TRAINING CAMP 4

4812 Words
“Ohohoho~ nilalamig ako Clarence yakapin mo ako.” Tumingin ako kay Sky na nagpupumilit na yumakap kay Clarence na mukhang naasar na sa kaniya. “Tumahimik ka Sky, babatukan talaga kita,” banta sa kaniya ni Clarence kaya naman niyakap na lang ni Sky ang sarili niya. Mag-aalasingko na nang umaga at nandito na kami sa labas para magsimulang tumakbo amg kaso ay wala pa si Axe, si Axe na ang bagal-bagal kumilos. Umupo ako sa damuhan dahil malamig nga, nakapants na kami at jacket ng VRIS pero tumatagos pa rin ang lamig. Nasa bundok kami kaya naman malamig dito. “Boys line up!” hindi pa nga nag-iinit ang puwet ko sa damuhan pinatayo na agad kami ni Kale. Apat na pila ang ginawa namin, tatlong tao kada pila. Sa unang pila ay sila Chivas, Gray at Vienzell. Sa pangalawa sila Alvarez, Jasper at Hobi. Sa pangatlo ay sila Sky, Kale at Lymier. Sa pang-apat na pila ay kaming tatlo nila Clarence, Axe at akong nasa pagitan nilang dalawa. Nasa unahan namin si Coach na nakajacket din at nakapants. “Readyyyyyy! Villa Rose! fight!” nagsimulang tumakbo ng mabagal si Coach kaya naman sumunod na kami sa kaniya. “Yeah!” sigaw nilang lahat at ako na naman ang nagmukhang pipe rito. “Villa Rose! fight!” sigaw ulit ni Coach at nakasabay na ako sa kanila. “Yeah!” sigaw naming lahat. Ang sakit ng hangin na pumapasok sa ilong ko dahil sa sobrang lamig, kaya naman ang ginagawa ko ay sa bibig ako humihinga upang hindi ako masaktan. Pataas ang takbo namin kaya naman medyo mabagal kami, mahamog ang daanan at walang sasakyan na dumadaan. “Ho! Ho! Ho! Ho!” tumingin ako kay Sky na nagbubuga ng hangin dahil siguro sa lamig. “Manahimik ka Sky! Mabilis kang mapapagod!” sigaw sa kaniya ni Coach kaya naman taas noong tumakbo si Sky. May kalayuan nga ang tatakbuhin namin at pazigzag pa ang mga daan. “Malayo pa ba tayo?” tanong ko kay Clarence na nasa likod ko. “Oo, wala pa kaya tayo sa kalahati.” Tumango ako bago itakip sa bibig ko ang leeg ng jacket ko. Sila Dylan kaya magpapractice rin? Ano naman pakialam ko kung nagpapractice sila? Tss. Alam ko ay kami lang mga volleyball player ang may training camp kaya naman sigurado akong sa eskwelahan lang sila nagpapractice. “Yeah!” sigaw namin. Si Sandra kaya? Sila Ruby? Si Emerald ay nasa training camp din. Habang tumatagal kami sa pagtakbo ay pakiramdam ko pataas nang pataas ang lugar namin. Pasikat pa lang ang araw kaya naman nakikita na namin ang hamog na sumasalubong sa amin. Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming tumatakbo. Nararamdaman ko na ang sakit ng tuhod ko dahil paakyat ang takbo namin. “Ahhh!” ani Axe at binilisan ang pagtakbo kaya naman sumunod ako sa kaniya. Hindi ko inaakala na ganito pala katirik itong bundok na ’to. “Villa Rose Fight!” “Yeah!” “Villa Rose Fight!” “Yeah!” “Villa Rose Fight!” “Yeah!” Nanunuyo na ang lalamunan ko dahil sa lamig na pumapasok sa ilong at bibig ko sabayan pa ng pasigaw. Si Sky naman ay mukhang ganado nang tumakbo dahil nauuna na siya kay Coach. Bahagya kong itinulak si Axe dahil bumabagal siyang tumakbo at ang mga kamay niya ay nakababa na rin. “Umayos ka Axe,” bulong ko sa kaniya at umiling naman siya. “Ayaw ko na,” mahinang bulong nito kaya naman hinampas ko siya sa likod niya kaya napaderetso siya ng tayo. “Malapit na tayo,” sabi ni Clarence at nauna na ring tumakbo, gustuhin ko mang mauna na rin pero hindi ko magawa dahil baka gumulong pababa si Axe. Maliwanag na at nakikita na namin ang makapal na hamog sa daanan namin, kita na rin namin ang bangin at mga bundok sa gilid namin. Sumabay ako kay Axe na mukhang lantang gulay na tumatakbo. “Dalian mo, baba pa tayo,” sabi ko sa kaniya at napahinto na siya kaya naman huminto na rin ako. “Ayaw ko na talaga.” Hinihingal na sabi niya, mukhang wala na nga siyang lakas na tumakbo. Namaywang ako sa harap niya kaya naman napatingin siya sa akin. “Suko ka na agad?” nakangising tanong ko sa kaniya at siya naman ay inosenteng nakatingin lang sa akin. “Ang pangit mo palang ka-bonding,” sabi ko at nawala sa labi ko ang ngisi. Hinawakan ko ang braso niya at buong lakas na tumakbo pataas at humabol sa mga kasamahan namin. Para lang siyang bagay na nagpapatangay sa akin, binilisan ko pa ang takbo kaya naman muntik na kaming makahabol sa kanila. Naramdaman ko na parang gumaan si Axe kaya naman nilingon ko siya at nakita ko na tinutulak siya ni Kale sa likod. “Makisama ka Axe!” singhal nito habang pinipilit na patakbuhin si Axe. Nagpatuloy kami sa gano’ng posisyon, hinihila ko si Axe at tinutulak naman siya ni Kale. “S-sandali—” Bumagsak ang katawan ko sa lupa dahil masyado nang mabilis ang takbo ni Kale kaya naman nagcross ang mga paa ko dahilan ng pagbagsak ko sa lupa. “Xhion!” lumapit sa akin si Kale at Sky para itayo ako. Tumayo ako at napansin ko na patag na ang tinatapakan namin. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Clarence na nakahawaka sa braso ko habang pinapagpagan ang jacket na suot ko. “O-oo, na-out-balamce lang ako,” sabi ko at nag-strech dahil masakit ang katawan ko sa pagbagsak ko. “Bakit ba kasi tinulak mo si Kale!?” tanong ni Clarence kay Sky na nakahubad na ng jacket niya at tanging T-shirt na lang ang suot pang-itaas. “Pasensya na ha, dyablo kasi ’yong nasa likod ko.” Pilit na ngiti ang binigay sa akin ni Sky habang nagkakamot sa ulo niya. “Huh? Sino ba nasa likod mo?” tanong ko sa kaniya. “Si Hobi, sa akin sumusunod,” bulong nito sa akin habang nginunguso pa si Hobi na kinakausap ni Coach. “Nakakakilabot nga para akong hinahabol ni kamatayan,” sabi nito at natawa sa sarili niyang kalokohan. Napailing na lang ako bago tumalikod. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko na nandito na ang lahat, nakaupo na ang iba sa kanila at ang iba naman ay nakahiga sa damuhan at syempre kasama na do’n si Axe na naghahabol ng hininga. Sinipa-sipa ko ng mahina si Axe para tumingin siya sa akin. “Bakit?” mahinang tanong nito sa akin. “Nag-uumpisa palang tayo,” ani ko at tumabi sa kaniya. Dineretso ko ang paa ko at tinukod ko ang dalawang kamay ko sa likod ko habang nakaupo. “Alam ko at parang ayaw ko ng umulit,” sabi nito bago pumikit. Pansin ko na parang park itong hinintuan namin dahil may mga upuan dito at mga puno, idagdag mo pa ang playground sa gitna. Walang ibang tao bukod sa amin. “Nasaan tayo?” tanong ko sa kaniya at bumangon naman siya at sinuri ang paligid. “Ito ’yong bayan na tinutukoy ni Coach, parke na ’to kung nasaan tayo ngayon.” Napatango ako sa sinabi niya, sumandal ako sa may puno sa likod namin. May tinuro siya kaya naman tumingin ako do’n. “Sa kalye na ’yan papunta sa isa pang gym dito sa bundok.” Pilit kong tinanaw ang kalye na tinuturo ni Axe pero hindi ko nagawa dahil kahit na maliwanag na ay medyo may kakapalan pa rin ang hamog. Nagbuga ako ng hangin sa bibig at kitang-kita ko ang usok ng hininga ko. “Sa likod nito ’yong pinaka bayan kung saan p’wede tayo mamili.” Tumango ako at tumingin kay Coach nang lumalakpak ito. “Ala-sais ay bababa na tayo kaya naman pagpahinga na kayo.” Tumingin ako sa relo na suot ni Axe. Five-forthy palang, may twenty minutes pa kami para makapagpahinga. “At saka may hinihintay lang akong kaibigan na papunta na rin dito.” Tumango kami bago magkaniya-kaniya. Ang iba ay lumabas sa park at hindi ko alam kung saan pupunta, kami naman ni Axe ay nanatili kung saan kami namamahinga kanina. “Sky! Samahan mo muna ako may bibilhin ako sa bayan!” sigaw ni Clarence. Sabay-sabay na tumayo si Lymier, Kale at Sky. “Si Sky lang ang tinatawag ko,” sabi ni Clarence at inakbayan naman siya ni Lymier bago piliting maglakad. “Ayaw mo ba kaming kasama!?” tanong ni Kale at hindi ko na narinig ang sagot ni Clarence dahil nakalayo na sila sa amin. “Ikaw hindi ka ba sasama sa kanila?” Tanong ko kay Axe at nilingon ito, nakita ko na nakadilat ang isang mata nito at ang isa ay nakapikit. “Pagod pa ako.” Aniya at dinilat ang isa pang mata. “Baka ikaw may bibilhin sa bayan?” Umiling ako dahil bukod sa wala akong bibilhin ay wala din akong dalang kahit na ano, ultimong cellphone ko ay hindi ko dala. “Siguro ay pag-uuwi nalang tayo ay bibili nalang ako ng padalubong para sa mga kaibigan ko.” Saad ko at napatango naman siya. “Aray ko! Aray! Coach! May amazona dito! Aray!” Narinig ko amg boses ni Clarence na parang binubugbog na ewan. ‘Ang Akala ko ba ay pupunta sila sa bayan?’ “Tama na!” Napataas ang kilay ko dahil pati ang boses ni Kale ay naririnig ko na parang umaawat. Nakita ko si Coach na nagmamadaling pumunta kung saan nanggagaling ang ingay. Nakita ko na nagmamadali ding tumayo si Axe at sumunod kay Coach kaya naman tumayo na din ako. May pagkachismoso din pala ’tong si Axe. Sumunod ako sa kanila at nakita ko na halos lahat ng kasamahan namin na nakikiawat na din sa gulo sa poste. “Aray ko!” Malakas na sigaw ni Clarence at nakita ko na nakisiksik si Coach sa kumpulan nila Kale. “Emerald! Emerald enough!” Napataas ang kilay ko dahil sa babaeng inaawat ni Coach. “Emerald!” Sigaw ni Axe at lumapit sa babaeng nagpupumiglas sa bisig ni Coach. Napangisi ako at nagcross-arm. “Pambihira ka naman Emerald, bakit ba nanunungod ka!? Ano bang kasalanan ko sa’yo!?” Inis na tanong ni Clarence habang inaayos ang buhok niya na mukhang pugad ng ibon dahil sa gulo. “Wow naman nagkaamnesia ka na Clarence!?” Tanong ni Emerald, yes it’s Emerald. Nagulat ako pero saglit lang. “Enough! Enough! Enough!” Pumagitna si Coach sa kanila. Napansin ko na may mga ibang mukha dito na nakikitawa sa eksena nila Clarence at Emerald, si Sky ay nakatalikod at halatang nagpipigil ng tawa samantalang sila Kale at Lymier ay harap-harapang nakangisi kay Clarence. “Anong nangyayari dito?” May lalaking sumulpot na siguro ay kasing edad ni Coach Chan. “Ms. Tuazon?” Tumingin ito kay Emerald na nakasabukot ang mukha habang nakatingin kay Clarence. “Wala naman po may demon— may baliw lang po akong nakita.” Palusot ni Emerald at umirap kaya naman sa akin napunta ang paningin niya. “Eve!” Lumapit siya sa akin at isang malakas na hampas ang sinalubong niya sa braso ko. “Ouch.” Napangiwi ako dahil sa lakas ng hampas ni Emerald. “Akalain mo nga naman na sa iisang bundok lang pala tayo!” Masayang ani nito at pinaghahampas ako sa braso. Kawawa talaga ko pag ito mga kasama ko, lagi akong lamog. “Kumusta ang training niyo ha!? Masaya ba!?” Malakas na tanong nito sa akin kaya naman nagpilit ako ng ngiti sa kaniya. “Oo naman, ikaw ba? Mukhang puyat ka, ang laki ng eye bags mo.” Sabi ko at tumawa naman siya. “Oo, hindi kasi ako pinatulog ni Ate Shalome kagabi, kasama niyo ba siya?” Dere-deretsong sabi nito, nagtakha naman ako ng lumingon-lingon pa siya na parang may hinahanap. Luminga-linga din ako dahil baka kilala ko ang tinutukoy niya. “Sino bang hinahanap mo?” Tanong ko ulit sa kaniya. “Si—” “Xhion! Bababa na tayo!” Sigaw ni Clarence na naglalakd na palayo. “Sige, Emerald sa susunod nalang. Mukhang magkalapit naman tayo.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumakbo na pasunod kila Clarence, hinila ko na din si Axe na nakatayo sa gilid ng kalsada. “Emerald~” Kakawala pa sana siya sa pagkakahawak ko pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya. “Tara na!” Singhal ko kay Axe nang bantain niya na naman na kumawala sa pagkakahawak ko. Nakita ko na tumatakbo papalaput sa amin si Coach at tinulungan ako hilahin si Axe palayo kay Emerald na wala nang naririnig dahil nakaearphone na siya habang nakapikit at nakasandal sa puno. “Axe! Tara na!” Binuhat siya ni Coach na parang sako. “Sa akin ka na sumabay.” Ani ni Coach at lumingon sa akin. “Sige na Xhion sumama ka na kila Kale ako na ang bahala kay Axe.” Tumango ako at napansin ko na parang papunta sila sa isang mini gyp. Sumunod nalang ako sa sinabi ni Coach at hinabol sila Kale na tumatakbo na pababa, may kalayuan na sila sa akin kaya naman medyo binilisan ko ang pagtakbo ko. Narinig ko na may bumusina na sasakyan kaya naman tiningnan ko ’yon at nakita ko na sila Coach ’yon kaya naman bahagya akong kumaway bago nila ako malagpasan. Akalain mo nga naman ang swete ni Axe hindi na tumakbo pababa pero bakit ba kasi humahabol siya kay Emerald? Kilala niya ba si Emerald? Tss. Huminto ako saglit dahil nakita ko ang sintas ng sapatos ko na nakatanggal. Yumuko ako para ayusin ’to. Habang sinisintas ko ang sapatos ko ay may nakita akong dumaan na paa sa gilid ko kaya naman tumingala ako, si Hobi. Minadali kong ayusin ang sintas ko at pilit na sumabay sa kaniya. Naririnig ko ang mabi igat niyang paghinga habang mabagal na tumatakbo. Hindi ako marunong mag-umpisa mg usapan lalao na kung hindi ko naman ka-close ang kakausapin ko. Hindi ako makasabay mg maayos kay Hobi dahil mahahaba ang bias niy kaya naman malalaki ang mga paghakbang niya. Napailing nalang ako bago tumakbo mg normal, wala naman akong balak na makipagkaibigan sa kaniya lalo na kung gano’n ang ugali niya. Hinayaan ko siyang maunang tumakbo habang nasa huli ako. Sabi ko naman hindi ako palakaibigan na tao, hindi ako marunong mag-umpisa ng conversasion at higit sa lahag minsan ay wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Huminto ako sa pagtakbo ay maglakad nalang, mabilis na ang t***k mg puso ko at tagaktak na ang pawis ko kaya naman mas mabuti muna na maglakad na muna ako. Nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa bulsa ng pants ko at naglakad. May nakikita na din ako kahit papaano ng mga sasakyan na dumadaan sa kalsada kung saan ako naglalakad. Nakikita ko na rin ang nang-maayos ang paligid dahil humupa na ang makapal na hamog kanina, berde ang bundok, malalim nga ang bangin na nasa gilid namin at ang dagat na asul na tanaw mula dito sa kinatatayuan ko. Binaba ko ang leeg ng jacket ko na tumatakip sa kalahati ng aking mukha, nagbuga ako ng malalim na hininga. “Ang ganda.” Napapailing ako dahil sa ganda mg tanawin na nakikita ko, kung nakikita sana ni Mommy ang nakikita ko ngayon sigurado akong masayang-masaya siya. Napangiti ako. Gustong-gusto ni Mommy ang mga ganitong tanawin, lalo na ang paglubog at paglitaw ng araw. Kung siguro lang ay kasama mo ako nang mga oras na ’yon mom... baka magkasam pa rin tayo hanggang ngayon. Nagpatulog ako sa papalakad, binuksan ko ang zipper ng jacket ko dahil maanit na sa pakiramdam. Hindi ko alam kung anong oras na, wala akong dalang relo kata naman tinaas ko ang aking kamay sa harap ko. “Six-thirty.” Ginamit ko ang sinag ng araw. Binilisan ko ang paglalakad ko dahil malapit na magsimula ang practice namin. Nadaanan ko ang kinainan namin kagabi nila Axe, gusto ko sanang bumili ang kaso ay wala akong dalang wallet o barya man lang. Lumiko ako sa kanto kung saan makikita amg gate ng gym na pinaglalaruan namin. “Xhion! Dalian mo!” Sigaw ni Sky kaya naman lumapit ako sa kanila. “Bakit?” Tanong ko dahil nagkumpulan sila sa isang gilid. “GIS ang makakalaban natin ngayon.” Ani ni Kale na seryoso ang mukha GIS? Sila amg hindi naman nakalaro kahapon dahil wala pa raw ang ibang mga player nito. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nakasabay ko kahapon sa paglalakad, sa GIS siya nabibilang. “Tara na.” Ani ni Clarence at naunang pumasok sa loob ng gym habang kami naman ay nagsisunuran sa kaniya, si Axe ay sinabayan ko sa paglalakad dahil bagsak na naman ang mga balikat nito habang nakayuko. “Anong problema mo?” Tanong ko sa kaniya dahil baka may problema siya at mawala amg konsitrasyon niya sa laro. “’Yong cellphone ko kasi, iniwan kong nakacharge tapos... tapos...” Hindi niya matulog ang sinasabi niya dahil parang hindi niya gusto ang sasabihin niya. Hindi ko na sana siya papakinggan nang magsalita ulit siya. “Iniwan kong nakacharge tapos hindi ko napansin na hindi ko pala naisaksak sa saksakan.” Napangisi ako sa sinabi niya. “Ok lang ’yon, mamaya mo nalang icharge, magfocus muna tayo ngayon sa laro dahil mukhang malakas ang makakalaban natin.” Pinaglaruan ni Axe ang mga daliri niya bago maupo sa bench sa loob ng gym. Dumeretso naman ako sa locker namin dahil magpapalit na ako mg pang-laro na damit, ako nalang kasi ang makajacket at silang lahat ay naghahanda na sa paglalaro. Bumasok ako sa isang cubicle at do’n naghubad at nagpalit, tiniklop ko ang mga hinubad ko at lumabas. Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa gulat. “Oi! Ikaw pala!” Tumaas amg kilay ko dahil sa isang lalaki sa harapan ko. Siya ang nakasabay ko kahapon. Nakabihis na din skya at halatang handa nang maglaro. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiti ng malapad sa akin. “Akalain mo nga naman, kayo pala amg makakalaban namin ngayon?” Tanong nito kaya naman tumango ako. “Oo, sige sa laban nalang tayo magkita.” Tinalikura ko siya at bumalik sa locker upang ilagay muna do’n amg maduming damit ko. Pumunta ako sa mga kasama ko na nagwawarm-up na. Umupo ako sa sahig upang magstretch. Nakasuot ako mg sickling short na umaabot hanggang tuhod ko, mas kumportable ako sa ganito. Inabot-abot ko amg dulo ng paa ko upang mabanat ang likod, braso at mga binti ko. “Starting line-up.” Tawag ni Coach sa mga player na nasa starting line-up namin. “Xhion ikaw muna ang pumalit kay Chivas.” Takha akong tumingin Kay Coach. “Coach?” Tawag ko pa dito dahil baka magkamali lang ako ng rinig. “Ikaw muna ang unang papasok dahil wala sa kundisyon si Chivas, nanginginig ang tuhod niya.” Tumingin ako kay Chivas at nakita ko nga siya na nakaupo at parang lamig na lamig dahil nanginginig nga ang tuhod niya. “Nabigla siya sa pagtakbo kaya naman nagkaganigan siya.” Tumango ako, wala akong ibang magagawa kung hindi ang pumasok sa umpisa. Ang p’westo namin ay, si Clarence, Axe at Kale ang nasa net, ako at si Hobi naman ay nasa magkabilang dulo at ang server namin ay si Jasper. Nasa labas si Sky dahil ’yon ang napag-usapan, mamaya siya papasok pag nasa gitna na ako ng net dahil si Jasper ang magiging reciever namin sa likod na dapat si Sky, si Jasper din ay may problema sa magrecieve pero sa pagserve ay s’wabe ang galaw niya. “Nive serve Belo!” Sigaw ni Sky nang hampasin na ni Jasper ang bola. Hinanda ko at pinosisyon ko na ang mga kamay ko dahil narecieve ng kalaban ang bola. Wala si Jeoh sa loob ng court at nakaupo lang siya sa bangko, hindi ko din alam kung ano ang position niya dahil wala namang sinasabi sa amin si Coach sa mga makakalaban namin. Kay Hobi papunta ang bola at narecieve naman niya ’yon, pumunta ’yon sa taas ni Axe kaya naman umatras si Axe upang bumwelo. ‘Para kanino ’yan Axe?’ Hinintay ko ang senyas niya pero hindi siya sumenyas sa aming dalawa ni Hobi, pinataas niya lang ang bola at tatakbo na sana ako upang manglito sa kalaban pero.... ~PRIIITTTTTTT!~ Tanging talbog lang ng bola ang maririnig, ultimong pati sila Coach ay nagulat din sa nangyari. “WHOOOOOOOO!” Malakas na sigaw ni Sky dahilan para matauhan kaming lahat. ‘A-ano ’yong ginawa nila?’ Nakatitig lang ako kay Clarence na hindi rin makapaniwala sa nagawa niya. Q-quick Attack— hindi, that’s a normal spike... Ilang beses akong napalunok dahil hindi ako makapaniwaa sa nakita ko. “Xhion! Bola!” Nagulat ako nang makita ko na sa akin papunta ang bola kaya naman umatras ako dahil out ’yon. “Out!” Sabay-sabay na sigaw namin nang lumabas ang bola sa guhit. Dalawa na ang puntos namin samantalang ang kalaban namin ay wala pa rin. “Nice serve Belo!” Ani ni Kale bago humampass si Jasper sa bola. Napangiwi ako nang makita ko na sumabit sa net ang bola buti nalang at tumawid ito pakabila. Nasave pa rin nila ang bola kaya naman nasa ere pa rin ito. Nanlalaki ang mata ko nang may mapansin ako. Hinila ko si Jasper upang makipagpakit ng p’westo. Dumapa ako dahil sa isang malakas at matulis na spike na papunta sa gitna kung saan walang bantay. Tinukod ko ang kaliwang kamay ko sa sahig at ang kanan naman ay pinilit kong papuntahin sa ilalim ng bola. “CHANCE BALLLL!” Sigaw ko dahil nahabol ko ang bola, tumalbog ito sa likod ng kamay ko na masasabi ko na masakit dahil sa sobrang lakad ng pagkakahampas dito. Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa gilid ni Kale dahil nakita ko na magtotoss— hindi! Magfefeint si Axe, mali! Wrong timing Axe! “Axe!” Naunahan ako ni Kale sa pagtawag sa kaniya. Nanlalaki na naman ang mata ko nang makita ko na... “Linkster!” Gulat na napatingin si Hobi kay Axe namg tawagin siya nito dahil magtoto— feint? Naguluhan ako sa nangyari. ~PRIIITTTTTTT!~ Ang akala ko nang una ay magfefeint si Axe pero biglang nag-iba ang posisyon ng kamay niya at pumusisyon na magtotoss kaya naman nagtalunan ang blocker ng mga kalaban namin pero bigla siyang magfeint nang pababa na ang mga blocker. ‘Ha?’ “What...” ‘Ano ba ang mga nakikita ko? Seryoso na ba sila sa paglalaro?’ “Nice one Axe!” Tinapik siya ni Clarence sa balikat. Napalunok ako, sino ba talaga amg mga kasama ko? Bakit sa bawat laban nalang namin ay may pinapakita silang ibang galaw. “Kayo ba talaga ang wingless eagle....” Nagtawag ng time-out ang kalaban namin kaya naman lumapitnkaming lahat may Coach. “Axe, ano ang ginawa mo?” Tanong ni Sky sa kaniya nang makalapit kami sa bench. “Hindi ko rin alam, nalito kasi ako kung magtotoss ba ako o kung pagfefeint.” Napatanga kami dahil sa sinabi niya, napanganga ako dahil sa narinig ko. I-ibig sabihin hindi niya talaga technique ’yon? Ibig sabihin tyamba lang ’yon? “Dapat ay magtotoss talaga ako pero napansin ko na parang sinusundan at binabantayan ako ng blocker nila kaya naman naisip ko na magtoss kay Hobi pero nakita ko na napansin nila ’yon kaya naman no’ng tumalon sila ay kinuha ko ang pagkakataon para magfeint.” Nalaglag amg panga namin dahil sa mahabang paliwanag ni Axe. “Ikaw naman Clarence? Kailan mo pa namaster ang—” “Tsamba lang ’yon.” ~PRIIITTTTTTT!~ Gusto pa sana magtanong nila Sky kay Axe at Clarence pero nagtawag na ang ref dahil tapos na ang time-out ng kabila. Si Jasper na naman ang magseserve. Napabuga ako nang hangin dahil sa kabila na naman ang score. 16-10 ang score at laking pasaslaamt ko dahil nagpatuloyang maganda naming simula kanina. “Don’t mind!” Sigaw ni Sky at hinampas ang likod ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din pumapasok si Chivas dahil mukhang masama na ang pakiramdam niya. Nagbuntong gininga ako bago mapatingin sa bench ng kalaban, hindi pa rin pumapasok amg lalaking nakasabay ko kahapon na nakalimutan ko na ang pangalan. Napalingon naman ako sa lalaking tumabi sa kaniya, tss. Umiling nalang ako bago humarap sa kaharap iong blocker din. ’Yong lalaking tumabi sa lalaking tinutukoy ko kanina pa, siya lang naman ang lalaking nangmaliit sa amin mahapon pagdating namin. GIS... kayo ang matindi naming makakalaban. Nakita ko na nagtoss si Axe at nakita ko rin kung paano tumakbo si Hobi do’n pero... “Yahhhhhh!” Sigaw ni Clarence dahil sa ginawa ko. Nagspike lang naman ako. Tiningnan ko si Jeoh na nakaupo sa bench nila. Jeoh... naalala ko rin ang pangalan mo, nakatingin siya sa akin na paranf natutuwa sa ginagawa ko. “Quick Attack!” Sigaw nang katabi nito habang nakaturo pa sa akin “Tch!” Tumingin ako kay Hobi na magkasalubong ang kilay na naglakad palayo sa akin. “Kumusta ang toss ko? Kulang ba? Mataas ba masyado? Paling ba? Ano?” Sunod-sunod na tanong sa amin ni Axe kaya naman tinapik ko siya sa balikat. “Mababa pero ok naman.” Pumunta ako sa labas mg court dahil ako na ang magseserve. Masyado na akong ginaganahang maglaro. Hinagis ko pataas ang bola bago hampasin ’yon papunta sa side ng mga kalaban ko. Pumikit ako bago magsalubong ang mga kilay ko na tumingin sa mga kalaban ko sa kabilang net. Hindi nila nahawakan man lang ang bola dahilan para tumalbog ’yon sa loob ng linya, tumalbog ’yon ng malakas kaya namanumipad ’yon palayo sa amin. “Yahhhhhh!” Sigaw ni Clarence at nagtumbs up sa akin. “Ano ’yon? Spike o pinch?” Tumingin ako kay Sky na nagtanong sa akin. “No touch ace serve.” Sagot ko sa kaniya at sinapo ang bolang papunta sa akin. Pumunta ulit ako sa labas mg guhit, huminga ako ng malalim bago ihagis muli ang bola at inulit ang paghampas. “Ou—” Napahinto sa pagsigaw ang isang player sa kalaban namin dahil pasok ang serve ko. “Whoaaa~” Lumapit sa akin si Sky at hinampas ako sa likod. “Ang galing mo Xhion!” Hangang ani ni Sky. “Xhion!” Tumingin ako kay Kale nang tawagin nila ako. “Ayos!” Sigaw nila sa akin habang nakataas ang daliri nila na hintuturo.(?) Tumango ulit ako at lumabas muling sa guhit. Pinatalbog ng ilang ulit ang bola bago ito ilagat sa kaliwang palad ko, huminga ulit ako ng malalim. Tiningnan ko ang mga kalaban namin na nakap’westo na at handa nang magrecieve sa serve ko. Napangisi ako dahil may napansin ako. ‘Tss.’ Hinagis ko pataas ang bola at tinapik lang ’yon dahilan para mahulog ’yon sa unahan na walang bantay dahil nasa likod silang lahat. “Anak ng tokwa! Ang lupit mo Xhion!” Hinampas ako ni Lymier sa braso, talagamg kahit saan ako mapunta laging may sadista. “Oo nga! Akalain mo nakuha natin ang first set!” Humagalpak ng tawa si Sky. “Hindi mo naman sinabi Xhion na gano’n ka pala magserve.” Tumingin ako may Kale. “Para kang si Valencia kung magserve.” Napahinto ako dahil sa sinabi niya, nakangiti siya sa akin kaya naman pinilit ko nalang na ngumiti. 25-16 ang score namin at natapos ang first setbnamin na hindi man lang nagpapalit ng player ang kalaban namin na ipinagtatakha ko, pati ang Coach nila ay kalmadong-kalmado lang habang pinapanood sila. Alam ko na may balak sila. “Coach bakit hindi po tayo gumawa ng plan?” Biglang sabi ko na nakapagpatigil sa kanilang lahat. “Plan?” Takang tanong ni Hobi at naptingin naman ako sa kaniya dahil himala ata na nakikinig siya sa usapan namin. “Ano sa palagay mo ang iniisip mo?” Tumayo ito kaya naman tumayo din ako upang harapin siya, wala akong balak na patulan siya pero wala din akong planong atrasan siya. Agad na nagsitayuan sila Coach at pumagitan sa amin. “Ang plano ginagawa kung makikipaglaban ka!” Napataas ang kilay ko dahil sa biglang pagtaas ng boses niya. “Ano bang sa tingin mo ang ginagawa natin?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya bago mapangisi. Nakipagtagisan ng tingin sa akin si Hobi. “Xhion! Linkster!” Awat sa amin ni Coach. “Xhion, tara na.” Hinila ako ni Axe papunta sa loob ng court. “Kumalma ka nga.” Bulong nito sa akin. “Tss!” tumingin ako sa kabila ng net at lalo pang nagsalubong ang kilay ko nang isang Jeoh ang nakatingin sa akin habang nakangisi. “Simulan na natin ang laro?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD