Chapter 18: What They Want

1610 Words
Zion's POV Almost two hours na kami dito sa drive thru. Pinag-uusapan namin kung anong gagawin. Sa practice, kahit hindi namin siya kinakausap, tango lang ang sagot namin sa kaniya - at desisyon ito ni Mikoto. Pag nasa classroom naman, hindi siya papansinin. Parang wala lang siya sa paligid namin - at si Min naman ang nagsabi nito. Kapag lumabas kami na hindi siya kasama, na kung akala niya iniwan na namin siya, pero hindi. Sinusundan namin siya kung saan man siya magpunta. Patago. We decided na pagkatapos ng gig kami aalis. At walang magsasabi kay Gwen para hindi siya umatras. At ngayong whole week, hindi namin pinapansin si Gwen. Maski sina Aika at Min hindi siya kinakausap. Why? Just because... "Hoy..." siniko ako ni Gwen kaya napapitlag ako. "Ano bang problema natin? Bakit hindi niyo ako kinakausap?" Still, hindi ko siya sinagot. Pero gusto ko na talaga siyang kausapin pero baka madulas ako sa plano. At baka ano pang masabi ko. Masakit man sa kalooban na hindi siya kinakausap pero sige lang. Next day na rin ang gig kaya matatapos na ito. "Zion, sama ka?" Tawag ni Aika. Napataas ako ng tingin. "Where?" "Ako? Pwede ba akong sumama sa inyo?" Tanong naman ni Gwen pero lumabas na kaming pito sa room. Iniwan siyang malungkot dahil sa ginagawa namin. "You know, I feel bad for her. Okay naman na kausapin siya pero parang sa ginagawa natin..." "Kayo nagplano ah." Sagot ko. "It's okay. Magsosorry naman tayo pagkatapos nito." Dumiretsyo kami sa canteen para bumili ng makakain. Sina Miko ang nag order. Nang may tumayong babae sa harap namin. Classmate namin. "Si Gwen..." panimula niya. Hinihingal pa siya. "Nahimatay." Napatayo kami sa sinabi niya. "Nang makaalis kayo sa room, umiyak siya. Napatayo sana para lumabas ng room pero nang malapit na siya sa cr, natumba siya. Buti sinundan ko--" Tumakbo na ako palabas para magpunta sa clinic at naabutan ko siyang nakahiga. Namumutla siya. Dumating na rin ang iba. "Sorry, Gwen." Sabay naming sabi. Sa kalagayan niya ngayon, hindi talaga tamang plano ang pag-iwas sa kaniya. -- Gwen's POV 2 weeks later "Dapat pahalagahan ang pagkakaibigan. Hindi sa lahat ng oras magkasama kayo. Hindi niyo rin alam kung kailan siya dapat mawala sa tabi mo. Isipin mo rin ang halaga niya habang nandito pa siya.' Naiyak ako sa pinapanood ko kaya pinahid ko ang luha ko. Lunch break pa lang kaya nanood muna ako sa hindi ko matapos-tapos panoorin. "Ayos ka lang?" Tanong ng kaklase ko. Tumango lang ako at sinara ang laptop ko. Sobra akong natamaan sa sinabi ng babae. Mahalaga nga naman na pahalagahan ang mga kaibigan at pamilya. Hindi sa lahat ng oras nakasalalay ang buhay natin sa kanila. Ngayon nga lang, napapalayo na rin sila sa akin. At nilalayuan ko na rin sila dahil sa ginagawa nila. Si Zion, kinakausap ako pero hindi ako madalang magkwento sa kaniya. Damay pa rin siya sa ginawa ng iba.  Bakit noon, maayos naman kami. Pero bakit noong mga nakaraang araw, hindi nila ako pinapansin? May problema ba sa akin? Ititnuon ko na lang ulit ang sarili ko sa libro. May quiz kami mamaya kaya kailangang magreview.  Pero hindi ko magawa dahil sa tawanan nila sa unahan. Sina Aika at Min, hindi na rin ako pinapansin. Mas itinuon na rin nila sa bagong salta sa klase ang sarili nila. Wala naman akong balak kilalanin kung sino 'yon.  After no'ng nahimatay ako, kahit lumalapit silang dalawa sa akin, lumalayo na agad ako. Kapag dito naman sa classroom, hindi na rin nila ako pinapansin. Edi huwag din sila pansinin. Nakakasakit lang sa ulo. Natapos ang gig at lahat dito sa school, 'yong bagong babae ang substitute na naging partner ni Jack. Nakita ko lang sa f*******: ang nangyari dahil hindi ako pumasok ng isang linggo. Masyado akong nai-stress sa pag snob nila sa akin noon. Kahit ngayon naman eh, pasulyap-sulyap pa sa akin. Lumabas ako ng room dahil nakaramdam akong hindi ko pa kakayanin huminga. Dumiretsyo ako sa green house at umupo. Wala akong pakialam kung hahanapin ako ng teachers. Masama ang pakiramdam ko. Hindi ko namalayang nakatulog ako sa green house kaya paglabas ko doon ay madilim na. Almost 6PM na din at tahimik na ang paligid. Kinuha ko muna ang bag ko sa room at lumabas ng gate pero walang mga sasakyang dumadaan. Anong nangyari? Masyado pang maaga para magsiuwian ang mga driver-- "Gwen." Nilingon ko ang tumawag. Isa siyang model dito sa school. Varsity na rin ng volleyball. "Bakit?" Tanong ko. "Nahulog mo ata 'to." Sabay abot ng nahulog ko daw. At bago pa ako maka-react, isinuot na niya sa akin 'yon. Isang bracelet. "Teka, hindi naman akin 'to--" "Ikaw, bakit ginabi ka? Kanina pa nagsiuwian ang mga estudyante dahil sa lumindol." Pag-iiba niya ng usapan. "Ha?" Pinagsasabi niya? Lumindol ba talaga? "Oo, kaninang mga 3PM." "Ganun ba?" Natahimik kami bigla. Pero bakit niya ako binigyan ng bracelet? Eh hindi ko naman siya kilala sa personal. Oo nga't lagi ko siyang nakikita sa loob ng school pero hindi naman kami gaanong ka-close para kausapin niya ako at bigyan ng bracelet. "Do I know you?" Tanong ko pero ngumiti lang siya at hinawakan ako sa braso ko. "Yes." Sagot niya at hinila niya ako papunta sa kung saan. Hinatid niya ako sa bahay. Sakto namang palabas ng pinto si kuya kaya napatingin din siya sa lalaking nasa tabi ko. Nanlaki ang mata niya. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang gagawin ko kapag tinanong ako kung sino ba talaga siya. O kung hindi man, paano ko matatanggap kung siya ba talaga ang twin brother ko... na buhay siya... "Gwen, pasok ka na sa loob." Sabi ni kuya. "Salamat sa paghatid." Sabi ko naman kay Denver. Ngumiti lang siya at pabalik na sana sa sasakyan niya nang tinawag siya ni kuya. Komplikado pa ang sitwasyon ngayon kaya mas pinili kong pumasok na sa loob ng bahay. Dumiretsyo ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Tumingala ako sa bubong at inisip kung sino ba talaga siya... ako... at ang pamilya ko. Mukhang hindi ko pa talaga alam ang lahat sa buhay namin. Alam kong marami pang tinatagong sikreto sina Mama at kuya sa akin. Tumunog ang phone ko sa bag kaya kinuha ko 'yon pero hindi ko sinagot. Si Jack ang tumatawag. Alam kong concern pa rin siya pero hindi ko pa rin matatanggap ang sorry nila kung sakali mang mangyari 'yon. Komplilado pa ang sitwasyon. Ayaw ko na munang dumagdag pa ang mga problema. Hinayaan ko na lang munang tumunog nang tumunog ang phone ko. Natapos ang pangatlong tawag niya at isang minute pa lang ang nakalipas ang nagtext siya. We need to talk. Gwen, please. I miss you. Hindi ko na siya nireplyan at lumabas akong ng veranda. Nandon pa rin si Denver sa labas ng bahay kausap si kuya Sid. At dahil medyo malapit lang ang veranda sa gate, naririnig ko sila. "Kuya... I'm sorry." Sabi ni Denver kay kuya. "Bakit ngayon pa Glenn?" "Namimiss ko na kayo. Ayaw ko nang magpanggap na patay. Pagod na akong magtago sa katotohanang patay na ako pero hindi. Itinago niyo lang ako sa malayo para maging ligtas si Gwen-" "Pero dapat - " Hindi ko na kayang makinig pa. Bumabara ang hangin sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. "Glenn? How?" sigaw ko sa kanila kaya napatingin sila sa akin. Pati si Mama at Papa lumabas sa bakuran. Hindi ko na rin mapigilan ang pag-agos ng luha ko at pumasok na ulit sa loob. Masakit. Ang dami nilang tinago sa akin. Sa murang edad ko, natutunan kong intindihin ang mga bagay na dapat hindi ko na alam. Pero ang malas ko nga naman. Ako ang laging nasasaktan. Ako ang palaging nahuhuli sa balita. Ako ang walang kaalam-alam. ~~ Third Person's POV Ilang oras na rin ang nakalipas. Umiiyak pa rin si Gwen. Masyado niyang dinamdam ang mga pangyayari. Ilang beses na rin sinubukan ng kanyang pamilya na kausapin siya pero hindi niya pinapakinggan mga ito. "Bakit ganito? Bakit masyado nila akong sinaksaktan? Bakit ngayon pa? Ang hirap nang mabuhay." bulong niya. Pumikit ulit siya at tumulo na naman ang mga luha niya. "Gwen..." tawag ni Denver. "Kung naririnig mo ako, buksan mo 'to." "Alam kong masyado pang maaga para magpakita ako. Masyado kang nabigla sa katotohanang buhay pa ako. Sorry." Pero hindi pa rin siya pinagbuksan ni Gwen ng pinto. Kahit gusto niyang mayakap ang kapatid, hindi niya magawa. Kailangan niya pa rin ng oras para maka move on sa nangyari. Ilang oras pa ang pag-iyak niya at nakatulog na siya. Kinabukasan, naghahanda na si Gwen para pumasok sa school nang may naramdaman siyang may tumatanaw sa kaniya. Hindi niya nilingon pero ramdam niyang kilala niya. Lumabas na siya ng bahay at... "Good morning," bati ni Glenn. "Kumusta ang tulog mo?" Tinignan niya si Gwen at nagpipigil na tumawa dahil sa itsura nito. Hindi sumagot si Gwen at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sinusundan pa rin siya ni Glenn. At kahit ilang hinto pa ang ginagawa niya, ni isang salita hindi lumabas sa bibig niya. Hindi pa ito ang tamang oras para mag-usap sila. Sumakay na sa jeep si Gwen at nakasunod pa rin sa kaniya si Glenn. "Bayad po, dalawa, estudyante," singit ni Glenn. At kahit ilang beses pa niyang tignan ng masama ang kapatid, ngiti lang ang pinupukol ng isa. "Uy, kambal ba sila? Swerte naman ng pamilya nila." - Girl 1 "Oo nga. May pinsan akong kambal pero hindi sila ganyan ka-close." - Girl 2 "Ah talaga?" - Girl 1 Tss. Isip ni Gwen. "Kung alam niyo lang kung gaano kamiserable ang buhay na merong kaagaw sa lahat ng bagay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD