Zion's POV
Matapos ang gulo nina Evans at Jack, pinatawag ako sa prefect of discipline. Bakit ako nandito? Hindi ko alam.
"Mr. Tolentino, ano bang gulo ang nagawa ni Mr. Smith?"
Kaya pala.
"Ma'am, I don't even know what exactly happened. Papunta lang akong CR no'n nang matigil ako sa daming tao. Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya nakisiksik ako. Nakita ko lang si Jack na susuntukin na lang ulit si Evans kaya gumitna na ko."
Sa narinig niya, parang alam ko na ang idurugtong niya sa usapang 'to. Hindi marunong makinig ng opinyon 'tong POD na 'to. Lahat na lang ng opinyon naming apat parang hindi niya tinitake advantage. Mas kami pa ata ang mali sa pagtulong namin sa kahit na sino.
"By the way, about doon sa pag-tutor niyo sa classmates niyo -- "
"What about it, Ma'am?" Singit ko. Kung sa akin, ayos lang naman magturo basta walang hassle sa schedule namin.
"As what I'm saying, you can start tutor them next week -- "
"Ma'am, next week? Eh busy pa po kami sa pagpractice para sa gig next week." Singit ko ulit.
Napatango naman siya sa sinabi ko. "Well, kung gusto niyo naman at kung okay lang sa inyo, 2 hours a day, sa klase ni Ms. Reyes. Siya naman ang music teacher niyo 'di ba? Kaya kayo na lang munang lima ng kaibigan mo ang magturo habang wala pang nahanap ang school. Para din naman 'to sa inyo. At kapag college na kayo magagamit niyo ang nakasanayan niyo."
Natahimik ako pero naalala ko ang sinabi ni Evans kanina sa room.
"Pero sa pagkakaalam ko, nag-volunteer si Evans para magturo?"
"Gano'n ba? Well, kung gusto na rin namang magturo, why not? Kaklase niyo naman siya."
Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Hindi sa amin ang huling salita.
Marami pang siyang sinabi at saka niya ako pinalabas. Dumiretso ako sa private room naming lima. Ang sakit lang ng ulo ko sa mga nangyayari.
Papapikit na ako nang magvibrate ang phone ko. Si Mikoto tumatawag.
"Oh?"
"Punta ka dito sa room."
"Bakit?"
"Basta," at pinatay ang tawag. Sa isang tanong, isang sagot na 'yon, parang may mali.
Nakaabot na ko't lahat sa room, tahimik silang lima. Ewan ko ba kung bakit. Wala pa rin dito si Jack at Gwen. Siguro nag-uusap pa.
"Anong trip niyo?" Basag ko sa katahimikan.
Tinignan lang nila ako. Walang emosyon. Pero ramdam kong may mali.
"Mikoto, ano ba 'yon? Ba't mo ko pinatawag?"
Bumuntong hininga sila.
"Si Jack... may nangyari sa kaniya matapos siyang kausapin ni Gwen." Sagot ni Mike.
"Ano?!" Sigaw ko. Tangna pa suspense pa. Ayaw niya pang diretsyuhin.
Bumuntong hininga ulit si Mike. "He turned into wolf, Zion. At maraming nakakita. Umalis siya kaagad sa campus. Hindi namin alam ang nangyari pero alam kong malaking problema nga 'yon."
Napatigil ako sa narinig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"At si Evans ang may pakana nito." Sabat ni Hyun Woo.
Tanginang araw 'to! Magbabayad talaga 'yang Evans Dee na 'yan sa ginawa niya! Hindi pa nakuntentong patayin ang kapatid ni Jack noon tapos si Jack naman ngayon ang guguluhin niya. Ano bang problema niya sa pamilya ni Jack?!
"Saan si Gwen?" Tanong ko, nagkibit balikat sila. "Hanapin niyo muna siya, girls. May pag-uusapan lang kami." Sabi ko kina Aika at Min kaya lumabas na sila.
Sa tagal na namin dito sa lugar ng mga normal, lumalapit pa rin ang malas. Una, 'yong mga kapatid ko, pinauwi ni Papa para bantayan ang kilos ko. Ngayon, si Evans bumalik para guluhin na naman kami. Anong susunod? Lahat ng tao sa paligid namin, lalayuan kami na parang may virus kami sa katawan at ayaw nilang mahawaan?
"What now?" Tanong ni Mikoto. "Siguradong nasa bahay si Jack. Umuwi na lang kaya muna tayo?"
"No. Kilala natin siya. Ayaw niyang inaabala siya kapag may problema." Sagot ni Mike.
"Pero iba ngayon, Mike. May nakakita sa kaniya. Ibang usapin na 'yon. Matagal na tayong nanahimik tapos may darating para guluhin tayo." Sabat ko.
Natahimik sila at umingay lang nang mag ring ang phone ni Hyun Woo. "Oh, Min?"
Okay. "Loud speaker mo." Sabi ko sa kaniya.
"Si Gwen, nasa plaza. Kasama si Evans."
"Diyan lang kayo. Huwag niyong iwan 'yang dalawa. Papunta na kami." Sagot ni Hyun Woo at pinatay ang tawag.
Lumabas na kami. Lahat ng tingin ng mga estudyante nasa amin. Alam na nila siguro ang nangyari. Sa rooftop sila kanina, na kahit mataas, makikita pa rin ang mga pangyayari.
Nang malapit na kami sa plaza, naabutan namin sina Aika na nakatayo sa may puno. Kinalabit ko siya at tinanong kung ano na ang nangyari.
"Wala naman, pero seryoso makapagsalita si Evans. Hindi ko masyadong marinig." Sabat niya.
Lumapit na ko sa dalawa. Tangna, nakakasakit pa rin sa kalooban ang ginawa niya kay Jack. Kaibigan rin namin siya noon. Kaya lang nagbago nang mahulog ang loob ni Evans sa kapatid ni Jack at pinatay niya dahil sa galit.
Hindi naiiba si Evans sa amin, lobo rin siya. Ang pamilya niya may galit sa katulad naming lima.
Napatigil sa pagsasalita si Evans nang maramdaman niyang nasa likod nila ako. Lumingon siya't ngumisi sa akin.
Dumiretsyo ako kay Gwen at hinawakan siya sa kamay nang hindi man lang ako nagsasalita. Ayos lang na kami ang guluhin niya, huwag lang niyang isama ang tatlo.
"Let's go, Gwen." Sabi ko at nauna nang naglakad. Buti naman at sumunod siya pero napatigil kami nang magsalita si Evans.
"You're next."
Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam kong iba na ang meaning no'n.
"Zion," tumigil sa paglalakad si Gwen kaya hinarap ko siya. "Saan si Jack?"
Ngumiti akong alanganin. "Baka sa bahay."
Napayuko siya, "I'm sorry. Nagkakagulo na kayo dahil sa akin." Ramdam kong malungkot siya para kay Jack.
Umiling ako sa kaniya. "We know him. Magiging maayos din ang lahat. Let's give him some time para makapag-isip ng gagawin. Si Evans lang naman ang kaaway dito." Ngumiti ako para mapagaan ang loob niya, pero wala. Malungkot pa rin ang mukha niya. "Hatid ka na namin." Sabi ko at naglakad ulit papunta sa iba.
"No, I can handle my self." Tumingin siya sa kanila. "Thanks, guys. I wish we could have time para makapag-usap. Just not today. May pupuntahan pa ako." Sabi niya kaya napatango na lang kami.
"You sure you'll be fine alone?" Tanong ko ulit.
"Yes," sagot niya. "Thanks sa concern."
Bumitaw na siya sa akin at ngumiti. Hindi siya okay. Alam ko 'yon.
Nang makaalis si Gwen, bumalik kami sa school para kunin ang gamit namin. Marami-rami pa ring mga estudyante na dumadaan sa hallway kaya 'yong tingin ng iba ay nasa amin na naman habang nagbubulungan.
We didn't expect that this will gonna be happen. Kung hindi lang dumating ang dalawang kapatid ko at si Evans, baka hanggang ngayon nagpa-practice pa rin kami sa music room para sa gig.
Pero hindi 'yon ang mahalaga ngayon. Iniisip ko ang problema ni Jack at kung may plano ba siyang umalis na lang at iiwan ang mga inumpisahan naming gawin. Pero hindi naman ata tama 'yon. Wala naman siyang kasalanan dito.
Pauwi na kami. Sinama na rin namin si Aika at Min para ihatid sa kanila.
"Bro, ayos ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo?" Tapik sa akin ni Mikoto. Tumango na lang ako at binalik ang tingin sa labas.
"Thanks for the ride, guys. See you tomorrow." Sabi ni Aika. Nakababa na pala sila.
"Yeah, ingat kayo." Sabi naman ni Min at nag-drive na ulit si Mike papunta sa bahay.
Naabutan naming nakaupo si Jack sa sahig sa sala kaharap ang mga bote ng alak.
"Bro?" Tawag ni Hyun Woo.
Napatingin siya sa amin at ngumiti. Isang ngiting ngayon lang namin nakita sa kaniya.