago mo ginawa yun. Siguro ang lungkot ng pamilya mo tuwing bagong taon. "sino ka?" natigilan ako sa pag iisip at tumingin sa isang babae na sa palagay ko ay ang kanyang ina. Tama nga siya maabutan ko ang pamilya niya dito kahit anong araw ako mag punta. "uhm special deliver po para sa inyo" sabi ko sabay tingin sa kanilang lahat nagsimula sa mommy niya sa daddy niya hanggang sa mga kapatid niya. "ano iyon?" tanong ng daddy niya. Agad kong nilabas ang sulat na para sa kanila at ang drawing ko sa anak nila. "siya po ba ang anak niyong si sean?" agad naman nilang kinuhaang drawing ko na naka frame at tiningnan ito. "sino ka at paano mo nakilala ang anak ko?" "Ako po si Yannie, Yannie Sanchez" "si Sean nga iyan sino ka at paano mo nakilala ang kapatid ko?" sabi ng babae na sa tingin ko ay ate niya. Binigay ko naman kaagad ang sulat sa kanila, agad naman nila itong kinuha at binasa. "omygosh!" gulat na sabi ng nakababatang kapatid niya na babae din. Napaupo naman sa gulat ang mommy niya habang ang daddy niya at ang ate niya ay nanatiling naka tayo. "i have a third eye, last year po ng january nakita ko ang kanyang kaluluwa sa tapat ng isang paaralan na sapalagay ko ay ang kanyang pinapasukan noong nabubuhay pa siya, hindi pa daw po siya makapasok sa taas dahil sa kasalanang ginawa niya" "bakit ngayon mo lang sinabi ito?" sabi ng ate niya. "dahil hindi ko naman po kayo kilala neto ko lang din po nabasa ang letter bago siya umalis dito" "what do you mean?" sabi naman ng daddy niya. "kasalukuyan napo siyang nanonood sa atin sa taas" nakangiting sabi ko. "nag promise po ako na maibibigay ko nag letter na kanyang sinulat para sa inyo" "P-paano siya n-nakapag sulat?" tumingin ako sa mommy niya at ngumiti. "he use my body, hindi ko po alam na ginamit niya ang katawan ko para mag sulat ng letter para sa inyo, nalaman ko lang po ng mabasa ko ang letter niya na para sa akin" "kuya i hate you!, bakit hindi mo man lang magawang mag paramdam sa amin" umiiyak na sabi ng bunsong kapatid niya. "ang drawing po na iyan ang itsura niya bago siya umalis dito, masaya napo siya ngayon, kaya wag na po kayong malungkot sa nangyari noon dahil malulungkot din siya" "M-maraming salamat" Sabi ng daddy niya nginitian ko ito atsaka tumango. "wala pong anuman, ginawa ko lang din po ang aking pinangako" "saan kaba nanggaling at andami mong bitbit, gusto mo sa amin kana muna tumuloy" "h-hindi napo may kaibigan po ako na makakasama ko dito actually susunduin niya po ako dito ngayon. Nagulat naman ako ng bigla akong yakapin ng Mommy niya." Maraming salamat dimo alam kung gaano kami kasaya sa sulat na dinala mo sa amin. Sana masabi mo sa kanya na mahal na mahal namin siya at nag sisisi na kami sa nagawa namin noon" "diko napo kailangan sabihin dahil naririnig niya na po kayo" sabi ko sabay tingin sa likod ng kanyang daddy kung saan naka tayo siya sa may gilid ng puno. Bigla namang lumakas ang ihip ng hangin muli nanamang umiyak ang kanyang mga kapatid tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti, nginitian niya lang din ako. Matagal ko ng gustong sabihin to pero diko magawa "You're The Best Ghost I've Ever Met" -End-

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Succubus Queen

read
27.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook