
Walang makakapag-mamay-ari sa akin.
Yun ang alam ko. Pero ng dumating siya ay parati akong tumatakbo. Tumatakbo sa hindi malamang dahilan. Sa hindi malamang rason ay tinatakbuhan ko siya. Mga rason na hindi ko ma-ia-acknowlegde sa sarili ko.
Isang anak sa labas at panganay sa anak ni mama.
Kaya ako nagtatrabaho dahil gusto kong makatulong. Gusto kong may maibigay ako sa mga magulang ko. Wala sa hinuha ko ang pag-ibig-ibig na iyan. Isa lang yang takaw oras at nakakasama sa atin.
But he's persistent. He want to enter my life and leave a mark. Want to take all of it and make me him, and only him.
Kaya ko nga nilayuan. Kaya ko nga pinagtutulakan. Pero paano kapag sa paulit-ulit kong pagtulak sa kaniya ay unti-unti na niya akong namamarkahan? Unti-unti na siyang nakakapasok sa buhay ko.
Kailangan kong isiksik sa utak ko na hindi ako pahuhuli. Hinding-hindi. Nasa utak ko. Salungat sa ibinubulong ng puso kong nakakulong sa kamay niya.
