Chapter 14: Concert Rush

1694 Words
Mikoto's POV Hindi ko alam kung bakit kami pumunta dito sa Sitio Lagos... sa dati naming tirahan. Okay lang naman ang pumunta kami dito pero hindi ko alam kung anong binabalak ni Mike at Hyun Woo. Nakakawalang gana at nakaka-antok ang byahe! Magliliwanag na rin araw. Halos 4-5 hours ang byahe sa malubak na daan kaya nakakabagod umupo sa sasakyan. "Matulog ka," sabat ni Zion. "Tss, manahimik ka diyan!" "Shut up, both of you! Iwan ko kayo dito!" Sigaw ni Jack kaya natahimik kami hanggang sa marating namin ang daan papunta sa bahay. Naglakad na kami papasok sa bahay. Walang nag-iba maliban na lang sa maalikabok pagpasok namin. "Masters, napadaan kayo?" Sabi ni manong sa labas na katiwala namin dito noon pa. "Ah, napasyal lang po." Sabat ni Mike. "Ang laki niyo na ah." Napangisi na lang kaming lima kay manong. "Gusto niyo bang ipalinis ko ang bahay?" "Kayo po ang bahala, manong." Sabat ko. "O siya, tawagin ko lang ang mga anak ko para maglinis dito." Sabi niya at umalis. "Tsk, no'ng wala tayo hindi naglinis. Ngayong dito tayo saka pa lang ipapalinis." Reklamo ni Mike at lumabas ng bahay. Sumunod kami ni Zion sa kaniya. "Problema?" Tanong ko. Umiling siya at nilibot ang tingin sa lumang bahay. "Parang kailan lang, bata pa tayo at masayang naglalaro. Ngayon, may mga problema na tayong pinagkaka-abalahan." "Gano'n naman talaga ang buhay. Hindi natin inaasahang may darating na pagbabago sa atin. Kahit hindi natin tanggap, wala na tayong magagawa. Nakasalalay sa atin 'yon eh." Sabat ni Zion. Totoo ngang kahit hinahanap namin ang sagot sa problema hindi namin mahanap. Gusto namin maging normal na tao pero komplikado. Pinanganak kami sa pamilya namin kaya ito na kami. Abala ang dalawa sa pag-uusap ng may marinig akong ingay. "Totoo ngang nandito kayo." Sabi ng babaeng nasa harap namin. "Oh," si Mike. "Sino ka nga ulit?" Tumawa siya. Baliw ba 'to? "Right, 16 years na rin ang nakalipas kaya hindi niyo na ako nakilala. Gentlemen, I'm Jenny. Long time no see." Jenny? Jenny... Jenny. "Ano? Ikaw na ba talaga 'yan?" Sigaw ni Jack. Ano pa, first love niya 'yan. Puppy love kumbaga para sa mga bata. Tumawa na ulit ang babae, siguro sa reaksyon ni Jack. "Woah, kahit ako hindi ko na kayo nakita pero bakit kilala ko pa rin kayo? Haha." Tinuro niya kami isa-isa. "Jack, Zion, Michael, Mikoto, and Hyun Woo. My five wolf friends." Ngumiti siya pero kami diretso lang ang tingin sa kanya. "Oh, Jenny! Ano pang ginagawa mo diyan? Maglinis ka na!" Sigaw ni manong sa 'di kalayuan. "Opo 'Tay, wait lang!" Sigaw niya at hindi kinuha ang tingin sa amin. "May nasabi ba akong masama?" Tanong niya. Napaiwas kami ng tingin. "Nothing. Sige maglinis ka na." Sabi ni Jack. "May kasama ka ba? Ang laki ng bahay na lilinisin mo. Baka mapagod ka. Babae ka pa naman." Nagkatinginan kaming apat. Anong gusto niyang iparating? Na mahal niya pa si Jenny hanggang ngayon? Tsk. Komplikado. Kilala ko si Jack. Simula pagkabata magkasama na kami. Hindi naman 'yan ganyan magsalita kung walang inaalalang nakaraan. "Mikota, tara na." Aya ni Zion. "Saan?" "Sa gubat. Magpapahangin." Sumunod ako sa apat. Iniwan na namin si Jack tutal naman nakikipagkwentuhan pa kay Jenny. Hinubad namin ang t-shirt namin pang itaas at umiba ng anyo. Ito ang gusto kong gawin noong bata pa kami. Tumakbo kami kung saan hanggang sa mapadpad kami sa batis. Bumalik kami sa dati at nagtampisaw sa tubig. Inunahan pa kami ni Mike. Parang bata. Maya-maya lang ay huminto na kami at umupo sa batuhan. "Parang kailan lang ganito tayo araw-araw. Nawala lang no'ng lumipat tayo sa Maynila." Sabi ni Zion. "Naging komplikado na rin ngayon nang bumalik ang dalawa mong kapatid pati sina Gwen nakita na tayo. What more kung 'yong ibang tao sa paligid natin magkakalat na iba tayo?" Sabat ko. "Hindi naman siguro. Nag-iingat naman tayo 'di ba? Atsaka tayo rin ang gagawa ng paraan para tulungan 'yong mga taong umaapi sa mga malapit sa atin." Natahimik kami nang tumunog ang phone ni Hyun Woo. "Si Min," tinanguan namin siya para sagutin ang tawag. "Yes?" Parang bakla 'tong Koreanong 'to. "Ah...ehh..wala kami diyan sa bahay. Bakit?" Napakunot ang noo niya habang sa amin tumitingin at binaba ang phone. "Hala." "Anong sabi?" "Silang tatlo nasa bahay. Hinahanap tayo. Gagala daw." "Text mo. Nakakatamad bumalik. Gasto sa gasolina." Sabat ko. "Sabihin mo may importanteng pinuntahan. Huwag mo lang sabihin kung saan at 'tong lugar na 'to. Mapapagasto sila kung mag-taxi pa." Tumango naman ang loko. "Ikaw na lang kaya Mikoto? Tutal naman ikaw ang nagsabi." Aba't... Kinuha ko na ang phone niya at tinawagan na lang si Aika. -- Gwen's POV Naghihintay lang kami sa mini park malapit sa bahay ng lima ng tumunog ang phone ni Aika. "Hello? Hyun Woo?" Sabi niya at binaba ang phone para i-loud speaker. "Si Mikoto 'to. Kayo na lang ang gumala nasa importanteng lugar kasi kami. Hindi pa kami makakauwi. Pasensya na kahit gusto namin kayong kasama." Sagot niya sa kabilang linya. "Ah, sige. Next time na lang. Sayang ang tickets." "Para saan?" boses ni Zion. May naririnig din akong agos ng tubig. "Uhh. Never mind. Sige na baka na-abala ko ang araw niyo. Enjoy, guys. Bye." "Hay naku. Tara na sa concert hall." Aya ko sa kanila. "Ibibigay na lang natin 'yong dalawa kina Kuya at Ate Rose." Tumango naman sila. "Eh 'tong tatlo?" Tanong ni Min. "Ipapabili natin sa mga taong nando'n. Tara na, kain na lang muna tayo." Saktong may dumaan na taxi kaya sumakay kami papuntang MOA. Sa mall, maraming tao. 'Yong iba sa kanila nakasuot pa nang shirt ng artist na magco-concert mamaya. I'm not a fan pero nga I love musics, sumama na ako sa dalawa. Libre naman ni Min at bored rin ako sa bahay dahil sa kakaisip no'ng nangyari kagabi kaya pinalagpas ko muna ang araw na 'to para makapag-relax at ienjoy na lang ang concert. Nasa food court kami kumakain at nag-uusap nang may naupo sa harap namin. Ni hindi man lang nag-excuse. "So rude," sabi ni Aika at tumingin kay boy. "Hindi man lang marunong mag-excuse." Sabi ko naman kaya tumingala si boy at napakunot ang noo nang marealize niyang nakatingin kaming tatlo sa kaniya. "Oh, I'm sorry if I interrupted you girls." Sabi niya at ngumiti pa. "By the way, I'm Evans." Pakilala niya. "Who cares?" "No one's asking." "Can you just go?" "I'm sorry again but there's no space at this time." Nilibot ko ang tingin sa mga taong kumakain dito sa food court. Totoo ngang wala nang space. "Fine," irap ni Aika sa kaniya. "Just don't talk there." "Sure." Sagot niya at kumain na ulit. Pati kami kumain na ulit pero hindi na kami nag-usap pa. Matapos kumain ay naglibot kami. Tinawagan ko si Kuya kaya lang hindi daw sila makakapunta ni Ate pero susunduin niya kami mamaya. Haaay. "Ano nang gagawin natin? Baka mahuli tayong nagbebenta ng tix." Si Min. And a idea hit my mind. "Ganito na lang. Punta tayo sa tix booth para sabihin gusto natin ibenta sa iba kung pwede. Sayang ang binayad mo Min kapag walang kumuha niyan. And I know few of them can't get the tix on time dahil sa pagkasikat ng artist na 'yon." "Sige." Sabi niya. Papunta na kami sa booth ng may tumawag sa pangalan ko. "Gwen!" "Oh, Dyan, ikaw pala." "Kamusta na?" Sabay tingin niya sa dalawa. "By the way, meet Aika and Melanie." "Nice to meet you." Sabi nilang tatlo at nakipag shake hands. "Manood ba kayo ng concert?" Tanong niya sa amin. Tumango lang kami. "Aww, sige enjoy. Sayang naubusan kami ng ticket eh." Lumiwanag ata ang mukha ko sa narinig ko sa kanya. "May 5 tix pa akong nandito. Hindi naman kasi makakapunta 'yong niyaya namin. Sa inyo--" "We're here." Boses ni Jack. Tumalikod ako at nandito na nga silang lima. "Sorry we're late." -- Jack's POV Habang nagpapahinga matapos maglinis, binuksan ko ang phone ko at nag-browse sa sss. Napalaki ang mata ko nang puro concert ng isang sikat na international artist ang nasa news feed. At napalaki ang mata ko nang makita ang post ni Gwen kasama sila Aika at Min na manonood rin ng concert! Concert 'yon! Silang tatlo lang ang magkakasama! Kahit hindi pa kami gaano magkilala, syempre konsensya na din kapag may nangyaring masama sa kanila. Tinawagan ko si Hyun Woo at maya-maya lang ay nandito na sila. "Nakita niyo 'to? Dudes, alam niyo naman I love musics kaya tara na!" Inunahan ko na sila papunta sa sasakyan ko at ini-start 'yon. Nag-uusap pa sila kung sasama ba o hindi. Pero syempre pareho naming mahal ang musika, nagsipasok sila sa sasakyan at umalis ng walang paalam. Pinaharurot ko na ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa mall at naglibot para hanapin ang tatlo. Nang makita sila ay napahinto sa pag-uusap si Gwen at ang kausap niyang babae. "We're here. Sorry we're late." Napalaki ang mata nilang tatlo. "Akala namin hindi kayo makakapunta." Sabi ni Gwen. Tinuro nila akong apat. "Siya ang nag-aya. Parang mamamatay kami sa paghabol sa kanya. Tss." Sabi ni Mike. "Gwen, mukhang hindi na nga kami makakakuha ng tix. Enjoy." Sabi ng babae at umalis. Tinignan nila kami isa-isa. Parang naghihintay ng kung ano mang sasabihin namin. Ni wala man lang may nagsalita kaya tumalikod sila at naglakad. Naglakad na rin ako papunta sa kanila. Ako, inakbayan si Gwen. Si Mikoto, kay Aika. Si Hyun Woo, kay Min. Sina Zion at Mike, parang nag-init sa isa't isa at hindi man nagtapikan ng balikat. "Sorry." Bulong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita pero ramdam kong masaya siyang nakahabol kami. Hanggang sa mag-umpisa ang concert, tahimik siya at hindi man lang sumisigaw. Ni hindi rin niya pinakuha ang kamay ko sa balikat niya. Napangiti ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Hinalikan ko siya sa gilid ng noo niya at saka tumingin sa unahan. Nakatanggap naman ako ng batok sa dalawang walang kasama. Napangisi na lang ako sa kanila at mas tinuon ko ang pansin sa concert pati na rin kay Gwen na halatang nagpipigil ng ngiti, sigaw at tumalon. --to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD