Chapter 18: What They Want

1652 Words
Jack's POV Hours ago.. "Handa akong makinig. Huwag mo lang akong ipagtulakan ulit." Nagsimula na naman siyang lumuha kaya niyakap ko siya. How can this girl be so important to me? Gusto ko siyang huwag makitang umiiyak na ako ang dahilan. Nasasaktan rin ako. Humiwalay siya sa yakap. Wala akong pakialam kung tinitignan kami ng iba. Hinila ko siya papunta sa mini park ng school. Dito, konti lang ang dumadaan. Naupo kami sa bakanteng upuan. Tahimik pa rin kami ng magsalita siya. "Sorry." "Para saan?" Wala naman siyang ginawang mali sa akin. Hindi na siya sumagot. Tinignan ko siya, natungo at nakangisi. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. "May problema ba?" tanong ko, "Handa akong makinig, Gwen." Nabaling ang tingin niya sa akin. "'Di ba dapat ikaw ang may gustong sabihin?" Napakamot ako sa batok ko sa sinabi niya. Tanga mo talaga, Jack! Ngumiti ako pero alam kong peke ang ngiti ko. Bumuntong hininga ako at saka hinarap siya. "Ako dapat ang humingi ng sorry," panimula ko, "alam kong wala kang mali sa amin. Ginawa ko lang 'yon kasi malaki ang galit ko sa kaniya. Dinagdagan pa niya. I also didn't expect him to study here. Nagpakalayo na nga ako, sumusunod naman siya. Alam mo ba kung ano ang ginawa niya noon?" Tumulo na ang luha ko. "Pinatay niya ang kapatid ko pati si Mama. Depress ako kaya ako pinadala ni Papa dito... kaya ko nakilala silang apat. Sila ang naging sandalan ko sa mga araw na 'yon. Siguro nine years old pa lang kami no'ng nagkakilala kami. Pero hindi ko talaga aakalaing mapapatay ni Evans ang kapatid ko. Sa mura niyang edad... nang dahil lang sa selos. For godsake she's only 8 years old that time!" Napasigaw na ako.  "Ni hindi ko man lang nagawang tulungan siya... ang kapatid ko." Ang sakit pa rin alalahanin ang nakaraan. "I...I'm sorry to hear that. I don't know how to comfort you by words." Sabi niya at niyakap ako. Hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya habang "Maybe he has reasons why he'd do that," sabi niya. "Not all can do that without reasons. Maybe he got a message from anyone to do it. But I think it's not my words how to describe it." "Evans still only 10 years old back then. Sa murang edad niyang 'yon..." kumalas ako sa balikat niya. "Maybe you're right. Maybe he has reasons. But still I can't forgive him. Hindi man kami masyadong nakakapaglaro ng kapatid ko, mahal ko naman siya. Siguro kung dito lang siya... makikilala mo rin siya. Pero hindi iyon ang punto ngayon. Gusto kong magkaroon ng hustisya si Mama at Jessi." Bahagya siyang ngumiti pero napakunot noo agad nang may nakita siya sa likod ko. "You're here, huh? Talking about the past?" Si Evans. Papalapit sa amin at nakangisi. Biglang dumilim ang paningin ko kaya tumayo ako. Susugod na ako sa kaniya kaya lang hinawakan ni Gwen ang braso ko at umiling. Kinuha ko ang kamay niyang nakakapit sa akin nang hindi siya nililingon. Tirik ang araw. Pero ramdam kong iiba ang anyo ko ngayong parang sasabog na ako sa galit. "Go now, Gwen," I can sense her staying here. But I can't allow it. "GO NOW!" Sigaw ko! Nagulat siya sa sigaw ko at alam kong iiyak na naman siya 'pag umalis siya dito. Ngumiti ako kahit namumula na ako sa galit, "I'll be fine." Hinalikan ko siya sa noo at niyakap at itinulak palayo sa lugar na 'to. Nakatingin lang ako sa likod niya. Tumakbo siya palabas ng campus. Tumingin ako kay Evans. Hanggang ngayon nakangisi pa rin siya. I regret letting her go. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya umiba na ang anyo ko. Sa gitna at harap ng maraming tao. Humaba ang daliri sa kamay ko. Nag-iba ang kulay ng mata ko. Lumabas ang pangil ko. Napasinghap sila sa nakita nila sa akin. Alam ko 'yon. Naririnig ko rin ang sigawan at bulungan nila. "What now, Smith? Huling araw mo na 'to!" Sinugod ko siya at bago pa man lumapat ang pangil ko sa kaniya at sinipa na niya ako kaya napahiga ako. Tumayo ako ulit pero masyado nang dumarami ang mga tao sa paligid at may narinig na lang akong nagpipito sa 'di kalayuan. Ngumisi si Evans. "May oras ka pa." Sabi ko sa kanya at tumakbo sa labas ng campus. Lahat ng nadadaanan ko ay napapasigaw at lumalayo sa daraanan ko. ☆ Gwen's POV Matapos naming mag-usap ni Jack, dumating naman sa maling oras si Evans. At ngayon, pinaalis niya ako dahil alam kong may mangyayari na naman sa pagitan nila. Ramdam ko ang tensyon sa kanila dahil sinigawan na ako ni Jack. At bago pa ako makaalis, nakita ko na ang pag-iba ng mata niya. Hindi ko lang pinahalata ang gulat. Dumiretsyo ako palabas ng campus, papunta sa plaza malapit dito. Takbo lakad ang ginagawa ko... baka maulit naman ang nangyaring aksidente noon. Tahimik akong nakaupo sa isang bench habang nakatungo. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Sa simpleng bagay na 'yon, iniiyakan ko? Ano ba 'to? May tumabi sa akin at ngumisi. Si Evans. "Anong ginagawa mo dito?" "Ikaw, bakit ka umiiyak? Dahil ba sa gagong 'yon?" Inirapan ko siya at hindi sinagot. Sino ba ang talagang masama sa istoryang 'to? Ni hindi ko nga gusto itong katabi ko. Huminga akong malalim, "'Di ba wala ka namang magandang sasabihin? Pwede ka nang umalis." "Actually, meron." Ngumiti siyang nakakaloko. Ang gwapo nga niya, malakas naman ang hangin sa katawan. "I want you to be part of our band, Gwen. I'm sure you'll witness happiness every day when you're with us." Woah. "Pinagsasabi mo?" Ngumisi siya at umirap. "I'm not like the others repeating what I've said. I'm sure you heard it." Kung sana pwede na lang ako umalis dito, e 'di sana nasa bahay na ako ngayon at nakahiga sa kama. Tumayo na ko pero pinigilan niya ako. Nakita ko sa 'di kalayuan sina Aika at Min na nakatago sa puno. Pinasundan siguro nila ako. "Let go, Evans. I don't even know you well." Napangisi ulit siya kaya tumaas ang kilay ko. "You sure? Bakit? Kilala mo na ba ang limang 'yon?" I knew them well. Pero alam kong may kulang kaya natahimik ako sa sinabi niya. Pinaupo niya ako ulit at hindi na siya nagsalita pa. Tumungo na lang ako at kada minuto ay tinitignan ang relo sa braso ko. Malapit na maghapon kaya nagsalita na ako. "Ano ba talaga ang gusto mo?" Basag ko sa katahimikan. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I already said it earlier. I'm not a fool to repeat it." Umirap ako sa kawalan. Wala na ba talaga ikakabuti ang pagsagot niya? Hello?! Nag-eemo ako dito kanina tapos tumabi pa kaya nasira ang pag-iisip ko. "I miss the old you, Gwen." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ngumiti siya at ramdam ko sa "Who are you?" Tanong ko. "I'm your childhood bestfriend. You really can't remember?" "Huh?" Bestfriend? Isa lang naman ang bestfriend ko noon pa. Si Greg. Ang twin brother ko. Napatigil ako nang may humawak sa braso ko, si Zion. Hinila niya ako papunta sa iba. Paalis na sana kami nang magsalita si Evans kay Zion. "You're next." Sinugod nila ako ng mga tanong at ihahatid sana pero pinigilan ko sila. Umuwi na ako sa bahay at dumiretsyo sa kwarto ko. Hindi ko man lang pinansin si Kuya at Ate Grace sa sala. Pagkahiga ko ay tumulo na naman ang luha ko. Seriously? Bakit ba laging malungkot ang araw ko simula noong mga nakaraang araw? Hindi ko man lang alam kung ano ang problema... o baka naman siguro dahil sa mga kaibigan ko? 'Di ba dapat masaya sana 'to? Malapit ko na rin kasi makamit ang nga pinapangarap ko. Ang makakanta sa harap ng madla. Pero sana bago mangyari 'yon, sasaya naman ang araw ko dahil sa kanila... -- After chapter 17 Zion's POV "I want to -- " sinuntok ni Mikoto si Jack kaya pumagitna na kami sa kanila. Uulitin pa ang sinabi niya. "What's your problem, dude?" Sigaw ni Hyun kay Jack. Ngumisi lang si Jack at kinuha na naman ang bote ng alak kaya kinuha ko 'yon sa kanya. Kaninang nakaabot kami dito sa bahay at naabutan namin siyang umiinom, ito na ang lagi niyang sinasabi... "I want to quit this. I want to be with her. I want her to be happy, with just me. Without you. I don't need you." Ang sakit nang pakinggan. Kami? Iiwanan siya dahil gusto niya? No! Hindi kami payag sa gusto niya. Masakit isipin na ganyan ang iniisip niya. Sa tagal na naming magkakasama, iiwan namin siya? Hah. Napaluhod na siya dahil sa pagod at kalasingan. Tinulungan namin siya ni Mike papunta sa kwarto niya at pabagsak siyang hiniga sa kama niya. Umungol pa siya dahil sa sakit kaya hinayaan na lang namin siyang matulog. Bumalik kami sa sala para pag-usapan kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya at kung ano pang mga problema ang pag-uusapan namin. "Siguro kailangan na lang muna natin magpakalayo." Umpisa ni Hyun. Tinignan ko siya, "Hindi naman ata ang paglayo natin makakatulong sa problema." Sagot ko sa kaniya. "Hindi naman sa gano'n. I mean, pwede naman tayo magbakasyon muna para magpalamig ng ulo at pag-uusapan ang mga problema." "Good idea. Ano? Kailan natin gagawin 'yon? May pasok pa tayo." - Mikoto "Pwede naman mag sembreak tapos ng gig." Sabat ni Hyun sa kaniya kaya tumango kami. "So it's settled then. Tara na't lumabas para pag-isipan ang plano bago magising si Jack." Sabi ko sa kanila at lumabas ng bahay. Tinawagan namin si Aika at Min para magpatulong sa plano. Siguro naman papayag sila dahil na rin sa nangyari na alam din nila. Pinapunta naman sila sa drive thru para doon mapag-usapan ang plano. Para naman 'to kina Gwen at Jack. At para na rin magkaayos kaming magbarkada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD