Jack's POV
Aminado akong kinikilig si Gwen. Parang gusto niya rin ang ginagawa ko sa kanya. Hanggang ngayong tapos na ang concert at papunta kami sa kung saan man dahil sumusunod lang kami sa iba, nakaakbay pa rin ako sa kanya.
"Gwen?" Tawag ko.
"Hmm?" Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Ano 'yon?"
Kinuha ko ang braso ko sa balikat niya. Kanina pa rin ako nangangalay. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at naglakad ulit.
"May sasabihin ka ba?" Tanong niya.
Umiling ako at pinisil ko ang ilong niya. "Wala naman."
Natahimik na lang ulit kami at pumasok ang iba sa isang bar. Umupo kami sa round table.
"Kamusta ang concert? Akala ko hindi kayo pupunta?" Tanong ni Aika.
Nagtinginan naman kaming lima. Oo na, ako na ang may mali. Sumunod lang ako sa sitio at wala na rin sanang balak bumalik pero dahil kaligtasan ng tatlo ang inalala ko, sumunod na ko dito.
Sinamaan ko sila ng tingin. Hindi man lang napakurap.
"Si Jack. Masaya kaming naliligo eh. Tumawag may problema daw kaya napauwi kami agad. Tsk. Wala man lang 30 minutes kami nandoon." Sabat ni Hyun Woo kaya napangisi ako't inalala kung pa'no ko siya sinabihang may problema sa bahay. Kaya pala tumatakbo silang hubad kanina.
Dumespensa na ko para sa rason ko. "Sorry." Tumingin ako sa kina Gwen. "Syempre kayong tatlo lang at walang kasama. Kaya kahit malayo sinikap kong makaabot para makasabay kayo." Paliwanag ko.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang makasama si Gwen." Sabat ni Mikoto at kumain ng fries.
Tinaponan ko siya ng tissue. "Shut up! Ni hindi niyo man lang ako niyayang maligo kayo sa batis. Tsk, ang ingay pa naman ni Jenny. Kairita."
Napakurap ako nang kinuha ni Gwen ang kamay niya sa akin.
"What's wrong?" Do'n ko lang narealize kung ano ang sinabi ko.
"Who's Jenny?" Tanong pa ni Min.
"Ah. Childhod friend namin na ma--" sinipa ko si Mike para hindi niya maituloy ang sasabihin.
Tumayo si Gwen, "CR lang." Sabi niya at umalis. Naiwan naman ang dalawa kaya hindi namin masabing lima ang gusto naming sabihin. Tsk.
"Now, explain to us."
"Aika, Min..." nagpakawala ng malalim na hininga si Zion bago magsalita ulit. "I don't know how to explain but I hope you understand. Nagpunta kami sa lumang bahay kagabi at kaninang umaga lang kami nakarating doon. Malayo at nasa bundok." Uminom siyang tubig kaya ako na ang nagpatuloy.
"Sumunod lang naman kami kina Mike at Hyun Woo dahil sa biglaan nilang pag-aya."
"Teka, bakit hindi niyo hintayin si Gwen para mag-explain?" Singit naman ni Mikoto. "Kapag wala talaga si Gwen kayo-kayo lang din nagkakausap. She also deserves to hear our side."
May point siya. "I'll go call her." Paalam ko.
Pero hindi pa naman ako nakakalayo sa upuan, pabalik na rin siya kaya hinintay ko siya kung saan ako nakatayo at niyakap siya nang matapat siya sa akin.
We stayed there for 3 minutes. Now I know kung bakit ganito ako kasabik makita at mahawakan siya. Alam ko na ang sagot sa tanong ko.
"Sorry." Sabi ko.
Tumingala siya sa akin. "For what?"
Ngumiti na lang ako. "Tara na. Kanina ka pa namin hinihintay."
Nauna na siyang naglakad pero hinabol ko siya at pinagsalikop ko ang kamay namin.
Pagkaupo ay napatingin kami sa iba. Nakangisi, pailing-iling at nagpipigil ng tawa.
"Now, if you think you're helping, ilabas niyo na ang pagpipigil niyo." Sabi ko at nagsitawa ngang parang mga baliw!
"Uhh... what's funny?" Tanong ni Gwen. Naguguluhan kung bakit tumatawa ang iba. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo niya.
"Ewan ko ba kung bakit ganyan sila." Bulong ko sa kaniya.
"Okay, I lose." Singit ni Mike.
Tumayo siya at nagpunta sa mini stage para sa mga singer. Kinausap ang crew at humarap sa microphone.
"Uhh. Ladies and gentlemen, good evening. I'm Michael Chan from Greenwoods High School. I'm here because of consequences played by my so supporting best friends." Napatawa ulit kami sa sinabi niya kahit hindi ko pa alam kung ano 'yon. "Just that, because of something just came up, I lose the game. So I'm here to sing. I hope you'll like it."
Play fair naman pala ang loko.
--
Gwen' POV
Matapos kumanta ni Mike, pagbalik niya sa amin ay nagsitawanan kami at pumalakpak sa kanya. Bihira ko lang siyang makitang kumanta.
Inexplain na rin nila kanina kung bakit gano'n sila kung tumawa kanina. Dahil sa nakita nila kaming magkayakap at hinawakan pa ni Jack ang kamay ko. Nakatanggap naman sila ng batok kay Jack nang magsitigil sa kakatawa.
Oo, aminado akong kinilig sa ginawa niya. Hindi naman maiiwasan 'yon. Syempre, babae rin ako at alam ko kung anong nararamdaman ko.
Nasabi na rin nila sa akin ang totoo. Kung saan sila nagpunta at kung paano sila humabol sa concert dahil sa nakita ni Jack ang post ko sa sss. Aminado naman akong hanggang ngayon kinikilig ako sa ginawa niya at hindi ko lang pinahalata. 'Yong kami na lang sanang tatlo pero dahil tatlo lang kami nina Aika at Min, sumunod na rin ang iba kaya hindi na rin nasayang ang tickets.
Ngayon, lasing at tulog na 'yong iba sa kakainom. Ako, si Jack at Min na lang ang hindi nalasing. Isa o dalawang baso lang ang nainom ko. Si Aika naman, hindi mapigilan kaya tulog na rin.
"Pa'no na 'yan?" Tanong ko sa dalawa habang nakatingin pa rin sa lima. "Uuwi ba tayong ganyan sila? 'Di ba kotse mo at kay Mike ang dala niyo?" Tanong ko kay Jack, tumango siya.
"Ito gawin natin. Kayong dalawa, sa kotse mo Jack. Ako bahala kina Mike." Sabi ni Min.
"Marunong kang mag-drive?"
"Yes." Ngumiti siya.
"No need," napatingin kami sa familiar na boses malapit sa amin. "I'll drive you home." Siya ang lalaki kanina sa food court na nakiupo sa amin.
"Evans?" Sabi ni Min.
Napatingin naman si Jack sa kaniya at nanlaki ang mata. "Evans Dee?"
"Jack Smith?"
Okay? Magkakilala sila.
Tumayo si Jack at kinamusta ang isa. "Kailan ka pa umuwi?"
"Kahapon lang." Sagot niya. Tumingin siya sa amin, exactly sa akin. "We meet again."
Naglipat tingin naman si Jack sa amin. "You know him?"
"No." Sabay naming sabi ni Min.
"Yes." Sabi naman ni Evans.
Huminga akong malalim. Hindi ko talaga gusto ang ugali ng isang taong malakas ang hangin sa katawan!
"No, we don't know him. Nasa food court kami kanina kumakain. Hindi siya nagpa-excuse na makiupo. Tss." Sabi ko kay Jack sabay irap.
Tumawa naman ang loko. Sige lang. Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas ng bar. Sumunod naman si Min sa akin.
"Tsk, hindi ko talaga gusto ang mga taong masyadong mahangin. Kala mo kilala natin. Kainis."
"Hayaan mo na. Baka ngayon lang natin ulit siya makikita." Sagot niya.
Hinintay na lang namin ang iba na lumabas. Hindi ko na kakayanin kapag bumalik kami sa loob. Baka sasabog ang ulo ko sa inis.
"Gwen, pakitulungan naman ako kay Aika. Ayaw umalis eh." Sigaw ni Jack.
Kakasabi ko lang eh. Pagpasok ko, palabas ang ibang crew bitbit ang apat. Tinuro ko sa kanila kung saan ang sasakyan.
Inalalayan na rin namin ni Jack si Aika na mahimbing sa pagtulog. Ang bigat ng isang 'to kahit ang liit niya.
Pagbalik namin nasa loob na ng mga sasakyan ang apat. Sina Mikoto at Aika sa amin. At katulad nga ng hindi inaasahang pangyayari, si Evans ang nag-drive ng kotse ni Mike kasama si Mike, Zion, Hyun Woo at Min.
"Mauna na tayo, susunod na lang siya." Ini-start na ni Jack ang sasakyan niya. Nakatingin lang ako sa bintana at namumugay na rin ang mata. 12:15 na. High school pa lang kami pero kung makapag night out parang daig pa namin 'yong mga workaholics at college students.
"Matulog ka muna." Sabi ni Jack.
Tumango ko na lang ako at pumikit.
--
Min's POV
BADTRIP naman ng gabing 'to! Okay lang naman sana kung kasama ko sa sasakyan sina Gwen pero wala eh!
Bakit kasama ko 'tong malakas ang hangin sa katawan? Siya lang naman ang nagpresintang siya ang mag-drive ng sasakyan ni Mike pauwi. Kaya kahit ayokong makatabi siya, sa passenger seat pa rin ako naupo dahil baka hindi ako makagalaw sa tatlong nasa likod.
If I know this would happen, nauna na lang sana akong umuwi kanina pero pinigilan ako ni Mikoto. Wala daw nga kasi akong kasama at gabi na.
"Kamusta ka na?" Kung makapagsalita 'to kala mo kilala ko siya.
"Do I know you?" Pairap kong tanong pero ngumisi lang siya.
"No, but I know all of you." Sagot niya kaya napakunot ang noo ko.
Umungol si Mike sa likod at bahagyang nag-wild. Nagsimulat naman sila at nakita ko kung paano nagliwanag ang mata nilang tatlo.
"Anong--" hininto niya ang sasakyan at tinignan ang tatlong seryosong nakatitig sa kanya.
"Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na." Sabi naman ni Zion.
Nag-alanganin namang lumabas si Evans. Lumipat ako sa driver seat at pinatakbo na agad ang sasakyan.
"Huwag kayong lumapit sa Evans na 'yon." Sabi ni Zion. Ang seryoso pa rin ng boses niyam
"Bakit?"
"It's complicated." Sabay pa nilang sabi at umirap. Parang hindi ko nakita ha.
Kaya pala parang may tensyon sa pagitan ni Jack at Evans kanina sa bar. May nakaraan pala na hindi maganda. Hindi lang nila pinakita sa amin ni Gwen pero ramdam ko 'yon kanina sa pekeng pagngiti nilang dalawa.
"Tama ka. Gano'n naman silang dalawa. Hindi pinapakita ang tensyon." Sabat ni Mike.
Tumango na lang ako at hinatid ng tahimik si Aika sa bahay nila. Magkapit-bahay lang kami kaya hindi na hassle ang paghatid.
"Salamat ha." Sabi ko sa tatlo. Tinanguan lang nila ako at umalis na rin agad.
Pumasok na akong bahay at nilock ang pinto. Naabutan ko pa si Papa na nagkakape sa sala kaharap ang work papers niya.
"Pa, I'm home." Sabi ko at lumapit sa kaniya at humalik sa pisngi.
"Saan ka galing? Akala ko concert lang ang pinunta mo sa mall. Bakit ka inumaga?"
Lagot. Hindi naman magagalit si Papa kung sinasabi ko ang totoo kaya sinabi ko na agad.
"O sige. Pero sana huwag ka nang mag-umaga umuwi. High school ka pa lang. Sige na, magpahinga ka na." Kahit ilang ulit na rin 'yan sinasabi ni Papa hindi pa rin siya nagagalit. Galit lang kapag may ginawa akong masama.
Nagbihis na lang ako at nahiga hanggang sa pumikit na ako dahil sa pagod.