Gwen's POV
"Oh? Parang binagsakan kayo ng langit at lupa ah." Kakapasok ko pa lang sa room at naabutan kong nakapangalumbaba ang lima. Nilagay ko ang gamit ko sa upuan ko at hinarap sila. "May problema ba?"
Umiling sila. Sakto naman pumasok na rin sina Aika at Min. Dalawang araw lang kami hindi nagkita pero makayakap wagas. Tinapik din nila ang balikat ng lima na hanggang ngayon ay parang ang laki ng problemang dinadala.
"Anyare sa inyo?" tanong ni Aika.
Bumuntong hininga si Mike at tumingin sa amin.
"What's up?" bored niyang sabi.
Napangisi ako at handa na sana silang batukan nang may pumigil sa akin. It's Zamara. Buhay pa pala to?
"How dare you to touch them?" mataray niyang sabi. Tinaasan niya ako ng kilay. Akala niya matatakot ako ha.
Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Who are you to touch me?" Hindi ako natinag, sinamaan ko rin siya ng tingin at kinuha ang kamay niya sa braso ko. Sasampalin niya sana ako kaya lang hindi niya nagawa dahil pumagitna sa amin si Zion.
"Get out!" Sigaw niya sa kapatid. "Huwag ka nang pumasok dito o mapapatay kita." Seryoso ang boses ni Zion. Ngumisi lang si Zamara.
Ramdam ko ang tension sa dalawa. Pati mga kaklase namin tumahimik.
"Oh, really? Sige, tignan lang natin kung sino ang mapapasama sa tingin nila Daddy." Sinamaan niya ulit ako ng tingin bago lumabas.
Humarap sa akin si Zion at awkward na ngumiti at naupo ulit. Okay?
I didn't expect that this day would be worse. She's too early to ruin my day at this early time. Hindi ko alam kung bakit ba ang sama ng tingin niya sa akin. Like duh, I just know her last week like I don't care.
Pero dahil kapatid siya ni Zion, well, siguro naman sana babait 'yon o baka totohanin talaga ni Zion na papatayin siya.
Unti-unting nag-ingay naman sa room hanggang sa biglang umulan kaya isa lang ang ibig sabihin nito, walang flag ceremony.
Dahil sa maaga pa naman, naisip kong pumunta muna sa library. Hindi ko na inabala sina Aika dahil parang may sariling mundo sila ni Mikoto at Mike.
"Oh Gwen? Ang aga mo naman ata?" Bungad ni Ma'am Keith na librarian.
"Ah, may tension kasi sa room Ma'am kaya nagpunta muna ako dito. I need books to read."
Ngumiti lang si ma'am at pumunta na ko sa fiction section at naghanap ng kung anong libro na pwedeng basahin.
Nang makahanap na ko ay bumalik na rin ako sa room. Sakto namang kakapasok lang ng adviser namin kaya tumakbo na ako at naupo sa upuan ko.
"Good morning, I have good news for you." Nagsigawan ang iba na akala mo'y nanalo sa promo. Tumahimik naman agad ng tinapik ni ma'am ang desk. "Well, dahil sa nangyaring pag-iba ng curriculum ng school, nagka-conflict ang schedule ng mga teachers."
Wait, good news ba 'tong sinasabi niya? Parang hindi naman?
"Kaya, napag-isipan ng Principal at ng department head na magkakaroon ng advance knowledge for students. Like music and science para sa college years niyo."
Or not?
"And since for now, Mr. Smith, Chan, Tolentino, Haruta, and Lee. Kayo pa lang ang first band sa school na 'to. And to think that you have the knowledge how to play music instruments, you'll be their tutor since wala pang may nakausap ang principal."
Napanganga ako sa sinabi ni Ma'am. Hindi ko masyadong naintindihan.
"Ma'am. Hinay-hinay lang po." Sabi ko. "Are we really need to do this?"
"Yes, you are, Ms. Ventura." Sabi ni Ma'am at saka ngumiting nakakaloko. "And to think that you're already their vocalist, am I right?"
Hindi na ako sumagot. Tinignan ko ang iba, speechless.
"Can I volunteer, Ma'am?" singit ng taong nasa labas ng pinto.
"And who are you?"
--
Jack's POV
Bakit kung saan ata kami magpunta, sumulsulpot 'tong isa? Pasimple pa siyang pumasok at ngumisi sa akin.
"I'm Evans Dee. I'm new here. Sorry to interrupt, Ma'am."
"Siya na naman?!" rinig kong sabi ni Min at Aika.
"I want to kick his ass right now." Bulong naman ni Gwen.
"May lahi bang mushroom 'to? Kung saan tayo sumusulpot din eh." Sabi naman ni Mikoto.
"Ang gwapo niya!" Tili ng ibang babae sa likod.
"Okay, stop observing him. You may sit right now, Mr. Dee. Besides... Mr. Smith." Napatiim bagang ako. Sinamaan ko siya ng tingin ng makaupo siya sa tabi ko.
"What's up?" sabi niya pa sa iba.
"Shut up!" sigaw nila Aika, Min at Gwen. Alam ko na kung bakit ganito sila dahil na rin sa kinuwento nila Mike kagabi sa bahay.
Ang lakas din naman ng hangin sa katawan. Hindi nakakaramdam na hindi siya gusto makausap ng iba, maski ako.
Hindi na lang namin siya pinansin at nagturo na lang si ma'am sa unahan. 'Yong iba namang mga kaklase namin, nagbubulungan.
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pakikinig ng mag-vibrate ang phone ko. Chat galing kay Mike. Tinanguan niya ko para sabihing basahin ko or I must say namin, pati ata sina Gwen, Aika at Min nakatanggap.
Practice ba mamaya?
Yes. - reply ko
Kailangan ba talaga? - Gwen
Yes, para na rin sa gig sa Friday. Wala na tayong oras para magpractice kung ipagbukas pa natin. - Mike
Sabay na rin namin tinago ang phone namin.
--
"Okay," huminga muna akong malalim at hinarap sila. "Since wala na nga tayong oras, pumili na lang tayo ng kakantahin para sa gig." Nilabas ko ang laptop ko at naghanap ng magandang kakantahin na bagay sa mga estudyante ngayon.
"Any suggestions?" tanong ko pa.
Lumapit naman si Aika at Min sa tabi ko at nakisilip sa paghahanap ko sa youtube.
"Ilang songs ba?" tanong ni Min.
"Siguro mga apat na tagalog at tatlong English." Sagot ko.
"What?! p*****n ba 'to ng boses?" Sigaw ni Gwen at lumapit din sa akin.
Kinamot ko ang batok ko at hinarap siya. Pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.
Bumuntong hininga siya, "Jack, kahit lima lang okay na ko. Huwag lang dapat ako lang lagi ang kakanta. Aba, mahirap kaya mag-memorize ng lyrics at tono kapag hindi ko pa napakinggan ang isang kanta." Daing niya.
"Ito na lang gawin niyo. Example, sa first song ikaw Gwen. Second, you Jack. Vice versa para hindi masira ang boses niyo bago pa man ang gig. Remember, may tuturuan pa kayong mga classmates natin since I don't know when dahil hindi naman sinabi ni ma'am kanina." Sabi ni Mike.
May point siya kaya tumango na lang ako.
"And as for the last two songs, duet kayo." Dagdag pa ni Zion.
"Okay, deal." Sagot ni Gwen at naupo na lang ulit.
Binigay ko na lang muna ang oras ko sa paghahanap ng mga kanta kina Aika. Lumabas muna ako ng practice room at nagpuntang CR.
Pagpasok ko, si Evans naghuhugas ng kamay sa sink. Tinignan ko lang siya sa salamin at pumasok sa cubicle.
At parang ramdam kong hindi pa siya nakakalabas, lumabas na rin ako para harapin siya. Alam kong may galit pa rin siya sa akin dahil sa mga nangyari noon.
"Ba't nandito ka pa?" iritang tanong ko. Naghugas ako ng kamay. Kita ko naman sa salamin na tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Psh, parang babae lang, ano?
"Small world, isn't it?" ngumiti pang nakakaloko. "Sana tinapos na lang kita noon pa."
Napakunot noo naman ako. Ano pa bang sinasabi nito? Na hindi pa siya naka-move on? Halata naman.
Nilapitan ko siya at seryosong tinignan sa mata niya. Nakipagsukatan rin siya ng tingin.
"Alam mo, Evans. Sana hindi ka na lang nagpunta at nagpakita pa. Wala ka namang mapapala dito. Mag-isa ka lang."
"You can say that. People change every day. But for now, magsaya na lang muna kayo habang may oras pa." tinapik niya pa ako sa balikat at lumabas.
Hinabol ko siya at sinuntok! Napatumba naman siya sa sahig dahil sa ginawa ko. Dumugo ang gilid ng pisngi niya.
"Bitter now than before, eh?" ngisi niya at dumura.
"Manahimik kang g*go ka!" Susuntukin ko na siya ulit nang may humawak sa balikat ko at pinigilan ako.
"Tama na bro," si Zion. "Kung makakarating 'to sa Papa mo, ikaw pa rin ang talo."
Kinuha ko ang kamay niya sa balikat ko at umalis. Kapag usapang first love, hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam dahil sa kay tagal na no'n nangyari, hindi pa rin ako natatahimik. Mas naging iba na rin ata ang pakikitungo ko sa iba, kahit sa mga kaibigan ko.
Gusto kong magbago. Gusto kong bumalik sa dating 'ako'.
Pero parang mahirap ko nang hanapin ang dating ako.
Tumungo ako sa rooftop at nagpahangin. Kahit gusto kong umalis, hindi pa rin pwede. Saan naman ako pupunta?
Naupo na lang ako at sumandal sa pader. Kahit mainit, wala akong pakialam.
"Jack," si Gwen. "Are you alright?" Hindi ako sumagot. Nakatungo lang ako sa tuhod ko.
Hinawakan niya ang braso ko at marahang pinisil iyon.
"Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako." Sabi niya at tumabi sa akin.
Lumipas ang ilang minutong hindi ko siya sinagot, hinarap ko na siya ngayon na busy sa kakalaro sa phone niya.
"Bakit ka nandito?"
Napatingin naman siya sa akin. "Naisip ko kasing baka kailangan mo ng kausap kaya sumunod na ko. Hindi ko nakita ang nangyari pero dahil sa kwento ni Zion, sumunod na ko dito."
Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siya ang magpatahan sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Gusto ko siya ang humanap sa dating ako.
"Umalis ka na. 'Di kita kailangan."
Pero hindi ko magawa. Nakikita ko sa kaniya ang dating mahal ko noong bata pa ako.
Tumayo siya. "Sige, iwan na muna kita dito." Malamig niyang sabi at naglakad na.
Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero pinigilan ko. Huli na. Gusto ko rin namang mapag-isa.
Kung hindi lang sinira ni Evans na 'yon ang araw ko, walang ibang madadamay sa init ng ulo ko.
At dahil sa hindi ko na nga rin kayang akuin ang sakit sa puso ko dahil parang sasabog na talaga ako sa mga problema, hinabol ko si Gwen kahit ayaw kong umalis.
Niyakap ko siya nang maabutan ko siya.
"I'm sorry for what I've said."
Tumulo na ang luha ko. Tangna ayoko nang may madamay pang iba sa mga problema ko. Gusto ko itong ipalabas! Gusto kong may makinig at umintindi sa sitwasyon ko.
Naramdaman ko na rin na tumulo ang luha niya sa braso ko kaya pinaharap ko siya sa akin.
"Look at me, Gwen." Ginawa niya naman ang sinabi ko. "I want to let this out. Can you give me your time?"
Tumango siya, "Handa akong makinig. Huwag mo lang akong ipagtulakan ulit."